Ika-anim na Sixth (Pt. 1)

Jumbo Hotdog, Kakayanin Ko

Tatapusin na ko ng Engineering myghad HAHAHAHAHA tinry ko talagang mas habaan pa yung update ngayon pangbawi kahit papano, sorry po hehe.

Btw ang english name po ni SNSD Seohyun ay Catherine.

Happy Reading!


----------


Winter's POV


Nasa loob na kami ng bahay nila Karina. Habang buhay ko na atang maaalala yung takot na naramdaman ko kanina kay ate Irene. Halos lumabas na yung kaluluwa ko habang nagpapaliwanag na mali yung iniisip niya! Di bale ate Irene, darating din kami sa level na yan. Char! Natanggal naman yung pagkatalim ng tingin niya sakin pagkatapos kong magpaliwanag kaso nakakatakot parin, kaloka! Naka poker face lang siyang pinapasok ako. Sinabihan niya rin yung isa nilang kasambahay na tawagin na sila Ning sa labas. Sumama na rin ako para ipasok yung pahamak na bouquet sa sasakyan. Pagbalik namin, iniwan niya muna kami para puntahan si Karina.


Pero grabe talaga yung pagka original visual talaga ni ate Irene. Sorry po, Leader Bae. Magkamukha rin sila ni Karina, pero syempre mas maganda para sakin si crush para sakin, hehe.


Di ko na idedescribe masyado yung loob ng bahay mga baks dahil baka abutin tayo ng comeback ng SNSD. Basta isipin niyo nalang na pinaghalong Western at K-Drama penthouse style yung interior. Di ko maiexpress yung pagkamangha ko ngayon kasi nahihiya ako kay ate Irene pati na rin sa mga kasambahay nila dito.


Tumanggi na rin kami nung inalok nila kami ng juice kasi saglit lang naman kami dito. Yung mga ungas tahimik lang din pero kanina pa nila 'ko tinitignan habang pinipigilan yung tawa nila lalo na si Ning! Kanina ko pa sila tinitignan ng masama at pasikretong pinapakyu. Gawin ba naman akong alay ng mga 'to! Tawa lang kayo diyan mga ungas, babawian ko rin kayo!


"Hello, visitors! Kamusta kayo? Ako nga pala si Yeri, ate Yeri nalang. Sorry kanina, hehe, warm welcome ko yun sa inyo. Peace tayo mga chong!" Sabi nung babaeng nanggulat kanina na naglalakad papunta samin ngayon kasama yung isang babae rin kanina, Ligaya ata yung pangalan.


Natatawang binatukan naman nung 'Ligaya' si ate Yeri. "Napakafeeling close mo talaga, Yerms." Nakangiti siyang tumingin samin. "Wow, good to know na marami na palang naging friends sina Gi and Rina. Ako si Joy. Ate Joy nalang tawag niyo sakin."


Di na kami nagkaroon ng chance na magreply kasi binatukan naman siya ngayon ni ate Yeri. "Feeling close ka diyan, eh ikaw nga rin ngayon!"


"Nawala lang ako saglit, nagsisimula nanaman kayo ng gulo."


Nagmadali naman yung dalawa na tumabi samin ng tropa. Kamote, sakin pa tumabi si ate Yeri na hirap na inakbayan pa ako eh mas matangkad ako sa kanya!


"Gulo? Walang gulo dito, Madam. Nag-eenjoy nga kami ni Ligaya makipagchikahan dito eh." Inosenteng sabi ni ate Yeri kay ate Irene na kakarating lang with Giselle at Karina.


Sumimple ako ng tingin kay crush. Syempre, kailangan nang magextra ingat. Mahirap mahulog ulit sa patibong.


Di na ata ako magsasawang sabihin na ang ganda niya talaga. Nakawhite t-shirt siya na may tatak na Givenchy Paris sa gitna with skinny jeans at high heel boots na parehas black. Medyo nakawavy yung hair niya ngayon kumpara sa usual niyang straight hair partnered with minimal makeup at lip gloss. May dala silang tig-isang duffel bag para siguro sa overnight. Tae, pati yun Givenchy rin!


"Oo nga, Madam. Mabait kaya kami dito ni Yerms. Diba, beh?" Muntikan na kong matawa kasi dinamay pa ni ate Joy si Yujin na di malaman kung anong sasabihin.


Yung mukha nila Yuna namumula sa pagpigil ng tawa nila. Si Ning ang talas ng tingin dun sa kamay na nakaakbay sa bebe Yujin niya.


"Since you two are kind enough to entertain our guests, I guess you two will be kind enough to work more hours in the office as well, right?" Nakataas na kilay na tanong sa kanila ni ate Irene.


Di napigilang matawa ni JPN Gi at Karina kayla ate Yeri at Joy. Kung di lang kami natatakot kay ate Irene, tatawa rin ako pati yung tropa ng malakas kasi yung mukha ni ate Yeri kala mo pinagkait sa kanya lahat ng grasya eh.


"Hustisya naman diyan, Madam! Kakauwi lang natin kahapon! Yung stress ko sa Korea, sumama rin dito sa Pinas." Reklamo ni ate Joy.


Wow, nasa Korea pala sila nitong mga nakaraang araw.


"Hanggang ngayon, rinig ko pa rin yung mga hanash sa meeting natin na umabot ng 4 hours kasi napakagulo kausap ng isang client! Tsaka Madam, parang walang pinagsamahan since highschool ah!" Drama pa ni ate Yeri.


Inabot naman siya ni ate Joy at hinampas sa braso. "Gaga, wala naman talaga! Highschool na kaming lahat, elem ka pa lang!"


Nagbangayan nanaman yung dalawa na kala mo nag-aagawan ng lupain sa Mesopotamia. Di na sila pinansin ni ate Irene at umupo na sofa sa harap namin na para bang part na ng daily lives nila yung mga ganitong scenarios. Sina JPN Gi at Karina nagbulungan saglit bago natatawang lumapit samin at kumandong bigla sa dalawang argumentators kaya nanumbalik muli ang peace sa Earth.


