Ika-anim na Sixth (Pt. 2)

Jumbo Hotdog, Kakayanin Ko

Mej TW: May iilang R16 terms po kasi dito, be open minded nalang. Assume niyo na magkakapareho po sila ng age, mas bata lang ng 1 year sila Winter, Ning, Yujin, at Yuna.


Happy Reading!


P.S. Papatayin na talaga ako ng Engineering sa totoo lang HAHAHAHAHA sorry guys mukhang slows updates muna ko until matapos tong sem namin


----------


Winter's POV


Nakapagtimpla na ng iinumin namin. Vodka, wag kang masyadong hard samin ah? Dalawang batch yung ginawa namin ni Ryu at Yujin. Lilinawin ko lang po na nadamay lang ako! Silang dalawa lang talaga dapat magtitimpla kasi sila na yung nakaassign dito simula pa nung first time naming uminom. Di ko alam kung bakit naisipan nila kong idamay ngayon, future successor daw nila ko!


Parang ngang ako na yung gumawa halos lahat eh! Nagsasabi lang kasi sila kung ano yung gagawin tapos sundan ko lang daw. Nasaktuhan pa nilang nakaonline pa si ate Taeyeon sa messenger tapos vinideo call pa ni Ryu para raw ipakalat yung 'good news'. Tawang-tawa naman si ate sa nalaman at sa trip nitong mga gung-gong. Sinabihan ako ni ate na iba na raw talaga ko. Pinaulanan pa nila ko ng asar na parang dati lang daw gatas, milo, at energen lang tinitimpla kong inumin tapos ngayon alak na. Mas nakakahiya pa kasi kasama pala ni ate si ate Fany ngayon na tawang-tawa rin. Malaki na raw talaga yung baby niya.


Pinaalahanan lang kami na wag masyadong marami ang inom at mag-enjoy lang tapos pahabol na bati ulit kay Yeji. Yes, ganito kami ka-open ni Ryu kay ate Taeyeon kaya wag na kayong magtaka kung alam niya lahat tungkol samin.


Napakinabangan din pala namin yung pitsel na pinaglagyan ng regalo ni Yuna na kaparter ng pangmalakasang puting pitsel nila Yeji. Malaki kasi pareho tapos maganda yung quality. Oh diba, aesthetic black and white! Ni-ref muna namin yung white tapos kukunin pag ubos na yung pang-una.


Nagplay ng bg music si Ryu habang nagsesearch yung iba ng mga lalaruin naming games. Napagdesisyonan na Charades at Shout in Silence para pangpahyper daw tapos 1 Second Song Challenge: Kpop Edition para sa mga hayok na hayok kaso lugi naman ako sa sayawan! Wala namang tumutol kasi nakapants din naman lahat kaya komportable maglaro. And magkwekwentuhan nalang kami panigurado right after. Chika is best served after 10 or 11pm, isa yan sa mga motto namin.


Naghati kami into two groups through bato-bato pick, si Yeji at Ryu yung leader. Yung mga win kay Yeji at lose kay Ryu. Team Light Fury: Yeji, Ako, Chaeryeong, JPN Gi, at Ning. Team Unggoy: Ryujin, Karina, Lia, Yujin, at Yuna. Nakaready na rin yung alak at sampung shot glass sa lamesa. Shuta, shot glass ba talaga 'to? Bakit parang ang laki?!


"G na mga teh, sa Ipad nalang ni Ning ipapakita yung mga huhulaang words, katamad kumuha ng papel at pentel pen. Random Word Generator nalang gamitin natin para fair. Paramihan ng mahuhulaan in three minutes. Yung losing team, isa-isang iinom ng shot kung ilan yung lamang ng winning group sa kanila, kayo na una Yej." Sabi ni Lia.


Natawa ng malakas si Yujin. "Taena, kung sakaling lima pala yung lamang, limang shot kagad. Road to basagan pala 'to!"


Sinabi mo pa, Higante!


Pabirong nagstretch ng braso at leeg si Giselle. "Seems like I need to bring up my A-game tonight."


"Who are you fooling, Gi? You're terrible at games." Pang-aasar ni Karina.


