Ikalawang Second

Jumbo Hotdog, Kakayanin Ko

Winter's POV


Natapos na ang lahat ng klase namin sa umaga at maayos naman lahat so far. Puro introduction lang yung ginawa namin at inoutline lang ang mga subjects dahil first meeting palang. Wala na kaming ginawang pa-introduce yourself o show your talent eklabu na yan sa harap kaya grabe ang pagbubunyi ko sa aking brain. No need na rin naman daw kasi magiging familiar din naman kami sa mga kaklase namin pag nagtagal. Nagpapasa nalang ng one fourth index card with our name, course, and section.


Naglalakad kami papuntang cafeteria ngayon ni Yuna kasi 12pm na at lunch time na namin. Tatlo ang cafeteria dito, meron sa right-side wing, midsection, at sa left-side wing. Bale automatic na tatlo rin yung entrance dito pero iisa lang yung lobby. Sa midsection kami magkikitang walo kasi eto yung pinakamalapit sa mga classroom namin. Hindi kasi magkakahiwalay yung mga building dito katulad sa ibang universities. Dito iisang building lang talaga lahat ng courses kaya sobrang laki at lawak ng AEU. Mala-mall yung datingan niya kaya ang cool niyang tignan sa labas at ang bonggacious ng interior.


Maraming students dito pero di naman masasabing overcrowded, bukod sa mahirap yung entrance exam ay may pagkamahal din kasi dito. Buti nalang talaga brainy kaming magtrotropa kaya nakakuha kami ng 50% discount sa tuition fee kasi pasok yung score namin sa entrance exam para sa benefit na 'to. Nagpasa na lang kami ng requirements para maging valid. Ang condition lang ay may maintaining grade kami sa lahat ng subjects kaya kailangan talaga laging full-tank yung powers namin. Mabilis naman dito magprocess ng kung ano-ano kaya di ka na maghihintay ng matagal para sa results ng entrance exam mo. Pwedeng ngang direkta ka nang mag-enroll once na lumabas na yung result na pasado ka.


"Sayang talaga, Win! Ready na kong awrahan yang introduce yourself na yan at magpaka Rochelle Pangilinan dun sa harap."

Kanina pa siya ganyan. Sa buong klase, si Yuna lang ata yung dismayado na wala yung mga 'to kasi gora na gora si bakla na magpakilala at magkalat dun sa harap kaya sa akin siya ngayon umaangal. Juskong mahabagin, buti nalang talaga wala kasi baka idamay nanaman ako nitong isa pang higante na to sa gagawin niya sa harap.


Ginawa niya na kasi yan dati nung grade 8 kami. Nalate kasi siya ng pasok one time nun sa isang subject tapos sabi ng teacher namin na kailangan niyang sumayaw sa harap bago makapasok. Syempre okay na okay yun kay babae lalo na't pumapangalawa siya kay Ryujin sa kakapalan ng mukha. Ayos na sana kaso sinabi pa ng teacher namin na pwede siyang pumili ng kasama niyang sasayaw sa harap kung gusto niya. Akala ko ang pipiliin niya sila Yeji o kaya pwede rin naman kahit sino sa tropa kasi marurunong naman lahat except sa akin na di naman talaga sumasayaw. Nagunaw ang mundo ko nung narinig kong tinawag niya ko at pinapunta sa harap kasama niya. Syempre ang mga ever supportive naming tropa tawa lang nang tawa at pinagtulakan pa talaga ko sa harap. Naghiyawan pa nga ang mga tanga. Sabihin nalang natin na di ko talaga sila kakausapin kahit kelan after nun kung di pa nila ko sinuyo ng todo for three days. Hanggang ngayon nababanggit pa rin nila to minsan pag nagkwekwentuhan kami kaya tadtad pa rin ako ng asar pag nagkataon. Hay, buhay.


"Sus, baka matrauma lang sayo yung mga kaklase natin pag ginawa mo yun."


Hinampas naman ako ng higante sa braso. Aray ah.

"Napakasama mo talaga, Wintot! Ang sabihin mo baka masilaw lang sila sa angkin kong talento at kagandahan."


Wala talagang kahit anong hiya sa katawan 'tong babaeng to. Nagposing pa sa gitna ng hallway.


Hinawakan ko nalang siya sa braso at binilisan na ang lakad papunta cafeteria dahil pinagtitinginan na siya ng ibang estudyante.


"Bilisan na nga natin, Yun. Gutom na gutom na ko. Marami raw pwedeng pagbilhan at pagpilian na food stalls dun. Tsaka baka andun na rin sila Ryujin."