OMG, joke lang pala kasi katabi ko pala si ate Yeri tapos sa kanya nakakandong si Karina! Nasa dulo nanaman ako kaya no space to activate the defense mode!


"Rina naman! Malaking bulas kana, kawawa naman yung small and slender body ko sayo!" Reklamo ni ate Yeri pero niyakap din sa bewang si Karina.


"Jusko, pasalamat ka Aeri di lang maganda at matangkad ang ate Joy mo, strong din." Sabi ni ate Joy na niyakap nalang din si Giselle sa bewang.


Tumawa lang yung dalawang porenjers at mas umayos nalang ng kandong sa dalawang trouble makers.


"Are you two done?"


Umayos ulit agad yung dalawa. "Oo, Madam. Mas done pa sa anim na taong relasyon na natapos dahil sa third party." Sabi ni ate Yeri.


Di na napigilan ng tropa yung tawa nila. Nanaig na yung kagustuhang tumawa sa takot kay ate Irene. Sina JPN Gi at crush nabentahan din ng pakulo ni ate Yeri. Humarap nalang ako sa gilid at tinakpan yung bibig ko kasi di pa rin mawala yung takot ko kay ate Irene! Loko kasi si ate Yeri, kung ano-ano pinagsasabi!


Natahimik naman lahat nang marinig namin yung pagbukas at sara ng pinto sa main entrance pati yung mga yabag ng paa na papunta sa samin.


"Oh." Medyo gulat na sabi ng babaeng kakarating lang. "Rene, you didn't text me na Rina's friends are already here." Agad naman  siyang umupo sa tabi ni ate Irene. "Hi, I'm Catherine. Older sister ni Rina and Irene's twin sister. You can call me ate Seo nalang." Mahinahon at nakangiting sabi niya samin.


Kanya-kanya naman kami ng bati at pakilala sa kanya. May kambal pala si ate Irene, fraternal twins sila panigurado. Grabe yung genes ng pamilyang 'to, nasalo ata nila lahat ng pure beauty qualities tapos natira nalang samin yung impurities. Char!


"Since everyone is settled, you may now state your purpose for coming here."


Yaz, business meeting lang ang peg? Bakit sakin ka nanaman nakatingin ate Irene?! Awat na po please huhu.


"Uhm ano po.. mga ate," Sabi ni Ning kaya sa kanya napatingin ang Yu Twins, "Birthday po kasi ng isa naming friend, Yeji Hwang po pangalan. Di lang po nakasama rito kasi busy po sa pagprepare doon sa kanila. Kami-kami lang din naman po yung nandun since private celebration po yung magaganap."


"Yes, mga ates. Hwang Residence is also here in Golden Gates so it's not that far naman po. We'll be back before lunch tomorrow rin naman."


Nation's Tagapagpaalam Para sa Tropa, Ning Yi Zhuo and Aeri Uchinaga.


"Yeji Hwang?" Tanong ni ate Seo na parang may inaalala. "Is she the daughter of Daniel at Lea Hwang?"


Nagulat naman kami kasi kilala niya sila tito. Tumango si Ning. "Opo, ate."


"Hmm. How 'bout you?" Tanong naman ni ate Irene.


"Yes. Ay ano po?!" Natawa kaming lahat sa sagot bukod kay sa dalawang ate ni crush sa sagot ni Ning. Pero nakita kong na nagpipigil din ng ngiti si ate Seo. Tiningnan saglit ni Ning ng masama yung tropa bago ulit humarap kayla ate Irene.


"You look familiar kasi." Sabi ni ate Irene habang pinagmamasdan ng mabuti si Ning. "Daughter of Sophia Ning and Ning Yuan?"


Nagulat ulit kami. Grabe, ang liit talaga ng mundo.


Nanlaki yung mga mata ni shunga. "Hala, opo! Mama at papa ko po yun."


"I see. You really look like your mom."


Di pa nakakasagot ulit si Ning nag biglang magsalita si ate Joy. "Ikaw, sino nanay mo?"


Nagsitawanan na ng malakas ang tropa with the two porenjers pati si ate Yeri na katabi ko. Taena, ang LT! Kanina pa trip ni ate Joy si Yujin, kawawa naman si higante!


"Jhemarlyn po pangalan ng nanay niyan, ate! OT9 is real!"


Ang lakas nanaman ng tawa namin sa sinabi ni Chaer. Kahit saan talaga, dala lagi yung kagaguhan eh! Naks, gets nila. SNSD lang sakalam!


"Loko kayo, Jennifer kasi yun! Sumbong ko kayo kay mama!" Sabi ni Yujin na natatawa rin kahit sinusubukang magseryoso.


"Bawi nalang kami sa birthday ni tita!"


Kailangan talagang nanghahampas pag tumatawa, Karina?! Sige, hampas ka lang. Malakas naman mga kalamnan ko, hehe.


Di ko alam kung namalik mata ba ko o ano, parang kasi nagpipigil din ng tawa si ate Irene bago sumiryoso ulit yung mukha. Hay ewan ko ba sa mata ko these days!


Tumikhim si ate Irene nang matapos yung tawanan. "Tell her pala na I said hi. We did several projects before. How is she by the way?"


Kamote, naging interview na ata kay Ning yung pagpapaalam namin. Bigla namang may tumusok sa tagiliran ko kaya nanigas yung buong katawan ko! Kung may kiliti lang ako sa tagiliran baka naging instant rocket ship na ako dito eh. Sino pa bang salarin kundi si Karina naman lagi. Magandang salarin, hehe.


Ayan dumutdot nanaman! My goodness di lang kilig ko natritrigger pati baby fats rin! Lumingon ako ng konti para tignan siya. Nakatingin pa rin siya sa mga nag-uusap pero yung focus niya nasa iba! Ngumisi pa nga mga baks at dinutdot nanaman yung tagiliran ko. Hayst, side profile ni crush, ready na pong luhuran anytime.


