01

Loving The Summer's Waves
Please Subscribe to read the full chapter
01

 

 

"Hoy, Tarzan! Gumising ka na diyan! Papalaot na tayo!"

 

 

 

Yamot akong napagising ng wala sa oras dahil sa malakas na sigaw ng mga kaibigan ko sa labas ng bahay. Hindi pa nakakatulong ang walang katupusang pagkatok nila sa pintuan. Nak ng putcha, sisirain pa yata nila ang bahay namin!

 

 

 

"Oo na! Eto na! Babangon na nga!" Inis akong humiwalay mula sa kama at nagtungo sa mga naglalakihang boxes kung saan nakalagay ang lahat ng mga damit' personal na bagay ko.

 

 

 

Kumuha ako ng isang simpleng white t-shirt atsaka kupas na pantalon at sinuot ito. Palagi lang kasi akong natutulog ng naka-sando at boxers lang dahil mainit sa loob ng bahay.

 

 

 

Lumabas na ako ng kwarto kung saan nadatnan ko si Tatay na nagwawalis ng mga kalat. Tinignan ko naman ang orasan. Alas-singko palang ah. Ba't ang aga-aga naman ata niyang magising?

 

 

 

"Tay! Magandang umaga po!" Pagbabati ko sakanya habang kinukuha ang kamay upang makapag-mano. "Ang aga niyo  naman po ata magising, Tay? Baka kung mapano ka na naman niyan." Nag-aalala kong dugtong.

 

 

 

Matanda na kasi si Tatay at may mga nararamdaman nang mga deperensya sa katawan. Sa katunayan nga eh, meron na itong sakit sa puso kaya ito din ang pangunahing dahilan kung bakit ako ang kumakayod saamin. Ayaw ko din naman siya pagtrabahuin dahil nga maselan ang kalagayan niya.

 

 

 

Meron din akong dalawang nakabababatang kapatid at ako ang nagpapa-aral sakanila. Pareho pa silang nasa high-school dito sa local university namin. Kaya nga ayaw na ayaw kong umalis dito sa isla eh. Dahil alam kong maiiwanan ko silang tatlo. Eh ako nalang nga ang inaasahan nila.

 

 

 

"Ano ka ba, Anak. Hindi naman ako baldado. Kaya ko na 'to." Napabuga nalang ako ng hangin sa katigasan ng ulo ng Tatay ko. "O'siya, umalis ka na. Kanina pa tayo binubulabog ng mga kaibigan mo oh." Natatawang anunsyo niya.

 

 

 

"Ako na din ang bahala sa agahan ng mga kapatid mo. Basta mag-iingat ka lang sa gitna ng dagat ha. Umuwi kang buhay, paki-usap." Eto namang si Tatay. Napaka-sentimental.

 

 

 

"Sige po, Tay. Pero huwag din po kayong masyadong magpakapagod ha." Pagpapa-alala ko.

 

 

 

"Oo na, oo na, anak." Kahit na nagdadalawang-isip pa ay lumabas na lamang ako upang masimulan na ang araw ko.

 

 

 

Alam kong magiging busy na naman ako dahil lahat na yata ng klase ng trabaho dito sa isla ay pinatos ko na. Mangisda, mag-tour ng mga turista, magturo ng surfing at kung ano-ano pa. Wala eh, kailangan namin ng salapi para sa pang araw-araw at gamot ni Tatay.

 

 

 

"Sawakas! Bumangon ka din!" Napa-ikot ako ng mata ng masalubong ko na ang tatlong kulokoy kong kaibigan na sina, Bing, Bong at Dong.

 

 

 

Magkapatid sina Bing at Bong at magjowa naman sila Bong at Dong. Gets niyo ba? Basta 'yan na 'yun. 

 

 

 

Babae din pala si Bing tapos sina Bong at Dong naman ay parehong lalaki. Ang cute nga ng mag-jowa eh. Pareho pa naman silang brusko ang katawan haha.