Nagliwanag naman ang mga mata ng higante nung nabanggit ko na yung food stalls. Buti nalang talaga madali 'tong madistract pagdating sa pagkain kaya tumahimik na rin sa wakas at sumunod na sakin.


----------



"Tangina mo, Ryujin. Wag kang lalapit sakin, baka mas lalo pang mabawasan yung points ko sa langit. Vinolunteer ba naman ako ni kupal kanina sa harap kaninang pa-show your talent ng isang prof namin kasi may plus daw. Todo promote pa sakin si gago, pakyu!"


Ang lalakas nanaman ng tawanan ng tropa dahil sa sinabi ni Yujin. Medyo maingay din naman yung paligid kaya oks lang. Marami rin kasing nagdadaldalan na estudyante.


"Sampolan mo nga kami dyan, Yujin. Baka mas magaling ka na samin ni Yeji ah." Ani ni Chaeryeong.


"Oo nga, para malaman nilang dalawa ni Yeji kung kailangan ka na ba nilang paslangin." Dagdag ni Yuna.


Nasa cafeteria na kami ngayon at naka-pwesto sa isang malaking circular na table. Hindi ko alam kung matatawa ba ko o maiinis para kay Yujin kasi kitang-kita talaga yung pagkabadtrip niya sa pinsan kong unggoy. Si Yeji naman tawang-tawa rin sa pinaggagagawa ng jowa niya kaya di niya rin masabihan. Yung salarin, ayun, tuwang-tuwa nanaman sa ginawa niyang kalokohan.


"Ayaw mo yun, erp? First day palang, may plus na agad tayo tapos marami ka pang naging fans. Tilian nga sayo yung karamihan sa mga babae kanina eh. May naglakas loob pa ngang humingi ng number mo. Pero wag kayo, syempre faithful 'tong manok natin kay Ning kaya di niya binigay. Yes naman, lakas maka-pogi!"


Pinandilatan siya ng mata ni Yujin pero ang tukmol nakangisi lang sa kanya.


"Hala Ning, dami na raw fans ni bebe Yujin mo oh. May humingi pa ng number. Payag ka nun?" Asar naman ni Lia kay Ning.


Puro kantyaw nanaman ang natanggap nung dalawa. Ganito lagi kapag may mga umaaligid kay Yujin o Ningning, lagi silang inaasar. Pati ka-cutetan ko di na kinakaya yung stress sa kanila kasi halata namang parehas nilang gusto yung isa't-isa, tapos sila di man lang makita yun. Naging silent agreement tuloy ng tropa na asarin sila nang asarin hangga't walang may naglalakas loob na umamin. Nakita ko namang namula yung dalawang tenga at pisngi ni Yujin, pati yung pagkunot ng noo at mga kilay ni Ning pero agad niya rin inayos yung expresyon niya. Speed lang si inday.


"Tigil-tigilan niyo ko lalo na kayong Unggoy at Malaria ah, napaka-issue niyo. Pahingi na nga lang ng chicken cordon, Win." Nagulat naman ako nung bigla niyang dinekwat lahat sa plato ko pagkatapos niya kaming tarayan.


"Gago, pati tuloy chicken cordon ni Winter nadamay." Natatawang saad ni Yuna.


Deadpanned lang akong tumingin kay Ning at inirapan lang ako ni shunga. Shuta, yun na nga lang yung natitira sa plato ko eh.


Nagsimula namang mag-open ng panibagong topic si Ning about sa clubs at upcoming activities ng school. Dumaan ang lungkot sa mukha ni Yujin dahil sa pagdismiss sa topic ni Ning pero agad din nawala ito. Speed lang din 'tong isa pang Higante na 'to, ang sakit niyo sa gizzard ah. Balunbalunan yun guys sa tagalog hehe. Gumora naman ang tropa sa bago naming topic. Kahit kasi malalakas sila mang-asar, marunong sila makiramdam at alam nila kung kelan titigil.


Siguro nahahalata niyo naman na di ako masyadong paladaldal kumpara sa kanila. Mas prefer ko kasing makinig at magobserve  and alam nila yun. Thankful naman ako kasi never kong na-feel na na-left out ako, at pag ako naman may sasabihin o gustong i-share, nakikinig sila lahat lagi. Di lang talaga mawawala yung pang-aasar.


"Nga pala guys, I've made friends earlier during one of my class and same schedule rin kami. Dalawa silang babae and I think they're really nice. Siguradong makakasundo niyo sila when you meet them. Can they join us next time at lunch if ever?" Kwento at tanong ni Lia samin.