"Hey! I'm not that bad naman no!"


Tumaas ang kaliwang kilay ni Karina at pabirong ngumisi. "We'll see about that."


Patalo na kaya ko? Char!


Inakbayan ni Ning si Giselle at nilayo na sa mga kalaban. "Mars Gi, wag ka mag-alala, lalampasuhin natin yang mga yan lalo na yung leader nilang unggoy!"


"Tignan nalang natin kung sino yung mga mababasag mamaya sa huli!" Sabi ni Ryu.


"Talaga lang Love ah? Sige, wala munang jowa-jowa dito."


"Ooohh!" Kantyaw ng lahat.


Nako mukhang nagfired up si Leader namin sa sinabi ni tukmol. Mukhang nag-sisi naman si Ryu sa sinabi niya kahit pabiro lang yung pagkakasabi ni Yeji.


"Oh ha, panis na kayo kagad sa leader namin!" Sabi ni Chaer.


Tinaas pa ni Yuna yung dalawang manggas niya. "Start na para magkaalaman na!"


----------


"Mystery!" Sagot ni Chaer.


"Tama!"


Team namin yung naunang maglaro at nakaka-apat na kami ng hula ngayon. Si Ning na yung nagpresentang tagademonstrate ng mga hinuhulaan naming words kasi nasa instinct niya na raw yung pagiging 'keen on details'. Nasa likod niya sila Ryu para masigurado raw na di magiging cooking show yung laban. Kala mo Survival Shows sa Mnet eh, oops.


Grabe pagkahayok namin kasi ayaw naman naming mabasag kagad no! Lavarn kung lavarn!


Kaagad namang nagnext si Ning ng susunod na huhulaan namin. May one minute and eleven seconds pa kaming natitira, kaya pa! Biglang namang tumakbo si Ning papunta sa lamesa at kinuha yung ribbon galing sa box ng cake. Pinuntahan niya si Yujin at mabilis na tinali yung dalawang yung kamay nito. Nagkagulo tuloy sila Ryu pati kami ng team ko.


"Hoy, hoy, hoy! Ning, bawal pipti sheyds dito!"


"Maghunos-dili ka, teh! Mamaya na yan pag kayong dalawa nalang!"


Eskandaloso at malokong sabi ni Ryujin at Lia.


"Gaga ka, teh! Keep it PG lang dito!" Natatawang sabi ni Yeji sabay bato kay Ning ng maliit na unan galing sa sofa.


Umakto pa si Yuna na kala mo magtatanggal ng sumpa. "Rold, patawarin niyo po ang kaibigan namin na nagpadala sa tukso!"


"Laro lang napag-usapan natin dito, Ning. Bakit may pa ka, teh?!" Dagdag ni Chaer.


Namula ng matindi si Ning sa mga kantyaw ng tropa bago niya kami tignan ng masama at pinakyu ng harapan. "Mamaya kayo sakin!"


Si crush ang lakas ng tawa sa tabi ni Yuna. Si JPN Gi di na rin makafocus sa laro kakatawa. Pero awit talaga kay Yujin, kala mo nahulog siya sa nagyeyelong lawa sa pwesto niya, pulang-pula rin si Higante. Pakshet 'tong si Ning, baka di na makalaro si Yujin mamaya!


Napatigil ako sa pagtawa nang makita ko yung timer sa Ipad naman ni Yeji na nakapatong sa stool sa gilid. Shet, fifty two seconds nalang!


"Ning, yung oras! G na ulit!" Tarantang sabi ko.


Mukhang natauhan din yung mga ka-team ko sa sinabi ko at nagfocus na ulit sa laro. Napatigil kagad siya sa pangbabara kayla Ryu at nagpatuloy na. Umarte siyang iniispeksyon si Yujin bago humarap samin at tinuro ito. Nagsign siya ng nakaposas tapos tinuro ulit yung nakataling higante at tinignan siya na parang kinikilatis.


"Criminal!" Sagot ni Giselle.


Sumenyas si Ning samin na malapit na.


"Christian Grey!" Biglang sigaw ni Yuna. Natatawa siyang pinaghahampas nila Ryu.


