Ikawalong Eight

Jumbo Hotdog, Kakayanin Ko

Winter's POV


Wah, ang sarap talaga mag-jogging.


Kinuha ko yung panyo sa bulsa ng shorts ko at pinunasan muna yung pawis sa noo at leeg ko. Vitamin D from the sun, check! Gora lang kahit mainit! Inubos ko na rin yung tubig sa maliit na water bottle na baon ko bago siya i-shoot sa basurahan sa gilid.


Nakakapagjogging lang ako sa umaga tuwing weekends kaya sinusulit ko talaga, nakaabot na nga ko ngayon sa kabilang barangay. Tinignan ko yung oras sa suot kong relo, 6:41am, halong isang oras na pala ako sa labas. Babalik na ko sa bahay kasi basang-basa na rin yung itim na t-shirt ko.

Dalawang kanto nalang layo ko samin nang makita ko sina ate Seulgi at ate Lisa na bumibili ng pandesal at monay sa bakery nila Mang Albert. Sakto, di pa nila ko nakikita at kumuha pa sila ng tig-isa sa supot. Oras na! Mas binilisan ko yung takbo ko at di na sila nakapag-react nung dinekwat ko ng sabay yung hawak nilang tinapay.


"Salamat sa appetizer mga ate!" Sigaw ko at binilisan lalo yung takbo. Puwersahang free appetizer muna tayo bago ang official na almusal! Kinagatan ko na yung monay, sarap.


"Hoy Minjeong, bumalik ka rito!"


"Isusumbong ka namin kay ate Taeyeon na inaapi mo kami!"


Rinig kong sigaw nilang dalawa. Alam kong maaabutan din agad ako ni ate Lisa kasi isa pa 'tong mahaba ang biyas kaya sinubo ko na parehas yung mga tinapay kahit magmukha akong puffer fish.


"Huling oras mo na, Min bading!"


Hineadlock ako ni ate Lisa pagkahuli niya sakin tapos kumombo si ate Seul ng kutos pati kurot sa lobong pisngi ko. Masakit! Parang kaming timang sa gilid ng daan na tawa nang tawa habang nagrarambulan. Wala raw silang pakialam kahit basa ako ng pawis kasi di pa naman daw sila naliligo. Nagkulitan muna kaming tatlo bago ko nagpaalam ulit na uuwi na.


"Ingat, Minjeong! Punta kami ni Lisa sa inyo sa susunod, dala kami ng pagkain!"


"Kitakits ulit, Min bading!"


"Salamat mga ate, punta lang kayo! Ingat rin!" Nakipag-apir muna ko sa kanila bago dumiretso na ng uwi.


Nakilala namin ni Ryu si ate Seul nung grade seven kami. One time kasi nung pauwi na si ate Taeyeon galing trabaho, nakita niya raw si ate Seul na natutulog sa isang sulok habang may yakap na backpack, halatang kakagaling lang sa iyak tapos may katabing maleta. Nag-alala si ate na baka may mangyari kay ate Seul kasi mag gagabi na rin nun kaya ginising niya 'to at ininsist talaga na sumama muna sa kanya at saamin muna tumuloy kahit todo tanggi pa 'to nung una dahil sa hiya. Buti na nga lang daw di ganun ka-noticeable yung gedli na yun kasi baka napano na si ate Seul kung di niya pa 'to nakita.


Nagulat pa si mama nun at tinalakan ng todo si ate kasi akala niya may ibang babae na agad si ate Taeyeon eh ilang buwan palang sila ni ate Tiff nun. LT nga eh. Back to the story. Naikwento samin ni ate Seul na napaalis daw kasi siya sa unit na inu-upahan niya kasi dalawang buwan na siyang di nakakapagbayad ng renta. College student lang siya nun, scholar at working pa. Nasaktuhan daw na maraming ginagawa sa school nila kaya doon halos napupunta yung kinikita niya.