Nabanggit ko na ba na pinanganak at nanirahan dati sa Canada 'tong si Lia with her family bago sila lumipat dito kaya may pagka-Englishera si bakla? Hindi? Oh, atleast ngayon alam niyo na hehe.


"Naks naman, Julianna, most friendly. Gora lang kami teh." Sabi ni Yeji.


"Sige lang, erp. Imbitahan mo nalang sila na sumabay satin sa susunod. The more, the merrier." Dagdag ni Yujin.


Kaming the rest tumango naman bilang pag-sangayon sa sinabi nila.


"Maganda ba sila?" Follow-up na tanong ni Yujin kay Lia.


Nagtawanan nanaman kami sa sinabi ni Yujin at pinaghahampas pa siya ng mga katabi niya.


"Ano ba yan, erp. Pinapahiya mo naman tayo, kakasabi ko lang na faithful ka kanina." Ani ni Ryujin sabay batok kay Higante.


Si Ning natahimik nanaman at iritado yung mukha.


"Nagtatanong lang naman. Napakabrutal niyo talaga." Reklamo ni Yujin habang hinihimas ang batok.



Tinignan ko yung nakasabit na orasan sa pader, 12:32 pm, may twenty-eight minutes pa para bumili at lumamon. Gago kasi 'tong si Ning, nabitin tuloy ako sa pagkain kaya nagugutom pa rin ako. Papasama nalang ako kay Ryu tutal katabi ko naman siya at ngayon nalang ako magpapalibre ng milktea.


"Ryu, samahan mo ko sa mga food stalls, bibili ulit ako ng pagkain. Tsaka ililibre mo pa ko ng milktea diba?" Sabi ko sa kanya na nakangisi with emphasis sa ililibre at milktea.


Mukhang kinabahan naman sa sinabi ko si tukmol at tumayo kagad. "Oo naman, insan. Hehe, tara na kahit ano pang flavor yan."


Niyakap pa ko patagilid ni tanga at tinapik-tapik pa yung balikat ko.


Humarap siya kay Yeji, "Love, may ipapabili ka rin ba?" Tanong niya dito. Nginitian lang siya ni Yeji at nagsabi na brownies daw sa kanya.


"Hoy Unggoy, bat kami di mo tinatanong kung may ipapabili?" Angal ni Ning. Bakit di ka nalang kay Yujin magpabili, teh?


"Sana all tinatanong." Sabi ni Yuna.


"Kala mo di kaibigan eh." Gatong pa ni Chaer.


"Ano kayo, grade 1? Bumili kayo mag-isa." Pambabara ni Ryu sa kanila. Hinalikan niya sa noo ang jowa niya at puro pangba-bash nanaman ang nakuha ni insan.


"Bawal yan dito!"


"Parang mga display lang kami dito ah!"


"The disrespect!"


Napahagik-gik nalang ako sa utak ko. Kunwari pa sila eh kita naman sa mga mukha nila na masaya sila para sa dalawa. Dinadaan lang nila sa asar, nako wag ako. Nakangiti lang akong umiling habang pinagmamasdan sila.


Dedma lang si Ryu na pumunta sa tabi ko at naglakad na kami papunta sa food stalls.


----------


Nakabili na ulit ako ng pagkain at pork bola-bola siopao naman ngayon ang lalantakan ko. Nasa harap kami ng isang stall na nagtitinda ng milktea. Di na mahaba yung pila katulad kanina kasi karamihan ng mga estudyante naka-upo na rin at kumakain. Nakatingin ako sa signage sa ibabaw para pumili ng flavor.


Umalis na yung huling estudyante sa harap namin nang may sinabi sa akin si Ryu na di ko naman naintindihan kasi ang lakas ng boses nung apat na nagdadaldalang babae sa katabing stall namin. Di ko nalang siya nilingon at hinila nalang siya papunta sa harap.


"Bili mo na ko. Mango Graham Cheesecake yung flavor." Sabi ko sa kanya habang pinipisil-pisil yung kamay niya. Infairness, mas lumambot pa ata yung kamay ni insan ah. Matanong ko nga kung anong gamit na moisturizer nito.


"Okay, no problem. Is that all?"


Nanigas naman ang buong pagkatao ko nung narinig kong hindi boses ni Ryu yung nagsalita at mukhang nang-aasar pa ang tono nito. Napalunok tuloy ako at dahan-dahan na lumingon para tignan kung sino yun.



----------



Karina's POV


"Yes, ate Irene. Nandito na ko sa AEU, kararating ko lang din."


