09

Loving The Summer's Waves
Please Subscribe to read the full chapter
                            09

 

 

"Pareng Tarzan, ano itong nasasagap namin na chismis ha? Alam mo bang kalat na sa buong bayan na naglalandian daw kayo ng anak ni Don Juan?"

 

 

 

Hindi makapaniwalang tinapunan ko ng tingin sila Bing. Naglalandian ampota. I mean, partly true naman pero kasi... hayst, heto na nga ba ang sinasabi ko. Ang bilis talaga kumalat ng chismis.

 

 

 

Kasalan talaga 'to nang kaharutan ni Bruhilda eh, at ang taklesang bibig ni Manang.

 

 

 

"May bali balita nga rin na totoong anak mo talaga si Kabibe eh. Tapos kaya umuwi si Ma'am Allessandra dito sa isla ay para raw makapag-ayos kayo at maging isang buong pamilya."

 

 

 

Jusmiyo mahabagin! Anong klaseng chismis 'yan! Kung may iniinom lang siguro ako, kanina pa ako nabilaukan sa tindi ng balita!

 

 

 

Hanep! Sino ang nagpakalat 'non ha at gusto ko lang makipag-usap.

 

 

 

"Aba! Ang tindi naman pala ng chismis na 'yan!" I incredulously shouted, abruptly standing on the boat causing it to shook.

 

 

 

Bahala na kung mahulog kami sa gitna ng dagat. Mas okay pa nga 'yon kesa marinig ang mga matatayog na balita tungkol sa'min ni Bruhilda.

 

 

 

"HAHAHA! Ginawa ka na talagang totoong batang ina, Dada Twarzan."

 

 

 

"Hindi ko naman sila masisisi kung ganon ang tingin nila sainyo. 'Yung galawan niyo ba naman kasi
ay para talagang isang 'happy family' kung umasta."

 

 

 

Okay. Hindi ko naman maipagkakaila 'yun. Pero kinilig ako don sa sinabi ni Bong ha. Haha, kaya nachichismis eh.

 

 

 

Well, ever since I admitted to myself that I like that Witch, I found everything that has to do with her to be so heart fluttering.

 

 

 

Meaning, kinikilig na ako palagi pagdating sakanya. Especially when every time I think that we do look like a happy family together.

 

 

 

"Ay ano 'yan? Ba't ngumingiti ka pre? Delikado ka na talaga."

 

 

 

I immediately straightened my expression.

 

 

 

"Hindi ah." I denied. But I know that my feelings already gave me away. Sila pa na mabilis makahalata. They know me so well.

 

 

 

"Gusto mo na ba?"

 

 

 

There it is. The million dollar question. Ini-expect ko naman na tatanungin nila ako regarding this. But it doesn't mean that it would make things less nerve-wracking. I mean, it has been a while ever since I've been asked about this kind of question.

 

 

 

Huminga muna ako ng malalim as I looked away. I wanted to keep mum and answer with denial but I have also realized na there is no use to it anymore. I've already come to terms about my feelings for her and accepted that fact after all. I should be proud of it.

 

 

 

Well, I am indeed proud of it– of liking Allessandra.

 

 

 

"Oo."

 

 

 

Sa isang salita, katumbas naman nito ang milyon-milyong nagrarambulan na paru-paru sa tiyan ko. Biruin mo, kinilig ako sa dalawang letra na yon? Like who would have thought that I would feel this giddy by admitting out loud that I like that Witch.

 

 

 

"Ayiee!" Lahat sila humiyaw, obvious na gustong-gusto nila ang narinig. Ako din naman.

 

 

 

"Wait! Wait!" They halted when Bing spoke. It looks like she wants to ask me something. Tumingin ito ng seryoso sa'kin.

 

 

 

"River, una sa lahat sobrang proud ako na finally may nagugustuhan ka na rin ulit at si Ma'am Allessandra pa. Yehey!"

 

 

 

"Pangalawa, salamat sa Lord dahil inamin mo na rin sa sarili mo na gusto mo na siya. At ang pinakamalupit, na hindi ka na occasional sadgirl at bitter sa lovelife!"

 

 

 

Inismiran ko siya sa last sentence niya.

 

 

 

"Pero, ang gustuhin si Miss Allessandra also means that there is one more thing that you have to accept..." She paused. Atsaka wow, umengles na nga ang gaga. Mukhang seryoso talaga.

 

 

 

But I know what she meant. I smiled lightheartedly.

 

 

 

"Alam ko, Bing. Pero bago ko man magustuhan 'yung isa, mahal ko na ang nauna sakanya."

 

 

 

"Mahal ko ang Kabibe ko."

 

 

 

Before I finally accepted Allessandra in my heart, I already accepted what came with her– si Soleil, her daughter.

