Ikalimang Fifth

Jumbo Hotdog, Kakayanin Ko

Assume niyo na nalang na korean names ng Red Velvet yung stage names nila dito sa story bukod kay Seul at Hyun, Angela Kang yung nasa Red Velvet. Tapos Seulgi parin siya sa story na 'to. Si madam, Irene padin. Yung kay Yeri, Yeri rin siya dito. Sa Red Velvet Yerim yung pangalan ng maknae.


Magulo ba? Naguluhan din ako eh HAHAHAHA


JPN Gi - Japanji

Happy Reading!


----------


Winter's POV


Biyernes na agad sa isang iglap para sa iba, pero hindi para sakin! Di ako makapagdecide kung saya ba o frustration yung mararamdaman ko nitong mga nakaraang araw pati ngayon. Or both... Bakit? Si Karina kasi! Oo yung crush ko, obvious naman eh. Simula pa nung Monday, nakatarget locked na ko sa kanya eh hindi naman ako lumpiang shanghai!


Lagi nalang siya nakakahanap ng chance para humarot! Parang nakasuporta pa ata si destiny sa kaharutan niya! Speeding up pa nga.


Daig niya pa yung mga magnanakaw sa Ocean's 8 kasi lagi niya pang nasasaktuhan na di nakatingin yung tropa pag may ginagawa siyang magic! Kulang nalang i-form ko na ng circle yung mga albums ko ng Red Velvet sa kwarto at magdasal para humingi ng guidance lalo na kay Seungwan, the flirty and greasy expert para naman may laban din ako kay Karina. Kaso wala talaga, bokya!


Eto ba yung sinasabi nilang "feels like heaven, feels like hell?" Char.


Anong mga ginawa niya? Uhm...



Tuesday (Uwian)


Sabay-sabay kami ngayong naglalakad palabas ng AEU kasama sina Giselle at Karina. Nagscro-scroll down lang ako sa phone ko ngayon sa mga bagong ganap sa Red Velvet kasi alam niyo na diba ano.. yung nangyari kanina sa cafeteria... Yung indire- Basta alam niyo na yun!


"Guys, Rina and I are heading home na since may gagawin pa kami. Thank you again Yeji for the invitation. See you all tomorrow, take care!"


Kanya-kanyang ba-bye naman ang tropa kay Giselle tapos may pabeso pa, taray. Nakangiting kinawayan ako ni Giselle at akmang itataas ko sana yung kamay ko para kumaway pabalik nang biglang may humawak sa balikat ko.


"Bye, Winter."


Nabitin yung process of waving ko, mga baks! Mukha tuloy akong nagpapanatang makabayan ngayon kasi nanigas buong katawan ko! Ikaw ba naman bulungan ng pagkalapit-lapit tapos ang lalim pa ng boses... Aaack!


Ang bilis ng naganap kaya di ako nakapagreact kagad. Sino gumawa? Edi si Miss Stranger Goddess ko- Ay si Karina pala! Di ko naman kasi alam na nasa likod ko pala siya. Nagb-bye na rin siya sa tropa pero di na siya tumingin sakin at nauna nang maglakad kasama si Giselle. Kala mo walang ginawa eh!



Ni di ko man lang nakita yung reaksyon ni JPN Gi kung nakita niya ba yung ginawa ng magaling niyang BFF o hindi. Sana naman hindi!


Napunta ulit ako sa wisyo nang may umapir sakin bigla. Shuta naman, masakit! Hindi bola ng volleyball yung kamay ko!


"Ano bang ginagawa mo sa buhay, Jeong? Di ka makabayan, tigilan mo na ang pagsha-shabu! Umuwi na tayo nang makatulog ka na."Β  Sabi ni Ryu habang hila-hila ako papunta sa sakayan ng jeep.




New Message 11:13pm

Karina Yu: Miss Stranger Goddess πŸ’ž

Aw, seen lang? :( lol that's fine hahaha. We have a lot of time naman hihi. Thank you for the vitamilk earlier pala, it was extra delish :* Probably because of the added flavor, if you know what I mean ;)



Lord, pwede po bang mag stay-in muna ko diyan sa inyo kahit mga 2 hours lang?


