Ikatatlong Third

Jumbo Hotdog, Kakayanin Ko

Winter's POV


Lumipat na ata sa ibang dimensyon yung utak ko dahil di ako makabuo ng sasabihin. Yung puso ko kala mo magugulungan na ng pison sa sobrang bilis ng tibok. Siguradong mukha 'kong tanga na natakatingin sa babaeng kaharap ko ngayon. Pero kebs na sa itsura natin mga mare kung ganito naman kaganda yung masisilayan mo. Gandang di nakakasawang tignan... Gandang di mo inakala... Char.


Alam mo na Minjeong ah, may ilalala pa pala yang pagiging bading mo.


Nakatingin at nakangisi lang ito saakin. Di naman halatang libang na libang siya sa nangyayari, no?


Ramdam ko na rin ang pagkapula ng mukha ko dahil sa mga tingin na binibigay niya. Mas lalo pang dumagundong yung puso ko nung nakita kong papalapit yung isa niyang kamay sa mukha ko.


"Cat got your tongue, cutie?"


Tangina. Puta. Gago. Pak. Shet.


Wait lang, teh! Taympers muna! Bukod sa Red Velvet, baguhang bakla pa ko in real life! Bakit naman may paghaplos pa ng baba with tagos sa pagkabakla na kindat?!


Wala na, finish na mga bading. Sumalangit nawa ang kaluluwa ko, joke! Dali self, magsalita ka, I know you're better than this!


"U-uhm." Sige, piyok pa. Kala mo di lang kakaself-support eh. Isa pa, self. One, two, thr-


"Hmm?" Sagot naman niya sabay taas ng kaliwang kilay. Gago, mas lalo pa siyang gumand-


Sandaleee! Putcha naman kasi, bakit di ako makapalag? Grabeng distraction naman kasi yung ginagawa niya. Teh, pwede patigil na muna ng paghaplos? O pwede rin namang hindi-


Focus, Minjeong! Wag tayong magpapatinag sa kalaban! Kahit na mala-diyosa yung angking kagandahan niya. Pero hindi naman yun ang point dito! Kaya mo 'to, Minjeong. Di tayo mahina! Strong tayo! Stro-


Lord, send help naman po diyan!


"S-s-sorry, m-miss." Tanginang utal yan. Sige bumawi ka pa, baks!


"H-hindi ko napansin n-na m-maling tao pala y-yung nakuha ko, p-pasenya na talaga." Ayarn! Na-ipush mo rin kahit mas naging muntimang keribels na!


Hala, teh! Anong ginagawa mo?! Teka, taympers ulit! Bakit pisngi ko naman ngayon yung hinahaplos mo?!


Wait, TANGINAAA! Bakit kailangan pati rin paglapit ng mukha kasama?! Oo na, clear skin kana! Have mercy naman sa mga susunod na henerasyon ng pamilyang Kim na mawawala pag pumanaw ako ngayon!


"I can be the right person naman for you if you let me."


Nandito po tayong lahat para sa yumao nating kaibigan na si Minjeong Kim- Char.


Lord, kung eto na po yung snippet ng magiging reward ko for my patience, di pa po ako ready! Pwede po bang pa-pause muna?


Mauubusan talaga ako ng hangin dahil sa babaeng 'to. Feeling ko lahat ng kabaklaan ko sa katawan nasilabasan nalang bigla dahil sa banat niya. Isama mo pa yung boses, ang mellow... Yung ngisi...Yung nunal niya rin malapit sa labi... Aaaack!


"Ay, grabe Miss Stranger Cutie ah. You're holding my hand tightly na. Gigil na gigil lang? Reassurance na ba 'to para sa future nating dalawa?"


Hatdog? Ano raw? Stranger Cutie? Tightly holding? Hand? Reassurance? 


Napatingin naman ako sa baba at napansin na hawak ko pa rin pala yung kamay niya... At ang higpit pa ng pagkakahawak ko ngayon! Parang may biglang tumubo na emergency alarm sa taas ng ulo ko at nagsasabing magevacuate na ko ASAP.