Nung tinanong naman nila mama kung nasan ba yung mga magulang niya, nag-alangan muna siyang magsalita pero nagsabi rin naman. Ang sabi niya lang pinalayas daw siya kasi nalaman daw ng parents niya na nagshift siya ng course from Business Administration to Performing Arts kasi mahal niya talaga yung pagsasayaw at pinilit lang siya dun sa una niyang kurso. Cut off lahat ng suporta sa kanya as in lahat at sinabi pa sa kanya na 'tignan natin kung saan ka dadalhin niyang pangarap mo.' Sarap sabunutan ng mga taong ire, diba? Pigilan niyo ko, joke.


Hindi nalang kami nagtanong ulit kasi halatang sensitive yung topic para sa kanya. Di naman sa pag a-assume pero parang ganun na nga, malakas kutob ko na mayaman yung pamilya ni ate Seul. Half-Korean din kasi siya tapos mamaya chaebol pala siya, no? Char! Wala, hula ko lang. Naawa sila mama at ate kaya sinabi nila na dito muna siya tumuloy habang wala pa siyang nahahanap na bagong malilipatan. Naiyak siya nun kasi di niya raw expected na sa ibang tao pa siya makakatanggap ng tulong at suporta. Kaso alam niyo naman yung magaling kong pinsan, oluaris since birth, sinabihan ba naman si ate Seul na mukha raw siyang osong umiiyak.


'Ate, mukha po kayong osong umiiyak.'


Gago, napagalitan tuloy siya ni mama habang tawang-tawa kami ni ate Taeyeon. Iyak-tawa rin nun si ate Seul.


Mahigit isang buwan din siya samin nang sinabihan niya sila mama na nakahanap na siya ng lilipatan. Si ate Lisa kasi tropa niya pala at classmate, nalaman na samin siya tumutuloy nung biglaan siyang bumisita samin. Ilang taon namin naging kalaro ni RJ yang si ate Lis nung maliit kami, kasama namin siya gumala para makipaglaro ng pogs at text kaya matagal na namin siya kilala. Winarla niya muna si friend niya kasi di man lang daw nagsabi. Inofferan niya 'to na maging roomates sila tapos hati nalang sa renta para di mabigat sa bulsa. Ayun, naiyak ulit si ate Seul. Di siya umalis ng bahay ng walang sandamukal na pasasalamat samin lalo na kayla mama at ate. Babawi raw siya samin pag nakaluwag na siya tapos naiyak nanaman. Sa bawat pag-iyak ni ate Seul, parang gago pa rin si Ryu na sinasabihan siyang mukhang oso. Nalungkot din kami syempre kasi naging ka-close na namin siya. Nung pag-alis ni ate Seul, narealize ko rin nun na tama nga si Ryu. Mukhang talaga siyang oso.


Ngayon, may napatayo na silang dance studio ni ate Lisa. Dinadayo rin 'to no, wag kayo. Petmalu kasi yung dalawang may-ari eh. May youtube channel din sila, LXS yung name. Pa-LSS yung basa. Puro dance covers o kaya original choreos yung pinopost nila dito. 524k subscribers na, pak ganern! Nakasuot sila lagi ng mask na parang kay Kaneki ng Tokyo Ghoul pero pure black sa lahat ng vids nila para may pa-mysterious effect daw. Opkors, proud na proud kaming pamilyang Kim.


Kaloka yung lifestory ni ate Seul, diba parang K-drama lang? More prosperity pa sa dance studio at youtube channel nila ni ate Lis! Kayo namang angkan ng mga kangkong, nakayanan niya kahit wala kayo, hmph! Grabe na ata yung pagiging TMI ko mga baks, moving forward na.




Naabutan ko si Ryu na nagpapainit na ng kawali, iluluto na yung minarinate niyang tapa kanina. Minsan sumasama siya sakin mag-jogging pag di siya tinatanghali ng gising. Maaga naman nagising yung unggoy ngayon kaso nagpaiwan kasi magluluto pa raw siya ng breakfast kagaya ngayon. Pupunta kasi si Yeji mamaya, isa sa mga bonding ng maglove dati pa. Oo, masarap magluto si insan. Syempre, ako rin no! Bunga 'to ng mga pag e-eksperimento namin dati kasi di pa namin nun keri bumili ng fast food. Yung version ng shawarma namin dati, toasted na tasty bread tsaka giniling swak na. Nakasanayan na namin siya hanggang ngayon kaya kahit may kaya na yung pamilya namin, mas preferred pa rin namin magluto nalang kaysa bumili ng fast food.


