Chapter 13

Treat You Better
Please Subscribe to read the full chapter

 

Nasa cebu na kami ni ate, ang saya nga dito eh. Sobrang exciting ng mga activities…

 

Oo sobrang saya talaga, magpagulong gulong sa kama.

 

Parang pumunta lang ako dito para matulog.

 

Bored na bored na ako pero natatakot naman ako lumabas mag isa. May pagkashunga kasi ako, baka mawala ako.

 

“MINJEONG!” Nagulat ako kay ate na nasa loob na ng kwarto ko

 

“Bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko? Paano kung emergency? Paano kung nasa bingit na ako ng kamatayan?” 

 

Natahimik ako…

 

Ayaw na ayaw ko talaga ang word na yun.

 

Mukhang nagets naman ni ate pananahimik ko, agad niya akong nilapitan.

 

“Sorry Minjeong nagbibiro lang ako”

 

Iniisip ko palang na mawawala si ate, naninikip na ang dibdib ko.

 

“Sorry talaga Minmin”

 

“‘Wag mo na lang ulitin ate, hindi magandang biro” tumango naman si ate

 

“Oo nga pala, isang meeting na lang para sa araw na ‘to ang aattendan ko, magready ka lalabas tayo”

 

“Sige ate”

 

“Check mo palagi ang phone mo ha? Para hindi na ako tumaas dito mamaya” tumango ako, lumabas naman na si ate.

 

Teka may cellphone nga pala ako.

 

Ilang araw ko na din sigurong hindi nabubuksan.

 

Pagkabukas ko ng phone ko, ang daming messages mula sa mga kaibigan ko… pero may tatlong missed calls at text ma kay Karina.

 

Bakit kaya?

 

Binuksan ko muna ang sa mga kaibigan ko.

 

Nangangamusta lang sila, nag uupdate tungkol sa gigs ng banda namin at nanghihingi din ng pasalubong. Si Ning naman inuupdate ako tungkol kay Injeong, sa kaniya ko muna kasi iniwan si Injeong.

 

Yung message na lang ni Karina ang hindi ko binubuksan.

 

Hindi ko pa’rin pala nababago caller id niya.

 

‘My Rina ❤️’ 

 

Siya nag set nito… hindi naman pala siya akin.

 

Hindi naman masakit… sobra lang hehe

 

Ano ba bubuksan ko ba o hindi?

 

Kung hindi ko naman bubuksan hindi ako matitigil sa pag iisip dito.

 

Kaya inopen ko na message niya.

 

K: I’m sorry for everything, Min. You don’t deserve that. I didn’t mean to hurt you. I’m really really sorry… we can be friends naman diba? I’ll wait na maging ready ka… please think about it

 

Sana pala hindi ko na lang binuksan. 

 

Ang pilit niya na maging magkaibigan pa rin kami. 

 

Hindi ko kayang ibigay ang hinihiling niya, kasi kung gagawin ko yun hindi ba parang hahayaan ko lang ang sarili kong mag suffer.

 

Pagod na pagod na ako maghabol sa pagmamahal ng ibang tao.

 

Pagod na pagod na ako sa sakit na ibinibigay sa akin ng mundo.

 

Hindi ba pwedeng awat na? 

 

Kotang kota na ako.

 

 

Nag aayos na ako ngayon kasi nagmessage si ate na malapit na daw siya matapos.

 

Nagulat ako nang nag ring ang phone ko.

 

Si Somi pala… 

 

M: He-

S: ARE YOU IN CEBU?!

Nilayo ko agad ang phone sa tenga ko, ang sakit sa tenga ng sigaw niya

M: bakit ka ba sumisigaw? Kumalma ka nga

S: answer me, nasa cebu ka din ba?

M: din?

S: my god Winter just answer me

M: oo andito ako. Bakit ba?

S: I think I saw you kasi sa lobby, I was calling you din pero hindi ka humaharap.

M: baka si ate ang nakita mo

S: yes I think so nga, she’s pretty eh

M: maganda din kaya ako.

S: hmm pwede na…

M: sus akala mo naman talaga hindi ako nagustuhan dati

S: crush kita kasi you’re smart

M: at cute

S: oo na…

Natawa naman ako

S: may gagawin ka ba bukas?

M: wala naman, aalis ulit si ate bukas eh

S: great!!! Join us na lang 

M: sino kasama?

S: kami lang ng cousin ko

M: saan ba?

S: beach!! 2 days tayo dun we’ll stay sa shangri la

M: magpapaalam muna ako kay ate.

S: message kita later!! Bye, Winter!!

 

Taas talaga ng energy nito.

 

“Minjeong” tawag ni ate mula sa labas ng kwarto kaya agad akong lumabas.

 

“Ate akala ko sa lobby ka na lang mag hihintay?”

 

“Ang init kasi, maliligo muna ako ulit”

 

“Ate inaaya ako ng friend ko mag beach daw bukas”

 

“May kaibigan ka dito?”

 

“Dito din siya nagbabakasyon”

 

“Ahh sige, saan ba?”