Dulong puwesto, isa kang blessing na may halong sankaterbang paghihirap para sa isang munting baklang kagaya ko.


----------


Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe papunta kayla Yeji. Daldalan dito, daldalan doon.


Seating Arrangement

Mga bag nila sa likod

    Lia  Chaer  Yujin  bouquet

Yuna Ning      Karina Winter

Giselle            Driver


Naging maayos naman yung pagpapaalam namin kahit na may nadagdag lang na pa-interview kay Ning. Hanep si shunga, talagang pinanindigang sagutin yung mga tanong ng Yu twins. Pinaalalahanan lang kami ng mga usual like mag-ingat lagi, drink responsibly, mag-update, i-on lang yung ringtone ng phone chuchu tsaka sabihin lang daw pag nagkulit si Jimin. Jimin pala yung korean name niya, uwu. Ang cute niya nga kanina habang pinagpipilitan na mabait daw siya, which is not always true. Alam na alam niyo yan mga baks. Mas lalo naman ako, diba!


Kung di lang seryosong nagtatanong sila ate Irene, iisipin kong pinagtritripan nila kami kasi yung iba tinanong din niya ng kung ano-ano. Lagi raw ba kami magkakasama, masaya raw ba kaming nag-aaral sa AEU, trip ba namin lagi yung mga handa sa isa pag birthday nito, or pag nagtetake out kami ng handa, anong mas preferred namin gamitin? Plastik ba o tupperware? Like Wth? Kung may natatawa man sa tropa, ipapakita mo ba yun kung ganun kaseryoso yung mukha ng kausap mo?


"Are we close to Yeji's house na?" Tanong ni Giselle na katabi ng driver.


"Yes, we are. Most likely, we'll get there in fifteen minutes." Sagot ni Lia.


Tumango si Giselle. "Okay."


Si Karina pala yung katabi ko, nandudutdot pa rin siya ng tagiliran! Tinalo niya pa yung Red Velvet sa kakadutdot. Yung tipong akala mo titigil na siya tapos uulit nanaman maya-maya. Patay-malisya rin siya sa pagscro-scroll down sa phone niya habang nakikipag-usap kayla Ning.


Hay, kumuha na lang ako ng Break Chocolate galing dun sa binigay ng tropa. Pang appetizer, mga kuys. Hinati ko siya sa tatlo at kinagatan na yung isang piraso. Di pa ko nakakabuwelo nang kunin bigla ni Karina yung isang nakagatan ko at kinain na kala mo perfectly normal lang ang pagdekwat ng chocolate ko.


Dumfounded lang akong nakatingin sa kanya. Karina naman, kung gusto mo rin, may isang plastik ako dito. Kunin mo na lahat!


Tumingin siya sakin na may mapaglarong ngiti habang ngumunguya. "Sarap."


Agad akong umiwas ng tingin sa kanya. Nagflaflashback nanaman sakin yung nangyari kanina sa locker area. Aaack! Holy water needed. Puso, kalma lang!


"Ano yung masarap mars?" Tanong ni Ning na tinigil muna ang pagscroscroll down at humarap samin. Si Yuna tulog na nakasandal yung ulo sa may bintana.


"Yung Break Chocolate. Winter gave me some."


Dinekwat mo kamo!


Tumingin naman sakin ng masama si Ning at nagcross arms pa. "Bakit ako di mo inaalok?"


Natawa yung mga hayop sa likod.


"Sinong di nag-aalok?" Takang tanong ni Giselle na tumingin samin.


"Si Winter kasi nagbukas ng chocolate tapos si Mareng Kars lang binigyan niya." Sumbong na parang bata ni Ning.


Wow ah, pagkatapos mong maging leader sa pag-alay sakin kanina! Amused lang na nakatingin kay shunga si Karina at JPN Gi.


"Hoy Ning, kala mo di punong-puno ng mga branded na chocolates yung bahay niyo eh." Natatawang sabi ni Lia.


"Si Yujin nalang daw magbibigay sayo, Ning. May dala rin siya dito, girl's scout 'to pagdating sa mga gusto mo." Ani ni Chaer.


Nagtilian ang mga ungas sa number one OTP nila habang ang dalawang porenjers, natatawa sa pinaggagagawa nila. Parang naka blush-on tuloy yung buong mukha ni shunga.


"Nahiya ka pang higante ka. Bigay mo na teh!"


"Ning oh." Mahina at nahihiyang sabi ni Yujin na inabot yung maliit na box ng ferrero na may limang piraso sa loob. Namumula rin ng bongga si higante.


Grabe, may dala talaga siya. Kala ko joke time lang.


Nahihiya siyang tinignan ni Ning bago pabebe na inabot. "Salamat."


Mas malakas na tuloy yung tilian kasi dumagdag na si JPN Gi sa choir. Yung braso ko naman crush, kanina pa kawawa kakahampas mo!


"Oh my goodness, kinikilig ako!" Sigaw ni Giselle.


Tinawag ni Lia si manong driver. "Kuya, sa simbahan na po pala kami pupunta!"


"Anong meron?"


Natahimik naman lahat at napatingin dun sa nagsasalita. Si Yuna, bagong gising at di alam kung anong nangyayari sa paligid niya.


----------


"Happy Birthday Yeji!"


Sigaw naming lahat pagkatapos namin siyang kantahan ng tatlong version ng happy birthday. English, Tagalog, at Korean. Gago, magchi-chinese version pa si Ning kung di pa pinigilan nila Ryu eh.


Bakas ang saya at tuwa sa mukha ni Yeji na may hawak na ng bouquet na hinipan yung candle sa ibabaw ng cake na hawak ni tita Lea. "Thank you so much, guys!"


Nag-cheer kami ng malakas at isa-isa yumakap sa kanya bago siya yakapin ng mahigpit at halikan sa noo nila tito at tita.


Nakangiting tumingin samin si tito. "Oh, magsikain na kayo. Si Ryujin kanina pa nakatingin dun sa shanghai eh."


