Chapter 11

Treat You Better
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Nasa studio ako ngayon, nagrerecord ako kanina pero dahil dumating si Ningning at binulabog ako hindi ko na maituloy ang pagrerecord ko.

 

Binabasa niya ngayon ang mga nagawa ko habang ako naglilinis, medyo maalikabok na kasi ang nga gamit

 

“Ayyy bet ko ‘to” sabi niya

 

“Alin?” Tanong ko, hindi naman niya ako pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa.

 

“Gusto ko din” sabi niya, napatingin naman ako sa kaniya hawak niya parin yung notebook ko na puro kanta

 

“Alin?”

 

“Eto, ano kaya feeling pag sinabihan kang ikaw ang pahinga niya? Wala pa nagsasabi sa akin nun” sabi ni Ning

 

“Ning, baka kasi mas mukha kang pagod” natatawang sagot ko

 

“Hindi ako palamura Minjeong pero tanginamo” asar na sabi niya habang binabato ako ng mga unan.

 

“Joke lang Ning!!” Sabi ko kasi nakita kong yung remote na ngayon ang hawak niya, inirapan naman niya ako at binitawan na ang remote.

 

Napatingin ako sa orasan, tanghali na pala.

 

“Gutom ka na ba?” Tanong ko sa kaniya

 

“Oo kanina pa” sagot niya

 

“Eh bakit hindi mo agad sinabi? Teka magluluto lang ako” pumunta na ako sa kitchen at sumunod naman si Ning.

 

Nakatanggap ako ng text mula kay Rina, kung kumain na daw ba ako nagreply naman ako agad.

 

Mamaya na kasi ang competition kaya magkakasama na sila nina Yeji ngayon.

 

Habang nagluluto ako naisipan kong itanong kay Ning ang tungkol kay Heejin.

 

“Ning” tumingin naman siya sa akin “may kilala ka bang Heejin?” Nanlaki naman ang mata niya

 

“She’s back?!” Gulat na tanong niya

 

“Nakita namin siya sa mall” sagot ko

 

“Ano sabi ni Rina?”

 

“Wala, nagmadali lang kaming umalis… sino ba siya?”

 

“Hindi ba sinabi sayo ni Karina?” Tanong niya, umiling naman ako

 

“Sorry Min but I think hindi ako ang dapat sumagot niyan” 

 

Siguro hintayin ko na lang na si Rina ang magsabi mismo sa akin

 

 

Pinuntahan ko na sa backstage si Rina binigay sa akin ni Aeri yung pass niya kaya pinapasok ako.

 

Gusto ko lang sana igoodluck si Rina sa personal.

 

Pero nagsisi ako agad na pumunta ako, andito kasi si Heejin magkausap sila.

 

Umalis na ako agad baka makagulo lang ako sa kanila. Bumalik na lang ako sa upuan namin 

 

“Oh ang bilis mo naman?” Tanong sa akin ni RJ pagkabalik ko sa tabi nila

 

“Goodluck lang naman sinabi ko, hindi na kailangan magtagal” sagot ko

 

“Kalma ka lang nagtatanong lang ako” sabi naman ni RJ

 

Naasar na ako, sino ba kasi si Heejin?

 

 

Nagsimula na ang comp

 

“Pang ilan ba sila?” Tanong ni RJ

 

“Panghuli daw sila” sagot mi Ningning

 

“Aeri si Heejin” bulong ni Ning pero narinig ko parin.

 

Napatingin ako sa kaniya, umupo siya sa may harap namin, may dala din siyang bulaklak… para kay Rina?

 

“What the hell? Bakit siya andito?” Sagot ni Aeri

 

Hindi ko na lang sila pinansin at itinuon ang pansin sa nagsasayaw.

 

Seryosong nanonood si RJ kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

 

Nagsasayaw kasi kami talaga ni RJ dati pero nung tumigil ako, tumigil din siya, ang sabi niya wala na din naman siya makakasama, kami kasi ni Gyu ang kasama niya dati.

 

Pagkatapos ng aksidente hindi na ako nagsayaw, hindi ko na magawa ang mga bagay na ginagawa namin ni Gyu dati kasi mas nararamdaman kong wala na siya.

 

“Hey are you okay?” Tanong ni Aeri tumango naman ako

 

Tahimik lang na nanonood si RJ

 

“RJ” tawag ko, tiningnan naman niya ako “ayaw mo ba sumali sa dance troupe?”

 

Sure naman na makakapasok siya, si RJ kasi pinakamagaling sumayaw sa aming tatlo

 

Hindi siya sumagot “mag audition ka sa kanila, makakasama mo palagi si Yeji”

 

“Ikaw ba?”

 

“Hindi ko na ata kaya magsayaw” sagot ko

 

“Kung hindi ka, hindi din ako”

 

“RJ, dancing is your first love, I know na mas magiging masaya ka sa pagsasayaw”

 

“Masaya na ako kasama ang banda” sagot niya

 

“Think about it parin, I’m sure maiintindihan ng banda kung sakaling gusto mo magsayaw” hindi na siya sumagot

 

 

Natapos na ang sayaw nina Rina.

 

Magaling naman sila… pero may kulang. Yung team na sumayaw bago sila sobrang solid 

 

“Do you think manalo sila? They did well diba?” Tanong ni Aeri

 

“Sa tingin ko hindi nila makukuha ang title” sagot ni RJ

 

“Ang galing kaya nila!!” Sabi ni Ning 

 

“Oo pero kulang” seryosong sagot niya

 

“Ang seryoso mo naman si Ryujin ka ba?” Tanong ni Ning

 

Natawa naman ako, basta sa sayaw nagseseryoso bigla ‘to 

 

… 

 

Katulad ng sinabi ni RJ nanalo nga sina Rina, runner up.