Agad ko namang binitawan ang kamay niya at kumaripas na ng takbo. Pero di ko alam kung ano, may sariling pag-iisip ata 'tong katawan ko. Ang alam ko napatigil nalang ako bigla at tumakbo pabalik sa kanya para ibigay yung hawak kong plastik na may lamang siopao bago ulit tumakbo palayo.


----------


Sa CR muna ko dumiretso para pakalmahin yung sarili ko. Putspa, di naman ako mabilis mapagod pero hingal na hingal ako ngayon at lamig ng pawis ko. Yung puso ko di na ata kakayanin, kakayaning tumingin sa iba. Char!


Nakatayo ako ngayon sa harap ng salamin habang tinitignan ang sarili ko. Taragis yan, kala mo nakipagsampalan sa may kanto sa sobrang pula ng mukha eh.


Salamat naman na nagkataong ako lang mag-isa dito sa loob. Di ko pa kasi kayang humarap sa ibang tao na ganito kondisyon ko. Pag bumalik naman kasi ako kagad sa table namin, dadaigin nanaman ng tropa yung mga pulis kung magtanong. Iniimagine ko palang yung mga reaksyon at asar na matatanggap ko once na malaman nila yung nangyari... Hays, goodluck talaga sakin.


Sumagi nanaman sa isip ko yung paghaplos niya sa baba at mukha ko with a little bit of everything na nakakamatay... Yung malambot niyang kamay na hawak ko kanina... 


Oh my gulay, tama na Minjeong.


Nilagay ko ang kanang kamay ko sa kaliwang dibdib, "Heart, oo alam kong mas nabakla ka pa dahil sa nangyari pero huminahon ka na. Ligtas na tayo sa kalaban." Bulong ko dito.


Inhale... Exhale...


Binuksan ko yung gripo sa labado at nagdampi ng konting tubig sa mukha para naman mahimasmasan ako kahit papano.


Nagpupunas ako ng mukha gamit ng panyong inarbor ko sa drawer ni ate Taeyeon nang biglang tumunog yung tiyan ko dahil sa gutom. Napabuntong hininga nalang ako.


Yung siopao ko... Di rin pala ako nakalibre ng milktea, huhu. Di bale, Minjeong. Oks na rin siguro yun.


Di siguro kinaya ng konsensya ko na umalis lang ng basta-basta kaya nagkusa na yung katawan ko na ibigay yun as a peace offering. Nakakahiya naman kasi talaga yung ginawa ko kahit di sadya. Atleast di naman siya nagalit, diba? Wagas pa nga kung makaharot-
Mabilis naman akong umiling at lumalabas na ng CR bago pa ko may maisip ulit na ano, basta yung mga ano!


Pero... ang kaya yung reaksyon kanina ni ateng nagtitinda ng milktea?


----------



"Saang lupalop ba yang pinagbilhan niyo at ang tagal niyong bumalik? Wala man lang pampalubag-loob diyan para sa nasayang naming oras at ganda ko!" Pag-iinarte ni Ning na kala mo ang laki ng nagawa mong kasalanan sa kanya. Parang di ikaw pinakamayaman sa 'ting lahat, teh?


Pagkarating ko kasi sa table namin, kakarating lang rin pala ni Ryujin. Nakalimutan ko pala 'tong tukmol na 'to. Himala, tahimik lang ang katabi kong unggoy na nakatingin sa tropa ngayon at may maliit na ngisi.


Bakit kasi nawala nalang siya bigla kanina?! Nangyari tuloy yung-


Ops, stop na is me ulit.


"Bakit ikaw lang yung may ganda, Ning? Bakit kami wala?" Tanong naman ni Yuna.


"No comment mga peasants. Ang tanungin niyo sarili niyo." Naghair-flip pa nga si shunga.


"Aba, Luningning, so sinasabi mong pangit kami?" Nanghahamong sabi ni Yuna.


"Wala 'kong sinasabing ganyan, higante. Ikaw lang nagsabi niyan!" Sagot naman ni Ning at inirapan siya.


"Hoy Yi Zhuo, si Yujin lang naman nagagandahan sayo dito!" Hanash ni Chaer.


Namula naman si Ning at Yujin sa sinabi ng mukhang softy but deadly naming friend.


