Ika-apat na Fourth

Jumbo Hotdog, Kakayanin Ko

Sorry guysue ngayon lang ulit, finals week kasi namin last week kaya yung utak ko lumipad na sa malayo HAHAHAHAHA di bale t-try kong bumawi sa mga susunod na araw.


Happy Reading!


----------


Winter's POV


Ayun na nga po gays, pasenya na kasi bangag po tayo ngayong papasok dahil sa-


Miss Stranger Cutie...


Miss me?...


Think about me before you sleep...


Future textmates?...


Aaack! Naririnig ko pa rin yung boses niyang sinasabi yung mga 'to sa utak ko! Di ako pinatulog ng text na yun! 2nd day palang ng pasukan pero kala mo dinaanan na ko ng sandamakmak na hell week dahil sa itsura ko ngayon. Kanina sa bahay, si ate Taeyeon di alam kung matatawa ba o maaawa sa itsura ko tapos si Ryu nakatingin lang ng makahulugan sakin na para bang alam niya kung ano yung kinakaharap kong krisis. Naawa ata sakin yung dalawa kaya di na ko inasar kanina. Sinabihan lang ako na matulog ng maayos kasi baka sabihin daw ni mama di nila ko inaalagaan.


Miss Stranger Cutie...


Miss me?...


Think about me before you sleep...


Future textmates?...



Napahawak nanaman ako sa mukha ko for the nth time dahil nararamdaman ulit ko yung pagtaas ng dugo sa mukha ko pati narin sa tenga.


M-miss S-Str-Strang-


Kagabi nasasabi ko pa ng maayos yung ginawa kong nickname para sa kanya ah? Pero paano niya kaya nakuha yung number ko?! Mas speed pa siya sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ah! Di ko siya nireplyan kasi ano namang sasabihin ko? Mas nababakla po ako ngayon kaya di ko po alam kung ano irereply sayo, ganun ba? Malaman ko lang talaga kung sino nagbigay, thank you- ay ano pala... uhm shabu- Shabuyaaa!


Miss Stranger Cutie...


Miss me?...


Think about me befo-



"Aray!"


Gulat akong napatingin sa paligid habang hinihimas yung braso ko. Pusang galang yan, sino yung nanghampas na nga, namatok pa?! Shuta, nasa lobby na pala kami ni Ryu. Gaano ba ko kalutang? Nakita ko yung tropa sa harap na nakatingin lang baba at nagpipigil ng tawa. Si Ryu naman diretso lang na naglakad papunta sa kanila bago humarap at ngumisi sakin.


"Salamat Winter ah! Ramdam na ramdam namin yung kasiyahan mong makita kami." Sarkastikong sabi ni Ning.


Napatingin tuloy ako sa kanya- Ay gago, pakshet naman Ning! Nasa kanan ko na pala siya. Nakasimangot at nakakunot yung noo niya habang nakapamewang. Kulang talaga 'to sa lambing ni Yujin.


Pinaghahampas niya ako ng dalawang kamay. "May patakip-takip ka pa kanina ng mukha, bakla ka! May pa-secret na nga kayo ni unggoy, iniwan mo pa kami kahapon tapos di mo man lang naisipang magreply sa group chat! Di mo ba kami aayanin man lang sa labas para kumain-"


Nakatulala lang akong nakatingin kay Ning dahil wala na rin akong maintindihan sa pinagsasabi niya. Napakaingay niya pa! Ang sakit na nga ng kanang braso ko kakampas niya, damay pa yung mga eardrums ko. Pasalamat siya malaki yung lobby at busy din magkwentuhan yung ibang estudyante kahit may iilan nang napapatingin samin.


Humarap naman ako sa tropa at tahimik na humingi ng tulong pero waley! Tuwang-tuwa pa ang mga kupal na nanonood samin ni Ning.


"Gago tama na yan, Ning! Baka mamaya i-WWE mo pa yang si Winter." Natatawang sabi ni Yuna.


