11

Loving The Summer's Waves
Please Subscribe to read the full chapter
                             11

 

 

"Jusmiyo Santisima! Seryoso ba talaga, Miss Allessandra? As in dito talaga tayo titira ng isang linggo?!" 

 

 

 

Parehong nakanganga at halos matanggal na ang mga mata namin ni Bing ng dahil sa sobrang pagkamangha. Kabababa lang kasi namin ng eroplano at heto kaming dalawa, parang paulit-ulit na pinagsasampal-sampal ng salitang 'kahirapan' sa mga pagmumukha namin. 

 

 

 

Well, hindi niyo naman kami majujudge dahil sa tanang buhay namin ay hindi pa kami nakakasaksi o nakakita man lang ng ganitong klaseng kalaking bahay– ay hindi, palasyo na ata ito kung ituring.

 

 

 

At panigurado, kung kayo ang nasa sitwasyon namin ngayon ay magiging kagaya niyo din kaming dalawa. 

 

 

 

Pati nga rin 'yun Kabibe ko ay namamangha din. I even heard her uttered a small 'wow' in her adorable, tiny voice, causing me to smile a little dahil ang cute lang. 

 

 

 

At oo, ininclude ko sa example ang mansyon nila Bruhilda dahil mga dzai! Walang-wala ito sa palasyo na nasa harapan namin ngayon! 

 

 

 

Sa katunayan pa nga– at kung ito'y ipagkukumpara, di hamak na mas magmumukhang ordinaryong bahay 'yung sa kanila ni Bruhilda. 

 

 

 

Pati nga 'yung Malacañang o di kaya 'yung mga white houses na nakikita ko sa mga display na magazines sa mansyon ay wala ring binatbat. 

 

 

 

Like this one definitely takes the cake for everything. From its gigantic size all the way to its luxurious landscape and structural design. 

 

 

 

Ito ha, hindi ako maalam sa arkitekto o di kaya sa mga disenyo ng bahay-bahay pero alam ko na pinaghandaan at nilaanan talaga ng oras at syempre ng milyong-milyones itong palasyo na 'to. 

 

 

 

Akala pa nga namin 'nung una isa itong napakalaking hotel ngunit nang bangitin na ni Bruhilda na dito nga naninirahan at bahay nga talaga ito ng kaibigan niya ay diyan na kami mas lalong nalula. 

 

 

 

Grabe lang diba? 

 

 

 

Kaya kung sino man ang nakatira dito ay di hamak na maimpluwensyang tao talaga sa Singapore, o baka naman sa buong Asya pa nga. Malayong-malayo sa inexpect kong kaibigan niya, which is yung normal na mayamang mamamayan lang sana. Eh ang kaso? 

 

 

 

Which also leads me to wonder about the girl beside me, si Bruhilda. 

 

 

 

If she can make friends with such people, then, does that also means that she's this poweful and influential too? Well, syempre oo dahil sabi nga niya isa siyang sikat na aktres kahit na retired na siya pero hanggang doon lang ba talaga? 

 

 

 

Not to mention her father. Isa rin 'yun eh. But what about her mother?

 

 

 

Basing from that questions alone, a couple more had formed. Hmm, maybe this just goes to show na marami pa pala talaga akong walang alam tungkol kay Bruhilda. And vice versa din. 

 

 

 

I already made up my mind (and lowkey promised sakanya) na gagalaw na ako. At kung gagalaw ako, I have to know everything there is to know about her first. 

 

 

 

Mahirap na. Ayaw ko namang sumubok sa gyera ng hindi ako handa at mas lalong walang kaalam-alam sa mga bagay-bagay, lalong-lalo na kung tungkol sakanya. Kagaya nalang nito na forda surprise talaga ako sa totoong estado ng buhay niya. Parang nareality check tuloy ako. 

 

 

 

At isa pa, baka mamaya magulat nalang ako sa malalalaman ko at magaya ulit sa nakaraan ko. I am done being naive, graduate na ako diyan. If I am going to fall inlove, I am going to do it more cautiously now. 

 

 

 

Gustong-gusto ko si Bruhilda, without a doubt. At willing naman akong malaman ang lahat ng tungkol sakanya at mas kilalanin pa siya. Doesn't matter whether if it's good, bad or ugly. 