Nakatalikod si Ryu sakin, mabigyan nga 'to ng isang malaking pawisan na yakap galing sa pinakamamahal niyang pinsan. Nakayla ate Tiff si ate Taeng tapos doon din siya matutulog tapos si mama bukas pa uwi kasi may pinuntahan sa Cavite para sa negosyo. Perfect!


Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. "Jin, nasa labas na si Yeji."


"Oh, nandito kana pala, Jeong. Wait puntahan ko lang si-"


Niyakap ko siya ng mahigpit pagharap niya sakin, yung with feelings para damang-dama kasi nakasleeveless shirt lang siya.


Malademonyo akong ngumiti sa kanya. "Labyu, insan." Feel the sweat, tukmol!


Agad siyang nagpumiglas sakin kaso hirap pa siya makawala. Paid off yung mga extra time sa gym. Ha! "Tangina mo, Jeong! Hindi na kita lab! Basang-basa ka ng pawis, yak!"


"Eh ako lab pa kita eh." Oo, lab na lab with revenge!


"Hindi pagmamahal 'to, Jeong! Pagiging animal 'to kasi hayop kang taglamig ka! Paano mo 'to nagawa sakin?!" Nag Star Cinema nanaman si tukmol. Gawain niya 'to lagi.


Nakawala na siya nung nagpumiglas siya ulit. Nagtatawanang naghahabulan at nagmumurahan kami nang mapatigil bigla si Ryu sa pagtakbo niya at tarantang nagsalita. "Si Love ko pala nasa labas na! Hala gago di pa ko nakakaligo tapos binalot mo pa ko ng pawis mo Jeong walang hiya ka-"


Natatawa at mahinang sinuntok ko siya sa braso kasi nagpapanic na si tukmol. "Bobo, wala pa! Joke lang yung kanina, magluto kana diyan."


"Tangina mo talaga, Jeong! Sumbong kita sa crush mo!"


"Sumbong din kita sa Love mo!" Kala mo ikaw lang ah!


Tumakbo na agad ko paakyat papuntang banyo para di na siya makapalag. Dumiretso ko agad sa baba pagkaligo ko. Sinigurado ko na cute at pogi pa rin akong tignan kahit nakapangbahay lang. Salamat white t-shirt at gray Sadida sweatpants! Pupunta rin kasi sila Karina dito mamaya after lunch, hehe. Sabay-sabay sila ng mga gung-gong.


Sa Monday na kasi yung start ng Midterms namin tapos Sabado na ngayon. Parang ang bilis nga lang ng mga pangyayari eh. Confident na rin naman kami kasi nagstart na kami magreview since two weeks ago pa, group study ganern. Yung legit na group study ah, yung di napupunta sa daldalan o gimik. Ayan, yung mga guilty diyan! Char!


Last day na ng review namin ngayon tapos pahinga na lang bukas. Ang lagi naming concept sa group study simula pa nung highschool ay nomads. Di niyo gets? I'll paliwanag mga baks. Wala kaming iisang venue na pagrereviewhan, laging nakapaikot mainly sa mga bahay namin. Like in two days, sa bahay kami ni Ning tapos kinabukasan kayla Lia naman, ganern. The next days two days, sa sarili naming bahay lang. Kumbaga cycle siya.


Si Ryu nakaisip nito dati nung topic namin yung nomads sa Araling Panlipunan nung highschool. Atleast daw di kami mababagot magreview mag-isa sa bahay, world tour pa ang peg namin. Ayun, naging tradisyon na namin throughout the years. Tapos ngayon nadagdagan na kami, gora lang sina JPN Gi at Karina sa nomads theme namin. Kakaiba raw talaga mga trip namin.