"Baka mabaklas na yang si Win sa ginagawa mo." Ani ni Yeji.


"Hoy, Ning! Bangag pa naman yang si Minjeong. Mamaya wala na pala kong pinsan na makakasabay umuwi."


Daming mga ebas eh kung lumapit kaya kayo dito!


Nakita ko namang nagliwanag yungย mukha ni Lia at humarap kay Yujin. "Itabi niyo, si Yujin na! Pigilan mo yung future jowa mo dun dali." Lumapit siya kay Yujin sabay tulak sa kanya papunta samin ni Ning.


"-no naman ngayon kung bangag ka! Dasurv-"


Sa wakas, tumigil na rin yung torture sa braso at mga tenga ko. Lia, you're an angel sent from heaven above.


Mukhang napalakas yung tulak ni Lia. Naglanding kasi si Yujin mismo kay Ning at muntikan na silang matumba kung di pa niyakap ni higante sa bewang si shunga at kung di pa niyakap ni shunga sa leeg si higante. Nanlaki ang mata ng dalawang tungaks nang marealize nila ang kanilang posisyon pero walang nagbalak sa kanila na maghiwalay. Mukha tuloy silang pinaglihi sa kamatis dahil sa pagkapula ng mga peslak nila.


Tangina ka Ning ah! Kanina ang daming mong dada sakin ah tapos pagdating kay higante, wala kang masabi. Ha!


"Yieee!"


"Yung eye contact yun mga mars eh! Shemay, kinikilig ako!"


"Lakas talaga ni boss Yujin namin. Higpitan mo pa ang yakap!"


"Kelan ang kasal mga erp?!"


"Ahhh! Step aside, people. Nandito na ang captain of the ship, NingJin lang forevs!" Hinawi pa ni Lia yung buhok niya at humakbang paharap.


"๐ŸŽตYou are my destiny ๊ทธ๋Œ„ ๐ŸŽต " Kanta ni Yuna na may pa-hands up in the air pang nagswi-swing.


Natawa ng malakas ang tropa habang nagpapalakpakan tapos sinabayan yung pagkanta si Yuna.


Mas dumami na yung ngtitinginan na ibang students samin pero wapakels lang ang tropa. Shamelessness is real. Obvious naman kasing kami yung pinakamaingay dito sa lobby. Kung di lang ako bangag, sasabayan ko sila eh.


Mapagkakamalan pa ata 'kong bitter na third wheel ng dalawang nagk-Kdrama moment kasi katabi ko pa naman sila tapos ako mukhang nalugi na nakatingin sa kawalan. Well, atleast, di ako target ng tropa ngayon.


Nagslow-mo siguro yung paligid para sa dalawang tungaks sa gilid ko at di parin umaalis sa posisyon nila. Mga baklang 'to! Paano kaya kung ganyan din posisyon namin ngayon ni...


Napaubo naman ako at umiling sa naisip ko. Minjeong, kulang ka lang sa tulog, oo tama, yun lang yun.


"Hoy ano na mga teh? Ganyan na lang kayo? Si Winter nauubusan na ng pasensya sa inyo oh!" Sabi ni Chaer.


Napunta ulit sa reyalidad yung dalawang katabi ko nang biglang mag-ring yung bell. Unang humiwalay si Ning at natulak pa si Yujin dahil sa gulat.


"Uhm.. Ano.. Sorry." Mahinang sabi ni Higante kay Ning at di makatingin ng diretso.


"Okay lang." Sagot naman ni Ning na di rin makatingin ng diretso tapos pasimple pang yumuko para itago yung ngiti niya.


Panget mo magpabebe, Ning!


Lumapit na ang tropa samin. "Oh, ayan tapos na ang palabas at landian. Pumasok na tayo sa klase mga chong."


"Sino kaya ang mas marupok? Si Yujin ba o si Ningning? Abangan ang mga susunod na kabanata." Sabi ni Chaer na kala mo narrator ng story.


