Ikaanim na Sixth (Pt. 3)

Jumbo Hotdog, Kakayanin Ko

Winter's POV


Game: 1 Second Song Challenge: Kpop Edition


(First Round)


Si Yeji at Ryu yung dalawang tagaplay at tagapause ng mga huhulaan naming kanta since sila naman yung leader. Salitan sila sa pagpili pero nakadepende pa rin samin kung masasagot ba namin. Kasama pa rin sila sa game basta turn ng leader ng kabilang team sa pagpili ng kanta. Lahat naman kami dito maraming alam na K-pop songs since kasama sa soundtrip namin yan every get together namin. ReVeluv din ako and marami akong nadidiscover na bago through Red Velvet kaya bring it on mga gung-gong!


Tumalon-talon si Yuna na kala mo boksingera. "G na, Yej!"


*Plays song*


"Yujin! Boss, NCT U!"


"Tama!" Sigaw ni Ryu na tumakbo papunta kay Yujin para yakapin. "Labyu, erp!"


"Woah, that was fast." Manghang sabi ni Giselle.


Pabirong tinulak ni Yujin si Ryu. Nagplay na yung chorus ng kanta at nagsimula nang sumayaw si Yujin.


Don't you know I'm a 내가 널 이끄는 boss
Don't you know I'm a 내가 널 움직인 player


Humawak si Ryu sa dalawang pisngi niya at mala OA na fangirl na tumili. "Aaack! Ang pogi mo talaga boss Yujin!"


"Tangina mo, Ryujin!" Natatawang sabi ni Higante habang sumasayaw.


Don't you know I'm a 내가 널 이끄는 boss
Don't you know I'm a
Don't you know I'm a


Nagulat kami nang biglang sumabay si Karina kalagitnaan.


Don't you know I'm a 내가 널 이끄는 boss
Don't you know I'm a 내가 널 움직인 player


Excited na nagcheer ang Team Unggoy. "Woooh! Bawiin niyo mga dangal natin! Go Kars at Yujin!"


Go, guys! Move it, Rina!" Cheer din ni Giselle at nakisabay na rin yung iba naming ka-team.


OMG, ang galing niyang sumayaw! Dancerist din pala si crush?! Ah, lahat-lahat na po i-mine ko na. Char!


Nagulat ako nang may biglang humawak sa baba ko at inangat ito pataas. Pagkatingin ko, si Yeji pala. Luh? Nakaupo lang siya dun kanina sa harap ah?! Kelan ka pa nakalapit dito, teh? Nakangisi sa akin ng mapang-asar ang puting dragon.


Lumapit pa siya ng konti at bumulong. "Bading na bading lang, Win? Or should I say bading na bading lang kay Karina?"


Of course future cousin-in-law pero wag mo naman akong ibuking ng malala!


Napalunok ako sa kaba at umarte nalang na parang walang nangyari kaya mas natawa siya sakin. Lord, sana po wag niya 'to sabihin sa dimunyung unggoy sa tabi. Ninja powers, bakit ngayon mo pa ko binigo?


"Higante, ang yummy mo raw sumayaw sabi ni Ning!" Biglang kantyaw ni Chaer.


"Yummerz ka raw boss Yujin oh!" Dagdag ni Ryujin.


"Ultimate ship ko yan!" Gatong pa ni Lia.


Napatigil naman si Ning sa pagchi-cheer at tinignan sila ng masama. "Konti nalang, palapit na talaga yung huling araw niyo sakin!"


Don't you know I'm a 내가 널 이끄는 boss
Don't you know I'm a
Don't you know I'm a
Don't you know I'm a


"Shot na kayo Luningning!" Sigaw ni Yuna.


Shu-mot na kami nila Ning pero di naman big deal kasi isa lang pero alam niyo naman, ayaw din paawat ng mga kagrupo ko sa pagiging competitive.


"Hmph! Isa pa lang naman, di pa oras para magsaya Higante!" Sabi ni Ning at binelatan siya.


"Magsasaya lang kami pag napulbos na namin kayo!" Binelatan din siya ni Yuna. "Bring it on people! Marami kaming bala dito!"


Bigla namang binatukan ni Chaer at Lia sina Ning at Yuna at pina-alala yung natigil naming laro.


"Next round na, gera na 'to!" Sabi ni Ryu at tinaas ulit ang kanang kamao. "Para sa himagsikan!"


"Para sa himagsikan!"


----------


(Second Round)


*Plays song*


"Chaeryeong! Hard Carry, GOT7!"


"Tama ka, Chaer! Pero maging single ka pa rin sana ng ilang taon!" Sabi ni Ryu at pinlay na yung kanta.


"Sa ganda 'kong 'to, invalid na kagad yang sumpa mo!" Banat ni Chaer at nagsimula nang sumayaw. Yes, ay lab da confidence!