----------


Wednesday


Bumibili ako sa cafeteria ngayon kasi nakisuyo sakin si Lia na pakibili raw siya ng snacks habang wala pa yung prof nila. Baka kasi dumating daw bigla yung prof nila tapos nasa labas parin siya pag nagkataon. Nagutom kasi bigla si bakla, malay ko ba sa kanya. Pasimple nalang daw siyang kakain sa likod since na-master niya na rin naman yun since highschool. Vacant ko naman ngayon at kanina pa ko nakatambay sa cafeteria kaya alaws problema sakin. Di ko kasama si Yuna kasi natutulog siya ngayon sa library. Nag-marathon kasi ng K-Drama si higante kagabi.


Pagkabili ko, agad na 'kong dumiretso sa room nila Lia para iabot yung donation. Char. Yung pinabili pala niya. Tatlong maliit na plastikΒ yung hawak ko tapos puno ng foods. Damihan ko raw eh. Lamon kung lamon si Julianna. Chi-nat ko siya at sinabing nandito na ko sa labas. Bumukas yung pinto ng room nila at lumabas na si Lia. Nagliwanag yung mukha niya nang makita yung mga dala ko.


Kinuha niya muna yung isang plastik sakin. "Thank you so much talaga, Win. You're the best. Eto yung bayad sa snacks. You can keep the change."


"Hindi na, erp. Oks na yan. Pasok ka na dun." Pagtanggi ko sa kanya.


Yes, deserve mo yan girl dahil good samaritan ka!


"Oh, it's free na? Thank you so much, Winter!" Sabi ni Giselle na lumabas din ng room at inabot agad yung isa kong hawak. Whut?


"Really? It's free na?"


Nagulat ulit ako kasi lumabas din si Karina. Automatic na napatingin ako sa mata niya pero di naman nagtagal yun kasi mas di ko na keri dahil sa ginawa niya kahapon. Gumalaw nalang ng kusa yung kamay ko para iabot yung last. Save the best for last, ika nga nila, hehe.


"Thank you for the treat, Winter." Nakangiting sabi ni Karina at kukunin na rin yung hawak ko. Kaso yung kamay ko naman yung nakuha niya! Omay siomai. Poker face lang, Minjeong. Wag magpapadala sa kilig at lambot ng kamay niya. Pero yung ngiti niya talaga yun eh, hehe.


Mabilis niya rin inalis at kinuha na yung dala ko. Ay, bitin.


"Oops, sorry. Thank you again." Inosente niyang sabi pero kita ko pa rin yung maliit na ngisi sa labi niya.


Don't me, Karina! Pero di naman ako aangal kung tatagalan mo pa yung hawak next time. Char!


"Wala yun, you're welcome." Nararamdaman ko na yung pagtataas ng dugo sa mukha ko kaya nagpaalam na si ako. "Sige na, pasok na kayo. See you all mamaya ulit."


Nagpasalamat ulit sila at pumasok na ng room. Hindi ko alam kung namalik mata ba ko o ano kasi parang nagpipigil ata ng tawa si Lia at Giselle ngayon lang. Di ko nalang pinansin at naglakad na pabalik.


Napatigil ako sa kalagitnaan ng paglalakad nang may narealize ako. "Nabudol pa ata ako ah."



New Message 10:47pm

Karina Yu: Miss Stranger Goddess πŸ’ž

Thank you again for the treat kanina :))) I think I love snacks even more na... Basta galing sayo 😝 Good night, Winter :*



Leader Bae at main dancer Kang, pakisundo naman po ako dito. Sama ako diyan sa Jeju.


----------


Thursday


Nakatambay kami ngayon sa lobby kasi ayaw pang umuwi ng mga ugok. Kasama rin namin ang dalawang bagong porenjers sa tropa.


"Kain tayo, mga erp. Nakakagutom kasi yung last sub namin, Physics for Engineers 1 pa more. Ako na nag-aya ah, kayo naman mag-isip kung saan." Sabi ni Yujin habang hinihimas yung tiyan niya.