Natawa nanaman lahat ng malakas habang naglalakad. Kahit ako natawa sa isip ko kay Chaer. Sorry naman alaws lang talagang energy kaya limited lang ang movements!


Makabili nga ng Vitamilk mamaya.



----------



Kumakain kami ngayon sa Cafeteria. Si Lia nalang ang kulang at hinihintay kasi kasama niya raw yung dalawa niyang nakilalang friends papunta rito. May pag-uusapan lang daw sila saglit dahil silang tatlo ang inassigned na magkagroup for the whole sem sa isang subject. Medyo umokay na yung pakiramdam at itsura ko ngayon kasi nakaiglip ako sa isa naming subject kanina dahil maagang nagdismiss yung isa naming prof kasi may gagawin daw siya.


Nakapuwesto naman kami ngayon sa rectangular na table at nasa bandang dulo ako sa right side with Ryujin as may katabi. Isa sa mga rare na pangyayari ngayon ay tahimik kaming kumakain kasi lahat gutom. Pero alam ko namang di 'to magtatagal, tsk. Lahat kami malalakas kumain, di lang halata sa katawan kasi maypagka active rin kami sa sports. Syempre, health is wealth! Di rin ako inaaway ni Ning ngayon, yung kaluluwa niya ata andun parin sa nangyari nilang yakapan ni higante kaninang umaga.


Nage-enjoy akong kumakain ng chicken cordon na di ko natikman kahapon dahil kay Ning nang narinig kong magsalita si Lia.ย  Dumating na pala sila ng mga kasama niya.


"Guys, I told you yesterday na I've made friends, right? Silang dalawa yung tinutukoy ko, meet Giselle and Katarina."


Ngumiti at kumaway yung dalawa samin.


"Hello, Karina nalang. Katarina is too long."


"Hi, you can also call me Aeri or Selle."


Nakatulala lang akong nakatingin sa babaeng dala-dala ng braincells ko simula pa kahapon at di nagpatulog sakin ng maayos kagabi. Hoy, wag kayong green-minded sa sinabi ko sa dulo ah!


Etong si heart nagpapanic nanaman, kalma bes wag tayo papahalata! Yung ngiti niya naman kasi... Ang ganda talagaaa!


Hindi niya pa ko napapansin kaya yumuko ulit ako at tinuloy pagkain habang naghello at nagpapakilala yung tropa sa kanila. Parang lamon na ata yung ginagawa ko kasi tense talaga ako ngayon mga baks! Karina pala pangalan niya... Ang ganda lang pakinggan, pero mas maganda pa rin siya, hehe. May ipapangalan na ko sa contact number niya, di na M-Miss Stranger Goddess. Pero... pwede rin namang both... Ang liit nga naman ng mundo!


Inakbayan ako ng katabi kong si Ryujin, "Eto pala si Minjeong, pinsan ko. Pwede niyo rin tawaging Winter. Mahiyain lang talaga 'to sa una pero dangerous being talaga siya pag nakilala niyo." Pinisil niya pa yung pisngi ko pagkatapos niya kong ipakilala.


Kinurot ko yung tagilirin niya at hinampas siya sa braso kaya napa-aray naman siya. Double kill ka ngayon saking tukmol ka. Natawa lang yung tropa pati yung dalawa naming bagong kasama samin ni Ryu.


"Asar ka pa kay Winter bobo ka ah." Asar ni Yujin.


Hayp yan, napalunok nalang ako sa kaba at wala nang nagawa kundi humarap sa dalawa. "Hello." Nahihiyang sabi ko at nagbow ng kaunti.


Nakita ko namang nanlaki ng slight yung mga mata ni uhm.. uh.. Karina, hehe, nang marecognize niya ko.


Bigla akong kinabahan ng matindi kasi baka sabihin niya yung nangyari kahapon.


