07

Loving The Summer's Waves
Please Subscribe to read the full chapter
07

 

 

 

"Grabe, Tarzan. Pamilyadong tao ka na talaga. Hindi ka na namin mareach!"

 

 

 

Napaikot ako ng mata sa tukso nila Bing. Kakabalik lang namin mula sa palengke. Kagaya nga ng sabi nila kanina, mabilis lang din kami nakabili ng mga ingredients ni Bruhilda kaya hindi na kami natagalan pa.

 

 

 

Andito na ako ngayon sa may labas ng kusina namin at hinahanda ang mga lulutuin samantalang 'yung mag-ina naman ay pumasok sa loob. Inanyayahan kasi sila ni Tatay na mag-almusal muna pagkadating na pagkadating namin.

 

 

 

Nadatnan ko pa sila sa may salas na masayang nagkwe-kwentuhan. Ito namang si Bruhilda tuwang-tuwa pa sa mga pinagsasabi ni Tatay. Hinayaan ko nalang.

 

 

 

"Ulol! Tigil-tigilan niyo nga ako!" Saway ko sakanila habang hinuhugasan ang mga manok.

 

 

 

Tapos na kasi sila sa pagsibak ng mga kahoy. Ngayon naman, pinapatulong ko sila sa pagchop ng mga sahog at pagsaing na din.

 

 

 

"Asus! Si Hot Mammeh lang naman pala ang katapat mo ha. Hindi mo naman sinabi sa'min na isang hot single mother na pala ang tipo mo ngayon."

 

 

 

"Legit na batang ina ka na talaga, Tarzan!"

 

 

 

"Batang-bata ka pa at marami ka pang kailangang malaman at intindihin sa mundo."

 

 

 

Hindi ko na napigilan ang inis ko at pinag-ambahan sila ng malalakas na batok isa-isa. Nakakaasar eh!

 

 

 

"Heh! Kung tapos na kayo diyan, pwede na kayong umalis sa harapan ko. Namimikon pa kayo eh!" Pagtataboy ko sakanila pero ang mga mokong tinawanan lang ako.

 

 

 

"Pikon ka talaga kahit kailan, Tarzan haha."

 

 

 

"Weh? Feel ko excited lang 'yan maka-bonding ang mag-ina niya. Hayst, sana all dinadayo."

 

 

 

"Alam niyo, kayo talaga!" Tinaas ko ang kamao ko para takutin sila by playfully striking them pero hindi umubra.

 

 

 

"Cute mo naman, Daddy Tarzan."

 

 

 

Naknamputcha naman oh! Ka-stress! Kailan ba matatapos ang araw na'to? Because it looks like I'm never gonna hear the end of their teasing.

 

 

 

Nang matapos na kami sa pagprepare, papasok pa sana ako sa loob ng bahay namin ng saktong lumabas sila Bruhilda. Mukhang hindi ko na kina-kailangan pang tawagin silang mag-ina ng kusa na itong tumungo sa'kin.

 

 

 

Ang cute pa nga dahil mukhang subtle na inaalalayan pa ni Bruhilda ang anak para hindi ito madapa.

 

 

 

As usual, agad namang nagpakarga ang bata sa'kin pagkalapit nito. Ngunit may initinapat ito sa bibig ko. 'Yung half-eaten sandwich niya. Naku naman. "Dada! Sandwich?"

 

 

 

Ngumiti nalang ako at kumagat sa tinapay niya. Ang cute-cute ng kabibe ko eh.

 

 

 

"Hey, we're done eating na. Let's go cook?"

 

 

 

I looked at the mother. Ang galing. Kung saan tapos na ang lahat ng preparation doon pa talaga siya timing na lumabas. Plano ko pa naman sana na siya ang ipapa-prep ko sa lahat kaso naligtas ni Tatay. Tsk.

 

 

 

Nakita ko namang nagsimula na ding magpadabok sila Bing kaya lumayo muna kami ng kaunti kasama si Bruhilda. Baka masinghap pa ni Kabibe 'yung usok.

 

 

 

When they're done, I took the mother's hand para ipaharap na siya sa kalan. Hinihintay na uminit yung kawali.