하드캐리해


Woah. Sumabay si Yeji at Giselle kay Chaer habang kami ni Ning tamang support lang. Marunong din naman 'tong si Ning kaso tinatamad ata si shunga. Sana all talaga dancerist. Ang galing nila, di ko alam na may talent din pala 'tong si JPN Gi sa pagsasayaw.


Let it flow, let it flow now
흔들었다 들었다 놔 하드캐리해, 하드캐리해


"Mine sa po sa kamukha ni Light Fury!" Luh, landi mo talaga, Ryu. Well, counted naman yan.


Let it flow, let it flow now
흔들었다 들었다 놔 하드캐리해, 하드캐리해


"Oh ha! Kung may Mareng Kars kayo, may Mareng Gi naman kami!" Sabi ni Ning. "Shot na, Unggoy!"


"Oo na! Two shots na next round ah."


Nga pala, every two rounds, pataas nang pataas yung number ng iinumin na shot. Bale plus one nang plus ganern. God bless saamin.


----------


"Lia! Lil' Touch, SNSD-Oh!GG"


"Tama!"


"SM pakilabas po ng full choreo, baka naman!"



"Yuna! Cheer Up, Twice!"


"Tama!"


"Mukha kang giraffe, Higante!"



"Giselle! Sherlock, Shinee!"


"Tama!"


"Sa kanan!"


"Oh, papuntang kaliwa naman!"



"Karina! Mr. Simple, Super Junior!"


"Tama!"


"Classy na pag-pag kamay dance move!"



"Ryujin! My House, 2PM!"


"Tama!"


"Luh, erp oh, dun daw kayo sa bahay nila Unggoy. Basta may alak, may balak eh!"


"Lul, Marie Ahntoinette!"



"Ningning! Genie, SNSD!"


"Tama!"


"Hiling daw ni Yujin sa Genie na mapasakanya kana raw, Ning!"


"Tangina mo, Chaer!"



"Yujin! Fiction, Beast!"


"Tama!"


"Si Ning naman daw sayawan mo Yujin!"



"Yeji! Feel Special, Twice!"


"Tama!"


"Hoy, taksil ka talagang unggoy ka, bakit ka sumasabay kay Yeji sumayaw?!"



"Lia! Pick me, I.O.I!"


"Tama!"


At nagparty-party na nga po sila. Parang ang bilis lang ng mga pangyayari, halos one hour na pala yung lumipas grabe. Paano ba naman kasi puro barahan tas dami pang side comments. Nakabawi kahit papano saamin yung Team Unggoy, naubos na namin yung isang pitchel at on-going na isa. Wala na atang aabot mamaya. Pero wala pa talaga akong ambag guys, sorry po. Ako na nahiyang sumagot sa pagiging hayok nila eh.


(Nth round)


Parang kakasabi ko lang na kakabawasan palang namin dun sa pangalawang pitsel ah. Bakit kalahati nalang ngayon?! Yung planong iilang rounds lang ligwak.


*Plays song*


Biglang nagliwanag yung mukha ni Karina. Medyo namumula na siya. "Karina!" Ang cute mo talaga, crush. "Black Suit, Super Junior!"


"Tama!"


네 맘을 훔칠 black suit


May tama na ata ako. Karina naman wag mo masyadong galingan! Nakijoin na sa sayawan sina Ryu at Yujin.


"Go guys, para sa himagsikan!" Sigaw ni Yuna.


날 향해 빛난 너의 루즈
아찔한 느낌 move it up 손짓 하나로 빠져들게 해
심장이 터져버릴 듯한 mood
이 밤을 훔칠 black suit


"Well done, team!" Sabi ni Lia. Mas nagiging kamukha niya na yung sloth sa Zootopia. Namumula na rin siya.


"Oh, ano kayo ngayon! Shet, pitong na shot yan, destroyed!" Sabi ni Yuna habang winawagayway yung kinuha na kawawang maliit na unan galing sa sofa.


"May dalawang round pa, Higante! Babawian namin kayo!"


Wala na talagang matitira, final na.



*Plays song*


Yes, this is my chance! "Winter! Bad Boy, Red Velvet!"


"Tama!"


"May ambag narin si Jeong!"


"Pakyu!" Sabi ko sa unggoy.


Nag-play na yung kanta.


홀린 듯 날 따라와
모두 환호해


Ay hala, paano pala ko sasayaw, dapat pala di nalang ko sumagot! Agad namang sumayaw sila Yeji, Chaer, at Giselle. Buti nalang, phew!


너도 곧 ooh ooh (oh-eh-oh-eh-oh)
아닌 척해도 넌 ooh ooh (oh-eh-oh-eh-oh)
한 번 내기를 해볼까

너무 쉽겐 오지 마


"Hoy erp, yung tingin mo kay Yeji nagiging makasalanan na! Humingi ka ng tawad kay Lord!" Sabi ni Yujin.