Nag-hi sila pabalik bago sila paupuin ng tropa para makakain na. Bumili na rin naman sila ng lunch bago pumunta dito. Huh? Yun na yun? Alaws telling? Okay, sige. Medyo kumalma na ko dahil dito at nagpatuloy na ulit sa pagkain pero di ko maiwasang mapatingin sa kanya kasi sa harapan ko pa pala siya nakaupo.


Nagulat ako kasi nakatingin na pala siya sakin tapos nakangisi. Pasimple siyang nagsign na magtext raw kami tapos kumindat pa kaya nasamid tuloy ako sa minumuya ko at napa-ubo. Napatigil sa kwentuhan yung iba at napatingin sakin, nagtatanong kung okay lang ako.


"Huy, Jeong. Oks ka lang?" Tanong ni Ryu habang hinihimas yung likod ko.


Tumango ako at nagsign sa kanila na okay lang.


Kinuha ko agad yung tumblr ko sa table at uminom ng tubig. Ugh, refreshing. Bumalik naman sila sa pagkain at pagdadaldal nang masiguradong okay ako.


Tinignan ko yung may salang nasa harap ko, nakatingin siya sa baba habang ngumunguya at halatang nagpipigil ng tawa. Sinadya niya ata diyan pumwesto para asarin ako!


Hinga ng malalim, Minjeong. Uubusin mo yang pagkain mo at didiretso na agad sa klase pagtapos.Yes, ganun nga.


"Mga teh, saang school pala kayo galing? Taga rito rin ba kayo? Di sa ano ah, may awra kasi kayong yayamanin at ang gaganda niyo pa. Share tips naman sa skin care." Sabi ni Ning sa dalawa.


"Ikaw lang naman yung mayaman dito na di lang halata kasi naga-ala palengkera ka sa ingay mo eh." Nang-aasar na sabi ni Ryu.


"Kaya nga, hilig pang mang-buraot." Dagdag ni Chaer.


"Pati siya kasama sa budget ng mga magulang natin eh." Gatong pa ni Yuna.


"When I think of it, siya ang umuubos ng inumin ko lagi at nakikikagat sa sandwich ko." Sabi ni Yeji na inaalala ang mga opensang nagawa ni Ning.


Inaway agad sila ni Ning at sinabing sinaslander daw nila siya at inggit lang kami sa ganda niya. Kailan ba walang nagyaring okrayan kahit may kasama kaming ibang tao? Facepalm nalang talaga is me. Buti chill lang yung dalawa at natatawa lang sa bangayan ng mga timang.


Oo guys, mayaman si Ning. Na-mention ko na ata 'to before. Actually, lahat sa tropa may kaya pero si Lia, Yeji, at Ning lang yung masasabing mayaman. Si Ning yung pinakamayaman pero di talaga halata dahil nga dun sa mga sinabi ng tropa.


"Hoy, mahiya nga kayo sa dalawang kasama natin dito. Baka first meeting palang, matakot na sa inyo eh." Saway ni Yujinย sa kanila.


"No, it's fine. You guys are so kwela and I like the lively ambiance in your group." Masayang sabi ni Giselle.


"Yeah, ang saya niyo lang panoorin. It's like walang dull moments dito." Nakangiting sabi ni Karina bago tumingin kay Ning. "And to answer your questions, galing kami sa Silver Grey Academy and we live in Golden Gates Subdivision, but we have a dorm malapit dito para di hassle sa biyahe. Umuuwi naman kami tuwing Friday or if trip lang namin. Oh, and we usually use Korean skin care products. Well, it's given since I'm half-Korean and my surname is Yu," Humarap ito sa katabi niya at ngumisi, "Gi's half-Japanese naman and her surname is Uchinaga. Ewan ko ba sa kanya, traydor sa bansa nila."


Tinarayan lang siya ng pabiro ni Giselle, "I'm free to choose whatever product that I want. You're just annoying."


