Chapter 1
Treat You Better
W
First day ng classes ngayon kaya nagmamadali akong kumilos, susunduin ko pa kasi mga kaibigan ko, sabay sabay kami pumapasok kapag may practice kami pagkatapos ng klase
May banda nga pala kaming apat, four seasons at may mga stage names kami, ako si Winter vocalist at lead guitarist, Summer (Yuna) kasi hot daw siya sabi niya, pianist namin siya, Fall (Ryujin) ang bassist at si Spring naman si Yujin ang drummer namin
“Minjeong ang tagal mo malalate na tayo” sabi sakin ni Ryujin
“Eh sino ba kasing nakaisip na sabay sabay tayong papasok?” May mga kotse naman ayaw gamitin
“Si Ryujin” sagot ni Yuna na nasa backseat
“Sayang kasi ang mahal magpa gas”
“Ako ba hindi namamahalan?” Tanong ko sakanila, tinawanan lang naman nila ako
Mga sira ulo talaga
…
“Grabe first year na tayo” sabi ni Yujin
“So ano gusto mong gawin Yujin?”
“Magdadasal ako na makahanap na ng totoong jowa si Minjeong”
Napasimangot naman ako
“Ano yung mga naging ex niya di ba sila tao?” Natatawang tanong ni Ryujin
“Ilang weeks nga yung pinakamatagal na may jowa si Min?” Tanong ni Yuna
“Four” sabay na sagot nung dalawa
“Eh kasi naman hindi naman siya ang nanliligaw sa mga yun, nahihiya lang tumanggi si Minjeong lalo na pag maganda gusto makipag date sakaniya”
"Hindi na siya makakatanggi basta maganda" sabi ni Yuna
"tapos matangkad" dagdag ni Yunjin
"tapos malaki ang..." sabi ni Ryujin
"puso" sabay sabay nilang banggit at nagtawanan na sila habang ako namumula na
“Talagang pinagchismisan niyo ako harap harapan ha?”
“Nasa likod mo kaya kami Min” sabi naman ni Yuna
Oo nga naman
“Bumaba na nga kayo” natatawa naman silang bumaba, nasa may harapan na din naman ng university
Ang aga aga pinapainit ang ulo ko eh
…
Nasa auditorium kaming lahat ngayon parang winewelcome kaming mga freshmen
May mga nagpperform
Inaantok na ako
“Uy uy uy ang gaganda pre” sabi sakin ni Ryujin, napatingin naman ako sa mga magpperform
May isang babae agad ang nakapukaw sa atensyon ko
Ang galing niya sumayaw
Maganda
Matangkad
Malaki...
Mama, I found the one
Charot 1/2
“Hoy Minjeong akin na yung naka blue na may highlights ang buhok”
Ni hindi ko nga nakita yung sinasabi niya eh
Focus ako sa future ko
“Oo na” sagot ko sakaniya
…
Naglulunch na kami ngayon kasama namin girlfriend ni Yujin si Gaeul at si Lia girlfriend ni Yuna
At kung sineswerte ka nga naman
Katabi lang ng table namin yung table ni ateng dancer
Pasimple ko siyang tinitingnan pero napansin kong kanina pa nakatingin sakin yung katabi niya na pula ang buhok, pwede ba ang may kulay ang buhok?
Teka parang familiar siya
Tiningnan ko siya ulit
“Minjeong?!” Sigaw niya
Si Ningning!! Yung kababata ko na maingay na mahilig sa mga hayop na hindi pangkaraniwan
Close talaga kami kaya lang pumunta ng china kaya nawalan kami ng communication
Agad siyang tumayo at lumapit papunta sa akin para yakapin ako
Na awkward naman akong ibalik ang yakap niya, syempre ang tagal naming hindi nagkita
Bata pa nga kami nung umalis siya
Makayakap naman ‘to
“Gaga ka ako ‘to si Ningning”
Nagkunwari akong di ko siya makilala
“Ikaw ba yung mahilig sa butiki?”
“Bwisit ka gecko kasi”
“Oo nga butiki parin”
“Hindi ka parin talaga nagbabago” dati ko pa kasi siya pinagttripan tungkol sa alaga niya
“Kamusta?” Tanong niya
“Ayos naman”
“Pakilala kita sa pinsan ko at friends niya” hila hila niya ako papunta sa table nila
“Uy sama ako Mingming” habol sa amin ni Ryujin
“Ningning kasi!! Ginawa mo naman akong pusa?!”