Minjeong, mamaya ka na rin mabighani sa nakatawang Karina na nagaala-crescent moons yung mga mata. Ipanalo niyo muna 'to!


"Lawbreaker!" Sagot ni Yeji.


Tuloy lang sa panghuhula at pag-arte si Ning. Hmmm... Ah knows ko na!


"Suspect!" Sagot ko.


"Tama!" Yes, lima na mga baks!


Nagcelebrate ng one second si Ning bago nagnext ulit. Nagulat kami nang bigla siyang umakto na parang nababaliw na kung saan-saan tumitingin at walang iisang direksyon yung lakad niya. Di namin mapigilang matawa sa ginagawa ni Ning. Feel na feel niya ginagawa niya!


"Gago, bat napadpad si Sisa dito?!"


"Crispin! Basilio!"


Tangina talaga nito nila Ryu, kanina pa yung mga side comments! Nawawala kami sa focus kakatawa. Hindi kami pwedeng matalo dito, every mahuhulaan counts!


"Mental Patient!" Sagot ni Yeji.


"Mental Disorder!" Sagot ni Giselle.


"Crazy!" Sagot ni Chaer.


Sumenyas na ulit si Ning na malapit daw yung mga sagot namin habang umaacting pa rin. Pota ka, Ning! Isa ka pang laughtrip! Umarte naman siya ngayon na nagtatantrums na parang bata. Wow, change course to future dramarist na ba?!


"Hysterical! Hysterical!" Sagot ni Giselle na  habang hyper na tumatalon at pumapalaklak.


Lumuhod si Ning at tinaas ang dalawang kamao. "Tama!"


Sakto yung tapos ng time namin sa last na hula, naka-anim kami sackas! Lumapit agad samin si Ning at nagtatatalon kaming lima sa tuwa.


"Oh, ano kayo ngayon Unggoy?! Kayo naman!"


Tumayo na sila Ryu. "Arat mga erp. Watch and learn naman para sa inyo Luningning!"


"Para sa himagsikan!" Sigaw ni Ryu sabay taas ng kanang kamao.


"Para sa himagsikan!" Ulit ng grupo niya sabay taas din ng kamao.


Tangina?


Anong ginawa nila para mapasama si crush sa kalokohan nila?!


----------


Okay, wait lang. Bakit wala man lang warning na si Karina pala yung taga act ng words sa kanila? Ang ganda at cute at the same time mga baks! Smiling happily si heart ngayon kasi nag-eenjoy si crush, hehe.


"Master!" Sagot ni Ryujin.


"Yes!" Excited sa sabi ni Karina at nagnext na kagad ng word.


"Ang duga! Bakit pag si Kars umaarte, ang ganda pa rin tapos yung sakin kanina parang comedy!" Malakas na angal ni Ning.


"Maganda ka pa rin naman daw sa paningin ni Yujin!" Biglang sigaw ni Lia.


"Yieee!"


Naghang tuloy yung sasabihing word dapat ni Higante.


Andun sila Ning malapit kay Karina habang ako nasa gedli kumakain ng pizza kasi ginutom ulit ako, bakit ba? Ganda pa ng view ko dito kaya mainggit kayo. Char!


Consistent naman yung mga hula nila pero nakaka-tatlong words palang sila kasi nauuna lagi yung tawa at barahan pag may nasasabing muntanga yung isa. One minute and sixteen seconds nalang natitira.


Biglang namang humiga si Karina sa lapag at umaktong parang patay.


"Deceased!" Sagot ni Lia.


Sumenyas si Karina na di pa raw tapos yung acting niya. Tumayo ulit siya bago lumayo ng konti at tumakbo dun sa hinigaan niya kanina tapos umakto na may binububuhat. Nag sign siya ng parang imaginary na kama ata bago umarteng may inilapag dito at tinulak papalayo.


Effort kung effort si crush, mas lalo siyang gumaganda.


"Paramedic!" Sagot ni Ryu.


"Emergency!" Sagot ni Yujin.


"Ano.. Delivery!" Sagot ni Yuna.