"No, nasa lobby pa ko. I'll just wait for Giselle para sabay na kaming pumunta ng klase."


"Of course, ate. Lagi naman akong nag-iingat."


"Okay, ate... Take care rin and tell that to ate Seohyun as well... I also love you both... See you all soon. Bye.


Binaba na ni ate yung tawag pagkatapos niyang magb-bye at sabihing may aasikasuhin pa raw siyang papeles. Hay, sila ate talaga bine-baby pa rin ako kahit nasa malayo sila. But who's complaining?


I'm in the middle of the lobby and it's kinda noisy in here dahil maraming estudyante ang nakatambay dito. Umupo muna ko sa unoccupied space ng L-shaped sofa sa gilid at pinagmasdan ang interior ng univ while waiting for Gi.


Nasa Korea sila ate Irene and ate Seohyun ngayon together with our parents for business purposes at uuwi rin naman sila sa Thursday. I don't feel alone naman kahit naiwan akong mag-isa rito since they often contact me para kamustahin or just talk to me in general, which I appreciate wholeheartedly.


Kailangan kasi ng presence nila ate doon bilang future CEOs ng Yoo Enterprises at last year na rin ngayon ng training nila sa main branch ng company namin which is yung sa Korea nga. Dito pa rin naman sila sa Pilipinas mag i-istay dahil yung branch namin dito yung ima-manage nila next year. Pwede naman daw silang magsalitan ng punta sa iba't-ibang branches namin in different countries para di ako maiiwang mag-isa rito.


Our dad is a full-blooded Korean while our mom is pure Filipina. Ate Irene and Ate Seohyun are fraternal twins kaya di sila magkamukha. Kamukha namin ni Ate Irene si Dad while Ate Seohyun is a mixture of both of our parents. But you can tell na mas dominant yung features ng mom namin sa kanya than our dad.


Well, you can say that we are a "chaebol" family like what people call it these days, but never kami nangmaliit ng kapwa at pinagmayabang kung anong meron kami. We always prefer to stay lowkey and mind our own business than to show off to the public kaya we chose to live here in the Philippines na rin. Masyadong hassle kasi pag sa Korea, atleast dito malaya kaming nakakagalaw. Our parents always make sure to nurture us with the right mindset and outlook sa mga bagay-bagay. I'm very grateful dahil kahit sobrang busy nila, they always make time for us, three, and never made us feel unloved.



"Hey, Rina. Kanina ka pa dito?" Tanong sakin ni Gi na kakarating lang.


"Nope, I just got here five minutes ago." Tigninan ko naman yung suot kong relo and saw that we only have fifteen minutes left before the class starts and five minutes before mag-ring yung bell.


"Let's just sit over here and wait for the bell."


Umusog naman ako at pinaupo siya sa tabi ko. Like me, Giselle has a foreign blood as well pero half-Japanese naman siya. She has been my best friend since we were little dahil business partners ang parents namin. It's either kami ang pumupunta sa kanila or sila ang pumupunta samin dati, then our parents will talk while we play upstairs. We gained other friends naman as we grew up and only a few lang yung talagang malapit samin. Sa ibang university naman sila nag-aaral ngayon.


Both of us are taking Business Administration if it isn't obvious enough. Okay lang din naman sa parents namin na iba ang kunin naming kurso. But being surrounded with business matters while growing up made us learn a lot of things, and influenced us both in a good way, I think? Dahil na rin siguro di samin pinaramdam ng mga magulang namin na mas mahalaga yung business nila kaysa saming mga anak nila unlike other parents kaya we never see it as a negative aspect in our lives, although lahat naman ng bagay may downsides.


Gi and I are having a talk about going to the mall after class nang marinig namin na nag-ring na yung bell.


Inayos na namin ang mga gamit namin at naglakad na papuntang klase. Di na kami gumamit ng elevator kahit sa 5th floor pa ang room namin. We're physically active naman kaya it's not a big deal. We already memorized our schedule na rin since we have a good memory.


Nakarating na kami sa classroom after a short while at umupo bandang likuran. Pinagtitinginan kami ng ibang students pero di na lang namin pinapansin. Dumating na yung prof sa wakas at nagpakilala bilang adviser namin. Naglabas nalang ako ng pen at notebook incase there's something na kailangang isulat.


I hope this day ends well.



----------



We're currently eating our lunch here in the cafeteria while nagkwekwento si Gi about sa nangyaring getaway nila ng family niya before magpasukan sa Rhode Island.