Wow, matiyaga niya talagang sinagot yung mga tanong ni Ning. May foreign blood pala sila, kaya pala. Pansin ko rin kasi yung distinct features nila. Half-Korean uwu. Nakita niya na kaya yung Red Velvet? Ibig sabihin din ba nun pwede na kaming magkaroon ng mala-Kdrama moments? Aaack! Lord, ready na po pala ko sa reward ko. Char!


Silver Grey Academy? Golden Gates Subdivision? Awit, mga dukha pala kami kumpara sa kanila! Di naman ganun kalayo yung school at subdivision na nabanggit nila dito samin. Halos magkalapit lang din kasi yung Silver Grey at Golden Gates. Alam ko 'to kasi may bahay din sila Lia, Ning, at Yeji sa subdivision na yun at ilang beses na rin kami nakapunta doon pag birthday nila or ng relatives nila pag naimbitahan kami. Yung kinakabog ng mga bahay dun ay siya ring kinahigpit ng security.


Naalala ko pa rin yung unang punta namin doon, iba yung tingin at pag-inspect samin ni ate at kuyang guard lalo na sakin kahit sinundo na kami nila Ning sa labas. Mas mukha ba 'kong di katiwa-tiwala saming lahat?!


Mga one hour max yung biyahe pag traffic at forty-five minutes naman pag hindi. Pero exclusively for rich people lang talaga yung mga yun. Yung tipong habang palayo nang palayo yung mga bahay sa subdivision, mas lumalamang yung yaman ng isa. Grabetea!


"Ay pak! Mga yayamanin nga. May bahay din dun sila Ning, Lia, tapos Yeji. Ayaw nila kong ampunin kaya kayo nalang mag-ampon sakin, please."


Binatukan naman ni Chaer si Yuna. "Mahiya ka nga, Yuna! Sa lakas mo pa namang lumamon lugi na agad sila sayo!"


"Luningning at Malaria, may karamay na pala kayong porenjers din. Team Porenjers!" Biro ni Ryu."


"Saan pala kayo banda sa Golden Gates? Maybe we're living close to each other pala and we have no idea." Tanong ni Yeji habang hinahalo yung Frappe niya gamit ng straw.


"Oh, we live at the end part. Saan naman kayo?" Sagot ni Giselle.


Nagulat naman kaming lahat sa sinabi niya. Pati yung singkit na mata ni Yeji biglang lumaki.


Pucha, end part? Mga mamaw pala 'tong mga 'to! Yung tipong mga eksena sa mga drama na pababagsakin nila yung pamilya mo pag na-offend mo sila. Sana wag naman! Char. Ramdam ko naman na hindi sila belong sa mga ganung klase ng tao.


"Don't worry, we're not that kind of people na nangmamaliit sa kapwa. Pare-parehas lang din naman tayong nagsisikap to survive everyday. Our parents taught us to treat everyone equally and always have respect." Paninigurado ni Giselle nung nakita niya yung mga expression namin.


Tumango si Karina habang sumusubo ng carbonara. "Yup, what she says." Tumingin naman siya sa tropa pagkalunok niya ng pagkain. "I hope na hindi kayo uncomfortable with that information and will still treat us the same way." Sabi niya na may konting pag-aalangan.


Napansin ko na tumingin siya sakin saglit bago ulit tumingin sa tropa. Guni-guni ko lang ba yun? Sobrang bilis kasi. Kibit-balikat nalang ako at sumabo ulit ng pagkain. Baka nga guni-guni ko lang.


"Wala naman samin yang mga ganyan mga erp. Nagulat lang talaga kami. Kahit mahirap pa kayo o unggoy kagaya ni Ryujin, no problem pa rin. Tropa-tropa tayo dito." Sagot ni Yujin na medyo nakalobo yung dalawang pisngi kasi ang dami niyang sumubo ng kanin at ulam.


Napatigil tuloy si tukmol sa pagsandok ng kaldereta para kay Yeji. "Weh, sarap lang ng yakap mo kay Ning kanina eh." Umarte pang magshu-shoot ng bola si Ryu, "Ahn Yujin, for three! Pasok nanaman! Sa puso nga lang ni Ning." Naglean forward at nag-finger heart sign pa siya pagkatapos sabihin yung huli.


