Ikasiyam na Ninth

Jumbo Hotdog, Kakayanin Ko

First of all, I'm sorry guys sa pagiging MIA for almost two months. Napunta kasi sa hindi magandang kalagayan yung mental health ko before but I'm feeling okay now somehow. Sending hugs to all! Alagaan niyo yung sarili niyo guys!


Happy Reading!


----------


Winter's POV


"Same lang dun sa number fourteen. Kunin lang ulit yung x and y components ng vector tapos pythagorean theorem lang. Kaso gagamit muna ng Sine Law kasi di na naka-90 degrees yung x and y axis natin. Ayan oh, may mabubuong triangle ulit pero di na siya right triangle. Isosceles na siya."


"Ah, oo nga! Salamat, Wintot!"


Nagstretching muna ko at sumandal sa sofa. Nandito na sa bahay yung iba at lagpas dalawang oras na rin kami nagrereview. Nakakaumay na sa true lang. Char na may eighty percent na katotohanan. Pero seryoso na talaga, nakakagutom 'tong ginagawa namin. Puro tunog ng pindot sa calculator, sulat sa papel, at discussion ng iba't-ibang topics yung maririnig mo sa sala namin ngayon.


"Eto yung age ni Samuel na five more years more than thrice Freddy's age. Tapos eto naman yung three years ago, Samuel was five times as old as Timothy. Ilang taon si Samuel two years ago yung x natin."


"Oo nga, bale eto yung magiging formula tapos shift solve nalang para makuha yung final answer. Ang hot mo talaga magexplain ng word problems boss Yujin!" Loko-lokong nagpaypay pa ng sarili si Ryu.


"Gago!"


"That sums it all up na. This system applies to all the branches."


Napatingin ako sa puwesto ng BSBA na katabi lang namin nang marinig kong magsalita si Karina. Galing, galing naman magexplain ni crush kahit di ko alam yung ine-explain niya, hehe. Ayan ba talaga yung napakacute na nangbudol sakin para sa tapsilog kanina sa videocall?


"Ugh, nakakagutom talaga magreview."


Same thoughts, crush!


Sumandal siya sa kay JPN Gi na tinulak naman siya palayo.


"You're heavy!"


Alaws pake lang si Karina sa mga angal ng BFF niya at mas lalo pa 'tong sinandalan. Tinatawanan lang sila ni Lia. Napakaplayful niya talaga tapos ang hilig pang inisin si JPN Gi.


Sina Chaer at Yeji chill na lang na nagce-cellphone sa gedli. More on practical kasi yung majors ng Performing Arts. Eh alam niyo namang batak na batak 'tong dalawa, laging advance magpractice.


"Bading."


"Ay putang-" Naparocket launcher ako ng slight sa kinauupuan ko at napahawak sa dibdib dahil sa bulong ni Yuna.


Nagtatawanang silang nag-apiran nila Ryu at Yujin. Binatukan ko siya, mga 7 lb.


"Aray, Wintot!"


Dasurb yan ng mga panira sa spontaneous goddess sightseeing ko!


Binato sila ni Ning ng isang snack pack ng Potchi. "Ang ingay ah!"


Kanina pa siya pumapapak niyan habang nagrereview, may baon kasing isang malaking supot si shunga. Favorite niyang candy yan since elem nung pinatikim namin siya ni Ryu. Malas lang niya kasi nasalo ni Yuna yung binato niya.


"Uy! Salamat sa freebie, Luningning!"


"Che!"


"Ano yun?" Biglang pasok ni Chaer na kakakuha lang ng orange juice sa kusina. Sakto ang entrance!


"Hindi ikaw, teh. Balik kana dun sa pwesto mo!" Natatawang sabi ni Lia.


Kibit-balikat lang si Chaer na sumunod. "Napakalakas ng bunganga mo, Yi Zhuo."


"Sila kaya naunang mag-ingay!"


"Weh, bitter ka lang kasi wala kang ka-partner magreview sa majors mo eh." Pang-aasar ni Ryu.


Nagtawanan kaming lahat kasi si Ning lang yung nag-iisang Journalism sa 'min.


"May partner kaya ko!" Todo depensang sagot ni shunga. Napa-pause saglit si Ning bago humarap kay Yeji na parang batang asar-talo na naghahanap ng kakampi. "Yej, partner tayo diba?"