 

 

 

Handa akong panindigan ang bata– silang dalawa– kayaga kung paano ko panindigan ang nararamdaman ko para kay Allessandra.

 

 

 

And it also doesn't change the fact na mas nauna kong mahalin 'yung bata. The moment I first held my Kabibe into my arms, I know that I already fell in love with her.

 

 

 

And I know that I will spend the rest of my life taking care of her.

 

 

 

That I will never ever get tired of protecting her.

 

 

 

Of loving her.

 

 

 

Of providing her with all the good things in the world sa abot ng makakaya ko. Because she deserves all the best in this world could give.

 

 

 

They both are.

 

 

 

Kaya siguro nahulog din ako sa Nanay. May pinagmanahan pala talaga. Parehos akong pinainlab sakanilang dalawa. Hayst.

 

 

 

Naghiyawan ulit sila whilst I sighed, shaking my head. Ang kulit. Di naman halatang mas masaya pa sila kesa sa'kin eh. But I'm also quite happy that they finally fully support me with this one– this time.

 

 

 

Yes. Kung gaano sila kasaya at full support ngayon, very contrary naman ito to what they were back then in the past– back into my past lovelife na halos magmaka-awa na sila dahil sa sobrang ayaw at tutol nila sa taong 'yun.

 

 

 

"Ayun naman pala eh! Full support ka namin diyan, Pareng Tarzan!" Bong assured and I smiled. See.

 

 

 

"Pero pare ha, ang puso. Oo, gustong-gusto namin si Ma'am Allessandra para sayo pero alam namin kung paano ka magmahal."

 

 

 

"Kaya ingatan mo pa din 'yan ha."

 

 

 

Tumango ako. Nagiging super protective talaga sila pagdating sa ganitong usapan.

 

 

 

"Huwag kayong mag-alala. Hindi na ako tanga." I rolled my eyes as I replied. "Never again." They all laughed.

 

 

 

"Tama 'yan! Maging tanga lang sa buhay in general, huwag lang sa buhay pag-ibig. Diba, Bing?" Tinukso pa nga ang kapatid.

 

 

 

"Gaga!"

 

 

 

"So, kelan ka aamin?"

 

 

 

Natigilan ako sa tanong ni Dong. Right, 'yan ang hindi ko pa masasagot ng maayos. But I have already predicted na magshi-shift ang dynamics namin ni Bruhilda ever since that talk sa dining table.

 

 

 

Kaya simula 'nung foundation day sa school, I also started to slowly unveil my feelings for her. Hangga't sa nagtuloy-tuloy na nga ang lowkey na pagpaparamdam ko ng damdamin sakanya.

 

 

 

Whenever she would tease me, I also tease back. That's right. Lumalaban na ako noh. Sabi ko naman kasi na kapag nakabwelo na ako, papatulan ko na talaga siya. And I did.

 

 

 

So much so that she would sometimes get taken aback whenever I do so. Ha! Sinong akala niya ha. Hindi na ako mahina, noh.

 

 

 

Nakakatuwa nga minsan dahil halatang hindi niya talaga inaasahan na sasabat at sasabayan ko siya sa mga panunukso niya.

 

 

 

And don't even get me started on her adorable, flushed expression. Ang cute lang kasi mamula ng mga pisnge't tenga niya.

 

 

 

Kaya minsan nahihirapan din akong pigilan ang sarili na hindi siya kurutin kapag nasasaksihan ko ito beforehand. Hindi ko lubos akalain na makikita ko siya ng ganon. 

 

 

 

Imaginin niyo nalang ang mapang-asar at maypagka-maldita niyang mukha na namumula at nahihiya kapag pinapakilig ko. Asus, ako lang 'to, noh.

 

 

 

"Hindi ko pa alam. Siguro kapag sapat na ang lakas ng loob kong magpaalam kay Don Juan."

 

 

 

Isa pa 'tong inaalala ko. Gusto ko munang humingi ng permiso at magpaalam sa ama ng taong gusto ko– kay Don Juan, bago umamin kay Bruhilda. Gusto ko na maging smooth-sailing ang lahat at walang problemang magaganap kapag nagsimulang gumalaw na talaga ako.

 

 

 

I want my courtship with her to be free of hindrance and worries. Isa pa, hindi lang naman kasi si Bruhilda ang liligawan ko, kundi dalawa sila ni Soleil.

 

 

 

Although my Kabibe calls me Dada Twarzan, yet I know that she only sees me as someone who just likes to take care of her, like a babysitter.

 

 

 

Kasalanan din naman kasi ng mga kaibigan ko kung bakit ganon ang tawag sa akin ng bata. Tinuruan kasi nila. Kaya nasanay tuloy.