 

 

 

As long as she's being true, tatanggapin ko naman ito ng buong-buo at ng walang halong pagdadalawang-isip. 

 

 

 

"Hey, are you okay? Parang ang lalim naman ata ng iniisip mo. Ako ba 'yan ha?" 

 

 

 

Napatingin ako sa katabi ko at inikutan siya ng mata. Hindi ko pala namalayan na napalakas ang pagbuntong-hininga ko. 

 

 

 

"Feeling mo naman. Nalulula lang kasi ako sa palasyo ng kaibigan mo. Tinalo pa ata ang Malacañang." I answered, looking around.

 

 

 

Hindi siguro kakayanin ng isang araw lang kung may balak ka man na libutin ang buong paligid. Aside from the massive house, ang lapad-lapad din ng lot area nito. Pwede na yatang gawing soccer field. 

 

 

 

"Princesa ba ang kaibigan mo?" Seryosong tanong ko. Para makapaghanda naman ako sa pagpapakilala sa sarili ko. Baka mamaya mapahiya pa tayo. 

 

 

 

She giggled but shook her head. "Close. But more like politically inclined ang parents niya. And then, you can also add the generational wealth na din. This explains the massive place." 

 

 

 

Ah okay, sana all. Haha, mas lalong hindi nakatulong ang sagot niya. Paano nalang kaya kung darating na ang araw ng birthday celebration? Paniguradong babaha ng mga mayayaman dito. 

 

 

 

Baka ma out of place lang kami. Teka, bagay ba talaga kami dito?

 

 

 

She must have noticed the slight commotion brewing in my expression when I felt her hand, gently squeezing my own free hand. Karga-karga ko kasi sa isa 'yung anak niya. But I'm not gonna lie, it immediately made me feel at ease. 

 

 

 

"Please, don't worry. My friend and her family are the nicest people you could ever meet." 

 

 

 

"And you have me. I won't let anyone harm you three." She assured me and then looked at her daughter, gently pinching her cheeks, making the kid giggle. 

 

 

 

"Oo na. We'll be in your care." 

 

 

 

She smiled widely, before winking flirtily. Parang hindi lang nakikita ng anak niya 'yung kalandian niya ah. Meanwhile, her hands was still holding mine at parang wala nang balak bitawan ito. Hinayaan ko nalang. 

 

 

 

"Of course! Makakaasa ka sakin! I will take care of you greatly!" 

 

 

 

I playfully shook my head and let out a light scoff. Magsasalita pa sana ako when a group of people hastily came out of the palace. Take note, naka-tuxedo attire pa talaga ang ayos nila. Halos mga lalaki din at ang lalaki ng katawan nila! Nakakatakot! 

 

 

 

They then gathered in front of us, luminya at dahan-dahang pinagkukuha ang mga gamit namin. Ayaw ko pa sanang ibigay but Bruhilda told me it's okay. 

 

 

 

"Ganito ba talaga dito?" I whispered. 

 

 

 

"As far as I can remember, yeah."

 

 

 

Sheesh. I breathed out of amazement. 

 

 

 

Not long after, isang babae naman ang lumabas sa entrance door at base sa tindig at pananamit nito along with Bruhilda's obvious excitedness, this must be her friend– yung birthday girl. What I didn't expect though ay 'yung isa kong kaibigan sa tabi ko– na magiging ganon din.

 

 

 

Napa-aray nalang ako nang bigla akong hampasin ni Bing. 

 

 

 

"Ay putangina! Namamalik-mata ba ako, Tol!?" My eyes widened when she suddenly shouted. Pinagsasabi nito? At nyeta! Nagmura pa talaga sa harapan ni Soleil! 

 

 

 

I looked at her incredulously, ang sakit nang hampas niya ha! Pasalamat siya at hindi available ang magkabilang kamay ko.

 

 

 

"Bing! 'Yung bibig mo!" Saway ko dito pero dinedma lang ako. Tsk. 

 

 

 

"S-Si S-Savannah 'yan, Tol! Y-Yung Idol ko!" My brows furrowed. Huh?