"Pa naman, lagi mo nalang ako trip! Kay Yeji lang kaya ko nakatingin!" Nagulat naman si Ryu sa huling sinabi niya at namumulang tumingin sa baba.


Mainggit kayo mga baks, mama at papa na yung tawag ni Ryu kayla tita since two years ago.


"Really, sa harap ko pa talaga?" Deadpan na sabi ni tito Danny habang sila tita at Yeji natatawa lang.


"Tito, palayasin niyo na po yan dito!"


"Opo, tito! Sapat na po kaming walo, di na kailangan si Ryujin!"


Di kami mamura at mapakyu ni Ryu sa harap nila tito kaya niyakap niya nalang si tita Lea with matching puppy eyes. "Ma, tayong apat nalang po magcelebrate. Pauwiin niyo nalang sila."


Tinawanan lang siya nito. "Ewan ko ba sa mga trip niyong mga bata kayo. Karina and Giselle, don't be shy ah. Kuha lang kayo ng pagkain and feel at home lang."


"Yes po, tita. Thank you po!"


Pinagtulakan na kami nila tita para kumuha ng pagkain. Ang daming handa mga baks!  Hindi kasi nagsti-stick sa usual na handa si Yeji tuwing birthday niya para raw iba-iba naman. Bale halo-halo rin yung cuisine. Lumpiang shanghai lang talaga malakas kasi lagi 'tong present.


Mas prefer ni Yeji yung mga ganitong celebration na kami-kami lang compared sa magarbo pag may mga events keme ng company ng family niya. Buti nga raw supportive lang sila tito sa gusto niya at di siya pinipilit sa mga ayaw niyang gawin.


"Yuna, sabi kumuha ng pagkain pero walang sinabi na kunin mo lahat ng shanghai!"


"Luh, makalahat ka naman Chaer, ang dami pa nga oh!"


"Korean Fried Chicken 4 ways, aylabet!"


"Wow, may seafood paella rin!"


"Nagkaharap din tayo sushi platter!"


Di na napigilang matawa ni Yeji sa inaasta ng mga gung-gong. "Napaka niyo, kala mo mga di nagsikain kanina ah!"


"Ganon talaga Yej, pinaghandaan namin 'tong birthday mo!"


Umiling na lang ako sa pagiging patay gutom ng mga ungas at kumuha na rin ng pagkain. Syempre titikman ko lahat no kaya kumuha na ko ng dalawang plato kasi once in never enough! Bahala na kung makailang rounds mamaya.


Kumukuha ako ng paella nang may isang sandok din na nagclash sa hawak ko ring sandok. Wala sa wisyo akong napatingin sa kaliwa ko, fudge si Karina nanaman. Nakangiting nakatingin lang 'to sakin pagkatapos niyang sumandok.


Sa iyong ngiti, ako'y nahuhumaling. Kuha kana ulit, Winter. Sa pagkain ka muna magfocus.


Pinagtritripan niya nanaman ako! Nakasunod lang siya sakin tapos pag kukuha ako ng pagkain, kukuha rin siya dun sa kinuhaan ko. Pagtitigil ako sa pagkuha, titigil din siya. Pag lilingon ako sa kanya, nakangiti pa rin siya sakin. Crush naman eh! Bawal bang kumain muna tayo ng matiwasay? Huhu.


Natapos na rin sa wakas ang pagkuha ko ng foods at tumabi na agad kayla Ryu. Nasa bandang dulo ulit ako. Buti nalang si Karina pinatabi nila Lia sa kanila bandang left side sa tapat namin. Hayaan mo muna 'kong pasulyap-sulyap lang sayo crush. Masyado kang advance eh!


Naka malaking foldable Japanese table kami sa living room nila Yeji kasi dito yung pinakamalawak. Nakaupo kami sa lapag tapos may tig-iisang kaming chair cusion pads. Oh diba ang susyal!


Chaer   Ning    Lia    Karina   Giselle

                                                               Tito Danny

Winter Ryu Yeji Yujin Yuna Tita Lea


Kasama rin namin sila tito at tita na kumakain. Nakakatuwa nga sila kasi nakikisabay sila lagi sa kwentuhan at asaran. Sabi pa nga nila buti nalang daw may dalawa na kaming bagong kasama kasi nauumay na raw sila samin lalo na kay Ryujin na madalas pumupunta sa bahay nila. Asar talo talaga kahit kelan si insan kay tito eh.


Chinika rin nila sila Karina at Giselle. Nagulat sina Yeji at Ryu nang mabanggit ni Giselle na kakilala nila ate Irene sila tito at tita. Syempre matic nang kilala rin nila tito yung parents ni Giselle. Nakatrabaho na pala sila before sa iilang projects.


Inaasar naman nila tito ngayon yung tropa lalo na yung dalawang higante kasi nakakailan na sila ng balik sa kusina. Buti na lang daw di nila anak yung dalawa kasi tritriple yung mga gastusin sa pagkain for sure, lugi raw. Laughtrip talaga mga bardagulan eh.


"Ikaw ba Minjeong may girlfriend kana?"


Napatigil tuloy ako sa pagsubo ng lemon chicken. Tita, bakit naman ako napansin mo ngayon?


"Wala po, tita. Pero cute pa rin po ko." Sagot ko na naka peace sign.


Puro angal naman nakuha ko sa mga kampon ng dimunyu. Tinawanan lang ako nila tita at nagtanong kung bakit wala pa daw.


"Nako ma, alam niyo naman po yang si Jeong puro aral, tropa, video games, at Red Velvet. Dedma lang po yan sa lahat bukod samin kaya di niya napapansin yung nasa paligid niya."


"Eh ano namang papansinin ko sa paligid? Kayo lagi kasama ko edi malamang kayo papansinin ko." Takang tanong at sabi ko sa kanila.


Umiling si Chaer na kaharap ko. "Hay nako, napakadense talaga."


Sumunod naman si Lia. "Wala pa rin siyang kaalamalam sa mundong ibabaw."


"I think it's understandable naman since Minjeong is still practically a baby." Kibit-balikat ni Yeji.