"Luh?" Tinawanan lang siya ng inonsenteng bystander.


"Idadamay mo pa si love ko! Love, wag ka magpapauto diyan!"


Inis na bumato ulit si Ning ng isang snack pack ng Potchi kaso nasalo rin ni Ryu. "Yown, salamat sa sponsor, Ning! Pero wala ka pa rin partner!"


"Ulol!"


Tawang-tawang yung mga kasama namin sa kaguluhan. Medyo yumuko ako para pigilan yung tawa ko kasi mahirap na, baka bigla akong asarin ako ni Ning kay Karina.


"Si boss Yujin daw Ning, pahingi rin daw ng Potchi!"


"Huy-" Sinapak ni Higante sa braso yung tawang-tawa na unggoy tapos may binulong pa na di na sakop ng signal ko.


Di sila nilingon ni Ning pero may hinagis siyang dalawang pirasong snack pack papunta sa direksyon nila Yujin.


"Ay pag kay Yujin, dalawa. How to be special po?" Biglang singit ni Lia.


"Yieee!"


Naputol ang asaran nang may narinig kaming kumakatok sa gate.


"Tao po!- Ay mali pala. Animal po! Puppy at monkey! Jeojeong! Jinjin!"


Omyghad.


Nanlaki yung mga mata namin ni Ryu at sabay na napatingin sa isa't-isa. Alam kong pareho namin gustong magpalamon sa lupa.  Nung grade five ko pa last na narinig yan!


"Jeojeong! Jinjin!"


Asdfhhjkl, shutakels ka talaga ate Soo!


"Waaah! Ate Sooyoung manahimik kaaa!" Ngawa namin ni Ryu sabay takbo palabas ng bahay sa gitna ng tawanan ng mga gung-gong.


Excited kaming kinawayan ni ate Soo nang makita kami. "Uy!" Binitawan niya muna yung hawak niyang apat na box ng J.CO Donuts at niyakap niya kami kagad pagbukas namin ng gate.


"Namiss niyo ko no? Alam ko naman yun, no need to mention."


"Ate Soo kasiii, tama na muna sa past nicknaaames. Nandiyan yung girlfriend ko pati crush ni Jeong!" Mahinang angal ni Ryu para di marinig nung mga alien sa loob.


"Alam ko. Ayaw niyo nun? Ako na nag-abalang magsabi para malaman nila? You're welcome." Ah kaya pala, nananadya! Naghair-flip pa siya tapos nasampal kami sa mukha ni insan.


Tropa since highschool ni ate Taeyeon si ate Soo kaya matagal na rin namin siya kilala. Siya yung rich tropa nila ate na lagi kaming dinadalhan ng pagkain pag napapabisita dito sa bahay.


"Paarbor na lang ng dala mong kotse, ate Soo."


"Tsaka na pag graduate ka na, Jinjin."


Wala na kaming nagawa at inaya na lang pumasok si ate Soo kasi may pinapadaan lang daw saglit si ate Taeyeon sa kanya na dalawang bote ng wine dito sa bahay. Gagawa raw sila ng Sangria mamaya sa bahay nila ate Fany. 'Tong si ate Taeyeon kala mo talaga malakas uminom eh.


"Ate Soo!"


"Oy! Long time no see! Sa inyo 'tong donuts, pangmiryenda niyo."


"No to salamat, Shopee. Yes to salamat, ate Soo!" Sige lang, Yuna.


Isa-isang yumakap yung mga gung-gong sa unexpected visitor namin except kay Lia. Pumunta tuloy si ate Soo sa harap niya.


"Di po kita kilala." Nagbibirong sabi ni Lia na tumalikod pa.


"Ah, ganon?" Gigil na pinisil yung dalawang pisngi nito at nag-baby talk. "Ang ganda-ganda ng Lia namin, grabeng level talaga yung kagandahan ni ate Sooyoung niya, pang-diyosa kaya niya namana."


"Leave my precious cheeks alone, ate Soo!"


Tinalo pa ng confidence level ni ate Sooyoung lahat ng confidence level sa Statistics. Pinsan ni Lia si ate Soo sa father's side nila.


Tuwang-tuwa pa siya nung nakita niya na sina JPN Gi at Karina tapos palong-palo kung magpakilala kasi sinabihan siyang maganda ni Karina.


"Mabait naman sila Jeojeong at Jinjin sa inyo diba?"