Muntik ko nang mabuga yung minumuya ko sa sagot ni Yuna habang sila Ning ang lakas ng tawa.


"Ang sagot yan, Higante?!" Asar nila Chaer.


Hinampas siya ni Yujin. "Gago erp, anong delivery?! Delivery ng patay ganun?!"


"Tanga, delivery as in process of giving birth kasi!"


"Asan yung process of giving birth dyaan eh wala namang inact na buntis si Kars?!"


"Malay mo nahimatay yung buntis tapos may tumawag ng ambulansya!"


Ayan, eto yung sinasabi kong nauuna yung tawa at barahan.


"You'll lose na sa lagay na yan, Rina!" Asar ni Giselle.


Aliw na aliw lang si Karina sa mga ka-team niya na parang wala siyang pake kung manalo o matalo man sila.


"Hoy dalawang higante kayo, may laro pa tayo dito!" Sabi ni Ryujin sabay batok sa dalawa.


"Accident!" Biglang sagot ni Lia.


Nagliwanag ang mukha si Karina at tinuro si Lia. "Yes!"


Lupet ni Lia, nakapag-isip pa rin despite the chaos ng mga ka-grupo niya.


Nagnext na ulit si Karina at umaktong parang may binubuksang garapon sabay turo sa imaginary object na hawak niya at inulit yung ginawa niya sa umpisa. Hala, ang cute niya ng mukha niya habang ginagawa niya yun! Mukha siyang baby, uwu!


"May favoritism talaga, ang cute pag si Kars gumawa!" Malakas na angal ulit ni Ning.


"Garapon.. Jar!" Agad na sagot ni Ryujin.


"Yes!"


Di na siya nakapagnext ulit kasi tumunog na yung timer sa Ipad ni Yeji, meaning nanalo ang Team Light Fury with isang lamang! Sakto namang tapos na ko sa kinakain ko at lumapit na kayla Ning para makicelebrate.


"We won!" Sigaw ni Giselle habang nagtatatalon kaming nakagroup hug. "In your face, Rina! Ha!"


Natatawa lang si Karina sa asar ng kaibigan. "Don't be too smug, babawian namin kayo sa next game!"


"Ayan kasi, inuuna yung tawa pati daldal kanina!" Sabi ni Chaer.


"Nalugi lang kami sa inyo, nabawasan yung mental power ni Yujin sa ginawa mo kanina Ning!" Katwiran ni Ryujin.


Inabot ni Yuna yung supposedly 'shot glass'. "Taena Yej, ano bang shot glass 'to bat ang laki?"


Inirapan sila ni Ning. "Wala, wala, shu-mot na kayo diyan, daming ebas. Buti nga isa lang eh!"


Sinalinan na ni Yeji yung limang baso habang natatawa. "These are really shot glasses, guys. Kahit i-search niyo pa, mas malaki lang talaga compared sa iba."


Agad naman nilang ininom ng mabilis pero si Karina tumingin muna sakin at nginitian ako bago tinaas ng konti yung baso as a sign of cheers tsaka tuluyan nang uminom. Napacartwheel tuloy bigla si heart.


"Isang round pa, babawi kami!" Sabi ni Yuna.


"Para sa himagsikan!" Sigaw ulit ni Ryu sabay taas ng kanang kamao.


"Para sa himagsikan!"


Take note, hindi po sila nakabawi at napainom naman sila ng dalawa pang shot. Nagsama-sama ba naman yung unggoy pati yung dalawang higante sa iisang team.


----------


Game: Shout in Silence


May tig-dalawang representative sa team kada round. Hanggang two rounds 'to at three minutes pa rin yung time. Same pa rin yung kung ilan yung lamang ng panalo sa talo, yun din yung number ng shots na iinumin.


Team naman nila Ryu yung nauna ngayon kasi sila yung natalo kanina. Si Yujin at Ryu yung naglalaro sa kanila. Si Yujin yung tagasabi tapos si Ryu yung tagahula. Random word generator pa rin ginamit namin tapos scre-neenshot na 'to in advance kanina para swipe-swipe nalang kagaya ngayon. Syempre dapat makatarungan yung level of difficulty ng mga words no. Bale yung Team Unggoy yung nagscreenshot ng saamin and vice versa. Nakahiwalay lang ng folder.


