Chapter 10

Treat You Better
Please Subscribe to read the full chapter

 

Nakatambay lang ako ngayon sa bahay nina Rina, nag aaral kami para sa finals wala kasi kaming klase at practice ngayong araw. 

 

Nahihilo na ako kanina pa ako nagbabasa, hindi na ako masyado nag focus sa solving kasi madali na naman yun. Mas gusto ko talaga mag solve nalang kesa mag saulo ng mga terms.

 

“Min hindi ka talaga nagpapractice mag solve?” tanong sa akin ni Rina, nagbabasa lang kasi ako ngayon

 

“mamaya siguro sa bahay, madali na naman yun” sabi ko

 

“so yabang” sabi niya at inirapan ako

 

“bakit?” natatawa kong tanong

 

“I know na madali na naman ang solving pero yung mga formula kasi ang dami. Dun ako nahihirapan” sagot naman niya

 

“nagdderive nalang kasi ako, mas madali na yun kasi hindi mo na kailangan sauluhin lahat ng formula diba?”  tumango tango naman si Rina at nagpatuloy na sa pagsosolve 

 

Mamaya na ako ulit, halos nakakalahati na naman ako sa binabasa ko.

 

"meryenda tayo?" sabi ko 

 

"let's order nalang" sagot ni Rina 

 

"ako nag mag oorder, pahiga sa bed mo ah?" hindi ko na siya hinitay sumagot at nag dive na sa kama niya, ang bango ng bed niya parang niyayakap ako feel ko makakatulog ako agad.

 

"let's have pizza kaya?" sabi niya 

 

"sige parang gusto ko nga din" sagot ko naman, umorder na ako. "pwede ba ako matulog? gisingin mo nalang ako pag dumating na ang pizza" 

 

"sure" sagot niya na hindi na humaharap sa akin. 

 

Antok na antok na ako, at mas inantok ako nang niyakap ko na ang unan niya, kaamoy niya kasi... ang bango parang siya na din yakap ko. 

 

...

 

"Min, dumating na order natin... wake up na" ang lambing lang ng boses niya. 

 

Gising na naman ako pero nagkunwari akong tulog, gusto ko lang malaman gagawin niya. 

 

"Min... wake up!!" kahit medyo nilakasan na niya boses niya ang lambing parin talaga. 

 

Biglang nanahimik, akala ko iniwan na niya ako.

 

"WAKE UP!!!" sabi niya habang...

 

Habang nakapatong sa akin.

 

Teka lang.

 

Napamulat ako at nagkatinginan kami.

 

Mukhang nagulat rin siya sa ginawa niya. Aalis na sana siya mula sa pagkakapatong sa akin pero niyakap ko siya kaya hindi siya maka-alis.

 

"Minjeong baka biglang pumasok si yaya!!" nagpapanic niyang sabi, napansin ko ding namumula na siya.

 

"pinatungan mo ako Rina kaya panindigan mo ako" sabi ko naman, nanlaki ang mata niya na ikinatawa ko, ang sarap talaga asarin nito.

 

"gusto lang kasi kita gisingin!!" sagot niya habang hinahampas ako nang mahina, hindi ko alam kung naiinis na talaga siya pero mas mukhang nahihiya na siya. 

 

"ngayon lang ako nakakitang nanggigising na nangpapatong ha?" sagot ko.

 

Natawa naman ako kasi nagpumiglas na ulit siya pero hinigpitan ko lang lalo ang pagkakayakap sa kaniya.

 

Teka... nanlambot ang buong katawan ko.

 

Nakita ko nalang na tumatawa si Rina palabas ng kwarto.

 

Hindi mag function nang maayos ang utak ko sa ginawa ni Rina.

 

Napahawak ako sa leeg kong...

 

Hinalikan niya...

 

Pero parang hindi lang halik yun eh

 

Naramdaman ko yung...

 

Ayoko na isipin.

 

Hawak ko parin ang leeg ko pababa ng hagdan, nakasalubong ko naman si yaya.

 

"oh masakit leeg mo?" tanong niya 

 

"opo nangalay lang po sa pagtulog" pagdadahilan ko 

 

tumango naman si yaya "ahh mawawala rin yan maya maya, andun na si Rina kain na kayo roon"

 

"kayo po kumain na kayo?" tanong ko naman 

 

"oo sige na kumain na kayo roon huwag niyo na ako alalalahin" sabi niya at nilampasan na ako.