Puro tawanan na naman tapos 'Jeojeong' at 'Jinjin' naririnig ko. Napatakip na lang kami ni Ryu ng mukha sa hiya. Naririnig ko pa na todo asar si Yeji sa jowa niya. Sumilip ako ng konti kasi curious din ako sa sagot ni crush.


"Yes po, ate Soo." Nakita kong tumingin sa 'kin ni Karina kaya napatago ulit ako. "Lalo na po si Jeojeong." Nag-apiran pa talaga silang dalawa.


The shame, mga baks. The shame!


Umalis din agad si ate Soo pagkakuha niya nung mga wine. Ang ganda raw ng crush ko. Pinaalalahanan pa ko na balitaan ko raw siya pag may progress na kami ng crush ko. Jusko, ano bang progess yan eh crush lang naman yun. Tsaka kahit naman di ko sabihin, magmamaritesan din naman sila nila ate Taeyeon kasama ng ibang tropa nila.


Tinangay niya pa nga yung dalawang Baskin-Robbins ice cream ni ate Taeyeon. Parang si Ning din, buraot.


"Bayad na 'to sa 'kin ni Taengoo. Dakilang third wheel na naman ako sa kanila ni Tinapa porket nasa business trip ngayon si Kyungho my labs ko!"


Sabi nga namin, ate Soo.


----------


Quarter to 4 na ng hapon. Kanina pa kami tapos magreview kasi ayaw naman namin info maoverload, sure naman akong ready na kami sa Midterms. Si Ning at Lia gusto munang umiglip kaya pumunta muna sa kwarto ko para matulog. Sina Yeji at Chaer nasa likod ng bahay, nagprapractice ulit ng sayaw nila. May malaking space kasi kami doon, kasama nila yung mga halaman ni mama.


Naglalaro sila Ryu, Yujin, Yuna, JPN Gi, at Karina ng ML dito sa sala ngayon. Ako nanonood lang ng videos ng Red Velvet habang pinapanood din sila. Nung una tatlo lang naglalaro sila Ryu kaso na-curious yung mag-bestfriend kasi ang ingay nila tapos may naririnig silang mga slain-slain na yan pati raw kung anong mga kill na sinasabi ng babae sa voiceover.


Nagsimula sa simpleng pagdownload ng ML sa Appstore to pagiging highblood real quick. Inis na inis si JPN Gi kasi lagi siya yung puntirya ng mga kalaban nung una tapos sinabihan pa siyang weak kasi lagi siyang namamatay. Kung ano-ano nang pangbabash yung lumalabas sa bibig niya kanina pa. LT sobra! Mahirap pala pag natrigger 'tong Japanese friend namin.


"Just wait you little shrimp! I'll tear you down myself!"


"Mapapatay din kita! If I don't do it now, I'm not Aeri Uchinaga!"


Ayun, di niya inurungan hanggang sa makuha niya na yung flow ng laro at napatay niya na yung kalaban.


Your enemy has been slain!


Double kill!


Triple kill!


"Take that, you ers!"


Fast learner ang lola niyo. Tinulungan siya nila Ryu sa revenge niya. Kabaliktaran naman si Karina na chill lang na naglalaro kahit madalas din siya mamatay nung una. Tapos pinagtatawanan pa yung best friend niya pag na de-deads.


Your ally has been slain.


"Ah, namatay."


Kala mo batang nangangasar eh. Puro tuloy hampas nakuha niya kay JPN Gi.


Natapos din sila maglaro past 4. Nandito na rin ulit sina Yeji at Chaer, kakatapos lang magpractice. Todo asikaso yung unggoy sa pagpunas ng pawis ng jowa niya pagkatapos niyang abutan ng tubig.


"Nahiya naman ako sa inyo no!" Bitter na bitter lang, Chaer?


Binelatan siya ni Ryu kaya sinuway tuloy siya ni Yeji. Pinapunta niya na muna si Yeji sa kwarto niya para makapagpalit ng pangtaas.


Naalala ko na kailangan na pala namin mamili kasi magluluto pa para on time na rin kami makapagdinner. Bibili rin kasi ako ng pang-tapa para kay Karina, may malapit namang grocery store sa 'min.