Nakakaapat na hula na sila kaso fifty seven seconds nalang natitira, lakas makaubos ng oras ni Ryu!


"Mango Graham!"


"Mongolian!"


"Ikaw yung mongoloid, Ryujin!" Sabat ni Yuna.


Parang kanina pang gustong lapitan ni Yujin si Ryu para sakalin ng bongga. May pagka-mahina kasi sa laro na 'to si Ryu. Isipin niyo magaling si insan sa maraming bagay mapa acads man yan, games, sports, at pagsasayaw tapos maganda na nga, pogi pa. Sadyang di lang talaga siya nabiyayaan ng talent sa game na 'to.


Nga pala, napag-usapan din namin na magtopik yung dalawang volunteer to decide, pag lose ikaw yung manghuhula para may konting thrill. Eh natalo si Ryu kaya no choice sila.


Kanina pa kami tawa nang tawa sa kanila tapos sila Yuna todo asar naman, wala man lang support para sa dalawang ka-team nila.


"Mang! Go! Gra! Ham!"


"Ah, Mango Graham!"


"Oo tangina mo, Ryujin!"


Kumunot ang noo ni Ryu at takang tumingin kay Higante. "Ano erp?!"


"Wala, next na!"


Oh diba, sino di sasakit yung tiyan kakatawa sa mga 'to? Nagswipe right na si Chaer na may hawak ng Ipad ni Ning.


Huminga ng malalim si Yujin pagkatingin sa word bago ulit nagsalita.


"Zucchini!" Medyo mabagal na sabi ni Yujin.


"Ha?!"


"Zucchini!" Impatient na sabi ni Yujin.


Natawa bigla si Ryujin. "Ano?! Chikinini?!"


Nahampas nanaman ako ng dalawang katabi ko na ngayon na sina Yeji at Lia kakatawa nila. Buti nalang hindi si Ning katabi ko pero masakit pa rin yung hampas ah!


"What the , Ryujin?!" Sabi ni Lia.


"Ryujin is so terrible at this game!" Comment ni Giselle.


"I know right!" Reply ni Yeji.


"Gago, yung kamukha ng pipino. Zucchini!"


Confused lang na nakatingin si Ryu sa kanya.


"Zucchini!" Medyo galit na sigaw na ni Higante bago ito huminga ulit ng malalim.


"Habibi?!"


"Zucchini!" Galit na talaga na sigaw ni Higante. "Zu! Cchi! Ni!"


Nagloading muna si Ryu bago ulit sumagot.


"Tweety!"


Ang masasabi ko lang ay RIP in advance dalawang braso ko, siguradong marami ka pang pagdadaanan ngayon gabi. Laugh the pain away nalang talaga. Char!


Ang tinis ng tawa ni Ning. "Tweety amputa! Tweety bird lang?!"


Tumunog na yung timer. Mabilis na nilapitan agad ni Yujin si Ryu pagkatanggal ni Lia sa kanya ng headphones at gigil niyang hineadlock ito. "Gago ka ba, anong tweety?!"


"S-sorna, erp!" Nauutal na sabi ni Ryu kakatawa.


Pinuntahan na sila ni Lia at pinalayas na yung dalawa sa harap. Turn na nila ni Karina kasi si Yuna nanalo sa topik nilang tatlo. Si Karina yung tagasabi tapos si Lia yung tagahula. Ano kayang magiging resulta?


"Kars at Malaria, galingan niyo!" Cheer ni Yuna.


"Hayop ka, Higante! Bakit samin walang pag-support kanina?!"


----------


"Caterpillar!"


Kunot noong nakafocus si Lia sa pagbigkas ni Karina.


"Caterpillar!" Ulit ni Karina na mas mabagal sa nauna.


"Caterpillar!" Sagot ni Lia.


"Yes!"


Tumunog na ulit yung Ipad ni Yeji. Excited silang nilapitan nung tatlo nilang ka-team at hinila sila sa group hug. "Ang galing niyong dalawa!"