 

 

 

"Sabi ni Mang Kano, bilisan daw na'tin. May nakita kasi siyang malaking Malasugi at balak niyang huliin ito." Imporma nila sa'kin. Tumango naman ako at nagsimula na kaming lumakbay patungong pangpang.

 

 

 

Saktong pagdating namin, nakasalubong namin si Mang Kano na naghahanda na ng kanyang bangka. Kaming tatlo lang ang katuwang ni Mang Kano sa pangingisda kaya medyo malaki-laki din ang natatanggap naming kumisyon sa t'wing nakakahuli kami ng malaki o di' kaya ng marami.

 

 

 

"Aba ere! Andito na pala kayo!" Masiglang bati niya samin ng nakangiti. Tinulungan na din namin siya sa paghahanda. "Halina't umalis na tayo bago pa tayo maunahan ng iba!"

 

 

 

Kagaya ng nakasanayan, nauna kami ni Bing sa bangka habang ang magjowang brusko naman ay 'yung taga-tulak ng bangka. Kami kasi ang naatasan na mag-maneobra ng motor pati na din nung mga nets at fishing rods.

 

 

 

Nagbigay si Mang Kano sa'amin ng specific na area kung saan niya huling nakita ang malaking Malasugi kuno.

 

 

 

Inayos na namin ang bawat pamingwit na nilagyan namin ng pain na maliliit na isda, pati na din ang mga naglalakihang nets dahil kung sakaling hindi namin mahuli ang 'isda of the day', ay atleast, may maibenta kaming iba.

 

 

 

Mga ilang oras pa ang hinintay namin sa dagat bago namin makita ang inaasahang isda. Napatayo naman kaming lahat sa tuwa't sabik dahil mukhang makaka-uwi kami ng jackpot nito.

 

 

 

Sa pangingisda kasi, kailangan 'yan ng matinding pasensya at tiyaga. Minsan nga, inaabot na kami ng dapit hapon bago makahuli.

 

 

 

Dali-dali kong hinawakan ang pamingwit ko nang maramdaman kong gumalaw ito. Malaki ang kutob ko na ito na 'yung isda namin.

 

 

 

"Mang Kano! Hawak ko na siya!" Pagtawag pansin ko sakanila.

 

 

 

Pilit kong nilalabanan ang lakas ng isda at patuloy lang sa pag-ikot ng fishing reel, pataas. Naka-sandal na din ang isang paa ko sa edge ng bangka at naka-lean back na din ako.

 

 

 

Kaya nagkakaroon ako ng matinding muscles eh, dahil na din dito. Hindi pwede na wala kang taglay na lakas sa ganitong uri ng trabaho. Tone-toneladang kilo kasi ang kalaban mo dito. Pati na din ang lakas ng current ng tubig.

 

 

 

"Go, Tarzan! Kaya mo 'yan! Whohoo!"

 

 

 

Hayop na mga kaibigan! Ni hindi man lang nila ako tinutulungang labanan 'to!

 

 

 

"Iha! Sige pa! Malapit mo na mapatakas ang isda!"

 

 

 

Nangagalaiti na ang buong mukha ko at nakikita ko na din ang mga ugat ko sa kamay dahil sa sobrang pwersang pinapalabas ko ngayon. Shuta! Anong oras palang pero feeling ko pagod na pagod na ako.

 

 

 

Hindi nagtagal, nairaos ko din ang paghihirap ng tuluyan na nga'ng pumaitaas ang nasabing isda sa ere. Mabilis naman kaagad itong sinibat ni Bing– na may kasamang malaking tali– sa may ulo para deretso patay. Ito din kasi ang pinaka-humane way sa pagpatay dito.

 

 

 

Nang tuluyan na nga'ng mamatay ang isda, hinila na namin ito papuntang bangka upang mai-check na sa timbangan. Humigit kumulang limang daang kilo lang naman ang kabigatan nito. Ang swerte talaga! Siguradong malaki-laki din ang bentahan namin dito.

