Chapter 23

Treat You Better
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

W

 

Nasa condo ako ngayon.

 

Kanina pa ako nakatingin sa phone ko, nag message kasi si mom sa akin kanina, at hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nabasa ko.

 

“Oh bakit ganyan itsura mo?” Sabi ni ate na kararating lang 

 

“Nag away kayo ulit ni Karina?” Sinimangutan ko naman siya agad

 

“Hindi, at bakit si Rina agad naisipan mo”

 

“Eh siya naman palagi ang dahilan… pag masaya ka, dahil ni Rina…. Pag malungkot ka naman dahil ulit ni Rina” pang aasar niya sa akin.

 

“Tsk”

 

“Sus kunwari naasar, pero kinikilig na ‘yan” 

 

“Ate ang kulit” reklamo ko

 

Lumapit naman siya sa akin at kinuha ang iniinom kong milktea.

 

Agad ko namang binawi “yuck ate! Bili ka ng sa’yo”

 

“Grabe ka! Pero pag kay Karina okay lang na mag share kayo sa iisang straw?! Pero ako na ate mo a-“

 

“Ito na oo na sa’yo na” pag suko ko kasi marami pa siyang sasabihin pag hindi ko pa ibinigay.

 

Masaya naman siyang kinuha yung milktea.

 

“Parang bata talaga” bulong ko, pero alam kong narinig niya

 

“Nye nye nye” sagot niya

 

Hindi ko na siya pinansin at naisip ko na naman yung message sa akin ni mom.

 

“Ang lalim naman” sabi ni ate, nagtataka naman akong tumingin sa kaniya

 

“Ano ba kasi iniisip mo?” Seryoso niyang tanong.

 

“Si mom”

 

“Ano na namang ginawa sa’yo?!” Mabilis na tumayo si ate.

 

“Kumalma ka nga ate” sabi ko habang hinihila ulit siya paupo.

 

“Nag sorry siya sa akin”

 

“Ha?” Gulat na tanong ni ate

 

“Sana daw bigyan ko siya ng chance para makabawi”

 

“Magugunaw na ba ang mundo?”

 

“Actually ‘yan din naisip ko” sagot ko, na ikinatawa naming dalawa.

 

“Galit na galit siya sa akin nung nakaraan tapos ngayon makakatanggap ako ng text mula sa kaniya”

 

“Baka naman nagsisisi na siya”

 

“Ewan ko pero sobrang biglaan talaga”

 

“Baka binisita ni Gyu”

 

Agad ko naman siyang hinampas na ikinatawa niya.

 

“Pero ate hindi ko alam gagawin ko”

 

“Minjeong, ‘wag ka mapressure na patawarin siya, hindi naman biro ang pinagdaanan mo”

 

Nakikinig lang ako.

 

“Hindi naman porket nanay natin siya magkakaroon na siya ng free pass sa mga pinag gagagawa niya dati… take your time Minjeong, take your time para mag heal”

 

Hindi na ako nagsalita, inisip ko na lang mga sinabi ni ate. 

 

Ginulo niya muna ang buhok ko bago tumayo.

 

“Ano gusto mong kainin? Magluluto ako”

 

“Kahit ano na lang ate”

 

“Sige, si Yunjin ba sasabay sa atin kumain?”

 

“Hindi ko alam ate, pero try mo itext” sagot ko, tumango naman si ate at naglakad na papunta sa kusina.

 

Palagi kasing nakikikain dito si Yunjin, lalo na pag nagluto si ate.

 

Nanood na lang muna ako ng kahit ano sa tv habang hinihintay matapos ang niluluto ni ate.

 

Nakatanggap naman ako ng tawag mula kay Rina kaya pumunta muna ako sa kwarto, alam ko kasing makikinig si ate.

 

K: Min~ 

Napangiti naman ako agad, ang sweet lang ng voice niya.

M: hey, kumain ka na?

K: not yet, katatapos ko lang mag study but I’ll study ulit mamaya

M: late na, hindi ka pa nakakapag luto.

K: actually nakahiga na ako sa bed, baka makatulog na ako agad after this.

 

Napatingin naman ako sa orasan, 7pm pa lang. Gets ko din naman kung bakit maaga pa makakatulog na siya, ilang gabi din kasi siyang puyat.

 

M: don’t sleep yet… dadalhan kita ng food.

K: no need na babe… I mean Min

 

Babe…

 

Hindi ko na lang muna papansinin, kahit na kinikilig ako.

 

M: ‘wag na matigas ang ulo, I think patapos na magluto si ate. Pupunta ako dyan, sabay na tayo kumain.

K: okay… I’ll wait for you.

M: sige

K: drive safely, okay?

M: I will

 

Ibinaba ko na ang tawag at nag bihis na.

 

Pagkalabas ko sa kwarto agad akong pumunta kay ate.

 

“Ate pwede ko bang dalhan si Rina?”

 

“Oo naman, marami naman akong niluto. Dun ka na din ba kakain?”

 

“Opo”

 

“Sige sige, late na masyado kung uuwi ka pa, dun ka na lang matulog”

 

“Grabe ate ipagtabuyan ba naman ako?”

 

“Eh gusto mo rin naman, tigilan mo nga ako” sagot niya, inihanda na din niya ang pagkain na dadalhin ko.

 

“Ang dami naman ate, kaming dalawa lang ang kakain”

 

“Yung matitira ipatago mo kay Rina tapos iinit na lang niya pag nagutom siya ulit” tumango naman ako

 

“Okay lang na kumain ka mag isa?” Tanong ko

 

“Pupunta rin naman dito yung magpinsan na makulit”

 

Mabuti na lang pala hindi ako dito kakain, sobrang gulo kasi pag nagsama sama silang tatlo. Tapos ako pa palagi ang trip nila lokohin.

 

Actually kaya sila nagkasundo dahil iisa lang ang hilig nilang gawin… ang kulitin ako.

 

“Sige na, umalis ka na at baka nagugutom na si Karina”

 

“Opo”

 

“Mag iingat Minjeong”

 

“Opo” sagot ko ulit.

 

Pagkalabas ko ng unit nakasalubong ko agad sina Somi.

 

“Oh where are you going? Kakain na daw sabi ni ate” sabi ni Somi

 

“Secret” sagot ko 

 

Asar namang inirapan ako ni Somi na ikinatawa naman ni Yunjin.

 

“Ngayon ka pa aalis eh kaya nga kami pumunta para makakain tayo toge

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Domdomdim
last year pa yung last kong update pala ˚‧º·(′̥̥̥ o ‵̥̥̥)‧º·˚

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
538 streak #1
Mic test mic test
fanficethusiast #2
Chapter 24: hello 🥺
bigboy123
138 streak #3
Chapter 24: *kumatok* tao po? 🥹
wnddmks_ 658 streak #4
Chapter 24: Miss you, tor
CincoYoo
#5
otor🥹
wnddmks_ 658 streak #6
Chapter 24: Tao pooooo
elalalala_
#7
Chapter 24: NAG UPDATE PALA SI IDOL NGANGAYON Q NAKITA HWHDHSVAGAVA THANK U POOOO🤩🤩🤩🤩🤩
seulreneislife #8
Chapter 13: gulo mo mare😭
seulreneislife #9
Chapter 12: Gago ka rina sa birthday talaga sinabi lol bas2s kang bata ka
osumnevercease
#10
update😭