 

 

 

'Yun lang, sana matanggap ako ni Don Juan para sa apo't anak niya. And if don't, gagawin ko naman ang lahat para mapa-oo siya. Ako pa na kapag may gusto talagang makuha eh mas lalong nagiging pursigido.

 

 

 

And in this case, I want Bruhilda and Kabibe to be  mine. Gusto kong angkinin ang mag-ina. And hopefully, in the near future, magiging mag-ina ko na.

 

 

 

"HAHAHA! Patay tayo diyan, Tarzan! Suggest ko na ngayon pa lang mag-ipon ipon ka na ng sapat na lakas ng loob dahil hindi malabong nakaabot na sakanya ang chismis."

 

 

 

"Huwag kang mag-alala, may isang linggo ka pa naman para mag prepare. HAHAHAHA!"

 

 

 

Napangiwi ako sa sinabi ni Bing. Pambihirang chismis kasi 'yan, inunahan pa ako. Mabuti nalang talaga at umalis ng isla si Don Juan at sa susunod na linggo pa ulit babalik.

 

 

 

But that doesn't mean na hindi siya updated sa mga latest kaganapan dito sa isla. Lalong-lalo na sa anak at apo niya.

 

 

 

May mga tauhan din kasi siya na pinagtatanungan niya o di kaya nagbabalita sakanya ng mga current happenings dito kaya hindi talaga malabo na mabalitaan niya ang namamagitan sa amin ng anak niya.

 

 

 

Kinabahan tuloy ako bigla.

 

 

 

Mabait naman si Don Juan, I can attest to that. Tinuturing ko na nga siyang parang pangalawang ama. Pero hindi ko lang alam kung magiging ano siya kapag usapang apo't anak niya na ang involve.

 

 

 

Ah bahala na. Saka ko nalang 'yan iisipin. Ayaw ko muna pangunahan ang sarili at mag-overthink. Baka mamaya maisipan ko na lang bigla na magpakain na lang sa pating dahil sa sobrang kaba at takot.

 

 

 

"Tama ka na nga sa kakaasar, Bing. Baka tuluyan na nga'ng panghinaan ng lakas si Pareng Tarzan imbes na makapag-ipon." Sinuway ni Bong ang kapatid pero siya din naman ay natatawa. Amp.

 

 

 

Naramdaman ko namang inakbay ni Dong ang kanyang braso sa balikat ko.

 

 

 

"Huwag kang kabahan, Pare. Paniguradong boto 'yun sa'yo. Ikaw pa eh ang sobrang ideal mo kaya."

 

 

 

"Oo nga! Diba nga pinagkakaguluhan ka pa minsan ng mga nanay. Sana all pinag-aagawan para ireto sa mga anak nila."

 

 

 

I just chuckled. Tama nga naman. Ako na 'to oh. Aayaw pa ba si Don Juan sa'kin? Eme haha.

 

 

 

"Ay gago!" Nagulat kami sa biglang pagsigaw ni Bing.

 

 

 

"HAHAHAHA! Naaalala niyo pa 'yung ilang beses na nireto ng nanay niya si Dong kay Twarzan!?"

 

 

 

My eyes widened. Ay pota, naaalala ko yan. Ito pa  'yung time na nagpapanggap pang lalaki si Dong sa mga magulang niya, takot na malaman na kapwa lalaki din pala ang gusto nito.

 

 

 

Samantalang ako naman ay medyo pa-girly din, also clueless about my ual preference at hindi pa masyadong batak sa trabaho.

 

 

 

Nagkatinginan kaming apat atsaka sabay na tumawa.

 

 

 

"HAHAHAHA! Gago tawang-tawa ako!" Halos kapusin na nang hininga si Bing habang hawak-hawak ang tiyan. Kamuntikan pa nga itong mahulog sa tubig dahil sa sobrang likot tumawa.

 

 

 

"Kung dati puros anak na lalaki pa nirereto kay Tarzan, ngayon naman halos anak na babae na. HAHAHA!"

 

 

 

"Character development yarn?"

 

 

 

Umiling na lamang ako sa kalokohan nila. But looking back, I've come to realize na ang sobrang laki na nga talaga nang ipinagbago naming apat.

 

 

 

From pa-straight to ultimate bakling.

 

 

 

From sobrang bobo at tanga sa pag-ibig to nagising sa katotohan hangga't sa natauhan na nga ng tuluyan.

 

 

 

Ito yata ang totoong character development eh.

 

 

 

Matapos ang ilang oras na pangingisda sa laot ay napag-isipan naming umuwi na sa isla. Medyo dalang din kasi sa isda, sakto lang para sa quota. Siguro sa susunod ay mag-iiba na kami ng puwesto.