"Kahit kelan talaga di mawawala ang effect ng NingJin. Proud fan here!" Natatawang sabi ni Lia.


"NingJin, the ultimate OTP! Kathniel and LizQuen, who?" Pati si Yeji sumali na rin sa okrayan na di makastick-in sa iisang topic.


At nagtalo-talo na nga po sila. Go, guys. Mag-away lang kayo para wala nang mangyaring question and answer portion sa kung anong nangyari-


"Sorry, natagalan. May importanteng nangyari kasi kanina."


Natigil naman ang bangayan nung nagsalita si Ryu. Seryoso pa ang tono at mukha ni unggoy.


Huh, importante? Ano kaya yun?


Nakaramdam naman ako ng konting concern kasi baka mamaya pala seryoso talaga 'tong pinsan ko.


"Anong importante naman yung nangyari, Love?" curious na tanong ni Yeji.


Seryoso pa rin ang mukha niya nang humalukipkip siya. G na g naman ang tropa sa pagtahimik para marinig yung susunod na sasabihin ni Ryu. Di halatang mga chismakers, no?


"Wala naman, Love." Dumirekta siya ng tingin sakin, yung tingin na alam mong may something. Kinabahan naman ako ng konti. Tangina ka, Ryu. Pag kalokohan nanaman yan...


"Nakawitness lang ako ng live evolution ng newborn." Sabay ngumisi ng malaki, yung tipong ang sarap hambalusin kagaya ngayon-


Wait... Newborn?...


Nanlaki naman ang mga mata kong nakatingin sa kanya at si unggoy nakangisi na tumango lang sakin bago tumingin ulit sa tropa. Pota, yung kaba ko kanina sa kaba ko ngayon naging isang milyon yung agwat.


"Syempre, ayaw ko namang palagpasin yung pagkakataon na masaksihan yun kaya medyo natagalan ako. Mukhang hirap pa nga kanina magevolve yung newborn eh."


Tangina mo talaga, Ryujiiin!


"Ano bang newborn at evolution yang pinagsasabi mo? Naglaro ka ba ng Pokemon Go tas nagevolve yung pokemon mo?" Takang tanong ni Yujin.


Muntik nang matawa ng malakas yung tropa kung di lang nila pinigilan dahil nga mga uhaw na uhaw sa chismis. Puro mga mahinang mura naman ang natanggap ni Yujin pero di parin siya nakaiwas sa mga hampas ng dalawang katabi niya.


"Aba! Kaya nga nagtatanong para malaman eh! Bakit kasi may pasuspense pa? Di nalang sabihan kagad!" Depensa naman ni Yujin habang sinusubukang pigilan yung mga hampas sa kanya.


Inosente namang tumingin sakin si tukmol, "Oo nga naman. Ano kayo yun no, Jeong?" Demonyo talaga pinagmanahan nito.


Pa-sikreto ko naman siyang sinamaan ng tingin. Yung "Putangina mong hinayupak ka, mamaya ka sakin" na tingin. Yung kamao ko inuugat na ata dahil sa pagkahigpit ng pagkuyom ko.


Kaso malas tayo mga prends, di ito nakatakas sa matalas na paningin ng dakilang chismosa na nagngangalang Ningning.


Dumukwang siya sa samin at hinampas kami ni Ryu sa braso. Gago, ang sakit talaga ng hampas niya, "Hoy, nakita ko yun ah! May pa-sikretong malupet pa kayong nalalaman!"


"Parang naman kaming others dito." Kunwaring pagtatampo ni Yuna. May payuko-yuko effect pa si higante!


Sinapak ko sa braso si kupal sa inis at umaray naman siya ng malakas. Deserve! Humarap 'to sa jowa niya na kala mo aping-api habang hinihimas yung braso niya. Tsk. Kulang pa nga yan!


"Wala, wala! Tapos na yung balita! Wag niyong pakinggan yang unggoy na yan!" Sabi ko sa kanila with hand gestures ng pangtataboy.


"Eh kung wala bakit mo sinapak si Ryujin tapos namumula ka pa?" Paghihinala naman ni Yujin.


"Oo nga!" Sabi ni Chaer.


Shete naman hingante at Chaer!