"Luh, imbento kang Higante ka, hindi kaya!"


재미 없잖아 거기서 ooh ooh (oh-eh-oh-eh-oh)
밀고 당겨볼까 Ooh ooh (oh-eh-oh-eh-oh)
시작할게 bad boy down


"Oh pitong shots din kayo, Unggoy! Lahat tayo ma-dedestroy dito!" Sabi ni Ning.


Nag-make face si Ryu ng nangangasar. "May last round pa, ultimate pentakill kayo samin mamaya makikita niyo!"


Hinawakan bigla ni Ning yung braso ni JPN Gi at nilapit siya papunta sa kanya. "Sa mga katana palang nila Mars Gi, talo na agad kayo! Paano pa kaya pag nagdala 'to ng mga Yakuza dito!"


Natawa kami ng malakas lalo na si Karina sa sinabi ni Ning. "Bring the katanas and call the Yakuza now then, Gi."


Kaloka 'tong mga 'to, kala mo mga elementary eh. Well, sa yaman ng pamilya ni JPN Gi, di naman siguro malabong mangyari yun. Char! Pasensya na JPN Gi, joke time lang!


"Shut up, Rina!" Sabi ni Giselle habang nagpipigil ng tawa. "Maybe, I will!"


Kumapit sa braso nila Karina at Yujin si Yuna. "Bakit kami matatakot kung may Korean Mafia naman si Kars, sabog yang mga Yakuza pag binato yan ng mga kkangpae ng bomba! Kkangpae lang sakalam!"


Si JPN Gi naman natawa ng malakas ngayon. "Call the Korean Mafia now then, Rina!"


Si Karina di makapaniwalang nakatingin kay Yuna. Naglalaro kami pero napunta na sa Yakuza pati Korean Mafia yung usapan! Ito namang sila Ryu, tawa lang nang tawa sa nangyayari. Pero sure naman akong si Karina yung pinakamagandang Mafia Leader kung nagkataon, hehe.


Hinila naman ni Ning ang tahimik na tumatawang si Yeji sa kanya. "Sus, baka nakakalimutan mong may dragon pa kami. Pag nagtawag pa 'to ng mga kapwa niya dragon, bugahan lang kayo ng apoy niyan, abo lahat yung ending ng Korean Mafia niyo!"


Lakas nanaman ng tawanan namin. Letche kang Instik ka Ning! May tama na ata 'to eh.


"Woooh, go Yi Zhuo! Oh, isang minuto pa para sayo!" Sabi ni Chaer.


"Love ko parin yang si birthday girl kahit bugahan pa niya ko ng apoy!" Mapang-asar na sabi ni Ryujin.


Pabirong tinignan lang ng masama ni Yeji si Ryu at hinampas sa braso si Ning. "Tangina ka, teh. Dinamay mo pa ko diyan!"


Hinila rin papalapit ni Yuna sa kanya si Ryu na puro asar at tawa lang ambag kanina pa. "Dragon lang pala eh, may Monkey King kami rito! Oh ano, palag pa kayo?!"


Si Ryu naman humampas kay Yuna. "Gago ka, Higgante!"


"Under naman yan sa Dragon namin eh!" Biglang sabat ni Chaer.


"Ooooh!"


"Tangina mo, Chaer! Sana talaga matagal ka pang maging single!" Tumingin saglit si Ryu kay Yeji. "Pero sa true lang tayo!" Sabay kindat kay Love niya.


"Di kami hangin dito, Unggoy!"


Tumingin ako kay Lia na parang kanina pa minamigraine sa kaguluhan ng mga tropa namin, same Lia! Yung isa pang higante, kanina pa nananahimik na nakatingin lang kay Ning. Staring lovingly yarn?


Ngumisi pa ng malaki si Yuna kay Ning. "Baka rin nakakalimutan mo Luningning na na samin pa si bebe Yujin mo. Kahit magtawag ka pa ng mga Kung Fu Masters sa China, isang ngiti, isang body roll, isang yakap, isang sorry, wala umiikot na uli yung mundo mo kay Yujin! Tangina Ning, ang talino mong tao, pero pag dating kay bebe Yujin mo na kanina pa nakatingin sayo, oops, huli pero di kulong, ewan namin natatanga ka."


Nagtawanan kami lahat ng malakas sa sinabi ni Yuna bukod sa dalawa. Parang ang sarap magharvest ngayon ng kamatis ah? May sumulpot kasing dalawa dito eh, fresh na fresh.


"Puta ka, Higante! Di ko kinaya yung body roll!" Sabi ni Ryu na napahiga nanaman sa lapag kakatawa.


Habang si Yujin, nakatingin pa rin kay Ning kahit namumula na, si Ning naman pinapatay na sa isip si Yuna sa tingin niya.


