10

Loving The Summer's Waves
Please Subscribe to read the full chapter
                             10

 

 

"Weh, di nga?! Seryoso talaga kayo? Baka jino-joke time niyo lang ako ha! Miss Allesandra, totoo ba talagang isasama niyo ako sa Singapore? Singapore?! Oh my ghad!"

 

 

 

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis kay Bing. Nakakarindi na kasi. Kanina pa kasi niya paulit-ulit na tinatanong sa'min 'yan. Pero hindi ko rin naman siya masisisi dahil ikaw ba naman ang alukin na sumama papuntang Singapore na parang wala lang.

 

 

 

Well, kasalanan ko din naman. Ako din kasi ang nagsuggest kay Bruhilda na kung pwede magsama pa kami ng plus one para sa gaganaping trip to Singapore. Para maliban sa'kin, magiging doble ang tagabantay ng mag-ina, lalong-lalo na kay Kabibe ko.

 

 

 

First time din kasi gumala ng bata sa malayo– kaloka, literal na a thousand miles away talaga ang layo. Ini-expect ko pa naman na ang unang travel ng bata eh sa Manila or somewhere around the Philippines muna pero amp, yung nanay nilabas agad ng bansa.

 

 

 

"Oo nga! Paulit-ulit? Isang tanong mo pa, hindi ka na namin isasama. Sige ka." Naririnding banta ko habang tinutulungan si Bruhilda mag-impake ng mga dadalhing gamit ni Soleil.

 

 

 

"Ito naman! Parang hindi mabiro eh. Hehe."

 

 

 

"Pero ba't ang sungit mo naman ata ngayon, Daddy Tarzan? May nangyari ba? Meron ka ba?" She asked, obviously teasing.

 

 

 

Meanwhile, I just rolled my eyes at her and chose to ignore her silly questions habang 'yung Bruha naman sa tabi ko ay tumawa lang, clearly finding this all amusing.

 

 

 

"Just let her be, Bing. Kulang lang 'yan sa aruga't lambing ko kaya nagsusungit." Isa pa 'to. I glared at the woman beside me pero ang gaga kinindatan lang ako.

 

 

 

"Anyway, you should also pack your things too, Bing."

 

 

 

"Agad-agad? Ang speed naman ata? Eh kakainform niyo palang sa'kin, Miss Allessandra."

 

 

 

"Well, aalis na tayo bukas so..."

 

 

 

Mabilis itong tumayo sa kinauupuan niya, halatang gulat na gulat sa inulat ng Bruha. "Ha?! Ba't ganyan kabilis?! Oh my ghad! Hindi pa ako ready! Wala pa nga akong mga bagong damit!"

 

 

 

Ayan na nga, nataranta na. Oh well, it's a relief na magkaparehos lang kami ng reaksyon ni Bing when Bruhilda also told me that.

 

 

 

"Teka lang, pupunta lang akong bayan! Grabe naman kayo mag-inform! A day before ang lakad!"

 

 

 

Hindi na namin ito napigilan when she hastily stormed out of the room. Meanwhile, I just shrugged at ipinagpatuloy na lamang ang pag-iimpake when I  felt her presence slowly approaching closer.

 

 

 

Sinubukan kong dedmahin siya but as you can see, si Bruhilda 'yan, ang reyna na dakilang saksakan ng kalandian.

 

 

 

Now, I had already anticipated what she was about to do so I just in a breath nung maramdaman ko na ang mga kamay niya sa bewang ko as her chin gently rested against my shoulder.

 

 

 

She really loves doing this a lot lately, especially after that impromptu island tour ay ni walang oras na iba-back hug niya na ako every chance she gets. And everytime, I'm stuck in a very painful dilemma.

 

 

 

Palibhasa kasi nasasanay na. Tsk. Eme, it's not that I'm complaining, pero kasi! Medyo masakit lang sa dibdib. Ang hirap kaya magpigil nang nagwawalang puso everytime she would do this!