Kung pag-usapan ako parang wala ko dito ah?!


Inalog ko yung balikat ni Ryu. "Ano ba kasi yun?"


Tinawanan lang ako ni Unggoy!


"Marami kasing nagkakagusto sayo since then. Kahit nga ngayong kakasimula palang ng college eh. Pag dumadaan tayo sa hallway o kaya pag kumakain sa cafeteria, maraming tumitingin sayo. Oh, ayan alam mo na ah!" Sabi ni Ning tapos inirapan ako.


"Paano niyo nasabi at nalaman? Kayo kaya yung maraming admirers dyan kahit nung highschool pa!"


"Oo nga, Win. Pero yung pagiging clueless mo kasi sa mga admirers mo yung point namin." Sabi ni Chaer.


"Oh my god. You're really dense talaga, Winter." Gulat na sabi ni JPN Gi at natawa. Confused lang akong tumingin sa kanya.


"Ganito kasi yan, erp. Highschool pa lang tayo, marami na rin nagkakacrush sayo. Kami pa nga ginagawang taga-abot ng pagkain. Nahihiya raw kasi sila sayo kasi lagi kang tahimik tapos ang cold pa raw ng tingin mo. Pag may lalapit naman, ang tipid mo lagi sumagot kaya di na natutuloy yung sasabihin nila sayo. Tsaka hinahatian mo pa nga kami ng mga pagkain eh, tapos pag sinasabi namin kung kanino galing tumatango ka lang tapos wala na. Puro tuloy kami palusot pag tinanong nila kami. Ang dami mo pang love letters na natanggap nun sa locker mo tapos tinatapon mo lang." Mahabang paliwanag ni Yujin.


"Oo erp, sinabi mo pa. May time pa na naubusan na kami ng idadahilan. Awit talaga dun sa love letters."


"Love letters? Wala naman akong natatanggap na ganun." Kunot noo kong sabi.


Umikot ng 360 degrees yung mata ni Yujin. "Anong wala eh kada magbubukas ka ng locker nun pinaplastik mo agad yung mga papel tapos tinatapon mo sa basurahan."


Bigla naman akong may naalala. "Hala, love letter ba yung mga yun? Akala ko may mga nantritrip lang na naglalagay ng kalat sa locker ko kaya hinahablot ko kagad para itapon kasi sabagal sa mga gamit ko."


Naiinis pa nga ko nun sa mga naglalagay. The revelations mga baks! Ngayon ko lang nalaman this!


Tinignan ako ng makahulugan ni Yujin. "Paano mo naman malalaman eh pagkabukas mo palang, di mo chinecheck. Pinaplastik mo na agad lahat tapos diretso tapon. Marami pa ngang umiyak nun kasi nakita nila one time yung pagtapon mo. Take note, hanggang senior high natin nangyari yan ah."


Napakamot nalang ako ng ulo sa nalaman. "Ganun ba yun? Hindi ko kasi talaga alam, promise."


Kumuha bigla ng isang california maki si Ning sa plato ko. "Oh, ngayon alam mo nang bruha ka." Napakaburaot talaga!


Kumanta si Yuna. 🎵 Batang-bata ka pa at marami ka pang kailangang malaman at intindihin sa mundo 🎵


Tangina mo talaga, Yuna! Tawanan na kagad sila ng malakas pagkarinig palang ng kanta. Eh malay ko ba kasi talaga diyaan!


"Oo nga kasi, Jeong. Real talk, yan ang totoo." Sabi ni Ryu nang makamove on sa pagtawa.


"Kawawa talaga yung karamihan sa nagkacrush kay Winter dati. Yung mga love letters nilang with feelings, napagkamalang kalat ng crush nila." Sabi ni Lia.


Puro naman 'Awts', 'Ang sakit bes', 'Aray ko siz' narinig ko tapos kung ano pang masabi nila.


"Sinabi mo pa, teh. My god, di ko alam kung matatawa ba ko o maaawa sa sitwasyon kasi napakadense nitong tropa natin." Pagsang-ayon ni Yeji.


"You're such a heartbreaker pala before Winter ah. I pity those girls tuloy. If I were them, I would definitely be hurt as well." Pang-aasar ni JPN Gi.


Grabe naman sila sakin eh di ko pa nga malalaman yan kung di nila sinabi ngayon. Inosente rin ako dito!


"Hindi naman intentional yung mga yun." Depensa ko.


Di makatarungan 'to mga baks! Hala si crush baka kung anong isipin! Kabado naman ako sumimple ng tingin sa kanya, nakangiti lang siya sakin. Phew, buti naman. Smile ka lang diyan crush ah.


Natawa ng malakas si Ryujin. "Kung iisipin, ang daming beses din pala nating nabusog sa mga pagkain galing sa mga nagkacrush kay Jeong nun. Foodtrip kung foodtrip. The best talaga yung dalawang box ng ferrero nung grade 11 eh."


Natawa rin lahat sa sinabi ni Ryu at puro hanash kung ano pa yung mga binigay sakin dati.


"Wow, I didn't know that question will disclose a lot of information." Sabi ni tita at nakangiting umiling.


Kulang na lang i-kwento na nila buong talambuhay ko eh!


Ngumiti sakin ng mapanloko si tito. "Matinik ka pala sa mga chix ah. Ang swerte ng magiging girlfriend mo. Kusang napapalayo mo yung mga babae kahit di ka aware."


Napaface-palm nalang ako sa hiya.


"Yan na ba yung tinatawag na Winter effect, tito?" Biglang sabi ni Yujin.


Ang lakas nanaman ng tawanan ng lahat lalo na yung mga kumag. Nakipag-apir pa si tito kay higante, hmph! 


Isasama ko nalang sa prayers ko mamaya kay Lord na patawarin ako sa pagiging halaman ko. Pero on the bright side, atleast wala akong hassle dati in that aspect kaya goods na rin. Kaso parang ang insensitive ko naman bigla pag ganun! Ano sa tingin niyo mga baks?