Pumalakpak si Chaer para kunin yung atensyon namin. "Hoy, shu-mot na kayo diyan!Last round na nang magkaalaman na! Yujin, matutunaw na yang si Ning!"


"G na!"


----------


Last round na finally! Di na rin naman kami makakapagkwentuhan mamaya, kung meron man sandali nalang siguro kasi for sure makakaramdam na rin ng pagod 'tong mga gung-gong.



*Plays song*


Naghang muna kami saglit kasi may mga tama na kami.


"Ningning, Dahil Sayo, Iñigo Pascual!"


Lahat kami natawa ng malakas.


Sumenyas si Ryujin na stop muna. "Teka-teka taympers nga muna! Hayop ka Ning, Korean Edition nga diba?!"


"Ay," tumawa ng malakas si Ning, "Shet, sorry! Omyghad, Korean nga pala!"


"Ning, literal na drunk kana hindi lang drunk in love kay Yujin!" Sabi ni Lia.


"Yieee!"


"Oh G na ulit, ipa-bukas na natin yang NingJin para magpulbos na namin kayo!" Sabi ni Ryujin at pin-lay ulit yung kanta.


"Yujin! Love Shot, Exo!"


Tumayo si Ryujin at tumakbo paikot na parang soccer player na nakascore ng goal. "Tama! Ultimate pentakill executed perfectly!"
Pin-lay niya na yung chorus ng kanta.


"Ops, pause mo muna sandali Ryu!" Biglang sabi ni Lia.


Pinause naman ni Ryu at nagtatakang tumingin kay Lia. "Oh, anong meron?"


This is it, pancit bihon.


Ngumisi si Lia. "Syempre di natin dapat palagpasin 'tong araw na 'to na di ka namin inaalay kay birthday girl. Paisa naman daw ng chorus ng Love Shot si Yeji, MIP (Most Important Person) view din daw."


Puro batuhan ng kantyaw ang nagaganap. Alam namin lahat 'to bukod sa mag-Love kasi pasikretong pinlano namin 'to kanina sa sasakyan na ialay si insan kay Yeji. Bakit di niyo alam? Eh secret nga diba?


Nanlaki yung mata ni Yeji sa sinabi ni Lia. Another tomato in the house. "What the - Hoy Julianna, inventorist ka ah!"


"Choosy ka pa, teh! Si Love mo na yan oh, gusto mo rin eh, no?" Pang-aasar ni Lia.


Natawa lang si Ryujin pero namumula rin siya. "Bawal bang pag kaming dalawa nalang?"


"Aaack!"


"Born to be wild!"


"Get it, birthday girl!"


"Love naman!"


Pumunta na si Ryujin sa harap ni Yeji. "Oo na! Kung yun naman yung gusto ng Love ko kahit buong kanta pa yan." Nagulat kami nang buhatin niya bigla si Yeji, bridal style. "Dito ka sa sofa umupo Love para mas komportable."


"May pagbuhat effect pa!"


"Happy birthday, Yeji! Enjoy!"


"Taga sana all here!"


"Love, nakakahiya!" Napatakip na ng mukha si Yeji.


Pagkababa niya kay Yeji, binuksan niya naman yung isang butones ng long sleeve white polo niya. Syempre, nagtilian kami. Support lang sa inyo lagi sayo, Ryu.


"Go, papi!" Sigaw ni Yuna.


"Enjoyin mo nalang sis para triple happy ka sa birthday mo!" Sabi ni Chaer. "Win, i-play mo na yung kanta!"


Ako pa talaga napag-utusan ah, sige. Gaya nga ng sabi ni Chaer, enjoyin mo nalang Yej yung pinsan ko! Pin-lay ko na yung kanta.


It's the love shot
Na, na-na-na-na-na-na-na


"Aaack!"


"Go Monkey King!"


Umarte si Yuna na parang mahihimatay. "Ang pogi mo Papi!"


Syempre matic may magvi-video niyan, di pwedeng hindi.


Na, na-na-na-na-na-na
Na, na-na-na-na-na-na-na
Oh-oh-oh-oh-oh


It's the love shot


Sa bandang choreo na nakapasok yung kamay sa bulsa habang nagbo-body roll, biglang hinawakan ng isang kamay ni Ryu yung mukha ni Yeji.



"Hoy Ryujin, nahigop na ata ni Yeji lahat ng kulay red sa mundo!"


"Go, RJ!"


"Happy birthday, Teh!"


Ay, meganon! Ma-take note nga yang ginawa mo insan for research purposes lang. Char! Bilib talaga ko sa energy ng mga 'to, full power pa rin yung tilian nila.


Na, na-na-na-na-na-na-na
Na, na-na-na-na-na-na


May gusto akong sabihin kay Yeji ngayon. Bading na bading lang, Yej? Or should I say bading na bading lang sa pinsan ko? Pero syempre satin-satin nalang kasi baka ibuking pa ko nito bigla.