Magtatanong sana ako kung anong gusto nila kaso naunahan na ko ni Ryu magsalita. "Mga tsong, okay lang ba na Chicken Alfredo Pasta yung isa sa menu? Nabanggit kasi ni love kahapon na nagcra-crave siya nun kaya ipagluluto ko siya. Wag muna kayo maingay sa kanya ah."


"Sige, gusto ko yan!" Sagot ni Ning na pababa ng hagdan kasama si Lia.


Sang-ayon naman silang lahat. Ngayon na ang chance kong i-voice out yung request ni crush.


"Okay lang din ba kayo sa tapa? Nag-request kasi si Karina kanina." Bulong ko kasi dinadapuan na naman ako ng hiya.


Sumenyas sa 'kin si Ning at pinalapit ako sa kanya. "Win, halika ka nga dito saglit. May sasabihin ako sayo."


Lumapit naman ako. "Ano yun?"


Nilapit ni Ning yung bibig niya sa tenga ko. "May pabulong ka pang bakla ah eh rinig na rinig ka naman namin lahat!" Malakas niyang sabi.


Nagtawanan silang lahat. Nataranta tuloy ako at wala sa sarili na napatingin kay Karina na nakaupo sa sofa. Nakatingin na pala siya sa 'kin, may maliit na ngiti sa labi niya.


Kilig si ako. Aaack!


Tinanong ko pa sila kung ano pang trip nila. Sabi ni Ning, chicken wings daw, bahala na kami sa flavor. Mag-aambagan sana kami kaso nagvolunteer si Karina na sagot niya na raw lahat. Di kami pumayag nung una kasi nakakahiya naman, ang dami namin! Kaso she insisted kaya hinayaan na lang namin. Buti sana kung si Ning manglilibre eh. Char.


Apat kaming nandito ngayon sa grocery store. Ako, si Karina, Ryu, at Yujin. Naglakad lang kami kasi ilang kembot lang naman yung layo.


Nakatingin si Yujin sa listahan ng bibilhin. "Ikaw erp sa ng ingredients sa Chicken Alfredo Pasta, si Win at Karina sa Tapa, tapos ako sa Chicken Wings para mabilis tayo, oks?"


Walang sumagot sa 'min. Inalis niya yung mata niya sa listahan, takang tumingin sa 'min bago namula nung nakita niyang nakangisi kami sa kanya.


Tinusok siya sa tagiliran ni Ryu. "Kaya pala gusto mong sumama sa 'min ah! Ipagluluto pala ang iniirog niya."


Pi-nat siya sa balikat ni Karina. "Just follow your heart, Yujin."


Mas lalo tuloy siyang namula. "Wag nga kayo! Magsihanap na kayo dun! Sa may cashier na lang magkita."



Tatlong ingredients lang naman bibilhin namin: beef, oyster sauce, at smoked paprika. Yung ibang sangkap, meron na kami sa bahay. Optional lang yung last two, mas masarap kasi pag meron.


"Go get the condiments na and I'll get the beef. I'll wait for you sa section ng meat."


"Sige." Binigay ko sa kanya yung basket kasi keri naman i-hand carry yung kukunin ko.



Natanaw ko na agad siya sa meat section at pinuntahan na siya para mahintay na sila Ryu sa cashier. Nakita ko yung kinuha niyang beef pagkalagay ko ng condiments sa basket.


Juice Mio! Pang-tapa, Wagyu Beef?! Pucha lagpas 2k na yung isang kilo lang?! Tapos halos three kilos 'tong kinuha niya! 


Napapunas ako ng imaginary sweat sa noo. "Karina, may sirloin beef din dito. Yun nalang bilhin natin. Masyado rin marami 'tong kinuha mo." Ako yung nanghihina sa presyo eh.


"It's okay, Winter. It will be even more delicious pag ito ginamit natin. And to avoid being bitin na rin."


Nagtalo pa kami saglit kaso ginamitan na ko ng puppy eyes at pout. Hinila-hila pa yung kamay ko. Triple foul! Edi matic, siya nasunod.


"Trust me, ate Irene cooked it a few times na sa bahay pag free time niya."


Ginagawa lang nilang pang tapsi yung Wagyu?!


"The ones from Japan are even more delicious, I'll tell ate Yeri na bilhan kayo sa next nilang pun-" Naputol yung sinasabi niya nang may biglang tumawag sa 'kin.


"Uy, Winter!"


Ilang direksyon yung nilingunan ko bago ako may babaeng palapit sa 'min. Kunot noo ko siyang tinignan.