"G lang ako, Higante. Oh, ako na unang sumagot ah. Labas na ako sa pag-iisip na yan."Β  Ani ni Chaer.


Natawa naman kami sa sinabi niya. Mahina siyang hinampas ni Yuna sa braso si Chaer. "Gago, ganun ba yun, Chaer?"


Tinuro ni Lia si Ning. "Si Ning daw Yujin may naisip na."


"Kaya nga, sa bahay niyo na lang daw tayo kumain, erp. Tapos iwan daw namin kayong dalawa dun pagkakain." Sabat ni Ryu.


"Barber's Tales nanaman kayong Unggoy at Malaria ah!"


Hmm, parang gusto kong mag-burger ngayon ah. Sa Burger King kaya? Oo, nakakatakam lagi yung mga burger dun. Dahil nagpapasahan ang mga tungaks kung sino mag-iisip kung saan kakain na kala mo mga walang sariling isip, ako na ang magliligtas sa niyo mga tanga.


"Sa Burger King nalang tayo."


Tumayo si Ryujin at kinuha na agad yung bag niya. "Oh, sa Burger King na daw ah. Si Jeong na nagsabi. Arat na mga erp nang mapakain na yang alaga ni Yujin sa tiyan."


Sumangayon naman agad lahat at nag-aya nang umalis. Ang bilis diba? Eto yung sinasabi ko nung una na may times na tamad sila na may konting tao. May malapit naman na Burger King dito, mga five minutes lang pag nilakad so naglakad nalang kami. Okay lang din naman kay Giselle at Karina.


----------


Hays, heaven. Angry Whopper, I will always choose you! Di pa ganun katagal nung dumating ang mga inorder naming burgers pero nakalahati ko na agad yung sakin. Mahilig kasi ako sa maanghang. Lahat kami tig-dalawang burgers, double cheese burger yung isa ko. Nagkwekwentuhan yung tropa at dakilang tagapakinig ako as always, wala namang bago.


Awit lang talaga kasi katabi ko naman ngayon si Karina at nasa bandang dulo nanaman kami nakaupo, siya sa pinakadulo tapos katabi ko siya sa kaliwang side. Wala share ko lang. Nahahagip siya ng mata ko minsan, ang cute niyang kumain, hehe.


Napatigil ako sa pagmuya nang may biglang pumunas sa bibig ko ng tissue.


"Sorry, you have sauce kasi sa gilid ng lips mo."


Wag kang titingin, Minjeong. Wag. Wag. Wag. Joke lang pala, tingin ka na, hehe.


Nahihiyang tumingin ako sa kanya. "Uhm, a-ano, thank you."


"You're welcome." Nakangiti niyang sabi niyang sabi. Wow, walang bakas ng pang-aasar sa mukha niya ngayon ah. Ang ganda niya talaga, uwu. Namumula nanaman ata yung tenga ko nito, kamote. Itutuloy ko na sana ulit yung pagkain ko nang magsalita siya ulit.


"Is it that good? Can I have a bite?"


Aba, may bayad naman pala yung pagpunas niya! Pasalamat ka talaga na crush kita, Karina. Gusto mo ibili pa kita eh ng sampu nito eh. Char!


"Uhm, oo. Sige, kagat ka lang."


Hindi niya na hinintay na ilapit ko sa kanya yung burger, siya na mismo yung lumapit at kumagat. Sa burger ah!


Napakabango niya! Feeling ko talo pa nito yung bango ng fabric conditioner ni Leader Bae!


"Hmm, it's delicious nga. Love the heat in it. Thank you, Winter."


Tumango ako sa kanya. "W-wala yun."


Babalik na sana ulit ako sa pagkain for the 2nd time kaso pagkatingin ko sa burger ko, yung kinagatan niya pala eh yung part na pinakarecent kong kinagatan! Paanong di malalaman eh mas malaki pa sa Earth yung kagat niya!