Hinayaan nalang kami ng aming dearest parents sa pa-nomads namin na di naman daw nila maintindihan basta matataas grades namin. Tuwang-tuwa pa sila nung makitang may dalawa kaming bagong kasama kasi nakakasawa na raw yung mga mukha namin. Sa bahay namin ni Ryu ngayon yung last destination. Mag o-overnight daw sila rito at wag na kaming pumalag kasi nagpaalam na sila kay ate Taeyeon at mama through chat. Ay wow, chatmates sila nila mama at ate.


Buti nalang pinayagan si Karina kahit di na namin ipaalam kasi natatakot talaga ko kay ate Irene! Nung birthday pa ni Yeji yung huli naming pagkikita at usap pero tagos parin sa kaluluwa ko yung tingin niya!


So, ayun nga. Kaya dapat maayos tayong tignan sa paningin ni crush mamaya!


Nakaluto na si Ryu ng tapa at sinangag. Hinahalo niya ngayon yung itlog pang scramble eggs. Tinapik ko siya sa balikat. "Ako na diyan, Jin. Maligo kana dun, baka dumating na rin kasi si Yeji."


Nakakunot noo na tinignan niya ko. Nakapout pa nga. "Eh! Di pa rin tayo bati!"


Natawa ko sa kanya tapos natawa rin siya sakin. And we laughed happily, mga payb seconds. "Tangina ka, maligo ka na dun!" Pangtataboy ko sa kanya.


"Parang kasing gago. Oo na, salamat Jeong!" Tumakbo na siya pataas ng hagdan.


Tinuloy ko na yung pagluluto ng scramble eggs. Sakto lang yung dating ni Yeji pagkababa ni Ryu. Nakapaghain na ko at nakahiwa na rin ng kamatis at pipino. Gulay is life and life is gulay. Nagpicture muna kaming tatlo kasama ng food tapos pina-myday pa sakin ng maglove para mainggit daw yung iba.


Tiis-cute lang tayo sa hapagkainan dahil sa kasweetan ng unggoy at puting dragon in front of my tapsilog.


"Kamusta naman kayo ni crush mo, Win?" Tanong ni Yeji habang sinusubuan ng pipino si Ryu.


Napatingin ako sa kanya na magkasalubong yung kilay at punong-puno yung bibig ng tapsi. Tinawanan tuloy ng dalawa yung itsura ko!


Pinakyu ko muna sila kasi di pa ko makapagsalita. Binilisan ko nalang yung pagmuya at paglunok ko. "Okay lang." Tipid kong sagot habang pinipigilang ngumiti. Di po ako kinikilig.


Umangal kagad yung dalawa. "Weh, share-share rin ng info diyan Jeong baka naman, kasama na nga namin ni Love kumain yung main source tapos pagkakaitan pa kami."


"Akala ko ba pamilya tayo dito, Win?"


"Kaya nga no, Love?"


Ay, wow ah. Di na nagtangkang magmarites yung dalawa, insider agad ang peg. "Eh ano bang gusto niyong sabihin ko?" Pilitin niyo muna ko.


"Define 'okay lang'," Nagsign si Yeji ng quotation marks, "as lengthy sa possible, please."


"Uhm..." Napakamot ako ng kilay. Nahiya man is me mga baks!


Oo, alam na ng mga gung-gong, lahat sila. Una kong sinabi kay Ryu after nung birthday ni Yeji edi sinabi niya rin kay love niya. Tapos 'tong si Yeji nauna na palang sabihin yung nawitness niyang kabadingan ko nung birthday niya! Edi expected nang puro asar yung natanggap ko.


Grabe talaga yung naspent na energy ko para pagsabihan sila na wag akong aasarin sa ganun pag nandyan si Karina. Alam niyo namang napakapilya nun tapos mamaya pala mailang siya bigla. First real crush ko pa naman siya kasi di naman counted yung Red Velvet eh. Di rin naman kasi kami kagaya nina Ning at Yujin na mutual na more than crush na yung level pero wala pa rin nangyayaring aminan. Ewan ko ba.