"Oh siya, iwan na namin kayo dito ng tito niyo. Mag te-ten o'clock na rin kasi. Magpapahinga na kami since may work pa bukas. It's so nice seeing you all again and nice to meet you two, Giselle at Karina. Enjoy lang kayo dito. Kuha lang ulit kayo sa food sa kusina if ever na magutom ulit kayo mamaya. Wag rin pala masyadong marami yung inom ah." 


Kanya-kanya kami ng thank you sa kanila at good night. Grabe, two hours na pala kaming nagkwekwentuhan, ang bilis lang! Niyakap kami isa-isa nila tita bago binati ulit ng happy birthday si Yeji at niyakap ng mahigpit.


"Yung mga iuuwi niyong pagkain nasa ref na. Tig-iisa kayong plastik,  yung mga handa dito meron lahat dun. Giselle and Karina, meron din kayo dun ah, pinaasikaso ko kayla manang kanina." Nakangiting sabi ni tita.


"Yes naman, ang lakas talaga namin sa inyo tita! Thank you po!"


Ganito talaga sa tropa pag magbibirthday isa samin. Magdadala ng plastik at tupperware? Nah. May nakaready na agad in advance para samin. Iuuwi nalang sa bahay! Syempre di naman ganito lagi, pag available lang.


Naglakad na sila paalis nang biglang tumigil si tito at lumingon samin. "Susuka pero di susuko."


Nakisakay kami at nagcheer sa sinabi ni tito. Dami ring alam na kalokohan nito eh. Binatukan siya ni tita at hinila na paalis. Nagligpit na kami ng mga pinagkainan namin tas tinulungan na sila manang na maghugas at ligpitin yung nakaset-up na japanese table sa sala. Feel at home lang kasi dati pa namin 'tong ginagawa. Tuwang-tuwa nga sila manang samin kasi parang kelan lang daw, grade 7 lang kami nung una nila kaming makita tapos college na kami ngayon.


----------


Kumakain kami ngayon ng dessert sa sala sa lapag parin. Bale nakapaikot kami na kala mo mago-open forum. Di naman kami worried sa ingay namin kasi nasa pinakadulo naman yung kwarto nila tito sa second floor. Nasa gitna na rin yung mga regalo namin kay Yeji.


"Magbukas kana diyan, teh. Kahit ano na unang makuha mo, gora na." Sabi ni Chaer na may hawak na donut.


Binaba muna ni Yeji yung plato niya at kumuha na ng isa. "Erp, pwede mo 'tong gamitin pag gusto mong sipain si Ryujin. Solid yun pag nangyari! Happy Kaarawan. From Yujin." Natatawang basa niya kalagitnaan.


Ekis talaga pagiging seryoso samin, shuta. LT nanaman kami. Inabot siya ni Ryu para hampasin tapos naghabulan pa saglit yung dalawa.


"Oh awat na kids. Yej, igalaw mo na ulit ang baso." Sabi ni Lia.


Pinunit na ni Yeji yung balot. Tuwang-tuwa siya nang makita yung box ng Under Armor at excited na binuksan. Grabetea, Under Armour Micro G Assert 6 Running Shoes! Sana all!


"Oh my god, thank you so much for this, Yujin! I can definitely use this for dancing." Sabi ni Yeji at niyakap si Yujin.


"You're welcome, erp!"


"Gandara ng running shoes, teh!"


"Taray ni higante, nagset agad ng standard para sa regalo!"


"Aba, di naman magpapahuli diyan yung regalo ko no!"


Kumuha ulit si Yeji ng panibago, yung pinakamalaki. "Happy Birthday, Yeji. MBTC. From Ning." Natawa ng malakas si Yeji. "Teh, ramdam na ramdam ko yung pagmamahal mo sakin sa message mo, nakakaoverwhelm!"


Puro pang-aasar at pang ba-bash ang natanggap ni Ning. "It's the thought that counts naman mga animal kayo!" Matinding depensa niya samin.


Nagliwanag ang mukha ni Yeji pagkabukas niya ng regalo. Puro snacks na karamihan di ako pamilyar pati mga foreign at branded na chocolates. Napakahilig kasi sa mga snacks at chocolates ni Yeji. Eh di ikaw na Ning!


Niyakap niya agad si Ning. "Di nga ko nagkamali, teh. Ramdam na ramdam ko talaga yung pagmamahal mo sakin, thank you!"


Naghairflip naman si shunga. "Ako lang 'to, siz. Marami rin akong di alam dyaan kaya marami kang bagong matitikman."


"Lakas talaga ni Ning, baka si Yi Zhuo yan!"


"Ning, dapat meron din kami niyan sa birthday namin ah!"


Nagpatuloy yung pagbukas ni Yeji ng regalo. Kwintas tatak Louis Vuitton yung regalo ni Lia, Blooming Supple Necklace daw tawag dun, malay ko ba. Two pairs ng hoodie yung kay Chaer, may design ng The Last of Us, FF XIII, Resident Evil, at NieR:Automata. Dalawang gift set naman ng Lush bath bombs yung kay Giselle. Yung kay Karina, gaming headset, Razer Blackshark V2 Pro! Hala, gusto ko rin nun!


Kamote, mukhang walang laban yung regalo ko compared sa kanila ah. Pero sabi nga ni Ning, it's the thought that counts naman.


Nakangiti lang kaming pinapanood siyang magbukas ng regalo. To be honest, Yeji is one of the sweetest at most caring sa tropa. Napagkakamalan lang siyang mataray ng iba minsan dahil sa pagkafierce ng mukha niya kahit natural naman yun.


Tsaka kahit naman mumurahin yung iregalo mo sa kanya, maaappreciate niya pa rin yun kahit tig-benteng panyo pa yan sa bayan basta sincere ka lang. Actually, kahit sino rin naman sa tropa appreciative kaso mas mababaon ka nga lang sa panggagago at asar at the same time.


Yung regalo nalang namin nila Ryu at Yuna yung di nabubuksan.