Ang lalakas nanaman ng tawanan sa pwesto namin with pahampas-hampas pa lamesa dahil sa ginawa ni Ryu. Gago talaga, maski ako natawa ng malakas! Sobrang LT kasi, sila Yuna di na makahinga kakatawa. Sina Giselle at Karina napatakip na ng bibig para pigilan yung tawa nila.


Unti-unti akong napatigil sa pagtawa at pinagmasdan siya ng palihim. Sige, minsan lang naman 'to. Salamat ng marami Ryujin dahil nasaksihan ko naman ngayon kung paano siya tumawa ng carefree. Naghuhugis crescent moons yung mga mata niya. Hayst, ang ganda lang talaga mga bakla. Ngayon alam ko na kung bakit willing to wait ng matagal si araw para lang sa kaunting oras na makasama niya si buwan.


Oo na, panalo na kayo! Starting today, I hereby announce that I'm officially crushing on Karina Yu. A big fat crush to be exact. And I love of the feeling of it.


Wag kayong mag-alala, secret agent ang peg natin dito kaya di siya halata sa mukha natin ang nafe-feel na saya pagkatapos ng nangyaring realization.


Sumubo na ko ulit ng pagkain, bakit parang mas sumarap pa ata 'to? Makakain pa nga ng marami!


"Napaka mo talaga, Ryu!"


"Isa kang gagong tunay, RJ!"


Pinakyu lang siya ni higante habang kumakain. "Tangina mo, Ryujin." Mas lalo pa niyang pinuno ng pagkain yung bibig niya para pagtakpan yung pagkapula niya.


Eto namang si Ning, kunwari pang naiinis pero nagpipigil naman ngumiti at magmaganda. Ewan ko sa inyo, ayaw pa kasing magsi-amin!


Nang kumalma ang mga wild animals except sakin na cute at nag-iisang matino, natuloy na ulit yung usapan kanina.


"Ang layo niyo pala samin. Sa bandang gitna kasi yung bahay namin nila Ning at Yeji doon." Ani ni Lia.


"Oo nga mga mars, kayo pala yung nakatira sa dulo. Kahit kasi kami di pa nakakaabot dun. Kailangan ng premium access card o permission galing sa isang nakatira doon kung may kakilala ka." Dagdag ni Ning.


"You're all welcome to go sa bahay namin if you want. Kaso di lang talaga pwede pag wala kami doon since no will allow you nga to enter. Sabihan niyo lang kami and we'll check if our schedules will allow us." Sabi ni Giselle.


Sumangayon naman si Karina. "Welcome rin kayo sa dorm namin if y'all want to visit." Tumingin siya saglit sakin ng makahulugan nung sinabi niya yung welcome kami sa dorm nila.


Pota naman. Bakit may pagsulyap?! Ikaw Karina ah... Oh sige pupunta na ko. Char!


Nag-cheer naman yung tropa na kala mo walang mga sariling bahay. Pero di naman ako tututol kung aayain ako pumunta ni Karina sa bahay nila, hehe. Para mag-usap ah! Baka kung ano nanaman isipin niyo!


"Thank you, we'll keep that in mind. By the way guys, reminder lang na it's my birthday this coming Friday. Syempre, matic nang invited kayo lahat including you both, Giselle and Karina. Sabay nalang kayo sa kanila if ever na pwede kayo, sa Golden Gates din naman gaganapin. Mauuna kasi akong umuwi to prepare. Mago-overnight din yung mga yan for sure since may inumang magaganap. You two can join too basta aware yung mga magulang niyo. The same with you guys, remember, mas masarap magsaya knowing that you're not guilty of lying to your parents. Oh, you can wear anything you want basta desente, it's a free country after all." Nakangiting paalala ni Yeji.