 

 

 

Since I was holding Soleil, mag-iinstruct lang ako sakanya. Ayaw bumaba ng anak niya eh. Gusto din daw manood. Edi okay, sige. Pinagtali ko na din pala siya ng buhok para hindi sagabal sakanya kapag magluluto na siya.

 

 

 

"Bago muna ang lahat, handa ka na bang matalsikan ng mantika?" Paghahamon ko sa Nanay, raising my brows. In return, she just looked at me and Soleil, gulped and then nodded in determination.

 

 

 

"For you and Soleil, I'm ready." Madramang sabat niya habang hinampas-hampas pa ang kaliwang dibdib gamit ang kamao. Loko.

 

 

 

"Ba't naman nasama ako?"

 

 

 

"Kasi I also want you to be proud of me. Tapos may mafi-feel kang something-something sa heart mo and then mare-realize mo na pasok na pala ako sa ideal type mo."

 

 

 

"Or better yet, magche-change ang standard mo into me. "

 

 

 

I laughed. Ay wow. Napaka-out of this world talaga ng imagination. Siguro pinapapak nito ang Krim stix collection ni Soleil. Imagination mo ang limit ang peg.

 

 

 

"Geh. Kung saan ka sasaya."

 

 

 

"Sa'yo of course." She winked. Napakalandi talaga! Sana naman hindi mamana ni Soleil 'to. Nawiwitness pa naman ng bata ang panghaharot niya sa'kin.

 

 

 

"And syempre, Soleil too!" I just heard the daughter giggled in my arms before looking away.

 

 

 

Nahihiya pa siguro na makita ng Mommy niya na natutuwa na siya dito. Pasimple din pero nagiging marupok na nga ang bata sakanya.

 

 

 

I wonder kung saan niya namana ito? Alangan naman sa'kin eh hindi naman ako marupok.

 

 

 

"Ewan ko sayo. Maglagay ka na nga'lang ng mantika diyan sa kawali. Mainit na 'yan."

 

 

 

"Okay po, Daddy River! Copy!" Ang landi talaga, Lord!

 

 

 

Sinunod naman niya ang utos ko but I was quick to tell her na konti lang ang dapat ilagay. Baka mamaya ibuhos niya pa ang isang bote ng mantika.

 

 

 

Nang uminit na 'yung oil, this is the time na sasabak na talaga kami sa gyera.

 

 

 

"Mag gisa ka na ng bawang at sibuyas. Make sure na hanggang golden brown lang 'yung kulay ng bawang ha. Huwag mong sunugin."

 

 

 

Para akong isang cooking instructor na tinuturuan ang makulit na estudyante niya. Gordon Ramsey, who?

 

 

 

She started throwing the minced garlic and onions and as expected, she shrieked nang matalsikan siya ng konting mantika. Parang 'yun lang eh.

 

 

 

"Ouchie! River..." Tinaasan ko siya ng kilay when she looked at me, tila nagpapa-awa. Nakanguso pa ang labi nito habang hawak-hawak ang natalsikan niyang balat.

 

 

 

Hindi ko siya pinansin bagama't ay mas itinuon na lamang ang atensyon ko sa anak niyang karga-karga ko.

 

 

 

"Ang bango diba, Kabibe? Gusto mo din ba magluto sa susunod?"

 

 

 

The kid was quick to shake her head upon seeing her Mother's situation. "No, Dada. It looks masakit."

 

 

 

Napabuntong hininga ako. Like mother like daughter talaga. Parehong takot sa mantika. Naku.

 

 

 

"Kabibe, kailangan mo din matuto magluto when you're big na. Who will cook for you ha?"

 

 

 

"You, Dada! Dzuh!" Nagulat ako sa pa-dzuh niya with matching eyeroll pa.

 

 

 

Luh? Saan naman niya natutunan to ha? But I already have a hunch kung kanino. Tumingin ako sa Nanay na ngumingiti na ngayon sa narinig. Mukhang proud pa talaga siya ha.

 

 

 

Sinasabi ko na nga'ba. Now, I really worry for my Kabibe. Paniguradong lalaki 'to ng parehong-pareho sa Mommy niya, ma-atittude! Huwag naman sana. Sakit sa ulo pag nagkataon.