"We need to set our own getaway after this sem, Rina. We're already nineteen na rin naman and I'm sure na papayagan tayo ng parents natin basta magsama lang tayo ng ilang bodyguards. Oh my god, imagine all the things that we could do and places that we can explore together!" Giselle told me excitingly with full of hand gestures pa habang hawak yung tinidor na may nakatusok pang laman ng chicken.


I smiled happily at her enthusiasm. "Of course, Gi. Let's plan it out after ng final exams. Magpapaalam na rin ako ng maaga kayla mommy at daddy and my unnies."


I looked at the time sa suot kong relo, 12:35pm, may twenty-five minutes pa before mag-time. Tumingin naman ako sa paligid and may nakita 'kong stall ng milk tea na di mahaba yung pila. Nag-crave tuloy ako bigla.


"Bibili lang ako ng milktea, Gi. Do you want me to buy for you too?"


"No, I'm good. I'll just wait for you here. Baka mamaya pagbalik mo may crush kana ah." Habol na pang-aasar naman nito sakin.


Natawa lang ako at binaliwala ko nalang yung comment niya. "Sira, I'll go ahead na baka humaba pa yung pila." Tumayo ako at dumiretso na dun sa stall.


----------


Pangatlo na ko sa pila and I'm currently scrolling through my news feed on twitter while waiting for my turn. Napatingin ako sa dalawang babae sa harap ko nung narinig kong nagsalita yung isa.


"Order ka na, Jeong. Punta lang ako saglit dun sa kabilang stall kasi nandun yung nagbebenta ng brownies. Balik din ako."


Nakita kong dumiretso naman siya dun sa kabilang stall na sinasabi niya. Mukhang di ata narinig ng kasama niya kasi di siya nilingon. Well, I don't blame her. Kung makapag-usap naman kasi yung apat na babae sa katabing stall wagas. I just shrugged my shoulders and moved forward na medyo malapit dito sa kasama ng babaeng kakaalis lang.

I was surprised nung bigla niyang hiwakan yung braso ko at hinila papunta sa harapan ng counter nung turn niya na umorder. I looked at her and noticed na ang cutie pala nito.


"Bili mo na ko. Mango Graham Cheesecake yung flavor."


I was even more surprised nung hinawakan niya yung kamay ko at pinisil-pisil pa ng dahan-dahan. Her hand feels so soft. I'm starting to feel a slight kilig na sa ginagawa mo Miss Stranger Cutie ah.


"Okay, no problem. Is that all?" I smirked when I saw her entire body stiffened nung narinig niya yung voice ko. Napalunok siya dahil sa kaba and slowly turned her head to face me.


I amusingly watch as her eyes widen at yung pagbukas sara ng bibig niya. She can't seem to form any words to say dahil sa hiya. I noticed na di niya pa rin binibitawan yung kamay ko. Nawili na ata.

Mas lalo kong napagmasdan yung mukha niya since she's facing me right now. Shet, ang gandang pogi rin pala nito ni Miss Stranger Cutie. She's turning red in the face na rin, nagkacrush pa ata sakin.


Flirting a little won't hurt, right?  I thought mischievously.


My smirk got wider as I raise my right hand and caressed her chin with the tip of my fingers and even winked at her as a bonus, "Cat got your tongue, cutie?"



---------



As usual, let me know your thoughts sa comments hehe. Pasensya na ulit if may mga typos or errors na nakalusot sa mata ko.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
EZWin0805
Random times nalang yung UD para surprise HAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
hiver_pogi
#1
miss u
jamesaidenliu29 #2
Chapter 13: Authornim your story was so cute I love reading it I hope to see some updates when you can update will wait po ☺️
maxiclaine #3
Chapter 4: kayanin ang hamon ng buhay! HAHAHAHAHAHA
wenrene22
#4
author-nim, where na you? miss ko na itong story mo. pa-ramdam ka naman at umi-iyak na yung bading dito. 😭
TakuyaKen
#5
Chapter 11: Hanep yan hahaha sharky save you Winter
TakuyaKen
#6
Chapter 6: ahaha si Ryu pang proposal ang bday gift ah
TakuyaKen
#7
Chapter 3: speedy lng ni Rina haha
TakuyaKen
#8
Chapter 2: gago ka Ryu hahaha your cousin was embarassed 🤣🤣
ryujinie__
676 streak #9
Chapter 13: Ryeji 😍 Welcome back author, hope all is well! 💛
EzraSeige
#10
Chapter 12: Welcome back otornim sana ok kana po💚💚💚... stay safe and healthy po otornim. Salamat sa lapag lodi appreciate much 🙇🙆‍♂️🥰🥰🥰💙❄