Kung kanina ubos oras si Ryu, kabaliktaran naman si Lia! Naka-pito lang naman sila! Bale a total of twelve, shuta. Sabagay siya rin yung nakasagot ng dalawa sa limang na sagot nila kanina sa first game.


Tumingin sa amin si Ryujin ng nangangasar. "Ha!"


Tinaasan siya ng kilay ni Chaer. "Sulitin niyo na yan kasi papanisin ulit namin kayo!"


"G na!" Sigaw ni Ning.


----------


Masinsinang nakatitig yung team namin sa kabila at ganun din sila. Di ko alam kung bakit sabi nila ganito raw muna eh. Tabla yung laban, naka-twelve rin kami kaso...


"Milktea!"


"Ha?!" Lito kong sabi.


"Mil! Keu! Tea!"


Taenang Ningtot 'to, niloloko ata ko nito eh.


"Ano?! Rrrrrrghhh!" Sabi ko habang ginigitgit yung ngipin ko.


Nakita ko na tawang-tawa nanaman yung iba samin ni Ning. Pati si Ning mismo tawa rin nang tawa. Ano ba kasi yung sinasabi ng Chinese na 'to?


Tinuro ni Ning yung bibig niya. "Mil!"


"Bil!" Sagot ko.


"Mil!"


"Bil!" Shutaena.


"Keu!" Pota, bat nagiba na Ning?!


"Zeu!"


"Tea!"


"Zeu!"


Tuluyan na kaming natawa pareho.


"Tangina mo, Winter!" Nabasa ko sa labi ni Ning.


"Hoy, bakit may murahan na?!"  Natatawang sabi ko sa kanya.


Di ko na nabasa yung susunod na sinabi niya at nagpatuloy ulit siya sa pagsasabi ng kung anong ginigitgit niya sa ngipin niya.


"Milktea!"


"Peter?!"


"Milktea!"


Nagloading ako saglit. "Blink!"


...sina Yeji at Chaeryeong talaga yung nagbuhat saamin, hehe. Nabanggit ko ba kanina na di rin ako nabiyayaan ng talent sa laro na 'to kagaya ni Ryu? Sorry na po mga baks, peace tayo. Pero nakapagambag naman ako kahit papano no! Apat din yun.  Swerte rin namin na si Chaer yung tagahula sa kasi magaling din siya dito.


Uhh.. Seryoso ba talaga sila dito sa trip nilang titigan daw? Nilibot ko yung mata sa kayla Ryu at di sinasadyang nagkatama kami ng tingin ni Karina.


Shet. Bakla talaga ako. Ang ganda talaga ng mga mata niya.


Naputol kagad yung moment namin ni crush kasi natawa na si Yujin. "Ano bang ginagawa natin, muntimang tayo dito." Natawa na rin kaming lahat sa sinabi niya.


"Tie breaker game, Love?" Tanong ni Ryu kay Yeji.


"Sige, Love. Pero sina Yuna at Giselle naman maglalaro. Bahala na tayo kung sino yung kapartner nila. Same rules parin kung sino matatalo sa topik, siya manghuhula. G?"


"G. Pero isa nalang huhulaan nilang word tapos medyo hirapan na natin. One minute nalang yung time, pabilisan nalang sila. G?"


Tumango si Yeji, "G," malakong ngumisi ito at nilapit ang mukha kay Ryu, "Three shots on the line? Per person?"


Napalunok si Unggoy. Di ko alam kung kinikilig ba 'to sa tingin ng jowa niya o kinakabahan pumusta. Lumambot nalang bigla yung tingin ni Ryu kay Yeji. "Sige."


Yataps tayo diyan, nabudol siya ng leader namin.


Nagulat naman yung mga kagrupo niya na pumayag siya. Si Karina natatawang napasapo nalang sa noo.


Agad namang umatras at ngumiti si Yeji na parang walang nangyari. "Okay, Love. Sabi mo yan ah." Inapiran agad namin siya, syempre baka leader namin yan!


"Ay putcha!"


Di na ulit nakapagsalita si Ryu kasi pinatumba na siya sa lapag nina Lia at Yujin tapos dinaganan siya.