Na, na-na-na-na-na-na-na
Oh-oh-oh-oh-oh


It's the love shot


May binulong si Ryu kay Yeji tsaka niya 'to hinalikan sa nunal sa bandang nose bridge pagkatapos sumayaw. Niyakap naman siya ni Yeji sa bewang at binaon ang mukha sa tiyan ng Love niya para itago yung kapulahan nito. Parang wala silang naririnig sa paligid, nakafocus lang talaga sila sa isa't-isa. Ang cute lang nilang dalawa. SS po, inggit ako. Char!


"Hoy shot niyo na nga pala Luningning, baka magkalimutan tayo! Enemies destroyed, complete!" Biglang sabi ni Yuna at nag karate chop.


Ang ingay talaga ng higante na 'to!


Binatukan siya ni Lia. "Bwiset ka, Yuna! Panira ng moment!"


Isa lang po ang masasabi ko sa lahat ng nangyari.


Vodka things.


----------


Nagising ako nang maramdaman kong nagvibrate na yung phone ko dahil sa alarm. Mag-aalas tres na ng hating gabi at knocked out na rin lahat. Dahan-dahan akong tumayo sa pwesto ko at lumabas ng kwarto para kunin yung binili kong apat na bote ng Vitamilk earlier na nilagay ko muna sa ref nila Yeji sa baba.


Hays, heaven. Biniba ko yung bote ng Vitamilk sa lamesa. Kung yung iba, red wine or ano mang kulay ng wine ang iniinom pag nagmo-moment sila ng ganito sa mga drama series, ako Vitamilk! Sarap eh, bakit ba?


Nasa balcony ako na connected sa kwarto ni Yeji. Medyo maliwanag din dito dahil kay moon. Modern na modern yung style niya tapos malawak din yung space. Gawain ko na talaga 'to dati pa kahit sa bahay nila Lia at Ning. Pag hating gabi na, automatic na babangon ako para mag muni-muni kaparter si Vitamilk habang nakatingin sa buwan kasi wala, nakakarelax lang tapos ang hangin pa. Pag nagpaggawa ako ng bahay in the future, gusto ko talaga may balcony.


Tulog na tulog yung mga gung-gong. Grabe ba naman pagiging hyper kanina eh. Niligpit muna namin yung mga kalat kanina sa baba tapos umakyat na kami. Natulog na din kami pagkatapos namin maligo. Mag wa-one thirty na ata nun. Di naman kami yung tipong nagriritwal na sa cr sa sobrang tagal, apat pa cr nila Yeji kaya keri lang.


Masaya rin ako na mas lalo namin nakabonding sina Karina at JPN Gi. Ka-vibes ni crush yung pagiging siraulo nila Ryu habang si JPN Gi sa kaingayan naman nila Ning. Ibang-iba sila sa mga typical na anak mayaman na spoiled brat at arogante na ang sarap ipatapon sa pacific ocean. Lowkey at chill lang sila ganern katulad nila Ning kahit na may pagkaabnormal si Ning.


Wala ayun lang, nagchikahan at asaran lang ng konti tapos knock-out na. Sure naman ako na mas makikilala pa namin sila pag nagtagal. Bale safe sabihin na technically nasa getting to know each other stage na kami ng crush ko, diba? Hehe. Joke.


Di ko alam kung gaano na katagal lumipas yung oras, medyo nagulat ako nung narinig kong dahan-dahan na bumukas yung sliding door sa likod ko.


The who? Sana naman hindi multo.


Pagkatingin ko si Karina pala, nakaterno ng black collared pajamas na may design na maliliit na crescent moons. <🍵π.


Nilibot niya yung mata niya sa paligid nang mapatingin siya sakin na nakaupo sa mahabang gray na sofa. Hala, baka mukha naman akong sad girl dito na nag-iinom at nagdradrama. Naisipan kong itago sana yung mga bote kaso naalala ko na Vitamilk nga pala iniinom ko, sorry naman.


Nginitian niya ko. Sinarado niya muna yung sliding bago naglakad papunta sa puwesto ko. Nagulat ako nang bigla siyang semi na natapilok nung malapit na sakin kaya nag-ala flash akong saluhin siya.


"Okay ka lang?" Concerned kong tanong habang nakaalalay sa kanya. Buti nalang jusko kundi hello sahig my old friend talaga si Korean girl niyo.


"Yes, thank you." Tumikhim siya at napakamot sa ulo. "That was kind of awkward, sorry." Ngumisi siya bigla sakin na parang walang nangyari at gigil na pinisil yung dalawang pisngi ko. "Naks, may pagsalo. My cutie savior."


Ramdam ko yung pagkapula ng mukha at tenga ko sa ginawa niya. Heart, bakit naman umextra ka pa? Sandali lang!