“Ah Ningning ba? Sorry ayaw mo Lingling?”
Natawa naman ako sakanila, mukhang magkakasundo silang dalawa... magkakasundo silang magpatayan
Inirapan naman ni Ningning si Ryujin at pumunta na kami sa table nila
“Minjeong si Karina cousin ko tapos mga friends namin si Yeji and si Aeri”
“Hello Karina nice to meet you” sabi ko habang iniaabot ang kamay ko sakaniya
Tanggapin mo please
Ngumiti siya sa akin ng tipid at nakipag shake hands sa akin
Ang lambot ng kamay
Shet
Ang ganda ganda niya lalo sa malapitan
Hindi ko namalayan na hindi ko pa pala nabibitawan ang kamay niya kung hindi lang pinaghiwalay ni Ning ang mga kamay namin
Nahihiya naman akong tumingin sa mga kasama namin
“Hello din sainyong dalawa” sabi ko sakanila nakalimutan ko pangalan nila
Kinamayan din nila ako
“I’m Yeji, parang hindi mo ata narinig ang name namin ni Aeri” nahihiya naman akong napakamot sa ulo
Ano ba yan masyado naman akong halata... p
“Lingling ako din pakilala mo ko huy” rinig kong bulong ni Ryujin
“Ano bang pangalan mong kupal ka? At Ningning nga kasi isa pang lingling mo lagot ka sakin” Pinipigil kong matawa sakanila
“Ryujin dali pakilala mo ko”
“Ayoko bahala ka sa buhay mo” nang hindi parin siya ipakilala ni Ningning siya na ang nagkusa
“Hello I’m Ryujin you can call me Rj or babe, it’s up to you” sabi niya sabay kindat kay Yeji na natawa lang sakaniya
Yung itsura naman ni Aeri parang nandiri habang si Karina naman poker face lang
Ang seryoso ata ng future ko
Okay lang seseryosohin ko din naman siya hehe
Buti pinsan ni Ning si future ko hindi ako mahihirapan pumorma
…
“Ningning hi!!” Sabi ko sa harap ng bahay nila nalaman ko kasing magkapit bahay lang sila ni Karina
“Anong ginagawa mo dito?” Mataray niyang tanong
“Mangangamusta lang syempre”
“Neknek mo, ano nga?”
“Mangangamusta nga” pagpipilit ko pa
“Isa”
“Tulungan mo naman ako sa pinsan mo” sabi ko habang nakangiti sakaniya
“Ayun ayaw agad sabihin eh”
“So tutulungan mo ko?” Pagpapacute ko sakaniya
“Libre mo ko lunch everyday” nanlaki naman mata ko
“Magpapalibre ka pa eh ang yaman yaman mo?!”
“Ayaw mo pala, madali naman ako kausap” sabi niya akmang sasaraduhan ang pinto
“Oo na oo na”
“Sabihan mo friends mo na sasabay kami sainyo mag lunch”
“Nice may plano agad sige, ano pa?”
“Ayun nalang muna, wag mo naman biglain pinsan ko! Sugod agad eh”
natawa naman ako “Syempre baka maunahan ako mahirap na”
“Hindi ka mauunahan don’t worry”
“Ha bakit? Imposibleng walang nanliligaw sakaniya” nagtataka kong tanong, kasi imposible talaga, sa ganda nun?
“Marami pero walang pumapasa nirereject niya agad”
“Ahh baka ako yung hinihintay niya”
“Kapal ng mukha, basta Minjeong ha I'll help you basta wag mo sasaktan ang pinsan ko, bubugbugin kita"
"ang aga naman ng pagbabanta na yan"
"yung seryoso kasi"
"I won't hurt her Ningning" seryoso kong sabi sakaniya
Ewan ko kahit hindi ko pa siya nakakausap talaga at nakikilala, alam kong siya ang unang babae na seseryosohin ko
Hindi ako dati naniniwala sa love at first sight pero ngayon
naniniwala na ako sa forever magmula nu'ng makilala kita~
...
“Minjeong bakit ka ba nagmamadali? Gutom na gutom ka na ba?”
“Dalian niyo makakasabay natin sina karina ngayon sa lunch”
“Kasama natin sa table?” Tanong ni Ryujin
“Oo”
Bigla namang bumilis ang lakad niya
“Tara na bakit ang bagal niyo maglakad?” Sabi niya
<
Comments