Chapter 5

Treat You Better
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Minjeong’s pov

 

Hindi ako maka focus sa pag tuturo kay Somi, kanina ko pa kasi nakikita na masama ang tingin sa akin ni Rina

 

May mali ba sa notes ko? 

 

Baka masyadong magulo?

 

Bakit ba kasi siya galit?

 

“Minjeong, tama ba ginawa ko?” Napatingin ako 

 

“Mali, yung cos diba magiging negative sine na yan. Kailangan mong ma-memorize itong mga differentiation of trigonometric functions para madalian ka sa topic natin” pinaka basic na nga yun eh “kasi hanggang sa huli gamit na gamit yan”

 

“I’ll try to memorize it mamaya sa bahay”

 

“Ito oh may copy ata ako ng trigo functions” sabi ko habang pinapakita ang notes ko “wait lang ah?” Tumango naman siya, dumeretso ako sa table nila Rina

 

“Bakit parang badtrip ka?” Tanong ko kay Rina

 

Hindi siya sumagot

 

“Minjeong, thanks pala sa notes mo” sabi ni Aeri, nginitian ko naman siya

 

“Uy Rina” sabi ko habang umuupo sa tabi niya

 

Hindi niya ako pinapansin 

 

Kaya pinapat ko ang balikat niya 

 

Hindi ko siya tinitigilan hangga’t hindi niya ako pinapansin

 

“Minjeong ititigil mo yan o sasapakin kita?” Seryosong sabi niya 

 

Napatigil naman ako agad 

 

Nakita ko namang nagpipigil ng tawa sina Aeri

 

“Min?” Tawag sa akin ni Somi, fc naman nito Min agad?

 

“Wait lang Rina ah?”

 

Pagkalapit ko sakaniya “tama na ba ‘to?” Sabi niya habang pinapakita ang nagawa niya

 

Umupo naman ako para matingnan ko nang maayos

 

“Tama naman” sabi ko pagkatapos ko tingnan lahat ng sagot niya

 

“Really?! Thank you!” Sabi niya at nag side hug sa akin

 

“Tsk!” Napatingin ako kay Rina na tumayo at naglakad palabas 

 

Hala bakit siya galit?

 

“Somi gets mo na naman diba? Una na ako ha” hindi ko na siya hinintay sumagot at nagmadaling ayusin gamit ko at sinundan si Rina

 

“Goodluck Minjeong” narinig kong sabi ni Aeri

 

Nagtatakbo na ako palabas, nakita ko si Rina na medyo malayo na mula sa library

 

Grabe talaga yun, lakad niya, jog ko na

 

Tumakbo na ako para maabutan siya 

 

“Rina” tawag ko sa kaniya nang medyo makalapit na ako 

 

Nagtuloy tuloy lang siya ng lakad

 

“Uy uuwi ka na?” Hindi parin siya sumasagot

 

“May dinner tayo diba? Thursday ngayon” hinihingal kong sabi

 

“Bakit hindi mo iinvite yung kasama mo kanina?” Sabi niya nang hindi tumitingin sa akin

 

Wait…

 

Nagseselos ba siya?

 

Kapag tinanong ko ba yun sakaniya ngayon sasapakin niya ako?


Try ko nga


“Nagseselos ka ba?” Sabi ko habang humarang sa daan niya

 

“Joke lang Rina kalma!!” Sabi ko habang hawak ang kamay niya

 

Muntik na kasi niyang ihampas ang book niya sa akin

 

Inirapan niya naman ako at naglakad na ulit

 

Paano ba ‘to?

 

“Tuloy ba tayo sa dinner natin?” Tanong ko

 

Hindi naman siya sumagot

 

Bukas ko nalang siguro siya kukulitin, baka maasar na siya ng tuluyan eh 

 

“Kung hindi tayo tuloy, pwede ba kitang ihatid sa bahay niyo? Tahimik lang ako buong byahe, promise” sabi ko pilit na tinatago ang lungkot ko

 

Nakakalungkot kasi na parang back to zero na naman ako sakaniya

 

Napabuntong hininga siya “oo na”

 

“Anong oo na?” Tanong ko

 

“I’d go with you nga, magdidinner tayo together” napangiti naman ako agad, inirapan niya muna ako bago siya naunang maglakad

 

Nakailang irap na ba sa akin si Rina ngayong araw? kung five hundred isang irap, yayaman na ako