 

“Sa shangri la daw magsstay ng dalawang araw, ayos lang ba?”

 

“Oo naman, busy pa kasi ako ngayong week, baka next week pa tayo maka pasyal mabuti at may makakasama ka… oo nga pala wala kang dalang pang beach diba?”

 

“Oo ate”

 

“Mag mall na lang tayo, mamimili tayo ng dadalahin mo”

 

Mukhang hindi maganda ang kutob ko dito ah

 

 

Andito kami sa bilihan ng swimwear, sumasakit ulo ko sa mga gusto ipasuot sa akin ni ate.

 

“Minjeong ito try mo dali” 

 

Sabi niya habang pinapakita sa akin ang two-piece.

 

“Ayoko niyan!!” Two-piece chicken lang ang gusto ko.

 

“Dali na!! Ang ganda ganda ng katawan mo, magsuot ka ng ganito”

 

“Ayoko nga ate, sabi ko naman kasi rash guard na lang eh” sabi ko sa kaniya habang nagpapapadyak pa dito.

 

“Baka magmukha kang alalay ng mga kasama mo”

 

“Ate naman!” Natawa naman si ate.

 

Kumuha na siya ng rashguard at shorts kaya napangiti ako.

 

Hindi talaga mananalo sa akin si ate, perks of being a bunso talaga.

 

Pero nanlaki ang mata ko nang makita ko na ang dami niyang kinukuha. 

 

“Ate two days lang kami dun”

 

“Hayaan mo na para makapamili ka ng susuotin mo”

 

“Parepareho lang naman yan eh” hindi naman ako pinansin ni ate at nagtuloy na sa pamimili.

 

Medyo nagtagal pa si ate pero nang magsabi ako na nagugutom na ako ay binayaran na niya agad mga napili niya.

 

Habang naglalakad kami papunta sa resto.

 

“Oo nga pala Minjeong, susunduin ka ba ng kaibigan mo sa hotel?”

 

“Oo ate”

 

“Mabuti, para makilala ko at maibilin kita” 

 

Sinimangutan ko naman siya.

 

“Ano ako bata?” 

 

“Oo… ni hindi ka nga makalabas ng hotel mag isa”

 

Oo nga ‘no?

 

“Baka mawala ako!!”

 

Natawa naman sa akin si ate at ginulo ang buhok ko.

 

“Ate naman!” Sabi ko habang inaayos ang buhok ko.

 

 

Hinihintay ko na lang si Somi, nagmessage kasi siya na malapit na daw kami sunduin ng pinsan niya. 

 

Same nga pala kami ng hotel, pinagalitan niya pa nga ako kasi daw sana sinabi ko agad sa kaniya para naisama niya ako sa mga lakad nila.

 

“Minjeong!! Andito na ang kaibigan mo”

 

Binitbit ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto, naabutan kong kausap ni ate si Somi.

 

“Ay Somi pakilagyan ng sunblock ang likod ni Minjeong ha? Mabilis kasi yan ma sunburn” nanlaki naman ang mata ko, nakakahiya!

 

“Ate!!” Saway ko

 

“Yes po”  natatawang sagot ni Somi

 

“Mag iingat kayo ha?”

 

“Opo ate” sagot ulit ni Somi.

 

Aalis na sana kami 

 

“May pera ka pa ba Minjeong?” Tanong ni ate

 

“Meron pa ako dito ate”

 

“Kasya na ba yan? Teka kuhanin ko lang wallet ko”

 

“No need na po ate, kami po nag invite kay Minjeong kaya kami na din po ang magbabayad”

 

“Ganun ba? Sige… mag iingat kayo ha” tumango naman kaming dalawa.

 

“Minjeong ‘wag lalayo kina Somi” paalala ni ate na ikinatawa ni Somi.

 

Ginawa talaga akong bata.

 

Umalis na din kami agad pagkatapos namin magpaalam kay ate.

 

Nasa lobby na kami ngayon, hinihintay ang pinsan niya.

 

“Ang cute niyo ng ate mo, baby na baby ka talaga” nginitian ko na lang siya

 

Gusto ko naman

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Domdomdim
last year pa yung last kong update pala ˚‧º·(′̥̥̥ o ‵̥̥̥)‧º·˚

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
538 streak #1
Mic test mic test
fanficethusiast #2
Chapter 24: hello 🥺
bigboy123
138 streak #3
Chapter 24: *kumatok* tao po? 🥹
wnddmks_ 658 streak #4
Chapter 24: Miss you, tor
CincoYoo
#5
otor🥹
wnddmks_ 658 streak #6
Chapter 24: Tao pooooo
elalalala_
#7
Chapter 24: NAG UPDATE PALA SI IDOL NGANGAYON Q NAKITA HWHDHSVAGAVA THANK U POOOO🤩🤩🤩🤩🤩
seulreneislife #8
Chapter 13: gulo mo mare😭
seulreneislife #9
Chapter 12: Gago ka rina sa birthday talaga sinabi lol bas2s kang bata ka
osumnevercease
#10
update😭