Chapter 3
Treat You Better
Nililinis ko loob ng sasakyan ko ngayon bago pumuntang school
May nakita akong kulay purple sa may ilalim ng seat
Inhaler ‘to ah?
Kay Rina siguro ‘to
May asthma pala siya…
Wait
Hindi ko pa pala siya namemessage
M: goodmorning Rina!!!! 🥰🥰🥰🫀🧠
K: Morning. Bakit may heart at brain yan?
Uy bago ‘to ah? ang bilis magreply
M: ang bilis naman nung reply mo… parang hinihintay mo talaga ako 😊
K: kapal
M: kalma ka lang Rina, ako lang ‘to, may 🧠🫀 yan nasi palagi kang nasa puso at isipan ko
K: bye
M: waitt joke lang!!
Hala hindi na nagreply
Tawagan ko nga…
Maasar ‘to panigurado
Sumagot na siya
M: he-
K: bakit?
M: wala lang gusto ko lang marinig boses mo
K: bye
M: wait lang Rinaaa!! Joke lang kasi pero hindi joke na gusto ko marinig boses mo
K: what is it? make it quick I’ll take a bath na
M: naiwan mo yung inhaler mo sa sasakyan ko
K: I was searching for it nga kagabi
M: bakit hinika ka ulit?
K: yes, pero may extra naman ako sa bahay
M: Rina
K: hm?
M: kapag ginamit ko ‘tong inhaler mo indirect kiss na yun diba?
K: gago ka ba? Umayos ka nga
Natawa naman ako, ngayon ko lang siya narinig mag sabi ng ‘gago’ bakit pag galing sakaniya okay lang sa akin na matawag nun?
Nababaliw na ata ako, kinikilig ako eh
K: bring it later, kuhanin ko sa school
M: sunduin nalang kita?
K: sige
M: uy di ka nagpabebe ngayon ah?
K: I’m too lazy to drive, did you just say that I'm pabebe?
M: ha? Sinong may sabi na pabebe ka?
K: psh
M: hindi ka pabebe, pero pwede kita maging bebe, char... not char hehe mag aayos na ako tapos punta na ako dyan
K: sige
M: sabihin mo naman ingat para kunwari sweet
K: bye
Sana lagi na siyang tamadin magdrive… para sabay kami palagi
Makapag ayos na nga, hindi pwedeng malate ang sundo ko sakaniya, magagalit yun pag nalate sa klase
…
Pagkarating ko sa harap ng bahay nila andun na siya sa may gate
Pagkahinto ko sa tapat niya, nagulat ako
Sa backseat siya umupo!
Lakas ng trip
Pero sige sakyan ko nalang…
“Buksan ko na po ang metro ma’am?”
Hindi niya napigilang matawa as in yung tawa talaga
Sobrang sarap pakinggan nung tawa niya
Lord ang ganda
“I saw this trend kasi on tiktok, they’re pranking their jowa na sinusundo sila then sa likod sila uupo”
Paliwanag niya
Pero wait
“So I’m your jowa?” Sabi ko at lumingon na nang tuluyan sakaniya
Kitang kita ko pagkawala ng ngiti niya
“Nope you’re my driver”
“Kung magiging jowa mo ako magiging driver mo na ako habang buhay”
“No thanks, tara na malalate na ako”
“Mag seat belt ka po muna ma'am"
"Nasa backseat naman ako, no need na"
"Mag seatbelt ka na para maka alis na tayo" Inirapan niya muna ako bago niya nilagay
"Tara na? Wala ka nang naiwan?"
"wala na"
"pwede mong iconnect phone mo, para sa gusto mong songs"
"I like your playlist" napangiti naman ako
Hindi nagtagal nagulat ako sa nagplay na kanta, kanta ko 'to
"What's the title of this song? Ang ganda, and who's the singer? I like her voice"
"That's my song"
"really? Ikaw rin nagsulat?"
"yes, sa paglapat ng melody ako din, ikaw unang nakarinig nito, hindi ko pa naipapakinig sa banda"
"It's really good" sabi niya sa akin habang nakatingin sa labas
"na-inlove ka ba sa akin bigla?"
"I just like your voice" sana ako rin
"try mo ko panoodin nang live, try natin baka mainlove ka na sa akin"
"What's the difference naman of seeing you performing live?"
"syempre pag live mararamdaman mo yung kanta, tapos ang cool ko kaya sa stage"
"ah so you're so cool kaya ka maraming nakukuhang girls?"
"oo naman"
oops
Nadulas ako dun ah?
Tiningnan ko siya gamit ang rear view mirror, naiiling lang siya
Dati lang naman yun eh, at yung mga girls naman na yun inosenteng date lang talaga kami, kahit tanungin pa nila mga naging ex ko, kamay nga lang nila hinawakan ko
Hindi ko nga alam kung saan nila napulot yung mga tsismis tungkol sa akin na ang lala talaga
...
Sinamahan ko na din siya papunta sa room niya
"Sabay tayo mamayang lunch?" Tanong ko sakaniya bago siya pumasok
"yes, with our friends"
"Sige, see you later Rina, galingan mo sa klase ha?"
"I'm always magaling" sabi niya at pumasok na, hindi man lang nag babye saakin?
Pero okay lang, basta ganito kaganda at kacute ang magtataray sa akin, tatanggapin ko nang buong buo
...
Nagla-lunch na kami ngayon
“Oh my god!” Nagulat ako kay Rina
Napatingin kami sakaniya
“Bakit?” Nagaala kong tanong
“I forgot my problem set” naiiyak na siya, hindi pa naman tumatanggap ng late si Miss Bae
Naku!
Terror kasi si Miss Bae, kung ano ang ikinaganda niya yun din kina-terror niya, level 1 taray niya sa labas ng classroom pero kapag nasa klase level 99
Malate ka lang ng isang minuto hindi natatanggapin papel mo, matic zero na
“Rina ano oras class niyo?” Tanong ko
“1pm”
That’s 30 minutes from now
Kaya ‘to
“RJ!! Pahiram ako motor mo”
Inihagis niya sa akin ang susi ng motor niya
"magmomotor ka?" Tanong ni Rina, tumango naman ako
“Min please be careful” sabi niya sa’kin nginitian ko lang siya at nagmadali nang umalis
Okay nakakakilig yun pero walang panahon para kiniligin
Pero pwede namang tumakbo habang kinikilig
Ayun na nga ginagawa ko ngayon
Yung ‘Min please be careful’ niya…
Shemay
Please be careful with my heart din naman Rina, dahan dahan lang sa pagpapakilig paano na ako hihinga niyan?
…
Nakarat
Comments