"Bat ka nagpatalo erp?! Dapat tinanong mo muna kami!" Hineadlock ulit ni Yujin si Ryu ng mas intense kaysa kanina.


"Katapusan mo nang unggoy ka! Alam mo namang may sumpa si Yuna dito eh!"


"Grabe ka talaga sakin, Malaria!"


Sabi ko sa inyo barako 'tong si Lia eh. Tinaas nalang ni Ryu yung kanang kamay niyang nakapeace sign with a guilty smile.


----------


Si Chaer yung kapartner ni Giselle habang si Lia naman kay Yuna. Minalas kaming dalawang grupo kasi walang nanalo sa ace players namin kaya kay Giselle kami nakaasa ngayon. Tiwala naman kami kahit papano sa kanya. Sila Ryu nanlulumo na kasi mahina rin si Yuna dito tapos kung ano-ano pang nasasabi nito kagaya namin ni Ryu. Mas malala lang talaga siya. Goodluck!


Waaah! JPN Gi kaya mo yan, may forty three seconds pa!


"Sommelier!"


"Co- What?!" Clueless na sabi ni Giselle.


"Som! Mel! Lier!"


"Crème Brûlée?!" Natawa ng malakas si Karina sa sagot ni Giselle. Nako vinivideohan niya pala, pang secret weapon siguro.


Si Ning todo cheer sa mga ka-team namin. "Go Chaer at Mars Gi!"


Huminga ng malalim si Chaer. "Wine!"


"Nine!" Alam kong mahirap JPN Gi pero i-gora mo pa!


"Wa- In!"


"Wine!"


Excited na tumango si Chaer. "Steward!"


Confused siyang tinignan ni Giselle. "Stuart?!"


Nagtawanan nanaman lahat. Napatakip na ng bibig si Karina kakatawa kay JPN Gi. At dahil nasulit ko na ang paga-admire secretly kay crush, focus na ulit ako sa game, hehe.


"Go, Giselle!" Sabi ni Yeji.


"Wine!"


"Wine!"


"Steward!"


"Stuart!...," Biglang nanlaki yung mata ni JPN Gi na parang nahawaan ng brain blast ni Jimmy Neutron, " Wine Steward! Wine Steward!" Excited niyang sabi.


Ngiting-ngiti nang tumango si Chaer. "Sommelier!"


Napahampas na ng hita si JPN Gi bago tumayo at tinuro si Chaer. "Sommelier!"


Keber na sa tilian nina Giselle at Ning. Halos sure ball na yung panalo na namin!


Humiga si Ryu sa lapag na kala mo huling oras niya na. "Aaaaack! Higante galingan mo!"


"Oo, erp. Kayo nalang ni Malaria yung pag-asa namin!" Sabi Yujin na niyuyugyog yung dalawang balikat ni Yuna.


Tinawanan lang sila ni Higante. "No promises, guysue!"


----------


"Mademoiselle!"


"Chapel?!"


Yung mukha ni Lia parang gusto nang ipasalvage si Higante eh. Kung ano-ano kasi pinagsasabi, twenty seven seconds nalang yung time.


"Mademoiselle! French! It's a French word!" Impatient na paliwanag ni Lia.


Nanlaki yung mga mata ni Yuna. "Magmotel?! Friends?! Gago, friends with benefits na yan!"


Jusko, di namin kinakaya mga sagutan ni Yuna. Baka maubusan na talaga kami ng hininga nito kakatawa!


"Aaaahhh!" Natatawa at frustrated na sigaw ni Lia.


Napasandal na sakin si Yeji. "Stress na stress na si Malaria sayo, Yuna!"


"Higanteee! Bakit naman ganyan sagutan natin?!" Madramang sabi ni Ryu.


"Mademoiselle!" Ulit ni Lia habang nakaturo sa bibig niya.


Nanlaki ulit yung mga mata ni Higante at natawa ng onti kagaya nalang pag may naiisip siyang kababalaghan. Napatakip siya saglit ng bibig bago sumagot.


"T*tan G*l?!" Eskandalosa niyang sabi.