"Sabihin niyo nalang kasi. Ano ba yun?" Curious rin na tanong ni Yeji na nakakunot na yung noo.


"Right, just tell us, Win. You know naman na there's no judgement here." Mahinanong sabi ni Lia at concern na nakatingin sakin.


Isa kang anghel, Lia. Ikaw na ngayon ang favorite ko. Malibre nga 'to next time.


Magsasalita sana ulit ako nang biglang tumunog yung bell dahil tapos na ang lunch period. I labyu bell.


Nagsitayuan na ang lahat para bumalik na sa klase.


"Nakalusot kayo ngayong mga bakla kayo, pero malalaman din namin yang pa-secret niyo!" Banta ni Ning.


"Humanda ka nang maimbestigahan, Winter." Dagdag ni Chaer.


"Kay Amy Perez nalang kayo makipag-usap. Bahala kayo dyan!" Buti nalang di ako nakatingin sa kanila, kundi baka mautal nanaman ako.


"Basta ako sinabi ko lang naman yung nakita ko." Kibit-balikat na sabi ni Ryujin pero kita sa mga mata ang pang-aasar nito. Siguradong ako nanaman puntirya nila mamaya ni ate Taeyeon sa bahay.


Pasimple ko siyang pinakyu at binigyan niya lang ako ng malisyosang ngiti.


"Hoy, nasan pala yung binili mong bruha ka? Wala ka namang dala kanina pagbalik-"


Inakbayan naman ni Lia si Ning, "Ang ingay mo, teh. Tara na nga sa klase. Magsasabi rin yang si Winter pag ready na siya."


Yup, favorite ko na talaga si Lia.


Inakay niya na si shunga palayo. Lumingon pa si Ning at nag-sign na nakamatiyag daw siya sakin. Sus, kay Yujin mo nalang gawin yan!


Nagsipaalam na rin yung iba at naglakad na pabalik sa klase. Medyo napanatag naman ako nung nakita ko na silang nakalayo na. Naglakad na rin ako pabalik nang may kumapit sa kaliwang braso ko.


Anak ng.. si Yuna pala kasama ko sa klase!


Nakangiti at nakatingin lang 'to sakin ng makahulugan kaya alam ko nang di niya ko titigilan sa kakatanong mamaya.


Napailing nalang ako at napabuntong hininga sa isip ko.


Sana matapos na agad 'tong araw na 'to.


----------


Hindi nga ko nagkamali, puro daldal at tanong ni Yuna yung natanggap ko kanina. Waley kay higante yung salitang 'dedma' dahil kukulitin ka pa rin niyan kahit di ka magsalita. Wala tuloy akong naintindihan sa mga sinabi ng prof namin.


Pagkatapos ng last subject namin, kumaripas na ko agad ng takbo palabas habang di nakatingin si higante. Inayos ko talaga yung mga gamit ko ng maaga para makaalis kagad. Nakasakay ako ng jeep ngayon pauwi kasi may pagkamalapit naman yung bahay namin dito. Yung cellphone ko vibrate nang vibrate pero di ko nalang 'to pinansin kasi puro chat nanaman yan ng tropa sa gc for sure na nagtatanong kung nasan ako.


Nauna akong nakauwi sa bahay at ako lang yung tao dito. Sabagay, almost 4:30pm pa lang naman pagkacheck ko sa phone ko at kaninang 4pm lang yung end ng klase namin. Mamayang gabi pa yung dating ni mama at ate Taeyeon. Dumiretso na ko ng kwarto at nilock ang pinto. Mahirap na, baka may biglang pumasok na unggoy na may masamang hangarin. Tuloy lang sa pagvibrate ang cellphone ko pero di ko pa rin 'to pinapansin. Nagpahinga muna ko saglit bago pumunta ng banyo para maligo. Alangan namang para maglaba, diba?


Naglalaro ako ngayon ng Counter Strike sa laptop pagtapos kong magadvance reading ng mga mauunang lessons namin. Syempre, mabait na estudyante tayo mga kuys, di dapat nagpapabaya. Tumigil na rin yung pag-vibrate ng phone ko. Pumunta pa ata si Ryu kayla Yeji kasi wala pa rin siya sa bahay.


