08

Loving The Summer's Waves
Please Subscribe to read the full chapter
                           08

 

 

"River, iha! Tinanghali ka ata ng gising ngayon?"

 

 

 

Napakamot ako sa ulo habang nagmamadaling tumungo sa loob ng mansyon ng mga Del Montezor. Sakto namang nakasalubong ko si manang na kabababa lang din ng hagdan habang hawak-hawak ang mga lalabahin. Kaya agad ko rin siyang tinulungang bitbitin ito.

 

 

 

"Medyo napasarap lang po nang tulog, Manang haha." I replied, laughing a little. Pagkabalik na pagkabalik ko kasi sa bahay kanina galing laot ay agad din akong nakatulog ulit.

 

 

 

Pagod na pagod kasi talaga ako dahil may quota  kaming hinahabol kanina. Ni hindi na nga ako nakapagluto o nakapag-almusal man lang kaya gutom na gutom na rin ako.

 

 

 

"Si Allesandra nga po pala, Manang? Tulog pa rin po ba?" I asked.

 

 

 

Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung munting bonding namin sa falls, at ilang araw na rin ang lumipas since Bruhilda made a promise to improve herself to which she is consistently keeping up until now. And I can say na malaki ang naging improvements niya.

 

 

 

Everyday, she never failed to show me– and her daughter– her efforts. Pursigidong-pursigido talaga si  babae na mapabuti ang sarili.

 

 

 

I am proud, of course. I felt like a parent witnessing their child successfully achieve something they truly wanted so badly for the first time.

 

 

 

"Ay si Ma'am Katherine ba? Naku! Kanina pa 'yun gising. Naabutan ko nga sa kusina, nagluluto."

 

 

 

I nodded while smiling, feeling a surge of proudness cloud over me. This is what I've been talking about.

 

 

 

Although these past few days ay kinakailangan ko pa siyang gisingin at i-assist sa mga gawain but this time, it looks like she woke up on her own accord and really did all the process by herself alone.

 

 

 

"Ganun po ba?"

 

 

 

"Yes, Iha. Nakakatuwa nga'ng isipin eh." She smiled with a delighted look on her face.

 

 

 

"Alam mo, River iha. Kada gabi nga, nakikita ko pa 'yang nagpapaturo sa mga kasamahan ko dito. Practice daw."

 

 

 

I bit my lips, amused. Kaya naman pala parang galamay niya na ang kusina. She now knows which is which o kung saan nakalagay ang mga kitchen tools.

 

 

 

"Nung isang gabi nga nilutuan niya pa si Don Juan ng Chicken Adobo. Kaya ayun, tuwang-tuwa si señor."

 

 

 

"Parang nag-improve din tuloy ang relasyon nilang mag-ama. Kung dati, nagkakahiyaan pa sila at walang imik sa isa't-isa. Ngayon naman, ang close-close na nila."

 

 

 

Ito namang si Manang. Napaka-observer haha. Di halatang lagi niyang minamanmanan ang mga bawat kaganapan sa loob ng bahay na'to.

 

 

 

"Pati 'yung mag-ina rin nga ay mas lalong nagiging malapit na din sa isa't-isa kaya ang ganda lang tignan."

 

 

 

Sa lahat, ito 'yung pinakagusto kong marinig. I smiled widely.

 

 

 

"Mabuti naman po kung ganon." I replied as I placed the basket of clothes near the washing machine.

 

 

 

Sa likod kami dumaan kaya hindi na namin nadaanan pa ang kusina. Bagaman ay nasa may gilid naman kami kung nasaan nakakonekta pa rin ang dalawang area gamit ang sliding door. Kaya kitang-kita pa rin ang loob ng kusina mula rito.

 

 

 

Pasimple ko namang iminuwestra ang mga mata sa gilid at lihim na napangiti nang dumako na ang mga tingin ko sa isang magandang babae na nagluluto.

 

 

 

She looks so serious. I mentally chuckled.

 

 

 

"Salamat, River. Napakabait mo talagang bata." My attention went back to Manang again pero hindi naman nakawala sa peripheral vision ko ang unti-unting paglingon ni Bruhilda sa gawi namin.

 

 

 

I gave her a gentle smile. "Hindi naman po gaano, Manang haha."

 

 

 

"Asus. Teka, wala ka pa bang nobya? Baka gusto mong ireto kita? May kakilala akong–"

 

 

 

Hindi na natapos ni Manang ang sasabihin niya nang biglang may naramdaman akong pumulupot na mga kamay sa bewang ko, making me froze on the spot. And based on the familliar perfume alone, I gulped.