Di ko pala sinabi yung pinakafirst meeting namin ni Karina. Sinabihan ko rin kay Ryu na wag na sabihin. Sakin nalang yung first meeting namin ni crush at malalang awakening ng kabaklaan ko in real life that time, hehe.


Tsaka speaking of Karina... May chika pala ko sa inyo. Aaack!


Hayaan niyo muna yung maglove diyan.


Flashback (The day after birthday ni Yeji - Balcony)


Bakit parang may mabigat sa balikat ko? Nakaupo pa ata 'kong nakatulog ah.


Sinubukan kong tumayo kaso may pumipigil sa bewang ko. Dalawang braso ba 'to? Tsaka bakit parte ng leeg ko lang yung nahahanginan? Pati ba naman yung hangin endangered na? Ang hina kasi parang hininga ng tao-


Agad ako napamulat nang nag memories bring back, memories bring back you ako. Nakatulog pala kami ni Karina! Paano ako makakaalis nito eh ang higpit ng yakap niya tapos nakabaon pa yung mukha sa bandang leeg ko!


Kelan pa ko umakbay sa kanya?!


Agad ko pinatong yung braso ko sa bandang ulo ng sofa. Wala po akong ginagawang masama! No coffee needed para sa umagang palpitations natin for today's video.


Nagsisimula na rin sumikat yung araw. Maingat kong inabot yung phone ko sa mesa kasi baka magising siya. 5:47am na pala. Mamaya pa magigisi,ng yung mga gung-gong kaya pwede pa ulit matulog. Kaso paano naman ako makakatulog ulit?! Ang bango niya-


Stop na, Minjeong. Gisingin mo na yung katabi mo.


Huminga ako at malalim at tumikhim. Marahan kong inalog yung balikat niya. "Karina, gising na. Lipat na tayo dun sa loob." 


"Karina..."


"Karina, gising na. Dun na tayo sa loob para makatulog ka na ng maayos."


Gumalaw siya ng konti, nagising na ata. "Hmmm." Walang buhay na sagot niya. Nakatulog pa ata ulit.


Mas lalong nanigas yung katawan ko nang mas lalong humigpit yung yakap niya sakin. Aaack! Crush, yung totoo?! May superpowers ka ba ni The Hulk?! Wala na bang mas ihihigpit yan? Char! Feel ko na rin yung pagkapula ng mukha ko.



Nilagyan ko ng slight na pwersa yung pag-alog ko sa balikat niya. "Karina... Gising kana muna diyan." 


"Hmmm." Lumayo siya ng kaunti kaya nakita ko na yung mukha niya.


Ang cuuute! Parang siyang nawawalang batang inaabsorb yung mga bagay sa paligid niya. Antok pa yarn?


Pasimple sana akong aalis sa yakap niya kahit labag sa loob ko- Ay ano pala sige lang. Failed ang mission kasi yumakap nanaman siya lalo sakin! Nakakadami kana crush ah!


"Uhm.. Karina, tara na dun sa loob para makatulog kana ng maayos sa higaan."


"Carry me." Mahina at medyo paos niyang sabi.


Ha?


Hana Yori Dango?


"Tara na, tumayo na tayo para mas magising ka." Sinubukan ko ulit umalis sa pagkakayakap niya kaso talaga magpatinag. Crush naman iiih!


"Carry me, please." Ulit niya.


"Karina..." Tumingin siya sakin ng nakapout at halatang antok na antok pa.


Nope. Hindi. Andwae. At dahil mahina tayo pagdating kay crush, edi fake news din tayo sa huli.


Napabuntong hininga nalang ako at dahan-dahan siyang binuhat ng pa-bride style. Tahimik kaming pumasok sa loob kasi mahirap na pag may nagising kaming kampon ng mga alien. Maingat ko siyang binaba sa pwesto nila ni JPN Gi sa nakalatag na kutson sa lapag.


"Uhm... Karina, pwede ka nang bumitaw." Nahihiyang sabi ko pero nagpapanic sa kaloob-looban. Ang lapit kasi ng mukha namin, MIP section sa kagandahan ni crush!