"Wow, I didn't expect na mai-invite agad kami ni Rina magovernight sa ibang bahay in the first week of class. This is so exciting! Our parents already allowed us to drink naman since we turned eighteen. We also have no commitments on Friday so we'll definitely be there! But kailangan ipaalam si Rina sa overnight kasi nandun yung mga ate at parents niya sa bahay nila ng Friday-"


Sa kalagitnaan ng pagsasalita ni Giselle, kukunin ko sana ulit yung tumblr ko para uminom ng tubig kaso sumagi naman yung kamay ni Karina sakin! Agad akong napatingin sa kanya at nakatingin lang siya ng inonsente sakin at nagsabi ng 'oops' ng walang tunog at ngumiti. Mabilis niya rin nilipat yung kamay sa water bottle niya katabi ng tumblr ko.


Binuksan niya 'to at uminom habang nakatingin sakin.


Napalunok ako mga payb handred Newtons. Bakit parang uminit ata dito? Ang intense naman masyado ng pagtingin mo sakin, Karina! Kakarealize ko palang na crush kita ah! Kaya sige tingin ka lang sakin, please. Char!


Ngumisi siya sakin pagtapos niyang uminom. Inalis ko nalang yung tingin ko sa kanya at tinuloy ang pagkain kasi baka pumanaw agad ako pag hindi. Mamaya nalang ako iinom ng tubig, napunan na rin naman ng tingin niya eh, Aaack!


Buti busy lahat sa pakikinig kay Giselle kaya walang nakapansin. What a beautiful blessing!


"-Usually ako ang nagpapaalam sa kanya kaso di pa kayo kilala ng family niya eh. Don't worry, they'll say yes naman if mag-papaalam ng maayos. She'll handle what's necessary para papasukin kayo ng mga guard."


Naalala ko tuloy yung mga posts sa facebook tungkol sa mga di pinapayagan ng mga nanay nilang magovernight sa ibang bahay kasama yung tropa nila. Wala naalala ko lang, may angal kayo?


Napakamot ng kilay si Karina. "I'm sorry for the inconvenience, guys. May pagka-strict kasi yung mga ate ko compared sa parents namin pero mababait naman sila."


Oww, mga ate niya pala yung strict. Hmm.


"Wala yun, kaming bahala sayo girl. Magaling din akong mangumbinsi, future journalist kaya 'tong kaharap niyo." Proud na sabi ni Ning at nagposing.


Nagulat ng slight si Karina sa ginawa ni Ning. "Oh, thank you in advance then."


Wala nang pumansin kay shunga at hinayaan nalang siyang mag-feeling sa puwesto niya.


Inakbayan ni Lia si Yeji. "Kami pa ba mawawala sa kaarawan ng Light Fury namin, of course not."


Biglang napasimangot si Ryu at tinanggal ang pagkakaakbay ni Lia sa jowa niya. "Anong Light Fury namin? Lul, Light Fury ko lang, Malaria!"


Kung makayakap naman 'to kay Yeji, kala mo aagawin yung Love niya!


Dumbfounded si Lia sa ginawa ni insan. "Luh?! Ang OA mong unggoy ka, hambalusin kita dyan eh!" Umasta pa 'tong aambahan ng sapak si Ryu.


Natatawa lang si Yeji sa dalawa. Ang cute lang tignan ni Lia pag umaaktong siga. Maganda kasi siya tapos magugulat ka nalang may pagkasigain pala pag nabwiset.


Nagchant pa ng 'away' yung tropa dahil sa nangyari. Tinaas pa ni Yuna yung braso niya at nagpaikot ng hawak niyang panyo. Mga kumag, imbes na pigilan mas lalong pinapalala. Amused lang silang pinapanood ni Giselle at Karina.


"Guys, that's enough. Malapit na rin magtime kaya bilisan na natin kumain. Love, wag na naka-kunot noo diyan. Pati si Julianna inaaway mo." Pagconsole ni Yeji kay Ryu habang hinihimas ng hinlalaki ang espasyo sa pagitan ng mga kilay nito.