 

 

 

"Bruhilda, mag-focus ka nga diyan sa niluluto mo at huwag sa amin ng anak mo. Malapit nang masunog ang bawang, oh!"

 

 

 

"Oops! Sorry! You two look so adorable kasi. Kinikilig ako." I rolled my eyes. Nakuha pa talagang lumandi. "You gotta admit though, we do look like a happy family right now. Right, guys?"

 

 

 

She side glance my friends na pangisi ngisi lang sa may gilid. Kanina pa pala sila nanunood sa'min at inaabangan lang ang bawat pangyayari.

 

 

 

Ginawa pa kaming entertainment show ng mga mokong!

 

 

 

"Sang-ayon na sang-ayon po kami sa'yo, Miss Allesandra. Mukha po kayong mag-asawa. Yiee!"

 

 

 

Ang gaga pumalakpak naman sa sinabi ni Bong. Tuwang-tuwa ah. Pinagdidiskitahan talaga nila ako ngayon oh.

 

 

 

"Ay gusto ko 'yan! Perfect! Diba, asawa ko?"

 

 

 

Nag-init naman ang pisnge ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa inis o kung may iba pang rason? Pero panigurado na sa inis, mostly.

 

 

 

"Soleil, you want Mommy Allessandra to be Dada Twarzan's wife ba?"

 

 

 

At talagang dinamay pa nila ang Kabibe ko!

 

 

 

Confused namang sumabat ang bata. "What's a wife po?"

 

 

 

Agad ko namang kinuha ang atensyon ni Soleil. Pati 'yung bata idadamay pa nila sa kalokohan nila.

 

 

 

"Wala 'yun, Kabibe." Malambing kong saad sakanya habang hinahaplos-haplos ang buhok. Curious pa naman ito sa lahat ng bagay. Panigurado na maghahangad ito ng kasagutan.

 

 

 

I glared at the laughing adults in front of me.

 

 

 

"Kapag talaga nasunog 'yang niluluto mo, Bruhilda, ididivorced kita."

 

 

 

Siya naman ngayon ang natigilan at namula. Oh ha. Ang lakas-lakas ng loob mang-asar eh. Akala niya siguro siya lang ang may kakayahang tumukso. Marunong din naman akong gumanti, no!

 

 

 

"Ayun! Pano ba 'yan? Mukhang ang sarap-sarap na ng ulam natin niyan mamaya!"

 

 

 

"Miss Allessandra, galingan niyo po sa pagluluto para hindi na kayo i-divorce ng asawa niyo!"

 

 

 

"Kinikilig ako gagi!" Naghampasan pa talaga sila sa harap namin. Mga bad example kay Soleil!

 

 

 

"Don't worry! I'll make the best Chicken Adobo in the whole wide world!" Inangat pa nito ang kanyang kamay na may hawak-hawak na siyansi.

 

 

 

I sighed. I already regretted it na ginantihan ko pa siya. Talagang hindi na nila ako titigilan nito. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? I just rolled my eyes and continued guiding Bruhilda.

 

 

 

"Ilunod mo na nga 'yung mga manok. Dali na!"

 

 

 

Thank God at nairaos din namin ang first half nang pagluluto. Right now, hinihintay nalang namin na mag-simmer down ang sabaw. Kailangan nalang din ng konting-konting tweak sa lasa at good to go na.

 

 

 

Halos isa't kalahating oras din ang itinagal namin bago kami makapunta sa phase na'to. Puros panghaharot lang kasi ang ginawa ng tagaluto na sinasabayan naman ng mga sulsol ng mga kaibigan ko.

 

 

 

Akala ko nga hindi na kami matatapos eh.
Muntik ko na silang i-kick out sa kusina.

 

 

 

Nagrereklamo na din kasi ang alaga ko na gutom na daw siya. Kamuntikan pa nga'ng mag-tantrums. Buti nalang at nabribe sa raspberry sandwhich na ginawa ko pang-papak ko sana. Dahil katulad niya, nagugutom na din ako.

 

 

 

Pumasok muna ako sa loob dahil inutusan ko sila Bing na maghanda na ng mga pinggan sa hapag-kainan para kakain na lang kami pagkaluto ng ulam, pero iba 'yung inatupag nila.