Lord, sobra-sobra na po yung blessings niyo sakin ngayong araw! Pwede na pong mag-stop muna!


Di siya nagsalita after a while at nakatingin lang sakin. Kinikilig na naco-conscious ako!

"May kailangan ka pa ba?" Napiyok na si ako!


"Squish, squish." Biglang pagpisil niya sa pisngi ko with inaantok na eye smile.Taranta kong tumingin kay JPN Gi. Jusko, buti nalang di siya nagising!


Si heart lagi nalang nao-over na page-exercise these days dahil sayo!


"Oo na, sige na squish-squish na. Matulog kana dyan." Medyo nagmamadali kong sabi. Tuluyan ko nang inalis yung pagkapulupot ng braso niya sakin at inayos yung pagkakapatong ng comforter sa kaniya.


Bumalik na ko sa pwesto ko sa kama ni Yeji. Kaming dalawa ni Ryu sa gitna habang nasa dalawang gilid si Yeji at Ning. Inayos ko muna yung pwesto ni Ning kasi mahuhulog na siya sa kama bago tumabi kay Ryu na nakaback hug sa love niya.


Omg, omg, omg, omg, omg. Tala nangyari those happenings kanina?


Bago pa ko makapag-decide, narinig kong mahinang nagnotif yung phone ko sa bandang ulohan ko.


Bayern, panira ng moment! Medyo iritable kong kinuha yung phone ko para malaman kung sinong hayop- Ay si Karina pala 'to. Hayop sa galing sa pagsayaw at volleyball yung nagtext sakin, hehe. Di pa pala siya tulog.


New Message 6:19am


Karina Yu: Miss Stranger Goddess 💞

I think I haven't been able to say thank you to you yet. So thank you, Winter. I won't elaborate it na kasi you know it naman. Dream of me and good morning btw.


Extra good for me since I saw you first thing in the morning ;) Sleep well!


P.S. You really look like a maltese and I still want to pinch those fluffy cheeks of yours! 😜


Asdfghjkl.



Winter: You're welcome. Pahinga kana dyan at sleep well din 😇


You sent a message 6:21am


Lalala lalala lalalala (HAPPINESS!)


Di na ko nakatulog nun. Tsaka nag-reply na rin ako sa kanya that day.


Aaack!


"Nabaliw na ata kakaisip kay Karina, Love. Kanina pa siya ngumingiti mag-isa."


"Kaya nga Love eh, naubos na natin yung pagkain pati yung kanya, di pa rin tayo pinapansin. Hoy, Jeong!"


Bumalik ako sa wisyo sa batok ni Ryu. Aba't- tinignan ko siya ng masama at tinawanan lang ako ng dalawa.


"Based on your smile, mukhang okay nga. Okay na okay. Next time nalang ulit kami magtatanong ni Love." Mapang-asar na sabi ni Yeji habang nililigpit na yung kinainan nila.


Hala, tapos na silang kumain?!


"Oo, tapos na kami kumain. Ayan kasi daydream pa more. Minjeong Kim, natagpuang bading nanaman kay Karina!" Nakangising sabi ni Ryu. Nagtaas baba pa ng kilay niya.


"Lul, Unggoy!" Hahabol sana ko ng hampas kaso nagvibrate yung phone ko sa bulsa ko. Yung mga gung-gong ata 'to nagreply sa story ko sa Messenger.


8:23am


Karina Yu replied to your story


Crush kooo! Matic na napangiti ulit ako at agad na in-open yung message niya.


Karina: Nooo I also want ng tapsi ☹


Winter: Paluto ka rin dyan sa inyo 😇


Karina: Eeeeh, I want the one na you will cook 🥺


Ako lang 'to, Karina. Hehe.


Nagdadala kasi kami ng extrang food lagi ni Ryu pag nagbabaon kami ng lunch namin dati pa. Tuwang-tuwa ako kasi sarap na sarap sila ni JPN Gi lalo na siya mga luto ko nun na Bicol Express at Chicken Adobo.