 

 

 

Kung kayo kaya ganituhin ni Bruhilda palagi, tignan lang natin kung hindi pa kayo atakihin sa puso bigla.

 

 

 

"As for you, Asawa ko. Bakit mo'ko sinusungitan ha? Hmm?" Tanginang 'yan. Goosebumps immediately crept upon me as I felt my cheeks automatically heat up, especially my ears when her hot breath softly grazed onto it.

 

 

 

Damn. Alam na alam niya talaga kung paano gumawa ng epekto sa'kin eh no?

 

 

 

I closed my eyes, clenched my jaw as well as my fists.

 

 

 

Deep breaths, River. Please, relax.​​

 

 

 

Nakailang silent mantra pa ako sa sarili– like what I had accustommed to do everytime she would do this kind of act– bago tuluyang kumalma.

 

 

 

Jusko, hindi ko na talaga kinakaya si Bruhilda. Akala ko pa naman matatapatan ko na siya pero talo pa rin pala talaga ako pagdating sakanya. Walang binatbat ang powers ko sa kaharutan niya.

 

 

 

"H-Hindi kaya! Bitaw ka nga." I tried to gently unclasped her hands but to no avail, mas hinigpitan niya pa.

 

 

 

Actually, kayang-kaya ko naman talagang pumalag sakanya pero duh, ayoko naman na masaktan siya. Remember, I'm still so much more physically stronger than her.

 

 

 

And she knows that. And I've also got a feeling that she's taking advantage over that matter, of my softness towards her. That's how devilish she is.

 

 

 

"Nuh uh, Baby. Not until you tell me kung bakit mo'ko sinusungitan kanina pa."

 

 

 

Baby ampota.

 

 

 

I huffed atsaka tumingin sa gilid. Parang ang ganda naman ata ng wall paint combination sa room ni Soleil. Cream colored with pink accent.

 

 

 

Pink.

 

 

 

Suddenly, may naalala na naman ako sa color pink na 'yan. I scoffed, pouting. Bwesit na kulay pink na 'yan.

 

 

 

Bwesit na dalawang maliliit na kulay pink na bola na may tali sa ibabaw na pinupugpog.

 

 

 

"Lato-lato." I uttered silently with pure venom in my mouth.

 

 

 

"What, Baby? Come again?"

 

 

 

"Ang sabi ko lato-lato. Tsk."

 

 

 

"At pwede ba, tigil-tigilan mo na nga ang kakatawag sakin ng baby na 'yan. Ano ako sanggol?"

 

 

 

Pero ang totoo niyan ay kinikilig lang talaga ako. But please, I need my heart to at least take a break from beating all the damn time ng dahil sa kanya.

 

 

 

There was a moment of silence between us. Then, I glanced over her above my shoulders and she have this confused expression that was adorably drawn in her face.

 

 

 

It stayed like that for a moment until her lips slowly formed into a big grin hangga't sa naging full-blown laughter na nga.

 

 

 

Sinasabi ko na nga ba. I rolled my eyes.

 

 

 

Bwesit na lato-lato kasi 'yan!

 

 

 

Hindi naman ako galit sa laruan mismo. Galit lang ako dahil hindi ko aakalain na matatalo ako sakanya! I know ang babaw pero may much deeper reason ako kung bakit ako nagtatampo no!

 

 

 

Kaya before niyo ako i-judge, may naglalako kasi kanina na mga laruan and Soleil being Soleil, of course wala na kaming nagawa kundi ang bumili, especially 'nung lato-lato na 'yan. Curious din kasi ito since marami na siyang nakikitang mga batang naglalaro nito. Trending kasi.

 

 

 

And me being prideful, syempre I bragged na magaling ako maglaro niyan. Aba! Sinaunang laruan pa kaya 'yan. That was my forté before.