"Yej, ngayon palang sinasabi ko na kung di man 'to yung the best gift na matatanggap mo ngayon, magiging isa naman 'to sa pinakamemorable mong regalo, promise yan. From Yuna. Talaga ba, Yuna?"


"Daming alam, higante!


"Buksan mo na yan Yej nang magkaalaman na!"


Inalog muna 'to ni Yeji bago pinunit yung balot. Humagalpak lahat kami ng tawa nang makita namin yung regalo ni Yuna. Puro hampas natanggap ni Yuna sa mga malapit sa kanya. Tanginang higante 'to! Talagang sinagad to the next level yung 'It's the thought that counts.' Pitsel yung regalo! Nakalagay pa sa gitna ng plastic na transparent na box tapos nakabalot din yung pitsel! As in nakahulma yung hugis ng pitsel sa balot niya!


"Tangina mo, Yuna! Pitsel amputa!"


"This is so ing hilarious, oh my god!"


"Pakshet kang higante ka!"


"Yuna, magtago kana baka mapaslang ka namin ng wala sa oras!"


"Napakagago mo talaga, Yuna!"


Di na kami halos makahinga kakatawa, shet. Yung karamihan napahiga na sa lapag. Pinilit namang makarecover ni Yuna sa pagtawa. "Gago, wait lang kasi puta! Yej, buksan mo na yang kahon pati yung nakabalot sa loob. Real talk!"


Huminga ng malalim si Yeji para pigilan yung tawa. "Tangina mo, Yuna. Pag ako pinagtritripan mo nanaman." Sabi ni Yeji na di pa rin mapigilan yung tawa.


Pota, hinihingal tuloy kaming lahat dahil sa higanteng 'to! Binuksan ni Yeji yung box at tinanggal yung nakabalot sa pitsel. Kulay black tapos tinted yung pitsel.


"Infairness higante, maganda yung quality ng pitsel ah." Sabi ni Ryu na hinihingal na kakatawa.


"Oh, ano na Yuna?" Nag-aabang na tanong ni Yeji kay Yuna na natatawa pa rin.


Ngumiti ng malaki si higante. "Tanggalin mo yung takip."


Nagtataka naman siyang tinignan ni Yeji bago tinanggal yung takip. Gulat naman na tumingin si Yeji sa loob ng pitsel bago tumingin kay Yuna tapos tumingin ulit sa loob. Taka kaming nag-hihintay kung anong meron nang may inabot si Yeji sa loob ng pitsel. Maliit na itim na box pang jewelry.


Hinampas ni Lia si Yuna. "Sinasabi ko sayong higante ka, pag miniature yan ng pitsel, kakaltukan ka talaga namin ng malala!"


Natawa nanaman kami dahil sa sinabi ni Lia. Taena, kung ganun nga, lalakasan ko talaga yung kaltok ko diyan kay Yuna!


"Teka lang kasi, mag relax na kayo! Yej, buksan mo na!"


Binuksan na ni Yeji yung kahon at napangiti ng malaki. Napa 'ooohhh' naman kami sa nakita. Silver dragon bracelet siya at halatang mamahalin din. Ang ganda ng design! Di kami makapaniwalang nakatingin sa regalo at kay higante.


(Eto yung itsura kung curious kayo. https://the-dragon-shop.com/products/silver-chinese-dragon-bracelet)


"Ano? Elibs nanaman kayo sakin, no?" Proud at nakangising sabi ni Yuna at nagposing pa bago yakapin si Yeji. " Sabi ko sayo Yej eh."


", that was really a good one. Thank you so much, Yun! You're right, this is so memorable nga!"


"Ikaw ba talaga yan, Yuna?! Gago, ibang tao na ata kaharap natin mga erp!"


"Taba ng utak, paturo master!"


"Just wow. What the heck? I'll probably remember this for a lifetime!"


"Legendary kana, higante!


"Tangina mo parin Yuna, may paseremonya ka pa kanina pero sobrang witty nun teh!"


"Who you kayo sa sakin ngayon, tangina niyo ah." Umupo na ulit si Yuna at humarap samin. "Mga wala kasing tiwala eh, nanghuhusga kayo kagad!"


Binato siya ng maliit na gift wrapper na lukot si Ryu. "Gago, bat kasi sa pitsel mo nilagay?"


"Para unique naman yung presentation ng balot ng regalo. Think outside the box nga diba? Oh edi ngayon mind blown kayong mga hinayupak kayo."


Natawa nalang kami sa pinagsasabi ni Yuna. Big thumbs up talaga kay higante! Tae yan, parang pang isang buwan na yung katumbas ng tinawa namin.


"There's only two left nalang which are from Minjeong and Love fore sure. Love, ihuhuli ko na yung sayo ah." Tinignan niya kung nasan yung akin.


"Happy Birthday future cousin-in-law," namula si Yeji. Samu't-saring 'Yes naman' at 'Yun oh' ang madla. Kulang na lang mapunit na yung mukha ni Ryu sa laki ng ngiti eh. Sumenyas siya sakin na very good daw, "ang wish ko lang naman for you is to stay happy in life whether it's with us, your parents, at sa tabi ni Ryujin. Take care, always. From Minjeong. Aww, you're so sweet talaga, Win."


"Ang soft naman, uwu."


"Sweet talaga ni baby Minjeong!"


"Pati kami na-touch dun ah!"


"Langya ka, Jeong. Nung birthday ko minura mo muna 'ko bago mo iabot yung regalo!"


Binuksan niya na yung regalo ko. Bala ng PS4 regalo ko sa kanya, Death Stranding, tapos keychain na gunblade ni Lightning Farron from FFXIII kasi yun yung pinakafavorite niyang bida sa FF series.


"I've been wanting to buy this game for a while now. May kasamang gunblade keychain ni Lightning pa! Thank you so much, Win!"


Nilapitan ko siya at niyakap. "Wala yun, erp. Happy birthday ulit."


"And the last but certainly the least! Gift of the monkey, Ryujin Kim!"