Tapos kahapon sa dorm kami nila nagreview. Kami ni Ryu at Yujin yung nagluto pero siya yung nakaubos ng niluto ko, Aaack! Dili nalang ako magtalk.


"Tignan mo, Love. Di nanaman tayo pinansin. Ka-chat pa ata si Karina." Rinig kong sabi ni Ryu.


"Just let her be muna, Love. Mamaya na natin siya gisahin pagka-hugas natin dito."


Di ko nalang pinansin yung dalawang insider at patuloy na nakipagchat. Slight ko siyang inasar.


Winter: May bayad na yun pag ganun


Karina: So unfaaaaaair


Ay hala ka bading bigla siyang nagrequest ng video call! Aksidente ko 'siyang nasagot dahil sa panic ko! Bumungad sakin ang nakahiga at napakaganda niyang just woke up look habang nakakunot noo at nakapout na nakatingin sakin.


Yes po, simp lang tayo dito mga baks. Napakaganda talaga ng anak mo, Lord! Ang sarap mabuhay!


"You're really going to make me pay, Winter?"


Gulat na gulat na napatingin sakin ang maglove nung narinig nila yung boses ni Karina.


Shet, nandito nga pala sila! Huli ka, balbon!


Mas mabilis pa kay Usain Bolt kong mi-nute si Karina at in-off muna yung cam ko bago tumakbo pataas.


"Hoy gaga ka, Jeong! Kelan pa kayo nagvi-video call ni Karina?! Baklang 'to, di man lang nagsasabi! Landi well, insan! Matutuwa si ate Taeng nito!"


"Kaya pala you don't want to talk kanina Winter ah! Landi well din! Later nalang yung details!"


Sorry guys, mamaya na ko mage-explain sa inyo! Si Karina muna aasikasuhin ko. Nilock ko yung pinto ng kwarto bago umupo sa kama at sumandal sa mga unan. Inun-mute ko na siya at in-on na yung cam ko.


"-inteeer! Why aren't you responding? Hellooo."


Hangkyuuut mo talaga, crush! Sarap mong ibulsa!


Kunwari calm lang ako. "Sorry, nagloko kasi yung net namin. Nag-iinarte nanaman si Converge." Sorry, Converge! Bawi ako sa next life.


"Oh, kaya pala." Buti tinanggap niya yung palusot ko!


Umayos siya ng puwesto at ginaya yung puwesto kong nakasandal din sa mga unan. Suot niya ulit yung itim na pantulog niyang may design na maliliit na crescent moons.


"Save some tapsi for me, please? I'll eat it later pagpunta namin diyan." Nakapout ulit na sabi niya.


Hindi pwede crush kasi luto yun ni Ryu, dapat luto ko! Tsaka ubos na rin kasi talaga yung pagkain. Inubos pala ng maglove yung pagkain ko!


Nagdecide akong asarin ulit siya. "Wala na, ubos na namin yung pagkain. Better luck next time."


"You're mean!"


Tinawanan ko siya. Di bale crush, pagpunta mo dito mamaya ipagluluto kita!


Pabiro niya kong inirapan. "Tawa ka diyan. Lutuan mo ko later, please? I'll buy the ingredients and help you prep. I'll backhug you rin later while you're cooking if you want." Nakangisi at malokong sabi niya sa huli.


Eto nanaman yung kaharutan niya!


"Who are you going to hug?" Putcha, boses yun ni ate Irene! Red alert, red alert! Sana di niya narinig yung buong sentence na yun! Di ko pinahalata yung kaba ko at nagstay put lang. Nakita kong nagliwanag yung mukha niya sa screen.


"언니 집에 왔어! 서언니 어딨어?" (Ate, nakauwi kana! Nasan si ate Seo?)


Binaba niya muna yung phone para siguro yakapin si ate Irene. Ti-nake ko yung chance na 'to para piliting kumalma. Nag-usap sila saglit in Korean na di ko maintindihan. Basta ang alam ko masaya si Karina na makita yung ate niya. Umalis pala si ate Irene?


Bumalik na si Karina sa screen.


"Who are you talking to, Rina?" Wala ate Irene, si Patricia kausap niya!