"Sabi na nga ba it's you eh!"


The who ka, ate girl?


Hinampas niya ko sa braso. Luh? Feeling close amp. Sapakan na lang oh? Joke.


"Ikaw talaga hindi mo na naman ako natatandaan!" Pabebeng angal niya.


Sino ba 'to?


"Si Kristine 'to, we're classmates sa GED0001, ako yung laging humihingi ng papel sayo tuwing activity or quiz!"


So gusto niyang matandaan ko yung pagiging pulubi niya sa papel? Eh hindi naman ako tumitingin sa mga binibigyan ko kaya paano ko maaalala? Tapos once a week lang yung subject na yun.


"Uhm, hello." Awkward 'kong sabi at tinanguan siya.


Pagkatapos nun, kung ano-ano nang sinasabi niya na hindi ko na maintindihan kasi ang nasa isip ko na lang ay gusto ko nang umuwi.


Lord, gusto ko na pong umuwi.


Hinga ng malalim, Winter. Hindi pwedeng ganito, gumawa ka ng paraan!


"-sabi pa nga nila-"


"Ano uh... Kristy, pasensya ka na kasi kailangan na namin umalis. Uhm, sa susunod na lang ulit."


Hinawakan ko yung kamay ni Karina at naglakad palayo. Binilisan ko talaga yung lakad ko! May narinig akong sinabi pa yung ate girl pero di ko na pinansin.


Narinig ko yung pagtawa ni Karina, di ko namalayan na nakangiti na rin pala ko dahil dito.



"Saan ba kayo nagsisipuntang mga batang ire kayo eh ta-tatlo lang pala yung kukunin, kayo pa yung nahuli!" Bungad agad ni Ryu samin sa may cashier.


"Maya na yung kwento, Jin. Pag nakalabas na tayo." Medyo nagmamadaling sabi ko kasi ayaw ko nang makasalubong yung babae kanina.


Naglalakad na kami pauwi. Natatawa pa rin kami kasi muntikan nang mapamura si Ryu ng malakas kanina nung nakita niya yung total na babayaran. Hindi raw kasi nila napansin na Wagyu pala yung karne sa basket. Kinumbinsi rin sila ni Karina na gora lang kasi treat niya naman daw 'to sa 'min.


About dun kay 'ate girl', as expected, tinawanan lang ako ng dalawang kumag. Yun nga raw yung sinasabi nila sa 'kin na malakas daw hatak ko sa mga babae. Hmph, yellow paper lang naman habol sa 'kin nung 'ate girl' na yun! Oras na ata para magdamot sa papel. Char.


"Holding hands era na yarn?" Pag-iba ng topic ni Yujin at tinuro yung kamay namin ni Karina.


Nasystem not found ako saglit bago nakarecover. Ramdam ko na ulit yung pamumula ng mukha ko. Hindi ko napansin na hawak ko pa rin pala yung kamay niya! Marahan kong sinubukang alisin yung kamay ko sa pagkakahawak kaso hinigpitan lang lalo ni Karina yung hawak niya.


Uhm... Uhmalayer!


"Yup." Simpleng sagot niya na parang di niya pinapapanic yung kabaklaan ko ngayon. "Winter likes to hold my hand eh." Ngumisi siya sa 'kin at kumindat pa.


Ano dawerz?!


Heart, kalma. Inaasar ka lang ni Karina.


"Aba matindi." Nakita ko yung pagngisi nung dalawa sa 'kin. Hindi ako makapagsalita kasi hindi ko rin alam yung sasabihin ko. Pinandilatan ko na lang yung dalawa.



Holding hands lang naman. Maraming beses ko na rin naman nahawakan yung kamay ni Karina.


Pero hindi ikaw yung nag-iinitiate.


Bakit naman bigla ko 'tong naisip? Brain, pagod lang yan sa pagrereview. Magpahinga ka na.


Normal lang naman siguro 'to kahit crush ko siya.


Ayun nga, SIGURO, di ka sure.


Hush!


"Nakakainggit naman. Bilisan na natin para makaholding hands ko na rin si love tapos si boss Yujin naman kay Ning!"


"Oo nga- AY GAGO HINDI PALA! Objection your honor! Animal ka, Ryujin!"


----------


Minarinate ko na kagad yung beef pagkarating namin sa bahay. Naka cut na siya into cubes. Mamaya ko pa siya lulutuin kasi mabilis lang naman 'to maluto. 