Napahiga na ulit kami lahat sa lapag kasi di na talaga namin kinaya yung huling sinabi ni Yuna! Pasabog yung ending, di na kami halos makahinga kakatawa putspa. Una yung pitsel tapos eto naman! Naubos na rin yung time na di na nakapagsalita si Lia.


"Napakahayop mo talaga, Yuna!"


"Ang dumi talaga ng utak mo, Higante!"


"Tangina mo, Yuna! Happy Birthday talaga kay Yeji!"


"What the hell?!" Rinig na rinig mo sa tono JPN Gi yung disbelief at amazement niya kahit tumatawa siya. Masasanay ka rin, girl.


"That was... pretty intense." Sabi ni Karina na hinihingal na kakatawa.


"Ay kabayo!"


Naulit yung nangyari kanina pero si Yuna naman yung dinaganan nila Lia at Yujin tapos kasama na si Ryu. Triple kill!


"Pisting yawa ka! Binigo mo kami, Higante!"


"It's mademoiselle! Where the did you even get those words?!"


"Saan kami nagkulang sa pagpapalaki sayo, erp!"


"Sorry na, ang bigat niyooo! Tanggapin nalang natin na yun talaga yung nakatakdang mangyari!"


Wala na rin silang nagawa at uminom na ng tatlong sunod-sunod na shot.


Malakas na binaba ni Ryu yung baso niya sa lamesa. "Mga erp, hindi natin pwedeng hayaan na ganito nalang tayo!" Scam na seryosong sabi niya.


"Oh my god, here they go again." Bulong sakin ni Yeji at natatawang napafacepalm.


Oo Yej, I feel you. Nakatira kami sa iisang bahay ng jowa mo, innate na pagiging siraulo niyan.


"Oo nga, kailangan nating mabalik yung dangal natin!" Sabi ni Yuna.


Hinawakan ni Karina yung balikat ng dalawang higante. Seryoso rin yung mukha niya. "We need to avenge ourselves."


"Tama!"


"We'll crush them in the next game." Dagdag ni Lia.


"Tama!"


Nahawaan na kagad ng mga masasamang damo si Karina! Si JPN Gi supportive bestfriend lang kay crush.


"Para sa himagsikan!" Sigaw ni Yujin.


"Para sa himagsikan!"


Tumalikod si Chaer sa kanila. "Di ko po sila kilala."


Same, Chaer. Same. Except kay Karina, hehe.


----------


Hello! Dapat mas mahaba pa talaga 'to kaso nagloloko kasi yung notes ko ngayon shemay kaya hahatiin ko nalang ulit. May Part 3 pa HAHAHAHAHAHA malapit ko na siyang matapos kaya baka bukas or sa wed mapost ko na.


Sana nagustuhan niyo ulit at feel free to comment lang! Sorry sa mga errors at typos as usual ^.^

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
EZWin0805
Random times nalang yung UD para surprise HAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
hiver_pogi
#1
miss u
jamesaidenliu29 #2
Chapter 13: Authornim your story was so cute I love reading it I hope to see some updates when you can update will wait po ☺️
maxiclaine #3
Chapter 4: kayanin ang hamon ng buhay! HAHAHAHAHAHA
wenrene22
#4
author-nim, where na you? miss ko na itong story mo. pa-ramdam ka naman at umi-iyak na yung bading dito. 😭
TakuyaKen
#5
Chapter 11: Hanep yan hahaha sharky save you Winter
TakuyaKen
#6
Chapter 6: ahaha si Ryu pang proposal ang bday gift ah
TakuyaKen
#7
Chapter 3: speedy lng ni Rina haha
TakuyaKen
#8
Chapter 2: gago ka Ryu hahaha your cousin was embarassed 🤣🤣
ryujinie__
689 streak #9
Chapter 13: Ryeji 😍 Welcome back author, hope all is well! 💛
EzraSeige
#10
Chapter 12: Welcome back otornim sana ok kana po💚💚💚... stay safe and healthy po otornim. Salamat sa lapag lodi appreciate much 🙇🙆‍♂️🥰🥰🥰💙❄