 

 

 

Pagkatapos, inilagay na namin ito sa isang styrofoam na naglalaman ng mga naglalakihang ice para fresh pa pagdating sa Mercado.

 

 

 

Pagod naman akong umupo at nagpahinga sa gilid. Tirik na tirik din ang araw at paniguradong amoy araw na ako nito.

 

 

 

Nanatili muna kami ng hanggang alas nuwebe sa laot bago umuwi. Nangisda pa kasi sila gamit ang lambat at pinuno ang dalawang baldeng dala namin.

 

 

 

Pagkatapak na pagkatapak namin sa Mercado, nagkumpulan agad ang lahat ng mamimili ng mga isda. Pinag-unahan talaga nila ang Blue Marlin. Pero masaya kami ngayon dahil ayun nga, malaki ang nakuha namin sa araw na'to.

 

 

 

Hati-hati din kami sa ciento-cincuenta mil na paabono sa'amin ni Mang Kano kaya malaki ang ngiti ko pagka-uwi ko ng bahay. Magluluto ako ng masarap na tanghalian at hapunan.

 

 

 

Naligo na din muna ako dahil amoy isda at araw na ako atsaka kumain na din pagkatapos. Eto lang ang tanging pahingang makakaya ko dahil pagpatak ng alas onse ay may tumawag na naman sa'kin para sa shift kong pagtu-tour kaya kumaripas na naman ulit ako ng alis.

 

 

 

Nagbaon na din ako ng mga damit para makapagpalit ulit.

 

 

 

Mabuti naman at isang maliit na magka-pamilya lamang ang naka-toka sa'kin ngayon. Meron pa sanang isang grupo ng mga kababaihan ang gustong magpa-tour pero tinanggihan ko muna at sinabing sa susunod na araw nalang kung gusto pa nila.

 

 

 

Inilibot ko sila sa kabuuan ng isla pati na din sa mga kalapit na neighboring islands. Napapangiti pa nga ako dahil ang ku-kyut lang ng mga chickiting nila lalong-lalo na nung nakita ko silang tuwang-tuwa 'nung nag-dolphin sight seeing na kami.

 

 

 

Nagstop din kami sa may isang spot kung saan sila pwedeng mag-snorkel. Actually, paborito ko ring puntahan 'to dahil sa mga iba't-ibang uri ng isda na naninirahan dito. Merong maliit at meron ding mga makukulay.

 

 

 

Medyo nagulat pa nga ako dahil ang galing d

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Makolit
Happy Sundayy!! Mwamwa!

Comments

You must be logged in to comment
Hera_Jung
#1
Chapter 17: ang kyut naman
wnddmks_ 651 streak #2
Chapter 17: Mqy kissing lessons pala hahah lugi na naman buti na lang ang cute nyong mag jowa. Congrats pala, Bing and Sav eheheheh
howdoyouknowmee
530 streak #3
Chapter 17: Wait lang sa update huhu naka-stuck pa ako sa islang pantropikoooo
bigboy123
133 streak #4
Chapter 17: Naol fast learner 🥹🥹
AhnJang_0304
#5
Chapter 17: ang kyutt legal na si bing at savannah AHAHAHAH
WenRene_77 #6
Chapter 17: Sa wakas!!! Yay!!!! I'm happy for river and bruhilda same with bing & savannah! Salamat sa ayuda otor-nim🥰
nabs_infp
#7
Chapter 6: HAHAHAHAHA. Ayan, ganyan nga Soleil. Gatekeep mo si dada mo from your teacher.
nabs_infp
#8
Chapter 5: but she called her mommy na, so it's a win na for mommy alessanda
karinasaurus11
45 streak #9
Chapter 17: Grabe may pafree lesson oh! Hahaha at least napatunayan na niya na hindi siya bottom! Go ilog!! 😁
f8nt_echo
#10
Chapter 17: Chapter 17: May pa free lesson and sample ngayon ah 😁

Congrats sa ating mga couple. Legal na legal na lahat!