 

 

 

Hindi pa kami nakakarating sa pangpang at ilang metro pa ang layo mula dito pero awtomatikong napangiti na agad ako dahil sa nasilayan.

 

 

 

Ang mag-ina lang naman. Karga-karga ni Bruhilda si Soleil, who was waving excitedly while they sat nearby at one of the umbrella tables just in front of the shore, right mismo sa pwesto kung saan kami palaging dumudungka.

 

 

 

Alam na alam na nila ha. Pero teka, hinihintay ba nila ako? Bakit? Sa pagkakaalam ko wala namang pasok ngayon si Kabibe ah kaya day-off ko rin sa sakanila.

 

 

 

"Ang sarap lang siguro sa pakiramdam na may naghihintay at sumasalubong sayo na isang napakagandang asawa at cute na anak pagkauwi galing trabaho, noh? Diba, Tarzan?"

 

 

 

"Hayst, inggit na naman po tayo for today's video."

 

 

 

Ayan na naman sila sa mga panunukso nila sa'kin– na lowkey medyo highkey gusto ko din naman.

 

 

 

"Pero mas masarap kaya kapag katrabaho mo ang jowabelles mo. Diba, Dongie ko?"

 

 

 

Both Bing and I cringed our nose. Ito 'yung palaging kina-iinisan/kina-iingitan namin sa tuwing nagtatrabaho kaming apat– ang constant landian ng mag-jowa.

 

 

 

Hindi nalang namin pinapansin most of the time kasi nakakasuka ang sweetness nila sa isa't-isa. Sarap itulak ng bangka kapag naghaharutan sila.

 

 

 

"Heh! Manahimik ka nga Kuya. Di mo lang alam, umay na umay na yan sayo si Kuya Dong."

 

 

 

"Aba?! Ang sabihin mo inggit ka lang!"

 

 

 

"Ako maiinggit? Heh! Nakakasuka nga kayo eh!" At nagbangayan na nga ang magkapatid.

 

 

 

"Pumatol ka na din kasi sa mga nagpaparamdam sayong mga babae, hipag."

 

 

 

Bing immediately acted like she's super grossed out sa sinabi ni Dong. Umakto pa itong nasusuka. Parang gaga lang.

 

 

 

"Eww. Allergic na po ako ngayon sa mga babae, Kuya Dong."

 

 

 

"Ikaw lang ata ang tanging tomboy na nakilala ko na allergic sa babae."

 

 

 

Natawa kami sa sinaad ni Bong. Kung maka-asar naman kasi sa kapatid eh.

 

 

 

Bing gasped with her hands placed on top of her chest, looking totally offended. "Ako tomboy?! Baka ikaw ang bading?!"

 

 

 

This time, si Bong naman ang umaktong brusko, flexing his big muscles. Nakakalimutan ko minsan na napakamaskulado pala ng baklang to.

 

 

 

"Ako bading? Sinong nagsabi niyan ha?" We all laughed when he changed his voice lower. Halatang pilit.

 

 

 

"Ako! Bading! Bading! Bading!"

 

 

 

"Hindi ako bakla!"

 

 

 

Mas lalo kaming natawa nung kumanta siya at gumiling-giling.

 

 

 

"Hindi ako shokla! Babae po ako!"

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Makolit
Happy Sundayy!! Mwamwa!

Comments

You must be logged in to comment
Hera_Jung
#1
Chapter 17: ang kyut naman
wnddmks_ 653 streak #2
Chapter 17: Mqy kissing lessons pala hahah lugi na naman buti na lang ang cute nyong mag jowa. Congrats pala, Bing and Sav eheheheh
howdoyouknowmee
532 streak #3
Chapter 17: Wait lang sa update huhu naka-stuck pa ako sa islang pantropikoooo
bigboy123
134 streak #4
Chapter 17: Naol fast learner 🥹🥹
AhnJang_0304
#5
Chapter 17: ang kyutt legal na si bing at savannah AHAHAHAH
WenRene_77 #6
Chapter 17: Sa wakas!!! Yay!!!! I'm happy for river and bruhilda same with bing & savannah! Salamat sa ayuda otor-nim🥰
nabs_infp
#7
Chapter 6: HAHAHAHAHA. Ayan, ganyan nga Soleil. Gatekeep mo si dada mo from your teacher.
nabs_infp
#8
Chapter 5: but she called her mommy na, so it's a win na for mommy alessanda
karinasaurus11
47 streak #9
Chapter 17: Grabe may pafree lesson oh! Hahaha at least napatunayan na niya na hindi siya bottom! Go ilog!! 😁
f8nt_echo
#10
Chapter 17: Chapter 17: May pa free lesson and sample ngayon ah 😁

Congrats sa ating mga couple. Legal na legal na lahat!