Simula

Loving The Summer's Waves
Please Subscribe to read the full chapter
Simula

 

 

"That was River Xantander, everyone! Let's give her a round of applause for her amazing performance!"

 

 

 

Umani ang samo't saring palakpak at galak matapos akong magperform sa harapan ng mga kilalang tao ngayon dito sa event hall ng hotel.

 

 

 

In return, I smiled lightly as I bowed, giving them my most and deepest appreciation for hearing and enjoying my performance tonight. Carrying the guitar that they lent me, bumaba na ako ng entablado.

 

 

 

Taking a deep breath, I let out the nerves that was left in my body. Grabe, nakakakaba din pala ang mag-ganito, ano? Kahit na ilang beses na akong magperform sa isla, still, andiyan pa din talaga ang kaba.

 

 

 

Mas lalong hindi din nakatulong ang audience ko.  Eto naman kasing si Miss Stacey, hindi man lang ako ininform na para pala sa mga importanteng tao dito sa Maynila ang event na'to, edi sana nakatanggi pa ako sa offer.

 

 

 

Mabuti nalang talaga at prepared ako dahil kung hindi, hayna'ko, baka blacklisted na ako dito sa Maynila. Eme!

 

 

 

Ibinalik ko na mula sa may-ari ang gitara atsaka nagpasalamat. Saktong nakangiti naman akong sinalubong ni Miss Stacey pagkatapos. Naka-abang pa ang mga kamay nito at akmang yayakap sa'kin. Hayst.

 

 

 

"Hindi talaga ako nagkamali ng pagpili sayo, River! You really do have a wonderful voice and appeal on stage. Talagang nakaka-inlove ka!" Ningitian ko lamang siya ng maliit atsaka kinuha ang dalawang kamay niya to prevent her from completely hugging me.

 

 

 

Alam ko na kasi ang kahahantungan nito. Hindi naman sa nagmamayabang ako pero I've been constantly on this kind of situations before that it's getting really annoying on my part.

 

 

 

Hindi naman kasi ako makatanggi at tinotolerate nalang minsan dahil ika nga, mukha, appeal at sarili ko ang puhunan ko dito. I want them to like me for more opportunities like this.

 

 

 

Breadwinner din kasi ako sa pamilya. Kaya kinakailangan ko talagang kumayod sa kahit na anong paraan. Even if I have to lose my dignity while doing so, gagawin ko.

 

 

 

Pero luckily, hindi pa naman ako umaabot sa ganoong sitwasyon. May mga secret tekniks din naman kasi akong naimbeto sa kung paano lowkey na umalis sa mga sitwasyong kagaya nito.

 

 

 

Hayst, kung sana lang talaga may makilala akong sugar mommy, ano? Matic na papatusin ko talaga 'yun kung para sa ikakaginhawa ng buhay ko. Pero charot lang!

 

 

 

"Maraming salamat talaga, Miss Stacey." Puno ng sinseridad kong sagot sakanya kahit na feeling ko may balak 'to sakin– eme! Charot lang. Syempre, laking pasasalamat ko lang talaga sakanya dahil sa malaking oportunidad na'to.

 

 

 

"Ano ka'ba! Like I said, it's nothing!" Aniya. "Anyway, since you're done performing na din naman, maybe you'd like to meet my friends?" Tinuro niya ang isang grupo ng mga kababaihan sa isang sulok.

 

 

 

My face immediately contorted in my mind pagkakita na pagkakita ko palang sakanila. They look like your typical rich kids. Mga spoiled brats. I can tell because as I noticed earlier, while I was performing, may pinagdiskitahan silang isang waiter kanina.

 

 

 

'Yun ang big no-no sa'kin. Yes, maganda ka nga pero aanhin mo 'yun kung ang ugali mo ay mabaho naman.

 

 

 

Marahang ngumiti naman ako kay Miss Stacey. "Miss Stacey, okay lang po ba kung magpapahinga na ako? Masyado kasi talaga akong napagod eh hehe. At isa pa, hinahanap na din pala nila ako nina Leafy at Ellyse."

 

 

 

Sorry Parekoy at Madame Ellyse, gagawin ko muna kayong excuse for today's vidyow.