 

 

 

"Hi po, Manang!" Masiglang bati niya dito, totally unbothered to what she just did. Instead, she even rested her chin on my shoulders! Nakita ko naman ang biglang paglaki ng mga mata ni Manang sa ginawang aksyon ng amo.

 

 

 

I tried to take her arms off but she just only tightened it even more as I felt her shift, feeling her hot breath near my ears as she whispered.

 

 

 

"Hi din sayo, Asawa ko."

 

 

 

Awtomatikong namula naman ako, along with the solemn goosebumbs that I felt ran down my spine. Takteng Bruhildang 'to! Hindi na talaga mawala-wala ang bwesit na joke na 'yan sakanya! Mai-issue pa kami sa ginagawa niya eh!

 

 

 

Lately din kasi, mas lalong nagiging matapang na rin ang isang 'to. Tinalo pa ata si Soleil sa pagkaclingy! Pero ang mas pinakamalala pa ay 'yung sarili ko. Because I just found myself letting her too. Without any concerns.

 

 

 

"Hello din po, Ma'am Katherine! Tapos na po kayo sa  pagluluto?"

 

 

 

"Yup! Actually, I also made some for you and the others po. Nasabihan ko na rin sila kaya feel free to eat nalang anytime."

 

 

 

"Ay naku naman po, Ma'am Katherine. Nag-abala pa po kayo, nakakahiya tuloy."

 

 

 

Tumawa naman ng mahina ang babaeng nakaakap sakin. "Ano ka ba naman, Manang. Para kayong others, eme!" She joked. She's too hyper. Andami na naman sigurong naimon na kape nito.

 

 

 

"But really, it's somehow of a pasasalamat na rin sainyo hehe. Sa pagturo sa'kin ng mga lutong bahay." She winked.

 

 

 

"Dahil sainyo, napapahanga ko tuloy ang asawa't anak ko." Punyetang Bruhilda 'to!

 

 

 

I quickly pinched her skin when her lips sneakily made its way into my cheeks. Hindi na talaga nahiya! Samantalang ako gustong-gusto ko nang magpalamon sa lupa.

 

 

 

Sa harapan ni Manang pa talaga ako hinaharot!

 

 

 

Mainam na tumingin naman ako sa matanda.
"Manang, huwag po kayong nagpapaniwala dito pakiusap." Pagmamakaawa ko because I can already feel it, 'yung chismis. Gayong kay Manang pa talaga siya nagbibiro.

 

 

 

"Bakit hindi? Sino ba ang amo dito?" Playful na panghahamon niya sa'kin saka bumaling ulit sa matanda. "Tsaka, Manang. Huwag niyo naman po sana ireto ang Asawa ko. Akin lang po siya."

 

 

 

Nahigit ko ang hininga dahil sa sinabi niya.

 

 

 

"Bruhilda, tumigil ka na nga!" Saway ko dito, giving her a side glare. Pero ang Bruha bumungisngis lang. Tuwang-tuwa pa eh no.

 

 

 

"Alright, alright. Nagbibiro lang naman eh. Sorry na po, Asawa ko– ay este River pala." Amp. Hayna'ko.

 

 

 

Nakahinga naman ako ng maluwag nang kumalas na siya sa'kin. Mabilis ko namang pinakiramdaman ang sarili. Ni hindi ko na pala namamalayan na kanina ko pa pinipigilan ang paghinga kaakibat nang pagbilis ng tibok ng puso ko.

 

 

 

Para akong aatakihin. Pati 'yung tiyan ko, may sa kung ano rin akong nararamdamang nagrarambulan. Binubulate din ata ako. Pesteng yawa.

 

 

 

I secretly took a deep breath in order to somehow bring a sense of calmness into my chaotic heart yet, I only I found myself failing as I can still feel her lingering warmth around my body.

 

 

 

So I did the next best thing I could do at that moment— to flee. I cleared my throat.

 

 

 

"Gisingin ko lang si Soleil." Pagpapalaam ko. Hindi ko na hinintay pa ang mga sagot nila at sumibat na kaagad paalis.

 

 

 

Damn. I clenched my jaw as realization soon hit me.

 

 

 

I mean, alam ko naman that whatever I'm feeling right now is not normal. Afterall, I've already experienced this before.

 

 

 

'Yun nga lang, alam ko rin sa sarili ko na ang tanging kahahantungan nito ay isang masalimuot na pasakit lamang. Kaya nga iniiwasan ko na ang makaramdam ng ganito because it will only end up in vain.

 

 

 

But that stupid, annoying flirt, Bruhilda, just had to mess everything up. Now, I'm stuck in this dilemma.