Alam niyo na rin naman yung reaksyon ng mga remaining gung-gong nung nalaman na Wagyu yung binili namin kaya di ko na lang sasabihin.


Gusto pa nga tumulong ni Karina sa paghiwa ng bawang kaso bukas na kami makakain nito sa bagal niya maghiwa. Pinaghiwa ko na lang siya ng kalamansi tapos tinangay na siya ni JPN Gi palabas ng kusina to avoid further damages daw. Sila na lang daw maghuhugas ng pinggan mamaya.


Epic kasi nung tri-ny niyang i-crush yung garlic, tumilapon tapos tumama sa noo ni Yuna! Dasurb din konti ni higante kasi kanina pa siya nanggugulo sa 'min na tagatikim daw siya.


Yung mag-love busy maglandian habang nagpre-prep ng ingredients si Ryu. Aakalain mong nakaheart shape na yung mata ni Yeji habang nakatingin sa pinsan kong unggoy. Katulong nila kanina si Chaer kaso naumay na sa dalawa kaya kay Yujin na siya tumulong. Si Ning papanoorin na lang daw kami para raw may audience. Ulo niya eh si Yujin lang naman yung gusto niyang panoorin!


Halatang na-touch si shunga kasi di niya expected na si bebelabs niya yung magluluto ng ni-request niya kanina. Sila Karina, Giselle, Lia, at Yuna daw yung tagahugas ng pinggan at tagapunas ng lamesa mamaya.


Tapos na magluto ng pasta si Ryu. Kami na lang nandito ni Yujin sa kusina. Nagpriprito na lang siya ng chicken wings kasi nakagawa na siya kanina ng dalawang sauce, buffalo at soy garlic.


"Is it almost cooked na?" Narinig kong tanong ni Karina sa bandang likod ko.


"Oo malapit na." Nashooket ako pagkalingon ko sa lapit ng mukha niya sa 'kin kaya napayakap ako kay Yujin.


"Ay gago- Anyare sayo, erp? Mamaya na tayo magyakapan pagkatapos kumain." Ginulo niya yung buhok ko bago tinulak palayo.


Tumikhim ako. "Pwede ka nang umupo diyan Karina kung gusto mo. Malapit na rin naman 'to."


Ngumiti lang siya ng inosente. "Okay."


Hinalo-halo ko na ulit yung tapa at nilakasan na yung apoy. Pagkatapos ng almost one minute, pinatay ko na yung apoy.


Nagpoach na rin ako ng apat na itlog, tig-dalawa kami ni Karina. Kaming dalawa lang naman kasi yung magri-rice kaya yung natira na lang sa sinaing kaninang lunch yung ginawa kong sinangag.


Di ko mapigilang tumikim ng isang pirasong tapa. Hayop, hayop sa sarap! Iba talaga pag Wagyu!


"Hey, me too! Ako rin, Winter!" Tumusok ako ulit ng isang piraso gamit ng tinidor at sinubuan si Karina.


Lumiwanag yung mga mata niya bago naghugis crescent moons. "Sarap!"


Nginitian ko lang siya.


Lord, bawal po ba talagang ibulsa 'tong tao na 'to dahil sa kakyutan niya?


Pinatikim ko rin si Yujin, nanlaki pa mata niya at nagdouble thumbs up. Bagong tinidor na yung ginamit ko syempre! Taas-baba yung kilay niya bago pasimple tumingin kay Karina. Sinapak ko siya ng mahina sa tiyan para tumigil na.



Kakain na kami! Nagdasal muna with JPN Gi as the leader bago kumuha ng pagkain. Inuna ko munang lagyan ng sinangag at dalawang itlog yung plato ni Karina tsaka ko sinandukan ng tapa para di na siya makisiksik sa mga gung-gong. Sulit yung saya sa mukha niya sa mga mapang-asar na tingin na natanggap ko sa paligid. Sa ekstrang mga upuan kami uupo nila Ryu, Yujin, at Yuna kasi anim lang kasya sa mesa namin, sorry naman. Katabi pa rin naman kami sa tropa.


Si Ryu inasikaso munang lagyan ng Chicken Alfredo Pasta yung plato ni Yeji niya bago 'to hinalikan sa sentido.


"Iba na talaga mga tao ngayon." Sabi nalang ni Chaer.