Maingat kong tinanggal yung pagkakahawak niya sa dalawang pisngi ko. Shocks, ang lambot talaga ng mga kamay niya. "Uhm, ano uh wala yun, sige lang."


Kumunot yung noo niya nung tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa dalawang pisngi ko. Bigla naman siyang ngumiti ng malaki at inulit yung pagpisil.


Nakapoker face nalang akong nakatingin sa kanya. Kahit kasi kinikilig ako, mas nangibabaw na yung sakit ng mga pisngi ko sa ginagawa niya. May precious cheeks! Natawa siya nang mapansin yung pagbabago ng ekspresyon ko. Hindi mo ko madadaan basta-basta sa eye smile mo Karina ah, wag ak- okay sige ako na lang.


Tinigil niya yung pangtotorture sa pisngi ko at hinimas naman gamit ng dalawang hinlalaki niya. Shemay rice, crush.


"Mas mukha ka palang puppy pag naiinis ka. A maltese to be exact."


Aba't- Tinanggal ko nalang ulit yung kamay niya sa pisngi ko at tumalikod na para bumalik dun sa pwesto ko. Naririnig ko pa rin yung pagtawa niya sa likod. Puppy daw? Tapos spinecify pa talaga na maltese. Di kaya ko mukhang maltese!


Tumabi na siya sakin sa sofa na tumatawa pa rin. Hindi pa pala tapos yung trip niya, may pagpindot pa sa pisngi ko. "Squish, squish."


Nilingon ko siya ulit nang naka-poker face, nakangiti siya na parang inosenteng bata. Tumigil siya sa pagpindot. "Okay, last na yun promise."


Di na lang ako nagsalita kasi kinikilig talaga ko mga baks kaya inoffer ko nalang sa kanya yung isa sa dalawang bote ko pa ng Vitamilk na di pa nabubuksan.


"Oh, thank you, Winter. You really like this drink ah." Kinuha niya 'to sakin at inabot yung bottle opener sa lamesa at binuksan ang hawak. "Well, I think masarap din siya,"
Tumahimik siya saglit bago ulit nagsalita, "Especially last Tuesday."


Wala sa sariling nabilaukan ako sa iniinom ko at napaubo ng 50mph. Mukhang kasama na rin ata ako sa ihaharvest na kamatis!


"Oh c'mon, Winter. You practically held my hand on the first day of school and saw me topless yesterday tapos nahihiya ka pa rin sakin?" Sabi niya bago lumagok saglit sa bote at ngumisi sakin habang nakataas ang kaliwang kilay.


Putcha, diretsahan is real. Kala mo nagbabanggit lang na o-order siya sa Shopee eh! Aaack! Naalala ko nanaman yung mga mahiwagang kaganapan lalo na yung kahapon! Umiwas ako ng tingin bago pa ko mapatingin sa kung ano, basta yung ano! Di ko rin alam i-rereply ko, huhu.


"You are thinking about it no?"


Bumalik ulit ako sa wisyo nang bulungan niya ko bigla direkta sa tenga at wala sa sariling napalingon sa kanya at naitulak siya palayo.


Pakshet ka, Minjeong! Napatili siya sa gulat at natataranta ko siyang inabot sa braso at bewang bago hinila para hindi siya lumanding sa sahig. Kaso mukhang napalakas yung paghila ako kaya sakin naman siya lumanding at napahawak pa sa dalawang balikad ko! Oh my...


Nanlaki ang mga mata niya sa puwesto namin bago ulit siya ngumisi at tumingin ng nagpapahiwatig. Pinalupot niya pa yung dalawang braso niya sa leeg ko! "Ay shet, ang wild ah. Kung replyan mo kaya muna yung mga text ko sayo then we'll talk afterwards. What do you think?" Sabi niya habang pinag-lalaruan yung collar ng black T-shirt ko.


Putangina. Yan nalang ang masasabi ko kasi nagmalfunction na yung buong pagkatao ko. Feeling ko parang akong mahihimatay na ewan sa sobrang bilis ng tibok ni heart.


Lord... bakit po napakaganda ng anak niyo na mas lalo pang gumanda dahil sa liwanag ng buwan?


Huminga ako ng pagkalalim-lalim at maingat siyang inilayo sa akin bago napatakip ng mukha sa kilig, hiya, kabaklaan, at kung ano-ano pang nadarama ngayon.


Humagalpak siya ng tawa habang pumapalakpak. "God, you're so fun to tease talaga!"


Lord, bawal po talaga mag stay-in sa inyo kahit five minutes nalang po?


Natahimik din siya after a while nung napansin niyang di na ko nag-rerespond.


"Winter."


Kinalabit niya yung braso ko. "Hey, Winter."


Yung balikat ko naman ngayon. "Winter, are you mad?"