"Oh it's Winter, ate. Say hello to my ate Irene, Winter." Tinapat niya pa yung phone niya na parang wala lang sa katabi na niyang si ate Irene na nakapoker face lang na nakatingin sakin.


Pinagpapawisan na ng konti yung noo ko, myghad!


"H-hello po, ate Irene." Alam kong parang akong natatae ngayon.


"Oh, it's you again. You're the one she's going to hug?" Taas na kilay na tanong niya sakin. Kalmado siya pero ramdam ko yung warning!


Wala akong kinalaman diyan ate Irene, huhu. Tanungin mo yung magaling at maganda mong dongsaeng!


Natatawang niyakap ni Karina yung ate niya. "No, ate. I'm talking about Winter's cute stuffed shark toy, Sharkie. You know how much I love sharks!"


Agad ko namang inabot si Sharkie na nakwento ko rin sa kanya one time at pinakita sa kanila para sundan yung believable na excuse ni crush. So hindi pala narinig ni ate Irene yung buong sinabi ng kapatid niya? Phew!


Di nagsalita for a while si ate Irene at tinitigan lang ako. Inosente po ako, ate Irene! Tama na po yung nakakatakot niyong tingin!


"Hmmm. I'm going to rest muna, Rina. Just come to my room if you need something. And you,..."


Ma'am, yes Ma'am?!


"...you better take care of her and wag na kayong lumabas mamaya ng mga friends niyo. Just stay inside the house."


Ma'am, yes Ma'am!


Tumikhim muna ako bago magsalita. "Opo, ate Irene."


Hinalikan niya yung noo ni Karina bago umalis. Nakahinga na rin ako sa wakas ng maluwag. Waaah, katakot talagaaa! Pero kakayanin para kay crush!


"I'll end this call na rin, Winter. Gusto ko munang tabihan si ate sa pagtulog niya. So I'll see you later? And the tapsi?"


Aww, sabik na sabik siya sa ate niya. Parang siyang baby! Natawa ko sa sinabi niya sa dulo kasi push na push talaga yung tapsi agenda niya.


"Sige lang, see you later din. Lutuin natin yung tapsi mo mamaya."


"Yes! I'll look forward to it! Bye, Winter!" Binaba niya na yung tawag.


Ako, parang tangang nakangiti ulit.



So... Hehe.


That's that, baklang pipol! Sabihin nalang natin na naging close na kami pagkatapos nung birthday ni Yeji...


Bigla akong nakarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto.


"Hoy Jeong, ano na?! Kanina pa kami naghihintay ng good news dito ni Love sa newly unlocked skill mo sa kalandian!"


----------


Pahabol kasi mag fi-finals na kami next week. Sorry sa errors at typos as usual and feel free to comment! Happy reading and see you ulit sa next chap!


 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
EZWin0805
Random times nalang yung UD para surprise HAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
hiver_pogi
#1
miss u
jamesaidenliu29 #2
Chapter 13: Authornim your story was so cute I love reading it I hope to see some updates when you can update will wait po ☺️
maxiclaine #3
Chapter 4: kayanin ang hamon ng buhay! HAHAHAHAHAHA
wenrene22
#4
author-nim, where na you? miss ko na itong story mo. pa-ramdam ka naman at umi-iyak na yung bading dito. 😭
TakuyaKen
#5
Chapter 11: Hanep yan hahaha sharky save you Winter
TakuyaKen
#6
Chapter 6: ahaha si Ryu pang proposal ang bday gift ah
TakuyaKen
#7
Chapter 3: speedy lng ni Rina haha
TakuyaKen
#8
Chapter 2: gago ka Ryu hahaha your cousin was embarassed 🤣🤣
ryujinie__
689 streak #9
Chapter 13: Ryeji 😍 Welcome back author, hope all is well! 💛
EzraSeige
#10
Chapter 12: Welcome back otornim sana ok kana po💚💚💚... stay safe and healthy po otornim. Salamat sa lapag lodi appreciate much 🙇🙆‍♂️🥰🥰🥰💙❄