 

 

 

I even remembered nung bata pa ako, may nagpacompetition sa'min niyan kaya syempre sumali ako at nanalo. Binansagan pa nga akong "Lato-Lato Master" nun, isa sa mga premyo. Aside from that, meron ding bente pesos at bragging rights.

 

 

 

So it's safe to say that I have already mastered the arts and crafts of Lato-lato. Pero ang talagang hindi ko lang inaakala ay ang pagkapanalo ng Bruhilda na'to sa friendly competition namin kanina. Yawa. Hindi matanggap ng ego ko 'nun.

 

 

 

Now, I'd like to think of myself as a selfless person pero huhu ang master title na pinakainiingatan ko, wala na.

 

 

 

De joke lang, may isa pang rason. Kung bakit kami napunta sa competition kanina ay dahil sa friendly feud na kagagawan din namin, saying na kung sino raw ang mananalo sa aming dalawa sa patagalan ng Lato-lato ay siya'ng babansagang "favorite person" ni Kabibe ko.

 

 

 

O diba parang mga tanga lang.

 

 

 

Tapos 'yung bata naman ay game na game din. Nabuhay tuloy ang competitive blood ko sa katawan. Aba, dapat ako ang manalo! Dapat ako ang maging favorite ng Kabibe ko! Hindi ako makakapayag na hindi!

 

 

 

"Nagtatampo ka dahil natalo kita sa lato-lato competition na'tin kanina?" I clicked my tongue at mas ngumuso pa. Tangina, napakapabebe ko! This isn't really me anymore. Nagbago na talaga ako. Huhu.

 

 

 

 

"Ano naman sayo kung nagtatampo nga ako? Tsk."

 

 

 

Pero hindi naman talaga sa kadahilan na 'yan ako nagtatampo talaga. Like I said kanina, may much deeper reason pa. At sinabi ko rin na selfless person ako tas idagdag mo na din ang pagiging observant ko.

 

 

 

Kaya while in the middle of our competition, I noticed how she wanted to stop due to fatigue at pinipilit na lang talagang gumalaw. Nakakangalay din kaya. Pero mukhang determinado talaga siyang manalo at mabansagang "Paborito" ng anak niya.

 

 

 

Ang tanging kasalanan ko lang ay 'yung tumingin ako sa mga mata niyang nangingiusap, along with that cute pitiful expression. What an evil actress she is, I tell you. Kaya ayun, hindi ko na namalayan na huminto na pala ako, finally hailing her as the winner.

 

 

 

And because of that, naging mayabang siya. 'Yung bragging rights ko sa pagiging "Lato-Lato Master" ay nakuha niya na, boasting it right in front my face. Not to mention, 'yung pagiging "Kabibe's Favorite" din.

 

 

 

Talagang nanlumo ako 'non. Tapos 'yung anak niyang paunti-unting namamana ang pagiging maasarin niya ay naging sulsol din. Pakiramdam ko tuloy pinagkakaisahan lang nila akong dalawa.

 

 

 

Palibhasa kasi alam na alam nila na masyado akong mahina pagdating sakanila kaya nagagawa na lang nilang ganituhin ako.

 

 

 

Nakakasad. Hayst.

 

 

 

That's all. That's the story.

 

 

 

As to why I was acting this way, well... hindi ko rin alam to be honest. Hindi naman talaga ako salty na natalo ako. I'm not that childish, no. Siguro, I just took it as an opportunity to act out, curious to see kung ano ang gagawin ni Bruhilda if I do so.

 

 

 

All in all, what I'm really trying to say here is that, I  should probably highkey blame it on my dormant kabebehan personality na gustong magpasuyo sa isang Bruhilda.

 

 

 

I mentally cringed. Tangina, kinikilabutan talaga ako. I can't seem to fight back against this version of my personality anymore.

 

 

 

Haha. At kakasabi ko lang kanina na I needed a break from all these fluttering feelings pero ako din naman itong naghahanap ng paraan para kiligin. Siguro sign na talaga ito na nababaliw na ako.