"Tabi-tabi po sa mga umiibig diyan! Salamat po sa pagkain!" Sabi ni Yuna habang kumukuha ng maraming pagkain.


"Yun oh, hinainan din ni boss Yujin si Ning ng Chicken Wings!"


"Aaack!"


Ang sarap ng pagkain, kain na rin kayo diyan!




"Ubos ang lahi mo." Sabi ni Ryu pagkakita na wala nang natira sa pagkain. Simot!


"That was so delicious!" Masayang sabi ni JPN Gi. "Thank you for the hearty meal, guys!"


"I'm so full!" Parang naging si Snorlax na 'tong si crush pagkatapos kumain. Hinihimas niyal pa yung tiyan na, halatang satisfied.


Opkors, masayang bading kami nila Ryu at Yujin sa mga feedback sa niluto namin.


Pagkatapos namin magligpit at maglinis sa kusina, tumambay muna kami sa sala. Si Karina at Yeji naliligo na sa taas, dalawa kasi yung cr dun. Si Yujin dito naman sa cr sa baba naliligo. Ewan ko ba kay mama kung bakit ang dami naming banyo. Naligo na kanina sila Chaer, JPN Gi, Lia, at Yuna habang nasa grocery store kami kaya maikli na lang yung pila.


Natapos din agad maligo si Yujin kaya nagdecide na 'kong maligo na rin. Kumuha muna ko ng damit sa kwarto. Isasara ko na yung pinto ng cr kaso may unggoy na sumingit sa loob at siya na nagsara ng pinto.


"Jeong, sabay na tayo maligo! Nanlalagkit na rin ako!" Nagsimula na siyang magtanggal ng damit.


"Ano ba yan!"


"Keri na yan, Jeong! Labyu!" Ano pa bang magagawa ko eh siya na nga nauna sa shower?


----------


Asar nang asar sa 'kin si Ryu tungkol kay Karina kanina, tumagal tuloy kami sa banyo! Si Ning tatapusin daw muna yung isang episode ng Spongebob bago maligo. Nanonood kasi kami ngayon sa Netflix sa TV namin.


Naramdaman 'kong nagvibrate yung phone ko sa bulsa ko.


New Message 7:57pm


Jimineutron 💞


Winter? Can you come up to your room for a sec? I'm sorry 😖 I have a little problem kasi, but it's not serious naman don't worry! 😅


Di na ko nagreply at dumiretso na lang sa kwarto. Nakaupo siya sa kama, hawak si Sharkie, at nakaputing bathrobe. Napalunok ako nung tumingin siya sa 'kin. Parang na deja vu ako dun sa itsura niya sa locker room nun ng AEU before. Except ngayon nakabathrobe siya-


Minjeong, wag mag-isip ng kung ano-ano. Wag rin malikot yung mata! Diretso lang yung tingin!


"Anong problema?"


"Winter, can I borrow some clothes? I have separate clothes na pangtulog kasi and I... I kinda left them at home. I'm sorry." Nahihiyang sabi niya at nagpeace sign.


Yun lang naman pala eh, no problem! "Okay lang, pili ka lang dito." Binuksan ko yung cabinet ko kung nasan yung mga shirts, shorts, at sweatpants ko.


"Thank you so much talaga, Winter."


"Wala yun." Lalabas na sana ko nang pinigilan ako ni Karina.


"You can stay here to watch... if you want?"


Di na ko nagsalita at kumaripas na ng takbo palabas. Rinig ko yung tawa niya sa loob. The never ending saga of kaharutan! Bakit ang init na naman dito?



Pumasok na ulit ako sa kwarto nang masigurado 'kong nakabihis na siya. Di ko alam kung bakit, kusa na lang akong napatigil at tinitigan lang siya.


"What?" Tanong niya.


"Ah, wala naman. Favorite t-shirt ko kasi yan." Yung black t-shirt ko na Samurai X yung design.


Bagay sayo. Bagay na bagay. Ang ganda mo po.


Nag-aalangan yung mukha niya at tinuro yung cabinet ko. "Uhm, do you want me to-"


Ay hala! Namisintindi mo ko my crush!


"H-hindi! Nabanggit ko lang naman, share ko lang ganun. All goods lang sa pagsuot niyan!" Nag-thumbs pa ko, kaso narealize ko na mukha ata 'kong timang sa ginawa ko. Napayuko na lang ako at napakamot sa ulo sa hiya.