About pala sa pag-iwas ko sa kanila... wag niyo sanang mamasamain ah? Alam ko namang kaibigan ko sila na maaasahan ko lagi. May non-judgemental rule pa nga kami eh. Sa lahat ba naman ng kagaguhan at kaabnormalang sinabi at ginawa namin throughtout the years, sino pa ba sa aming walo ang magtatangkang manghusga ng kahit sino sa tropa?


Ang akin lang naman, gusto ko kasing mas i-absorb muna yung nangyari bago ako magsabi. Yung tipong hahayaan ko muna siya mag-sink in sakin kahit papano para di ako na-ooverwhelm masyado pag nagkwento na ako. Kaso yun nga, nature na ng tropa ang mang-asar at pagiging wild (rawr) kaya di rin 'to maiiwasan. Naiintindihan ko naman yun kasi wala namang perpektong tropa. Kaya kahit ganun sila, mahal ko sila. Wag nalang kayo maingay kasi mas lalong magsisilakihan yung mga ulo nun.


"Hoy, Jeong! Kaya pala wala ka kanina ah, inunahan mo na kaming umuwi! May pag-uusapan pa tayo mah brotha!" Rinig kong sigaw ni Ryujin sa labas habang kumakatok sa pinto.


Shuta naman, nadeads tuloy ako sa laro dahil sa gulat dito kay tanga.


"Pakyu! Dun ka, unggoy! May atraso ka pa sakin pati utang na milktea!" Hmmph. Bahala siya diyan, di ko siya bati!


Tuloy pa rin siya sa pagkatok, "Luh, tampo na ba si baby Minjeong namin niyan? Gusto mo ulit ng Moshi Manju?"


Nang-aasar ka nanamang yawa ka. Porket alam niyang mahilig ako sa matamis lalo na't masama loob ko. Sige, kausapin mo yung hangin ngayon!


"Jeong, naman! Uy, gago real-talk na. Buksan mo na 'to. Pag-usapan na natin yung naging evolution mo kanina."


"Minjeooong!"


"Min badiiing!"


"My wan en onli Minjeong na peyborit kong kasiiin!"


"Sorry na, Jeooong. Matitiis mo talaga ko dito sa labas pagkatapos ng lahat? Don't you think I deserve better than this pagkatapos ng mga sakripisyo ko? I atleast-"


"Hoy, RJ, anong ginagawa mo diyan sa harap ng kwarto ni Minjeong? Parang kang timang!"


Naputol ang pagsta-Star Cinema ni Ryujin dahil sa sigaw ni ate Taeyeon. Dumating na pala siya. Buti nga sayong unggoy ka!


"Eh ate Taeng si Minjeong kasi ayaw akong pansinin." Parang bata na sumbong niya kay ate.


"Ano nanamang ginawa mong unggoy ka? Mag-ayos ka nga muna dun. Magpahinga ka saglit bago maligo ah. Baka mapasma ka."


"Eh ate Taeng-"


"Ryujin, Isa."


Di na nakasagot si Ryu at narinig ko na lang na pumasok siya sa kwarto niya. Ikaw ba naman gamitan ng ganung tono ni ate. Maski nga ko natakot eh.


Di nagtagal, si ate Taeyeon naman yung kumatok sa kwarto ko. "Minjeong?" Marahan niyang sabi. "Buksan mo na 'to dali, may dalang egg pie si ate. Kainin natin diyan sa loob."


Agad ko namang binuksan yung pinto nung narinig ko yung 'egg pie'. Ito kasi yung pinakafavorite kong dessert sa lahat. Pumasok si ate sa loob at umupo sa kama ko pagtapos niyang ilapag yung kahon sa egg pie sa bedside table. Pinatay ko muna yung laptop ko at tinabi sa gilid ng kama.


"Ano bang nangyari?"


"Eh si Ryujin kasi ang lakas mang-asar kanina." Reklamo ko kay ate Taeyeon.


"Bakit ka naman niya inaasar?"


"Ano kasi..." Naramdaman ko nanaman yung mabilis na pagtibok ng puso ko at pagkapula ng mukha ko nang maalala yung nangyari kanina.