 

 

 

Or maybe ito ang epekto kapag alam mong tatratuhin ka ng tama. Eme!

 

 

 

My inner monologue got halted when I heard her cute giggles beside me. I heaved a sighed. Yeah, that answers all of my questions. Na nababaliw na talaga ako pagdating sakanya.

 

 

 

"You're being extra cute right now, don't you know that?"

 

 

 

"Shut up, matagal na akong extra cute, noh. Bitaw na nga."

 

 

 

"Asus. Napakamatampuhin naman pala ng Daddy Tarzan namin na 'yan oh."

 

 

 

"Hindi na ako ang favorite ng Kabibe ko, Bruhilda. At dahil 'yun sayo." I clicked my tongue at mas ngumuso ulit. Tumawa naman siya.

 

 

 

"How adorable. Don't worry, Asawa ko. Hindi ka man ang favorite ng Kabibe na'tin, ikaw naman ang paborito ko."

 

 

 

Pause! Time out! May nanalo na!

 

 

 

I chuckled. Para akong maiiyak. Takte, ayaw ko nang magpasuyo! Ang sakit-sakit pala sa puso kapag sobrang kinikilig. Parang wala sa oras ay sasabog na ito.

 

 

 

"Oo na! Oo na. Bitaw na nga for real."

 

 

 

"Give me a minute. I'm still so comfortable being like this with you." I bit my lips when she started swaying us both.

 

 

 

"Y'know, I've been hearing this song a lot on the radio lately. Maganda 'yung lyrics."

 

 

 

"Ano naman 'yun?"

 

 

 

"I don't know what the title is, but it goes something like this." She started humming the tune. Maganda pala ang boses niya. Akala ko ba pag-aacting lang ang alam nito?

 

 

 

"Nahuhulog sa lupa ang puso ko. Nakatutunaw mga titig mo at dahan-dahang mga hawak mo."​

 

 

 

Napayuko ako ng wala sa oras, holding my breath.  Nak ng putcha. Ba't ganun 'yung lyrics? Sa puntong ito, might as well magcardiac arrest nalang ako right here, right now.

 

 

 

"Maganda nga."

 

 

 

"Right? Na-lss nga ako when I first heard it. Tapos..." Parang may gusto pa sana siyang sabihin but stopped herself midway.

 

 

 

"Tapos?"

 

 

 

"Tapos wala. Palagi ko nang inaabangan sa radyo para mapakinggan ulit haha."

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Makolit
Happy Sundayy!! Mwamwa!

Comments

You must be logged in to comment
Hera_Jung
#1
Chapter 17: ang kyut naman
wnddmks_ 653 streak #2
Chapter 17: Mqy kissing lessons pala hahah lugi na naman buti na lang ang cute nyong mag jowa. Congrats pala, Bing and Sav eheheheh
howdoyouknowmee
532 streak #3
Chapter 17: Wait lang sa update huhu naka-stuck pa ako sa islang pantropikoooo
bigboy123
134 streak #4
Chapter 17: Naol fast learner 🥹🥹
AhnJang_0304
#5
Chapter 17: ang kyutt legal na si bing at savannah AHAHAHAH
WenRene_77 #6
Chapter 17: Sa wakas!!! Yay!!!! I'm happy for river and bruhilda same with bing & savannah! Salamat sa ayuda otor-nim🥰
nabs_infp
#7
Chapter 6: HAHAHAHAHA. Ayan, ganyan nga Soleil. Gatekeep mo si dada mo from your teacher.
nabs_infp
#8
Chapter 5: but she called her mommy na, so it's a win na for mommy alessanda
karinasaurus11
47 streak #9
Chapter 17: Grabe may pafree lesson oh! Hahaha at least napatunayan na niya na hindi siya bottom! Go ilog!! 😁
f8nt_echo
#10
Chapter 17: Chapter 17: May pa free lesson and sample ngayon ah 😁

Congrats sa ating mga couple. Legal na legal na lahat!