 

Kahit hindi sila ang nag title, I’m proud of her, nakita ko kung gaano sila nag effort para dito.

 

Naghihintay nalang kami sakanila dito sa labas, nag aya kasi ang parents ni Rina na mag dinner kasama kami.

 

Ngayon ang unang beses na makikita ko parents niya.

 

Hindi kami makapag meet dahil busy kami nitong mga nakaraang araw.

 

“Huy parating parents ni Rina” bulong sa akin ni Ning

 

Nanlamig ang buong katawan ko sa kaba

 

“Oh no” rinig kong sambit ni Aeri

 

“Tita!!” Sabi ni Ningning, napaharap naman kami agad sa binati ni Ning

 

Kasama nila si Heejin…

 

“Ningning hindi pa ba lumalabas ang pinsan mo?” Tanong ni tita

 

“Hindi pa po, tita tito si Minjeong po at Ryujin kaibigan namin” 

 

Bumati naman kami sa kanila, nginitian at binati din nila kami.

 

“Ningning pakisabi kay Rina na mauuna na kami sa resto, kailangan na pumunta kasi nagpa reserve na kami ng oras. Isasama na namin si Heejin”

 

Nakatingin lang ako sa kanila habang naglalakad palayo, nakahawak pa sa braso ni Heejin ang mom ni Rina

 

Hmm

 

Close din pala si Heejin sa parents niya.

 

Naramdaman ko ang pagsulyap sa akin ni Aeri at Ning.

 

“Sino yung Heejin?” Tanong ni RJ

 

“She’s… our friend” sagot ni Ning

 

“Before” dagdag naman ni Aeri

 

Magtatanong pa sana si Ryujin pero dumating na sina Rina.

 

Nakangiti siya sa akin habang naglalakad palapit, napangiti din naman ako pero napawi bigla nang makita ko na hawak niya ang bulaklak na hawak ni Heejin kanina.

 

Niyakap niya ako agad nang makarating siya sa tabi ko.

 

“Congrats, I’m proud of you” sabi ko

 

Humiwalay na siya sa yakap at nginitian ako “thank you, Min”

 

“Bigay ba ni Min yan? Parang hindi yan ang binili niya kanina” Tanong ni RJ 

 

Pinakita ko kasi sa kaniya yung binili ko kanina sa flowershop.

 

Napatingin naman sa akin si Rina pero nag iwas ako ng tingin.

 

Nasa sasakyan yung bulaklak pero hindi ko alam kung dapat ko pa ibigay, meron na naman siya.

 

Ang childish, pero tangina naiinis ako.

 

“Hindi sa akin galing yan” sagot ko habang pilit na ngumiti.

 

Kinuha ko na ang mga gamit ni Rina na dala niya maliban dun sa bulaklak at nauna nang maglakad.

 

Parang ayoko na sumama sa dinner, andun si Heejin… baka mas lalo lang ako mawala sa mood nakakahiya sa parents ni Rina.

 

Nauna na ako pumasok sa sasakyan.

 

“Min are you okay?” Tanong ni Rina pagkapasok

 

“Ha? Oo” 

 

“You didn’t even wait for me” pagtatampo niya 

 

“ah sorry” 

 

“Binili mo daw ako flowers? Where is it?” Sabi niya habang nililibot ang paningin sa loob ng sasakyan.

 

“Wala naman ako binili” sagot ko

 

“RJ said na meron daw”

 

“Nagbibiro lang yun, at isa pa meron ka na naman ah?” 

 

Napatingin naman siya sa hawak niya at napabuntong hininga.

 

“Here” sabi ko sa kaniya habang iniaabot ang box ng necklace

 

Nagliwanag naman ang mukha niya at masayang kinuha sa akin ang box

 

“Open ko na?” Tanong niya, tumango naman ako.

 

Inilagay niya muna ang flower sa backseat bago niya buksan ang gift ko.

 

“Oh my God!! Ang ganda Min!! Thank you” nginitian ko naman siya

 

“Wear it pag ready ka na” sabi ko, alam kong alam na niya ang ibig sabihin nun.

 

Tumango naman siya

 

I’m just watching her, hoping na suotin na niya pero nilalagay niya yung box sa pocket niya.

 

I got disappointed because I thought that we’re on the same page.

 

Hindi na ako nagsalita at pinaandar ko na ang sasakyan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Domdomdim
last year pa yung last kong update pala ˚‧º·(′̥̥̥ o ‵̥̥̥)‧º·˚

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
538 streak #1
Mic test mic test
fanficethusiast #2
Chapter 24: hello 🥺
bigboy123
138 streak #3
Chapter 24: *kumatok* tao po? 🥹
wnddmks_ 658 streak #4
Chapter 24: Miss you, tor
CincoYoo
#5
otor🥹
wnddmks_ 658 streak #6
Chapter 24: Tao pooooo
elalalala_
#7
Chapter 24: NAG UPDATE PALA SI IDOL NGANGAYON Q NAKITA HWHDHSVAGAVA THANK U POOOO🤩🤩🤩🤩🤩
seulreneislife #8
Chapter 13: gulo mo mare😭
seulreneislife #9
Chapter 12: Gago ka rina sa birthday talaga sinabi lol bas2s kang bata ka
osumnevercease
#10
update😭