Si Miss Stranger Cutie raw ako... Sige, si Miss Stranger Goddess naman siya hehe.


Napangiti ako ng hindi namamalayan dahil sa naiisip.


"Hoy, tinatanong kita." Binatukan ako ni ate Taeyeon. Tae yan, kung hindi hampas ni Ning, batok naman ni ate yung papalit.


"Bakit ka mag-isang ngumingiti diyan, nasiraan ka na ba ng bait?"


"Aba! Bakit ka rin namumula? Hoy Minjeong, ano yan ah?" Tanong at sermon naman ni ate pagkatapos niya kong titigan ng maigi.


Napatingin naman kami ni ate sa pinto nang makarinig ng katok sa labas. Bumukas ng konti yung pinto, si Ryujin nakasilip. Naka-puppy eyes pa siyang nakatingin samin. Sinamaan ko lang siya ng tingin at mas lalo naman niyang ginalingan yung pagpu-puppy eyes niya. May paganyan-ganyan pa, unggoy naman siya!


Natawa naman si ate sa itsura niya. "Tangina mo, RJ. Mukha kang nawawalang bata. Pumasok ka na nga!"


"Ano ba yan ate Taeng! Sinira mo naman yung momentum ko pati yung moment namin ni Jeong eh!" Angal ni Ryujin kay ate habang sinasara yung pinto.


"Lul, moment mong mukha mo." Sabi ko at inirapan siya ng bongga.


Umupo siya sa tabi ko at nagbeautiful eyes naman sakin. Di ko nalang ulit siya pinansin at tumingin nalang kay ate. Si ate naman nakatingin lang saming dalawa. Magtitinginan lang ata kami dito eh.


"RJ, kung ano mang nagawa mo, mag-sorry ka kay Minjeong." Sabi ni ate Taeyeon pagkaraan ng ilang sandali.


"Jeong, sorry na kasiii. Pansinin mo na kooo." Sabi ng may sala habang hinihila yung laylayan ng t-shirt ko. Napabuo si ate Taeyeon dahil sa pagpigil ng tawa kaya nacurious naman ako at tinignan na si Ryu.

Nakanguso pala si tanga at mas malala pa yung puppy eyes kaysa kanina. Juicecolored.


"Oo na! Basta tigilan mo na yang mukha na yan." Sabi ko habang nilalayo yung mukha niya sakin.


Kahit kelan naman kasi di ko natitiis ng matagal 'tong si Ryu kahit ganyan siya. Nung di pa namin nakikilala yung tropa, taga-protekta ko kaya 'to lagi sa mga bullies sa school nung mga bata kami. Ako kasi yung tina-target minsan dahil sa pagiging tahimik ko.


"Yieee, bati na tayo ah. Lika ka nga dito insan, pa-kiss ako."


Di ako naka-react agad sa sinabi niya kaya nahalikan tuloy ako sa pisngi. Yuck, may kasama pang laway!


Pinunasan ko kagad ng manggas ng t-shirt ko yung napuruhang pisngi ko, "Gago ka, Ryujin. Kadiri!"


"Ayan, bati na lahat ah. Tama na yung asaran." Sabi ni ate habang nakangiting nakatingin samin.


"Pero ano ba kasi yung inaasar mo dito kay Minjeong, RJ?" Sabi na nga ba di rin mapipigilan ni ate yung pagiging chismakers niya.


Tumingin muna sakin si Ryujin at tinanguan ko nalang siya. Si ate Taeyeon naman namin yan. Nagliwanag naman ang buong mukha ni RJ at dali-daling lumapit kay ate para bulungan.


Nanlaki naman ang mga mata ni ate at hinampas ako bigla, "Di nga Minjeong?!" Gulat na gulat na tanong sakin ni ate. Bakit kasi ang hilig ng mga tao manghampas pag nagugulat sila?! Masakit kuya Eddie, masakit!

Huminga muna ko ng malalalim dahil kailangan ko ng maraming lakas para dito. "Ganito kasi yun..."