 

 

 

Kung hahayaan ko lang ba na mahulog ako and  accept whatever this is I'm feeling and let it be— or to just stop this once and for all and pretend like it like it didn't happened.

 

 

 

That this is just some sort of a lucid nightmare I'm having. That I'm not really harboring any feelings to her.

 

 

 

But who am I kidding, right? Dahil alam ko rin sa sarili ko na simula't sapul pa lang, I've already chosen the former.

 

 

 

I heaved a sighed.

 

 

 

Pesteng yawa, Bruhilda. Just what are you doing to me

 

 

 

You're driving me crazy.

 

 

 

To the point that I'm willing to take a risk again.

 

 

 

With a distracted mind, I absentmindedly opened Soleil's bedroom door. Pumasok naman ako at agad na bumungad sa'kin ang mapayapang natutulog na bata.

 

 

 

I got closer to the kid by sitting down on the carpeted floor just below her bedside table at pinagmasdan lamang ang maamong mukha niya.

 

 

 

She really looks just like her mother.

 

 

 

Mula sa hurma ng mukha nito pati na din sa facial features, carbon copy. Pati nga din 'yung maliit na beauty mark sa gilid ng bibig nito ay nakuha niya rin.  

 

 

 

Now, this reminds me back then of when this kid was just a newborn. Back when her hair would look like a pineapple's leaves dahil palaging nakataas lang ito no matter how many times I tried to comb it down with my hands.

 

 

 

I wonder kung ganon din kaya 'yung sa Nanay niya when she was at that age too.

 

 

 

I shook my head because suddenly, nag-transition na naman sa bruha na 'yun ang isipan ko. At madalas na itong mangyari. That Witch would occupy my mind too often.

 

 

 

Tama nga lang siguro na Bruhilda ang tawag ko sakanya. Dahil baka hindi ko lang alam, ginayuma na niya pala ako kaya ako nagkakaganito. I chuckled at the thought, clearing the messy hairs that was bothering the kid's face.

 

 

 

Hayst, Soleil. What am I gonna do with your Mom, huh?

 

 

 

"One dot, papatulan ko na talaga ang Mommy mo, Kabibe." I voiced out.

 

 

 

Dahil sa sobrang immersed ko sa bata, I didn't heard the door opening along with the Witch creeping up behind my back.

 

 

 

"Dot."

 

 

 

"!" Napabalikwas ako sa gulat. Nang marealize ko ang sinabi, agad ko ring tinakpan ang bibig. Amp! Nakamura pa nga sa hapapan ng bata dahil sa kagagawan ng babaeng 'to!

 

 

 

"Bruhilda naman!"

 

 

 

Her naughty, playful face was all I saw accompanied by her loud laugh. I rolled my eyes. Talaga nga naman, oo.

 

 

 

Because of what happened, we noticed Soleil stirred in her bed hangga't sa nagmulat na nga ng mga mata ang bata. She looked at us confused.

 

 

 

"Dada? Mommy?"

 

 

 

"Hi, Baby. Good morning." Malambing na bati nito sabay lapit sa anak.

 

 

 

It was such a sight to behold, actually. Akala ko nga medyo matatagalan pa bago sila magkasundo pero wala eh

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Makolit
Happy Sundayy!! Mwamwa!

Comments

You must be logged in to comment
Hera_Jung
#1
Chapter 17: ang kyut naman
wnddmks_ 653 streak #2
Chapter 17: Mqy kissing lessons pala hahah lugi na naman buti na lang ang cute nyong mag jowa. Congrats pala, Bing and Sav eheheheh
howdoyouknowmee
532 streak #3
Chapter 17: Wait lang sa update huhu naka-stuck pa ako sa islang pantropikoooo
bigboy123
134 streak #4
Chapter 17: Naol fast learner 🥹🥹
AhnJang_0304
#5
Chapter 17: ang kyutt legal na si bing at savannah AHAHAHAH
WenRene_77 #6
Chapter 17: Sa wakas!!! Yay!!!! I'm happy for river and bruhilda same with bing & savannah! Salamat sa ayuda otor-nim🥰
nabs_infp
#7
Chapter 6: HAHAHAHAHA. Ayan, ganyan nga Soleil. Gatekeep mo si dada mo from your teacher.
nabs_infp
#8
Chapter 5: but she called her mommy na, so it's a win na for mommy alessanda
karinasaurus11
47 streak #9
Chapter 17: Grabe may pafree lesson oh! Hahaha at least napatunayan na niya na hindi siya bottom! Go ilog!! 😁
f8nt_echo
#10
Chapter 17: Chapter 17: May pa free lesson and sample ngayon ah 😁

Congrats sa ating mga couple. Legal na legal na lahat!