 

 

 

Instead, kumuha sila ng malaking plastic bag at doon pinaglalagay ang mga pingga't kutsara sa loob. Pati na din baso.

 

 

 

"Hephep! Anong ginagawa niyo ha?" I asked, stopping them. Pero may feeling na talaga ako sa kung ano mang balak nilang gawin. 

 

 

 

"Tarzan, punta tayong falls. Doon na tayo kumain ng tanghalian hehe."

 

 

 

"Yup! Napagkasunduan na din namin na pasadong-pasado si Miss Allessandra. Pwedeng-pwede siya sa tambayan na'tin."

 

 

 

"Aba? Kailan pa kayo gumawa ng desisyon ha? At bakit hindi ako kasama sa desisyon na 'yan? Pero sigurado kayo?"

 

 

 

They are talking about our sacred haven. Kung saan kami weekly na nagba-bonding. Tuwing day-off ko every week, ito talaga ang pinagkaka-abalahan naming apat. Ang magrelax at mag unwind sa nakakapagod naming trabaho.

 

 

 

Isa itong hidden falls sa gitna ng gubat malapit sa bahay namin. Nadiskubre namin 'to dati 'nung mga batang gusgusin pa lang kami. Trip kasi naming maglibot-libot sa forest 'non and till then, we made it as our spot.

 

 

 

Nilagyan din namin ito ng 'private property' sign para walang may magtangka na gumala sa loob. Inangkin na talaga namin. Ayos lang naman kay Don Juan. Wala naman siyang paki dito haha.

 

 

 

"Asus. Si Baby Soleil nga pwede eh. Syempre, dapat yung nanay din."

 

 

 

I heaved a sighed. Obviously, matic na may spot ang Kabibe ko na 'yan sa sacred place namin. Ginawan ko pa talaga siya ng man-made area solely for her to enjoy.

 

 

 

"Wala namang kaso sa'kin."

 

 

 

"Pero nakapagtataka lang dahil ang bilis-bilis maapprove ni Bruhilda sainyo samantalang si ano ayaw na ayaw niyo papuntahin don." Natatawa kong saad and they all scrunched their faces.

 

 

 

"Iba naman kasi ang usapan. To simplify, Tarzan, ayaw namin sakanya. Pero gustong-gusto namin si Miss Allessandra. 'Yun ang pinagkaiba."

 

 

 

"Haha, okay. Good judge of character naman kayo kaya may tiwala ako sa mga desisyon niyo sa buhay." Proven and tested na.

 

 

 

"Aba'y syempre naman! Kami pa!"

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Makolit
Happy Sundayy!! Mwamwa!

Comments

You must be logged in to comment
Hera_Jung
0 points #1
Chapter 17: ang kyut naman
wnddmks_ 648 streak 0 points #2
Chapter 17: Mqy kissing lessons pala hahah lugi na naman buti na lang ang cute nyong mag jowa. Congrats pala, Bing and Sav eheheheh
howdoyouknowmee
527 streak 0 points #3
Chapter 17: Wait lang sa update huhu naka-stuck pa ako sa islang pantropikoooo
bigboy123
131 streak 0 points #4
Chapter 17: Naol fast learner 🥹🥹
AhnJang_0304
0 points #5
Chapter 17: ang kyutt legal na si bing at savannah AHAHAHAH
WenRene_77 0 points #6
Chapter 17: Sa wakas!!! Yay!!!! I'm happy for river and bruhilda same with bing & savannah! Salamat sa ayuda otor-nim🥰
nabs_infp
0 points #7
Chapter 6: HAHAHAHAHA. Ayan, ganyan nga Soleil. Gatekeep mo si dada mo from your teacher.
nabs_infp
0 points #8
Chapter 5: but she called her mommy na, so it's a win na for mommy alessanda
karinasaurus11
43 streak 0 points #9
Chapter 17: Grabe may pafree lesson oh! Hahaha at least napatunayan na niya na hindi siya bottom! Go ilog!! 😁
f8nt_echo
0 points #10
Chapter 17: Chapter 17: May pa free lesson and sample ngayon ah 😁

Congrats sa ating mga couple. Legal na legal na lahat!