Bumalik na yung ngiti sa mukha niya. Kaso yung ngiti niya... parang may iba? Wala kasi yung usual na nangtritrip o mapangasar na ngiti pag flustered ako tapos susundan niya ng kaharutan.


"Oh, that's good. Para ako na yung maging favorite person mo."


Hindi niya na ko hinintay sumagot at lumabas na ng kwarto.
.

.

.

.

.

.

Anong ibig sabihin niya dun?


----------


Nandito kaming lahat sa kwarto ko ngayon bukod kay Ning na naliligo. Nagkakagulo currently sa right side ko kasi nasapul sa mukha ng unan ni Yujin ang kakarating lang na si Ryu, kasama si Yeji na nasapul din ni Chaer. Nagpi-pillow fight sila tapos nakisali na rin yung iba. Occupied nila yung kama ko pati yung right side ng foldable mattress kung saan ako nakahiga ngayon.


Tahimik lang ako dito sa labas ng ring, pinapanood sila. Iwas po tayo sa gulo. Ayaw ko rin tumingin sa isa pang side ko kasi katabi ko si Karina. Tumabi na lang siya sa 'kin pagpasok niya kanina. Kayakap pa niya si Sharkie.


Ganito ba feeling pag katabi mo sa kama yung crush mo sa sleepover? Parang kang kinakabahan na kinikilig na ewan? Alam ko naman na di kami magtatabi sa pagtulog mamaya pero kasi-


"Winter."


Nilingon ko siya. "Oh?"


Wow, fast response yarn?


Seryoso lang siyang nakatingin sa 'kin. Nakakapanibago kasi usually maloko siya. Parang mukha ni ate Irene tuloy yung kaharap ko!


Pagkatapos ng ilang sandali, hinawakan niya lang yung kamay ko at ngumiti. "Nothing."


Kanina ngiti niya lang yung parang nag-iba pero bakit ngayon pati yung tingin na rin? Yung para bang may gustong i-relay na message yung mga mata niya na hindi ko mapoint out kaya naguguluhan ako.


Pero... for some reason, hinigpitan ko yung pagkakahawak sa kamay niya, and her eyes widened in surprise. Napa-English na ko mga bakla kayo.


Bigla ko nalang naramdaman yung pagbilis ng tibok ng puso ko na hindi dulot ng kaba, pati pagkabuhay ng dugo ko na feeling ko kaya kong i-conquer lahat as of this moment. Ano ba kasi 'to? Bakit may bago na naman-


"Aray ko!" Napabangon ako at napahawak sa noo sa sakit. Pusang gala naman oh! Kinuha ko yung tumama sa 'kin, bakit may rubber duck dito?!


"Napakadaya niyo talaga! Hindi niyo man lang ako hinintay matapos maligo bago mag pillow fight!"


Hayop na Chinese 'to!


"Tangina mo, Ning!"


----------


Sorry po sa errors and typos as usual. See you next chap!


Spoiler: Multiple POVs for more clearer details, stay tuned 🤭



















































 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
EZWin0805
Random times nalang yung UD para surprise HAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
hiver_pogi
#1
miss u
jamesaidenliu29 #2
Chapter 13: Authornim your story was so cute I love reading it I hope to see some updates when you can update will wait po ☺️
maxiclaine #3
Chapter 4: kayanin ang hamon ng buhay! HAHAHAHAHAHA
wenrene22
#4
author-nim, where na you? miss ko na itong story mo. pa-ramdam ka naman at umi-iyak na yung bading dito. 😭
TakuyaKen
#5
Chapter 11: Hanep yan hahaha sharky save you Winter
TakuyaKen
#6
Chapter 6: ahaha si Ryu pang proposal ang bday gift ah
TakuyaKen
#7
Chapter 3: speedy lng ni Rina haha
TakuyaKen
#8
Chapter 2: gago ka Ryu hahaha your cousin was embarassed 🤣🤣
ryujinie__
689 streak #9
Chapter 13: Ryeji 😍 Welcome back author, hope all is well! 💛
EzraSeige
#10
Chapter 12: Welcome back otornim sana ok kana po💚💚💚... stay safe and healthy po otornim. Salamat sa lapag lodi appreciate much 🙇🙆‍♂️🥰🥰🥰💙❄