 

 

 

"O-Oh? Ganon ba?" She looks disappointed pero wala na akong pake. I want to get out of here. Nabayaran na din naman ako kanina before I perform kaya wala na akong relevancy dito haha.

 

 

 

"Yes po. Una na ako, Miss Stacey ha." I gave her my most charming smile ever that caused her to take a pause for a second bago ako tuluyang umalis sa harapan niya. Like I said. Mga secret teknik ni River Xantander lang 'yan.

 

 

 

Nang makalabas na ako sa event hall, saktong tumunog naman ang aking cellphone mula sa pitaka. Kaagaran ko itong kinuha at awtomatikong napaikot ang mga mata.

 

 

 

Tsk. Isa pa 'tong asungot.

 

 

 

From: 099699696**

Where are you? You're damn late.

 

 

 

To: 099699696**

Kalma. Papunta na.

 

 

 

I quickly made my way towards the restaurant na ibinanggit kanina ni Madame Karina. 'Yung meet-up place namin ni Bruhilda.

 

 

 

Hindi naman ako nahirapan hanapin dahil magkalapit lang pala ang event hall atsaka 'nung restaurant. Naka-ilang hakbang nga-lang ako eh.

 

 

 

Pumasok na ako sa loob at mabuti nalang talaga ay nakaporma ako dahil magmumukha akong out of place sa sobrang expensive at luxurious ng interior. Mukhang tinalo pa nito ang event hall.

 

 

 

Inilibot ko ang mga mata ko upang hanapin ang bar counter area. Oo nga pala, mahigit-kumulang two hours late na din pala ako sa meet-up time namin ni Bruhilda. Hindi ko naman kasi aakalain na magtatagal ako sa event.

 

 

 

"Ah, manong. Nasaan po 'yung bar counter dito?" Tanong ko sa isang waiter dahil hindi ko talaga mahagilap ang putanginang bar counter na 'yan.

 

 

 

"Ah miss, sa may bar area po namin 'yan. Kita mo 'yung pintuan na 'yun? Pumasok lang po kayo diyan." He answered habang patango-tango naman ako.

 

 

 

"Ah sige. Salamat po, Manong."

 

 

 

Sinunod ko ang instructions ni manong atsaka pumasok na naman ulit sa isang pintuan. Agad naman ako nagsisi sa desisyon ko kasi amputa, isang malaking usok, masasakit sa mata na mga ilaw at napakalakas na sigabong ng musika ang bumungad sakin.

 

 

 

"Tangina." Napamura na ako. Hindi ko inaasahan to ha. Scam yata 'yung instructions ni Mareng Karina Sanchez eh.

 

 

 

Huminga nalang ako ng malalim at pinagpatuloy ang paglalakad. Nang makita ko na ang sinasabing bar counter, agad din naman akong tumungo dito kung saan nadatnan ko na ang bruhildang ka meet-up ko.

 

 

 

She was sitting quietly while sipping on her drink– drinks pala. With s kasi ampota, ang dami-dami niyang shot glasses sa area niya.

 

 

 

"Andito na ako." Pagpapahayag ko sakanya to make known of my presence. "Asan na 'yung passport ko?" Inip kong dugtong.

 

 

 

I was also handing her passport in front of her. Ayaw kong ilapag sa mesa kasi baka mabasa. Sisihin pa ako nito.

 

 

 

"You're two hours late." Tila wala itong narinig sa mga sinabi ko at patuloy lang sa paglagok ng inumin niya bago tuluyang tumingin sa'kin ng matalim. "Do you know how precious my time is for me?"

 

 

 

I gulped a little. Okay, medyo natakot ako don ha. Pero heh! Dapat strong tayo dito at walang inuurungan.

 

 

 

"P-Pasensya ka na. M-Medyo natalagan ako sa trabaho ko." I cursed at myself. Ampota? Bakit ako nautal?

 

 

 

She raised her brows atsaka ngumisi ng maliit. Napaiwas naman ako ng tingin. Luh, ano 'yun?

 

 

 

"A-Anyway, ibigay mo na ang passport ko dahil aalis na'ko. Pagod pa ako galing trabaho."