----------


Medyo gabi na rin nung natapos yung kwentuhan with egg pie namin ni ate at Ryu. Di ko na sasabihin lahat. Basta sandamukal na hampas yung natanggap ko sa dalawa kasi sobrang daw silang kinikilig dun sa mga ginawa ni Miss Stranger Goddess at nakatanggap din ako ng ilang sermon kasi bakit daw di ko sinabayan, kesyo dapat daw kaming mga Kim malalakas sa ganyan. Don't me, sister and cousin! Parang di rin kayo nautal at nag-ala tuod nung first meeting niyo with your jowas ah! Pero di ko naman sinasabing magiging jowa ko si Miss Stranger Goddess ah! Wag kayong ano diyan! Unless... Char.


Ni-katiting na experience wala nga ko eh, mga buang ba sila? Yung mga crush, almosts, at MU na yan waley mga baks. Malinis pa ang record ng lola niyo! Napaisip nga ko na baka dahil na rin siguro sa pagkahumaling ko sa Red Velvet pero iba naman kasi in real life. Kinongrats pa nila ko sa 'pagevolve' ko, di na raw ako newborn, 9th Kyu na raw ako. Dinamay pa talaga yung Pokemon at Tekken sa kalokohan.


Sakto naman nung pagdating ni mama, tapos na 'kong magkwento. Nilutuan niya kami ng favorite naming tatlo na homemade lasagna niya! Di na muna binanggit ng dalawa kay mama yung kwinento ko sa kanila kasi sabi ko na ayaw ko munang ipaalam. Ako nalang magsasabi sa kanya pag shor na... Joke! Nagkwentuhan pa ulit kami sa kwarto ko about sa ibang bagay pagtapos namin magdinner hanggang sa mapagdesisyonan na naming matulog na kasi lahat kami may pasok pa bukas.


Kung nagkacrush na ba talaga ko kay Miss Stranger Goddess, bukas ko nalang iisipin yan. Gabi na kaya matulog na! Pinatay ko na yung ilaw at humiga na ng maayos sa kama. Papikit na sana ko nang biglang nagnotif yung cellphone ko na di galing sa messenger. Direct message siya. Shaks, yung mga chat pala ng tropa kanina nakalimutan kong replyan! Di bale bukas nalang din yun in person. Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bedside table at tinignan kung sino yung nagmessage. Sino naman kaya 'to?


"Huh? Di naman naka-save yung number sa phone ko." Kunot noo kong sabi. "Baka wrong send lang." Pinindot ko naman yung message.



Time: 11:38pm



09873562349: Hey, Miss Stranger Cutie. I hope you don't mind na nakuha ko yung number mo. Miss me? I'm sure you do ;) Think about me before you sleep, good night :*


P.S. This is my personal phone number btw, i-save mo ah hihi. Future textmates? 🤭👉👈
 


----------



Eto na ang chap 3 guysue. Salamat sa mga comment niyo pati na rin sa silent readers! You're all free to comment or suggest sa comment section, it keeps me motivated kahit di ko kayo narereplyan kasi nahihiya ako sorry 😅🤣

As usual, sorry sa typos and errors kung meron hehe.































 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
EZWin0805
Random times nalang yung UD para surprise HAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
hiver_pogi
#1
miss u
jamesaidenliu29 #2
Chapter 13: Authornim your story was so cute I love reading it I hope to see some updates when you can update will wait po ☺️
maxiclaine #3
Chapter 4: kayanin ang hamon ng buhay! HAHAHAHAHAHA
wenrene22
#4
author-nim, where na you? miss ko na itong story mo. pa-ramdam ka naman at umi-iyak na yung bading dito. 😭
TakuyaKen
#5
Chapter 11: Hanep yan hahaha sharky save you Winter
TakuyaKen
#6
Chapter 6: ahaha si Ryu pang proposal ang bday gift ah
TakuyaKen
#7
Chapter 3: speedy lng ni Rina haha
TakuyaKen
#8
Chapter 2: gago ka Ryu hahaha your cousin was embarassed 🤣🤣
ryujinie__
690 streak #9
Chapter 13: Ryeji 😍 Welcome back author, hope all is well! 💛
EzraSeige
#10
Chapter 12: Welcome back otornim sana ok kana po💚💚💚... stay safe and healthy po otornim. Salamat sa lapag lodi appreciate much 🙇🙆‍♂️🥰🥰🥰💙❄