 

Pagdating ko sa kitchen naabutan ko siyang nagtitimpla ng juice. Nginitian niya ako nang makita niya ako pero sinimangutan ko lang siya na ikinatawa niya.

 

"let's eat!" sabi niya habang umuupo sa chair sa tapat ko.

 

Habang kumakain kami napatingin siya sa leeg ko.

 

"omg nag mark pala?" gulat na tanong niya. 

 

Nanlaki ang mata ko "talaga?!" tumango naman siya.

 

First time ko magkaron ng ganito...

 

Tumayo ako bigla at lumapit kay Rina.

 

"w-why?" tanong niya habang nakatingin sa akin.

 

"babawi ako!!" sabi ko sa kaniya at lumapit ako sa kaniya, mabilis naman siyang nakatayo at lumayo sa akin. 

 

"wait Minjeong!! madadaan naman natin 'to sa mabuting usapan!!!" sabi niya habang tumatakbo, hinahabol ko na kasi siya.

 

Natatawa siya habang tumatakbo palayo sa akin.

 

Naghahabulan na kami sa backyard nila.

 

Napairit siya nang mahabol ko siya, niyakap ko na siya mula sa likod.

 

"Minjeong, sorry na please" hinihingal niyang banggit.

 

"anong sorry sorry? hindi pwede, gawin ko din sayo yun" sabi ko 

 

"do you even know how?" sabi niya habang nagpipigil ng tawa.

 

oo nga 'no?


"o-oo" sagot ko

 

Natawa naman siya at humarap sa akin.

 

"Sige nga?" Sabi niya habang inilalapit ang leeg niya sa akin.

 

Nawala yung tapang ko kanina... 

 

Nagiwas ako ng tingin at binitawan na siya.

 

Natawa naman siya lalo at niyakap ako.

 

"you're so cute, Minjeong" hawak na niya ang mukha ko at pinanggigilan ang cheeks ko. 
 

Nakasimangot ako pero napangiti na din ako agad dahil sa ngiti niya. 
 

Ang ganda talaga... kahit nangangagat.

 

Naalala ko na naman, nagiinit tuloy mukha ko, ang pula ko na siguro ngayon

 

"matagal pa ba yan Rina?" napaharap kami sa pinanggalingan ng boses.

 

Si Aeri pala, mukhang bored at nandidiri na siya habang pinapanood kami.

 

"Riri!! what are you doing here?" sabi ni Rina at humiwalay nang kaunti sa akin pero hinawakan niya ang bewang ko. 

 

Tiningnan ako ni Aeri "Minjeong pwede ko ba mahiram si Rina?" tumango naman ako agad, hindi naman dapat sa akin magpaalam.

 

"what happened Ri?" lumapit na kami kay Aeri

 

"Yeji's sister called me kasi, umuwi daw si Yej na umiiyak kaya I called her at sa sobrang pag iyak niya pangalan lang ni Ryujin ang nasabi niya" sabi niya, bakas naman sa mukha nila ang pag aalala

 

Ano na naman kayang ginawa ni Rj?

 

"sige na Rina kailangan kayo ni Yeji, gusto niyo ba ihatid ko kayo?" alok ko sa kanila 

 

"no need na may dala akong car, puntahan mo nalang ang bestfriend mo" sabi ni Aeri at hinila na paalis si Rina. 

 

Nilingon naman ako ni Rina at tiningnan niya ako na parang nagsosorry siguro dahil maiiwan ako bigla. Nginitian ko lang naman siya at tumango.

 

Pumunta na ako sa kwarto ni Rina para kuhanin ang mga gamit ko, pupuntahan ko kasi si Rj. Medyo makalat ang table ni Rina pero hindi ko na pinakelaman kasi para sa kaniya organized yun. 

 

Nagpaalam na ako kay yaya bago umalis.

 

... 

 

Hindi sumasagot sa akin si Rj pero alam ko naman kung saan siya pupuntahan. 

 

Pagkarating ko sa studio andito nga siya, naglalaro sa PS 5 niyang dinala dito kasi mas madalas naman daw siya dito kesa sa bahay nila. 