 

“Hindi mo na talaga ako matiis ‘no?” Panloloko ko sa kaniya

 

“No, I’m doing this just because I promised you that we’ll have our dinner together every thursday” 

 

“Okayy sabi mo eh” kunwari naniniwala ako

 

 

Habang nasa byahe kami hindi parin kami maka decide kung saan ba kami kakain, ayaw niya kasi sa lahat ng sina-suggest ko 

 

Nakita ko siyang napatingin dun sa isawan sa tabi ng kalsada 

 

"I want isaw" gulat akong napatingin sa kaniya 

 

"sure ka?" paninigurado ko 

 

"oo nga"

 

"kumakain ka pala nun" sabi ko 

 

Umiling naman siya "I wanted to try that even before pa pero hindi kumakain sina Yeji"

 

"ah so first time mo makakakain nun?"

 

"yes"

 

Alam ko na kung saan siya dadalhin, dun sa favorite namin nina Rj na tindahan ng isaw 

 

"isaw lang ba gusto mo itry?" tanong ko 

 

"may iba pa ba?"

 

"oo naman, tikman mo mamaya" tumango tango naman siya habang nakatingin sa labas ng bintana 

 

"sa malinis mo ako dalhin ha?"'

 

"oo naman, bakit naman kita papakainin ng madumi?" natatawa kong sagot sa kaniya 

 

...

 

Nakarating na kami at kasulukuyan akong umoorder, si Rina pinaupo ko na kasi baka maubusan na kami ng mauupuan mamaya

 

"Kuya ten pieces po ng isaw, limang betamax at tatlo pong adidas" tatlo lang ng paa ng manok kasi hindi ko din siya masyado gusto, pero baka magustuhan ni Rina kaya inorder ko na rin 

 

Bumalik na ako sa table namin, nakita kong pinag papawisan na si Rina

 

"okay ka lang?" tanong ko 

 

"yes, medyo mainit lang" sagot niya

 

kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ng pants ko at iniabot sa kaniya

 

"thanks" sabi niya, nginitian ko naman siya 

 

"ako sana ang magpupunas ng pawis mo kaya lang baka sapakin mo ako" sabi ko

 

Napangiti naman siya "buti alam mo"

 

Napatingin siya sa katabi naming table "You can order rice din?"

 

"oo naman, gusto mo ba?" Tumango naman siya "Hindi kasi ako nag kakanin tapos ulam ang isaw, gusto mo ba mag order din tayo ng barbecue?" Tumango siya ulit kaya tumayo na ako para umorder

 

...

 

Dumating na ang order namin 

 

"ano ang una mong gusto itry?" tanong ko

 

"what's this?" tanong niya habang nakaturo sa betamax

 

"that's grilled chicken blood" oh pak, nakita kong napatingin sa amin yung kalapit naming table "a.k.a betamax" nakangiti kong sabi

 

"does it tastes good?" tanong niya

 

 tumango naman ako  "oo naman, try it" kinuha na niya ang betamax

 

Parang nagdadalawang isip pa siya 

 

"pwede mo lagyan ng asin or vinegar" sabi ko

 

"pwede both?" Tanong niya, tumango naman ako

 

Tinikman na niya, pinagmasdan ko ang kaniyang reaction

 

"okay lang ba?" tanong ko, tumango naman siya at inubos na ang betamax na nasa stick 


"sarap?" Nakangiti naman siyang tumango 

 

Nagpigil a

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Domdomdim
last year pa yung last kong update pala ˚‧º·(′̥̥̥ o ‵̥̥̥)‧º·˚

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
538 streak #1
Mic test mic test
fanficethusiast #2
Chapter 24: hello 🥺
bigboy123
138 streak #3
Chapter 24: *kumatok* tao po? 🥹
wnddmks_ 658 streak #4
Chapter 24: Miss you, tor
CincoYoo
#5
otor🥹
wnddmks_ 658 streak #6
Chapter 24: Tao pooooo
elalalala_
#7
Chapter 24: NAG UPDATE PALA SI IDOL NGANGAYON Q NAKITA HWHDHSVAGAVA THANK U POOOO🤩🤩🤩🤩🤩
seulreneislife #8
Chapter 13: gulo mo mare😭
seulreneislife #9
Chapter 12: Gago ka rina sa birthday talaga sinabi lol bas2s kang bata ka
osumnevercease
#10
update😭