 

 

 

"You don't want to have a drink first? This shots are supposedly yours but since you're two hours late, nainip ako so I just drank all of them."

 

 

 

Natigilan ako at napakunot ang noo atsaka tumingin sa mga baso. Bakit naman ako papainumin nito? Shet! May balak ba itong lasunin ako? O di' kaya, lalasingin atsaka pagkatapos ay papaslangin!? Jusko! Mabuti nalang talaga at na-late ako!

 

 

 

"Whatever it is you're thinking right now, you better stop it." She stopped my raging train of thoughts.  "Look, I just want to apologize for my yesterday's behavior, okay?"

 

 

 

Kaagaran na napa-angat ang mga kilay ko. Wow, wow, wow. Mas lalo kong hindi inexpect 'to. Akala ko ba ako pa ang magso-sorry sakanya?

 

 

 

"Wow naman. Mabait ka naman pala." 'O baka naman dahil sa lasing lang ito. Either way, wala naman akong pake. Bahala siya diyan.

 

 

 

She raised her brows atsaka tumawa ng pagak.  "Seldom. Only to the people I find interesting."

 

 

 

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Lasing na nga talaga siguro. Pasuray-suray na rin ang galawan niya eh. Idagdag mo pa ang mga namumungay nitong mga mata.

 

 

 

Sandale pa ay umani ang isang katahimikan saaming dalawa bago ako tumikhim.

 

 

 

"'Yung passport ko nga pala?" Inilahad ko ang kabilang palad ko sa harapan niya. Umukay naman agad ito sa dala-dala niyang pouch atsaka inilagay sa palad ko ang passport ko bago kuhanin 'yung kanya, thus finally exchanging. 

 

 

 

"Salamat. Mauna na ako." Pagpapaalam ko.

 

 

 

"You sure you're not gonna stay for a while?" Hindi ko alam pero may nahimigan akong tinig ng panunukso sakanya. Lasing 'yan, River. I reminded myself sa hindi ko alam na kadahilanan.

 

 

 

"Huwag ka masyadong magpakalasing at uminom." I told her bago lumakad papalayo pero merong may kung anong bumabagabag sa'kin na gusto siyang tignan ulit.

 

 

 

Minura ko muna ang sarili ko nang tuluyan ko nang hindi napigilan ang sarili na tumingin pabalik sakanya. Nandirito na ako sa may pintuan ng bar at nakahawak sa may pinto, handang-handa nang pihitin ito at umalis.

 

 

 

I cursed even harder when I saw that she was being approached by a man that she clearly doesn't like the company of. Ni hindi ko alam kung ano ang sumagi sa'kin at bigla-bigla nalang akong kumaripas ng takbo pabalik– p

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Makolit
Happy Sundayy!! Mwamwa!

Comments

You must be logged in to comment
TakuyaKen
0 points #1
Chapter 17: s fics nlng tlga ang cute cute ng love story
PurpleCABBAGELover
#2
Chapter 17: naol may ka momol, me when chos(not chos)( TДT)
Hera_Jung
#3
Chapter 17: ang kyut naman
wnddmks_ 657 streak #4
Chapter 17: Mqy kissing lessons pala hahah lugi na naman buti na lang ang cute nyong mag jowa. Congrats pala, Bing and Sav eheheheh
howdoyouknowmee
536 streak #5
Chapter 17: Wait lang sa update huhu naka-stuck pa ako sa islang pantropikoooo
bigboy123
137 streak #6
Chapter 17: Naol fast learner 🥹🥹
AhnJang_0304
#7
Chapter 17: ang kyutt legal na si bing at savannah AHAHAHAH
WenRene_77 #8
Chapter 17: Sa wakas!!! Yay!!!! I'm happy for river and bruhilda same with bing & savannah! Salamat sa ayuda otor-nim🥰
nabs_infp
#9
Chapter 6: HAHAHAHAHA. Ayan, ganyan nga Soleil. Gatekeep mo si dada mo from your teacher.
nabs_infp
#10
Chapter 5: but she called her mommy na, so it's a win na for mommy alessanda