 

"Rj" tawag ko sa kaniya

 

"oh?" sagot niya sa akin na hindi man lang lumilingon. 

 

Umupo ako sa tabi niya at hinintay na matapos ang laro niya.

 

Nakatanggap ako ng message mula kay Rina 

 

K: Min, nakausap mo na ba si Rj?

M: kasama ko na siya ngayon, how's Yeji?

K: she's just crying, baka masabi ni Rj sayo yung reason please tell me agad.

M: I will.

 

Natapos na siya sa nilalaro niya.

 

"Rj huy kamusta?" tiningnan naman niya ako.

 

"kung may gusto ka malaman, irekta mo na" walang gana niyang sabi.

 

"nagkaproblema ba kayo ni Yeji?" tanong ko 

 

Tumango siya "nagkasagutan kami kanina... " 

 

Nararamdaman ko nang may nasabi siyang hindi maganda kay Yeji, kilala ko 'to kapag galit kung ano ano na ang nasasabi 

 

"eh ano ba sabi mo?"

 

Natahimik siya.

 

"ano nga?" tanong ko ulit 

 

"ang sabi ko sino ba siya para diktahan ako..." naku mali na agad 

 

"na wala lang naman siya para sa akin..." natigilan siya, parang inisip kung dapat pa niya ituloy "nasabi ko na mahalaga lang siya sa akin pag ano..."

 

Alam ko na sasabihin niya "huwag mo na ituloy yan gago ka" 

 

Sobrang disappointed ako sa kaniya.

 

"ganun lang ba talaga siya para sayo?" pag sinabi nitong oo sasapakin ko 'to.

 

Umiling naman siya

 

 "bakit mo ba kasi nasabi yun sa kaniya?"

 

"nagselos kasi ako sa kasama nila sa sayaw, narinig ko kasing umamin pala kay Yeji, kaya umiwas ako sa kaniya... kanina pinuntahan niya ako sa apartment ko tapos ang dami niyang tanong sa akin at dahil nga medyo inis pa ako sa kaniya may mga hindi ako magandang nasabi" mahaba niyang paliwanag.

 

"kung nagseselos ka na ibig sabihin nun gusto mo siya diba?" tanong ko naman, matagal ko na namang alam na gusto niya si Yeji, gusto ko lang na siya maka realize nun

 

"ayun dumagdag pa yun, nang marealize ko na gusto ko na siya natakot ako na masaktan ako"

 

Napabuntong hininga ako, ang hirap naman nito, pero may rason naman si Rj kung bakit ganito siya katakot pumasok sa relationship.

 

Pero hindi naman pwedeng ganito nalang lagi, hindi naman niya mapipigilan sarili niya na magmahal...

 

Shet ang baduy nun pero totooo naman kasi.

 

"natatakot kang masaktan sa huli kaya nanguna ka nalang manakit? Nasabi mo ang mga bagay na yun para lumayo siya sa'yo?" tanong ko, hindi naman siya nakasagot "kaya mo ba talaga pag lumayo na siya nang tuluyan sayo?" dagdag kong tanong 

 

Hindi siya nakasagot pero nangingilid na ang luha niya. 

 

"galit kaya siya?" tanong niya.

 

Binatukan ko naman siya "malamang gago ka ba?"

 

"anon

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Domdomdim
last year pa yung last kong update pala ˚‧º·(′̥̥̥ o ‵̥̥̥)‧º·˚

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
538 streak #1
Mic test mic test
fanficethusiast #2
Chapter 24: hello 🥺
bigboy123
138 streak #3
Chapter 24: *kumatok* tao po? 🥹
wnddmks_ 658 streak #4
Chapter 24: Miss you, tor
CincoYoo
#5
otor🥹
wnddmks_ 658 streak #6
Chapter 24: Tao pooooo
elalalala_
#7
Chapter 24: NAG UPDATE PALA SI IDOL NGANGAYON Q NAKITA HWHDHSVAGAVA THANK U POOOO🤩🤩🤩🤩🤩
seulreneislife #8
Chapter 13: gulo mo mare😭
seulreneislife #9
Chapter 12: Gago ka rina sa birthday talaga sinabi lol bas2s kang bata ka
osumnevercease
#10
update😭