 

 

 

Wala naman akong kaalam-alam sa idol niyang 'yan. Yes, I often hear that name from her dahil patay na patay siya dito pero hindi talaga ako pamilyar sa mukha nito.

 

 

 

"Mahihimatay na yata ako, Tarzan! Umuwi na nalang kaya tayo, please? Iiyak na talaga ako dito." 

 

 

 

Hindi ko alam kung matatawa ba ako, mag-aalala o maaawa sakanya. She really looks like she's about to combust in distress anytime soon. 

 

 

 

"Tumigil ka nga. Ikalma mo." 

 

 

 

"Parang hindi ko yata kaya, Pre!" Jusko. 

 

 

 

"Kabibe, can you please pat Tita Bing's shoulders? Sabihan mo rin siya na huminga ng malalim." Mahinang utos ko sa bata because as you can see, I'm currently full as of the moment. 

 

 

 

Mukhang nagets naman ata ni Soleil when she adorably nodded and procceeded to gently pat my friend. 

 

 

 

"Tita Bang-Bang, relax po. Breathe deeply. Like this po oh." Nag example ito na humihinga ng malalim while I eyed her proudly. 

 

 

 

Ang talino talaga ng Kabibe ko na 'yan! I was the one who taught her this too. Para kung sakaling atakihin man siya ng kaba sa school o sa kung saan man 'yan, at least she knows how to handle herself– on how to calm herself. Speaking from experience. Eme! 

 

 

 

Naging successful naman ang ginawa niya, probably because nabaling sa cuteness ni Soleil ang atensyon ni Bing. Sino ba naman ang makaka-resist sa innocent puppy doe eyes nito. 

 

 

 

Medyo nakakahiya na rin kasi sa harapan namin. Hindi niya lang napapansin dahil busy siya magpanic kanina pero yung 'so called idol' niya ay nakatingin na pala samin. Nalihis lang nung tawagin siya ni Bruhilda. 

 

 

 

"Savy!" Bruhilda let go from her hold at agad na tumakbo sa kanyang kaibigan, opening her arms wide open for a hug. 

 

 

 

"Oh my gosh, Katherina!" Hindi naman nagpatalo ang isa at inambahan siya ng yakap. They really seem to miss each other. 

 

 

 

"How are you, Babe? I miss you so much!" 

 

 

 

Bahagyang kumunot ang noo ko. Babe? Maypa-call sign pa talaga sila sa isa't-isa ha? Dapat na ba akong kabahan niyan? Joke lang, syempre. Haha. 

 

 

 

Bruhilda smiled genuinely as she answered. "Never been happier, Savy. Who would've have thought, right?" Bumaling saamin ng bahagya.

 

 

 

Ngumiti naman ang kaibigan niya sa naging sagot nito. "I can truly see that, Kath. You glow differently and more brightly than before. And even prettier too!"

 

 

 

Ang kaninang malaking ngiti ni Bruhilda ay mas lalong lumapad pa. Naku. Lalaki na naman ang ulo ng babaeng 'yan. 

 

 

 

Pabirong hinawi nito ang buhok na ikinatawa nilang dalawa. "Oh well, small things." Pagmamayabang nito. "And since when did I become not pretty, right?" 

 

 

 

Her friend laughed at that, playfully rolling her eyes. "And you have become much more conceited too. Is that the effect of retirement?"

 

 

 

"Hmm, maybe!" Ayan at nagtawanan na nga. Pero grabe lang nang convo nila ha. Nakakanosebleed ng ilong. 

 

 

 

Nakakapanibago din sa paningin si Bruhilda dahil ibang-iba siya kung makipag-interact sa kaibigan niya. Merong class eh. Samantalang sa'kin, dinaig pa 'yung palengkera kung minsan. 

 

 

 

Hindi nagtagal ay natapos din ang munting reunion nila at natuon na ang atensyon nilang dalawa sa amin. 
Napatayo pa nga kami ng tuwid ni Bing when they both started to walk over to us. I can feel the curious stares from her friend, as well as my own friend's obvious internal panic. 

 

 

 

Napailing na lamang ako. 

 

 

 

"And who do we have here, Katherina? Mind if you introduce them to me?" 