Relax, Minjeong. Isipin mo na lang ang mga major subjects mo this sem. Pati yung upcoming schedules ng Red Velvet. Oo tama, relax. Kumain ka na ulit. Ayan, good job!


Nga pala, wala bang nakakita sa tropa ng ginawa ni Karina? Wala kasing reaksyon eh.Tinignan ko sila isa-isa, ganun pa rin naman, nagkwekwentuhan pa rin at ang lalakas ng mga bunganga. Maski si Yuna at Chaer sa harap namin o kaya si Ryu na isa pang katabi ko, walang reaksyon bukod sa... Parang nagpipigil ata ng ngiti o tawa? Hay ewan, kapagod mag-isip. Ubusin ko na nga 'tong mga burger.



New Message 10:58pm

Karina Yu: Miss Stranger Goddess πŸ’ž

Hello, I just want to say na you like a kid while eating kanina, those puffed cheeks, so adorable! Gusto mo tayo lang dalawa lumabas one of these days? 😝🀭 Hihi.

P.S. Thank you for letting me bite... On your burger HAHA Good night :*




Sikapin mo, pilitin mo, tibayan ang iyong puso.Β Tanging ikaw ang huhubog sa iyong bukas.


----------


Friday (Earlier)


Time ng PE namin ngayon. Yung PE teacher namin nagpactivity lang by partner. Puro exercises lang naman na nagpapakita ng seven basic movements of the human body. Two exercises each basic movement. Irerecord kung ilang reps yung nagawa per exercise. Mas maraming reps, mas mataas ang grade.


Syempre kapartner ko si Yuna, nagkasundo kami sa number of reps per exercise at nagperform na. Di naman kami masyadong nahirapan kasi part ng daily routine naming magtrotropa ang pageehersisyo. Pag gagawa raw kasi ng kalokohan, siguraduhing malakas ang pangangatawan, mga baliw talaga. Minsan nga sabay-sabay pa kaming pumupunta sa gym eh. Si Ning lang naman yung humihiwalay samin ng pwesto dun, yoga and pilates girl daw kasi siya.


Pagtapos namin magpasa, umupo muna kami sa dalawang monoblock sa bandang gedli para magpahinga saglit.


Kasabay pala namin yung ibang sections ng BSBA freshmen. Bale tig-tatlong section ng BSCE at BSBA yung andito sa quadrangle kasi sobrang lawak niya. Nagkataon kasama rin yung section nila Lia. So syempre andito rin si Karina, hehe. Medyo malayo sila samin, nasa bandang gitna kami tapos nasa bandang dulo naman section nila pero tanaw ko pa rin siya. Tapos na rin ata sila sa pinagawa sa kanila since nagvovolleyball nalang sila ngayon ng mga classmate niya.


Wow...


Sino ba naman di maaamaze pag nakawitness ng ganito. Si Karina kasi nag vertical jump at spi-nike yung bola pupunta sa kalaban pagka-set sa kanya ni Giselle. Score nila kasi nasalo ng kabilang side. Ang taas tumalon, mga baks! Lady Eagles, who? Char! Tilian yung mga kasection nila at ibang estudyanteng nanonood sa kanya. Ang galing niya palang mag-volleyball... Plus points na agad sa crush level meter ko!


"Badminton tayo, Wintot. Tara may dala akong raketa pati shuttlecock."


Gusto ko pa sanang manood kaso hila-hila na ko ni Higante para maglaro. Moral support ko nalang mentally si crush, hehe.



Tapos na kaming mag PE si Yuna. Nakaligo na ko at nakabihis na rin. Nagpapatuyo nalang ako ng buhok ngayon. Hindi na namin tinapos ni Yuna yung buong time ng PE kasi matagal kaming mahihintay bago makaligo for sure pag tinapos pa namin. Ako lang nandito ngayon sa lockerΒ area, nakakonekta kasi 'to sa shower room tapos nakaaircon pa kaya sinusulit ko yung lamig, hehe. Si Yuna pinauna ko na sa cafeteria para makaorder na siya ng pagkain namin.