Ayun, puro tawa nanaman kami taragis yan. Si Chaer kasi kala mo announcer ng NBA eh!


Pinakyu siya ni Ryu. "Pakyu ka, Chaer. Nakakailan kana sakin ah!"


Mas lumapit siya kay Yeji at tumingin dito na parang nahihiya pa. "Buksan mo na yung gift ko, Love. Wala nang message yan kasi nasabi ko na rin naman lahat sayo kanina."


Nakangiting pinisil ni Yeji yung kanang pisngi ni insan bago binuksan yung regalo niya.


Light Fury na plush toy na merong angkas na unggoy sa likod na nakasuot ng hoodie tapos nakasuot yung hood sa ulo pero nakalabas yung dalawang tenga nito. May maliit na itim na sling bag din yung unggoy sa likod niya, ang cute!


"What the ? This is so adorable!" Nanlaki yung mata ni Yeji sa tuwa at niyakap ng mahigpit yung plush toy. Yung tropa naging instant fans na agad nung regalo ni Ryu.


"Pinakacustomized mo, Love?" Gulat at touched na tanong ni Yeji.


Nahihiyang ngumiti si Ryujin na napahawak sa batok. "Oo, Love. Ako nag design at nagconceptualized tapos pinaubaya ko na sa powers ng plush toy makers. Nagustuhan mo ba?"


Baka pinsan ko yan! Sinamahan ko pa siyang magpaggawa niyan, wag kayo.


Binaba ni Yeji yung plush toy bago hilakan sa pisngi at niyakap ng mahigpit si Ryu. "Of ing course! I love it!"


Tilian in the house! Di naman ako naiingit mga baks, sakto lang. Char! Sobrang saya ko talaga na they have each other.


"Yieeeee!"


"Ryeji lang sakalam!"


"Hoy baka naman nandito pa kami!"


Nakangiting naghiwalay yung dalawa. "Kalma lang mga erp." Hinawakan ni Ryu yung kamay ni Yeji. "Love, buksan mo yung sling bag sa likuran nung unggoy tapos kunin mo yung laman."


"What the... there's still one more?" Agad namang ginawa ni Yeji yung sinabi ni Ryu. Ring box ng Pandora yung laman. Nateary-eyed na siya pagkakita niya sa sing-sing. Tumahimik kami ng tropa para ibigay yung moment na deserve nilang dalawa.


(https://m.pandora.net/en-ph/products/rings/silver/199400c01)


Kinuha ni Ryujin yung sing-sing at kabadong napalunok nang tumingin siya sa mga mata ng love niya. "Alam mo naman na never pa kitang nabigyan ng sing-sing kasi lagi 'kong iniisip dati na masyado pa tayong bata. Ayaw ko rin namang ma-pressure ka kung sakali."


Huminga ng malalim si Ryujin para pakalmahin yung sarili. "Alam mo na rin naman yung gusto kong sabihin diba, Love? Promise ring pa lang 'to ngayon at hopefully may sumunod pang mas better dito in the future. Happy birthday ulit, Love." Sinuot niya na yung sing-sing sa ring finger ni Yeji at nagsabi ng 'I love you' ng walang tunog. Naluluha siyang niyakap ni Yeji ng mahigpit.


"Kyaaahhh!" Ang lakas nanaman ng tilian namin sa kilig, shutakels! Hampas sa kasama, hampas sa lapag! Sige, pagbibigyan ko kayong mga humampas sakin ngayon.


"Tangina niyong dalawa, naiingit ako! Sana all!"


"K-Drama ano na? I only know Ryeji!"


"I'm so single. What the hell?!"


"Mama, yung kilig ko abot langit!"


"May nanalo na! Pa-melkti, borger, at prays na kayo riyan!"


"Lord, kelan naman po yung akin?! Baka naman?!"


Natatawa lang yung dalawa sa mga comment namin. Nagchant na sila Yuna ng 'Kiss' kaya nakisali na rin lahat.


Namumula kaming tinignan ni Yeji bago hinawakan yung magkabilang pisngi ni Ryu at hinalikan siya sa labi.


Umaalingawngaw na yung tilian namin sa sobrang lakas habang binabato yung dalawa ng tira-tirang mga punit na gift wrapper galing sa lapag. Tito, tita at mga manang, sorry po! Pulang-pulang napatakip ng mukha si Ryujin pagkatapos ng kiss nila. Nays wan, insan!


Lumapit si Yuna papunta sa dalawa at inakbayan sila.


"INUMAN NA, MADAPAKAS!"


----------


Hope all nalang talaga sa Ryeji.


Sana nagustuhan niyo this chapter! Sorry sa mga error at typos as usual. Comment lang pag may mga ebas.


Happy Sunday! Part 2 upcoming soon!

















 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
EZWin0805
Random times nalang yung UD para surprise HAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
hiver_pogi
#1
miss u
jamesaidenliu29 #2
Chapter 13: Authornim your story was so cute I love reading it I hope to see some updates when you can update will wait po ☺️
maxiclaine #3
Chapter 4: kayanin ang hamon ng buhay! HAHAHAHAHAHA
wenrene22
#4
author-nim, where na you? miss ko na itong story mo. pa-ramdam ka naman at umi-iyak na yung bading dito. 😭
TakuyaKen
#5
Chapter 11: Hanep yan hahaha sharky save you Winter
TakuyaKen
#6
Chapter 6: ahaha si Ryu pang proposal ang bday gift ah
TakuyaKen
#7
Chapter 3: speedy lng ni Rina haha
TakuyaKen
#8
Chapter 2: gago ka Ryu hahaha your cousin was embarassed 🤣🤣
ryujinie__
681 streak #9
Chapter 13: Ryeji 😍 Welcome back author, hope all is well! 💛
EzraSeige
#10
Chapter 12: Welcome back otornim sana ok kana po💚💚💚... stay safe and healthy po otornim. Salamat sa lapag lodi appreciate much 🙇🙆‍♂️🥰🥰🥰💙❄