Iba rin talaga mag-inarte sa jowa niya 'tong si tukmol. Kala mo talaga naiinis, kilala kitang unggoy ka!


"Love?" Gulat na tanong nina Giselle at Karina.


"OMG, you two are together pala?! That's so cute! How long na?"


Nahihiyang ngumiti si Yeji sa kanila at medyo nagblu-blush rin kagaya ni tukmol. "Thank you. We've been together for almost four years na."


Ngiting aso lang si Ryu na nakatingin lang kay Yeji. "And more years to come pa."


Impressed na nakatingin si Karina sa dalawa. "Wow, edi since 9th grade pa pala, that's really a long time."

Nagbuntong hininga ng malalim si Chaer. "Yes, mga sis. Almost four years na namin silang pinagtitiisan."


Kunwari pang naiiyak si Yuna na may papunas pa sa mata ng panyo. "Grabe na ang pananakit nila sa mga single na kagaya natin. It hurts, you know."


Inirapan lang sila ni Ryu at pinakyu. Pinigilan ko matawa kasi grabe makaexaggerate ng drama yung dalawa.


Nagkwentuhan nalang sila ulit na patalon-talon ang mga topic. Tapos na ko kumain at kinuha na yung bote ng Vitamilk Chocolate Flavor na binili ko kanina sa isang stall sa loob ng baunan ko tsaka 'to binuksan at nilagyan ng straw na libre sa cafeteria. Binawasan ko na agad to ng kalahati bago ilapag sa lamesa. Napatingin naman ako sa tropa nang tumawa ng malakas si Yuna. Mga di talaga nauubusan ng kwento 'tong mga 'to!


Aabutin ko na sana ulit yung Vitamilk ko kaso nakita kong wala nang laman! Confused si ako na kinuha ito kasi alam kong may natira pa 'kong kalahati. What the?... Nanlaki naman ang mga mata ko at wala sa wisyo na napatingin ulit kay Karina. Nakangisi siya sakin ng malaki at dinilaan pa ang lower lip niya.


I-In... Indire-
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
PUTANGINAAA!


---------



Eto na ang pang fourth! See you allย sa next chapt ulit, pasintabi sa mga typos at error if meron hehe.

Edit: Comment lang kayo if may mga hanash kayo HAHAHAHAHA sorry nakalimutan ko sabihin kanina ๐Ÿ˜…




























ย 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
EZWin0805
Random times nalang yung UD para surprise HAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
hiver_pogi
#1
miss u
jamesaidenliu29 #2
Chapter 13: Authornim your story was so cute I love reading it I hope to see some updates when you can update will wait po โ˜บ๏ธ
maxiclaine #3
Chapter 4: kayanin ang hamon ng buhay! HAHAHAHAHAHA
wenrene22
#4
author-nim, where na you? miss ko na itong story mo. pa-ramdam ka naman at umi-iyak na yung bading dito. ๐Ÿ˜ญ
TakuyaKen
#5
Chapter 11: Hanep yan hahaha sharky save you Winter
TakuyaKen
#6
Chapter 6: ahaha si Ryu pang proposal ang bday gift ah
TakuyaKen
#7
Chapter 3: speedy lng ni Rina haha
TakuyaKen
#8
Chapter 2: gago ka Ryu hahaha your cousin was embarassed ๐Ÿคฃ๐Ÿคฃ
ryujinie__
677 streak #9
Chapter 13: Ryeji ๐Ÿ˜ Welcome back author, hope all is well! ๐Ÿ’›
EzraSeige
#10
Chapter 12: Welcome back otornim sana ok kana po๐Ÿ’š๐Ÿ’š๐Ÿ’š... stay safe and healthy po otornim. Salamat sa lapag lodi appreciate much ๐Ÿ™‡๐Ÿ™†‍โ™‚๏ธ๐Ÿฅฐ๐Ÿฅฐ๐Ÿฅฐ๐Ÿ’™โ„