Wait lang crush, di pa is me nakakarecover sa ginawa mo! Di ako galit, promise.


"Hey, are you mad?" Ulit niya.


Ambot man, wait nga lang kasi crush! Di nga ko galit ang kulit.


Bigla niya nalang akong hinawakan sa balikat at inalog ako ng matindi. Gago, feeling ko naalog buong pagkatao ko. "Winteeer, answer meee." Angal niya sakin. "I'm sorry." Bakit pati pag-sorry ang cute?


Alam kong di na ko makakarecover kaya pinigilan ko na yung pag-alog niya sakin at hinarap siya while trying to keep a straight face kahit di naman ako straight. Nakapout siyang nakatingin ngayon sakin na kala mo aping-api kahit ako yung nabully kanina. Tangina naman, walang ganyanan! "Okay lang, wala na yun, di ako galit."


"Ehh, you're mad eh!"


"Hindi nga, promise." Parang di ko ata kayang magalit sayo. Sa mga gung-gong lang.


Tinignan niya pa ko suspiciously. "Really?"


Kulit talaga, oo nga Karina Yu! Yes, I do! Char! Nilambutan ko yung ekspresyon ko para mas makumbinsi siya. "Oo nga, promise di ako galit. Oks lang yun." Marahan kong sabi at pi-nat pa ng dalawang beses yung ulo niya.


Ewan ko ba sa mata ko these days, baka puyat lang 'to. Parang kasing nakita kong nag-blush si Karina kaso si moon lang yung inaasahan kong taga-ilaw ngayon kaya di ko ma-confirm. Di ko nalang ulit pinansin as usual.


Tumikhim siya at umiwas ng tingin. "Thanks, I guess?"


May napadaan munang katahimikan samin kasi may nagcommercial na anghel na feeling kong guardian angel ko na sinesermonan ako ngayon kasi mahina yung manok niya.


Lumagok si Karina sa bote bago nagsalita ulit. "So, what brings you here in the middle of the night if you don't mind me asking?"


Ay, small talks na. Di pa naman ako sanay sa mga ganito pag di ko masyadong kilala. Pero para kay crush, g lang. "Wala naman, nakakarelax lang kasi dito. Matagal ko na 'tong ginagawa simula pa nung highschool pag nagsli-sleepover kami dito."


"Oh, that's cool. We have a balcony din sa bahay pero di ko kaya na gumising ng hating gabi for this. Himala lang na nagising ako ngayon. Ang pangit din tumambay sa umaga or sa hapon kasi unlimited yung ingay nila ate Yeri. Di ka makakapagmoment." Pabiro niyang sabi sa dulo.


Natawa ako ng bahagya. "Oo nga eh, ang liit na tao ni ate Yeri tapos napakalakas ng boses."


"Wait until you meet ate Wendy, ate Joy's girlfriend. Her voice is louder than anyone I know. Tsaka ang liit mo rin kaya."


"Mas matangkad naman ako kay ate Yeri no!"


Mapang-asar siyang ngumiti sakin. "Well, I'm still taller than you, aren't I?"


Inirapan ko na lang siya sa pangmamaliit sa height ko. "Oo na!"


So, ayun na nga po mga baks. Nagtuloy-tuloy na yung kwentuhan namin from random things to some personal ones. Ang dami kong nalaman na bago about sa kanya at pati rin siya sakin. I'm relieved na ang patient niya sakin tapos siya pa yung naglelead ng convo. Pansin niyo naman na di talaga ako palakwentong tao, except sa mga gung-gong kasi gisahan talaga sa kanila at matagal ko na silang kasama.

Nabanggit niya rin sa sobrang saya raw naming kasama. Tuwang-tuwa raw sila ni JPN Gi sa amin lalo na pag nagaasaran o nagbabarahan bigla yung kahit sino samin. To be honest daw kasi, di sila nakakatawa at nakakadaldal ng freely talaga yung tipong walang pake sa paligid pag kasama nila yung ibang friends nila. Nadala raw kasi yung mga 'to masyado ng pagiging 'susyal'.


Don't get her wrong naman daw kasi mabait naman sila and they're still her friends. Naiintindihan niya na iba yung pagpapalaki sa kanila kaya iba rin yung point of view nila compared to others. Buti nalang daw talaga, di sila kinukulong sa standards ng pagiging anak mayaman ng parents nila tsaka bonus pang kasama nila ni JPN Gi lumaki sila ate Yeri na ubod ng ingay. Secret nalang yung sinabi ko sa kanya about sa sarili ko, si Karina ba kayo para malaman yun? Char, mahal ko kayo.


"Why don't you tell me more stories about you and your group? I mean I've heard some things and funny stories about you kayla Lia nung elem at highschool pa kayo. But I want to hear something from you too."


Hala, baka kung ano-ano namang pinagkwe-kwento nila Lia dito kay crush, nakakahiya!