 

 

 

Okay, ngayon na malapit na sila sa'min, doon ko lang napagtanto na ang ganda pala ng mga mata ng kaibigan ni Bruhilda. Napakasingkit kasi. Ang tangos din ng ilong at may mole siya sa bridge nito. 

 

 

 

I eyed my friend and silently nodded in agreement. Ngayon alam ko na kung bakit baliw na baliw siya sa idol niya. Ang sobrang ganda pala. 

 

 

 

Wala sa isip na napatingin naman ako kay Bruhilda, only to shudder when I was met with her warning glare and raising brows. I immediately look away. Sumunod naman kay kabibe ko only to met the same fate again when her expression mirrored her Mom's. 

 

 

 

Hala. Anubayan. 

 

 

 

I cleared my throat. 

 

 

 

"Kath?" Pagtawag muli sakanya ng kanyang kaibigan. 

 

 

 

Dumaan muna ang ilang saglit bago sumagot si Bruhilda. I bet she was still glaring at me. I can feel it. Mas lumamig kasi ang klima. Wala naman akong ginagawa huhu. Nagandahan lang naman ako sa kaibigan niya. 

 

 

 

"Right." Tumawa muna siya mahina. "Surely." 

 

 

 

"Let's start with my lovely daughter here. The one you wanted to meet so bad. Her name is Annika Soleil Kathrina Del Montezor." She proudly gestured to her daughter, who looks so shy now. 

 

 

 

Itinago lang naman kasi niya ang kanyang ulo sa likod ng leeg ko. I chuckled. She's usually like this when it comes to meeting new people. Kaya hindi na bago sa'kin. 

 

 

 

As if on cue, her friend gasped at mas lalong lumapit sa'min. Kulang na nga lang hakupin na niya ang buong personal space namin. Nagulat nalang ako when she was so close to our faces. 

 

 

 

"OMG! My goddaughter!" Umikot ito sa likuran ko to hopefully see the face of her friend's daughter pero sobrang nahihiya talaga siguro ang Kabibe ko. Maybe I can help. 

 

 

 

"Kabibe ko, huwag ka nang mahiya. I-greet mo na ang kaibigan ng Mommy mo. Sige na. Mukhang mabait naman siya." Mahinang udyok ko dito at pinaharap siya. Hindi naman ako nahirapan nang magkusa ito. 

 

 

 

"H-Hello po. I'm Soleil, mommy's daughter. N-Nice to meet you po." Napangiti ako sa cute na pagpapakilala nito sa sarili bago kami nagkatinginan ni Bruhilda. She mirrored my expression at obvious ang saya sa mga mata nito w

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Makolit
Happy Sundayy!! Mwamwa!

Comments

You must be logged in to comment
Hera_Jung
#1
Chapter 17: ang kyut naman
wnddmks_ 653 streak #2
Chapter 17: Mqy kissing lessons pala hahah lugi na naman buti na lang ang cute nyong mag jowa. Congrats pala, Bing and Sav eheheheh
howdoyouknowmee
532 streak #3
Chapter 17: Wait lang sa update huhu naka-stuck pa ako sa islang pantropikoooo
bigboy123
134 streak #4
Chapter 17: Naol fast learner 🥹🥹
AhnJang_0304
#5
Chapter 17: ang kyutt legal na si bing at savannah AHAHAHAH
WenRene_77 #6
Chapter 17: Sa wakas!!! Yay!!!! I'm happy for river and bruhilda same with bing & savannah! Salamat sa ayuda otor-nim🥰
nabs_infp
#7
Chapter 6: HAHAHAHAHA. Ayan, ganyan nga Soleil. Gatekeep mo si dada mo from your teacher.
nabs_infp
#8
Chapter 5: but she called her mommy na, so it's a win na for mommy alessanda
karinasaurus11
46 streak #9
Chapter 17: Grabe may pafree lesson oh! Hahaha at least napatunayan na niya na hindi siya bottom! Go ilog!! 😁
f8nt_echo
#10
Chapter 17: Chapter 17: May pa free lesson and sample ngayon ah 😁

Congrats sa ating mga couple. Legal na legal na lahat!