"Anong things at funny stories?"


Parang naramdaman niya ata yung kaba ko. "Not gonna tell you." Pang-aasar niya. "Except dun sa napilayan ka when you were just a small kid because you climbed a tree and jumped off from it and they also said that it's because you saw Naruto doing it and you wanted to be a ninja like him."


Alam kong yung unggoy yung tinutukoy niya sa they na yan. Hayop ka, Ryujin! I was an innocent little gay nung time na yun, okay?!


"Ibabalik na talaga kita sa gubat, Ryujin." Pabulong kong sabi.


Tinawanan niya lang ako ulit. Ginagawa talaga 'kong parang comedy section sa Netflix nito ni Karina eh. "Ang harsh mo talaga sa pinsan mo."


At dahil nagpapakwento si crush, syempre gora lang. Kwinento ko sa kanya about dun sa kung paano ko nakilala yung tropa pati na yung mga kalokohang pinaggagagawa namin dati basta hindi illegal except dun sa lalaking binato namin ng mga pabulok nang kamatis pati yung sasakyan niya nung g11 kasi after siya binasted ni Lia, pinagkakalat niyang pinerahan lang daw siya ng tropa namin tapos sinumbat pa yung mga pinagbibili niyang mga bulaklak pati pagkain na kala mo di kayang bilhin ni Lia na one hundred times more pa! Ayaw nga sa kanya tapos siya 'tong nagpupumilit, kapal ng mukha! Hmph!


Lowkey lang kasi sila Yeji, Ning, at Lia ever since kaya di alam ng karamihan na mayaman sila. Share ko lang. Si Ning pa nga lang na buraot, mapagkakamalang mayaman ba yan? Joke lang Ning, hehe.


Kung iisipin, wala pa talaga kaming nagiging matino na conversation ni Karina. Puro mga panghaharot niya lang pati pang-aasar. Ngayon lang talaga yung matino at ang saya niya kausap, walang labis, walang kulang. And masaya is me for it. Very masaya, hehe. Ang cute pa ng mga reactions niya sa mga kwento ko. Di na namin namalayan yung oras at nagpatuloy lang sa pagkwekwentuhan hanggang sa humantong nalang kami into a comfortable silence.


Nanigas ako sa kinauupuan nang biglang may naramdaman akong pumatong sa balikat ko. Si Karina lang pala. Hihinahon na sana ako kaso narealize kong si Karina nga pala 'to! Kinikilig nanaman ako! Aaack!


Nakatulog na ang lola niyo. Di ko alam kung gigisingin ko ba siya or hahayaan nalang muna. Sige, try ko munang gisingin.


"Karina." Mahinang tawag ko sa kanya. Marahan ko siyang inalog sa balikat. "Karina, doon kana matulog sa loob. Tara."


"Mmmh." Akala ko uunat na siya at babangon na kaso umayos lang pala ng puwesto at yumakap pa sakin! Hindi pa nakuntento at binaon pa yung mukha niya sa leeg ko!


Lord, wala pa pong kalahati yung araw na 'to. Baka naman pong gusto niyo kong makasurvive muna, diba?


Sure akong mukha akong timang na statwa dito tapos ang laki pa ng mulat ng mata. Shabooya, sha-sha-shabooya, roll call. Sa kakaisip ko ng kung anong gagawin, di ko na namalayan ang antok at pagsandal ng katawan ko sa katabi.


Crash Landing on You, who? I only know Crash Landing on Minjeong.


Last minute words na trinansmit ni neurons kay brain.


----------










 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
EZWin0805
Random times nalang yung UD para surprise HAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
hiver_pogi
#1
miss u
jamesaidenliu29 #2
Chapter 13: Authornim your story was so cute I love reading it I hope to see some updates when you can update will wait po ☺️
maxiclaine #3
Chapter 4: kayanin ang hamon ng buhay! HAHAHAHAHAHA
wenrene22
#4
author-nim, where na you? miss ko na itong story mo. pa-ramdam ka naman at umi-iyak na yung bading dito. 😭
TakuyaKen
#5
Chapter 11: Hanep yan hahaha sharky save you Winter
TakuyaKen
#6
Chapter 6: ahaha si Ryu pang proposal ang bday gift ah
TakuyaKen
#7
Chapter 3: speedy lng ni Rina haha
TakuyaKen
#8
Chapter 2: gago ka Ryu hahaha your cousin was embarassed 🤣🤣
ryujinie__
689 streak #9
Chapter 13: Ryeji 😍 Welcome back author, hope all is well! 💛
EzraSeige
#10
Chapter 12: Welcome back otornim sana ok kana po💚💚💚... stay safe and healthy po otornim. Salamat sa lapag lodi appreciate much 🙇🙆‍♂️🥰🥰🥰💙❄