You got me feeling like a psycho psycho
우릴 보고 말해 자꾸 자꾸
λ‹€μ‹œ μ•ˆ λ³Ό λ“― μ‹Έμš°λ‹€κ°€λ„
λΆ™μ–΄ λ‹€λ‹ˆλ‹ˆ 말야
이해가 μ•ˆ κ°„λŒ€
웃기-


Putangina. Agad akong tumalikod ng 180 degrees dahil sa nakita. From singing to having TB real quick.


Si Karina kasi bigla-bigla nalang sumusulpot!


Tapos.. Tapos...


Pinupunasan niya yung basa niyang buhok gamit ng maliit na tiwalya na nakapatong sa ulo niya!


Tapos.. Tapos...


Nakasports bra at joggers lang siya, mga bading!!!


The abs, goodness gracious!


Yung future.. oh my gay! Yung future!


May remnants pa ng tubig na dumadaloy papunta sa cleav- Tangina, parang akong manyak dito. Ayus-ayusin mo, Minjeong! Sorry po, Lord!


"S-sorry! W-wala akong n-nakita, promise!" Shuta, pumiyok pa ko sa dulo!


Tinawanan niya lang ako. "You're the one who's singing pala. You okay there? Ikaw ah, hinihintay mo ata ako eh." Nang-aasar niyang sabi.


Wow ah! Ni hindi ko nga lang alam na nandito rin siya eh! Masa-psycho talaga ko sa babaeng 'to.


Wag kang lalapit. Wag kang lalapit. Wag kang lalapit. Bakit ka lumalapit?! Bawal bold dito! Hallelujah!


"Did you like what you saw?" Maalinsangang bulong niya malapit sa tenga ko.


Tangina! Nagflaflashback yung mga nakita ko dahil sa sinabi niya! Naramdaman ko nalang bigla yung paglabas ng dugo sa ilong ko. Gago, RED ALERT! "Sorry talaga, di ko sinasadya!"


Agad na kong kumaripas ng takbo palabas habang iniisip kung paano ko pa kakayanin ang buhay. Akala ko ba ang buhay ay weather-weather lang, Kuya Kim?!



----------



Friday (Present)


Oh, alam niyo na yung mga nangyari ah. Wala nang magtatanong ng kung ano-ano!


Nakasakay ako sa jeep ngayon papuntang AEU ulit kasi doon kami magkikita ng tropa. May susundo saming van doon para ihatid kami papuntang Golden Gates. Thank you very much for the sponsor, JPN Gi. Si Ryu andun na kasi sumabay na siya kanina kay Yeji. Sila Lia at Ning dadaanan nalang namin dun tas pupunta kayla Karina para ipaalam siya.


Medyo nahihiya nga ko ngayon kasi kanina pa ko pinagtitinginan ng ibang pasahero. May dala kasi akong bouquet tapos ang laki pa! Part one 'to ng regalo ni Ryu kay Love niya. Tagal niya rin 'tong pinag-ipunan. Syempre, lahat kami may part dito, ako yung sa part one. Support lang kami sa kalandian at love life ng tropa namin at ni insan.


Sunod-sunod yung pagnotif ng phone ko sa messenger, yung tropa 'to sigurado.


YES! The Gloria DIEZ


Tanginang group name yan, si Ryu nanaman nagpalit nito.


RYUnggoy: Happy Birthday, Love! @Yeji πŸ₯°

WaLIAstik: Paulit-ulit lang, Ryujin? Nandyan ka na nga kayla Yeji eh

Into the AHNknown: Nakabati na't lahat kaninang 12am at sa school, ikaw nalang bumabati hanggang ngayon

TuliNING: I-kickout niyo na nga yan dito


Gago, muntikan na 'ko matawa ng malakas. Yung nickname kasi ni Ning!


SHINigang: Sana all may love

RYUnggoy: Pag inggit pikit

YEJInomoto: Hahahaha enough na sa greetings Love, ang dami na masyado

RYUnggoy: Ok po, iloveyou 😘

CHAER Ko Lang removed Ryujin Kim from the group

CHAER Ko Lang: You're welcome mga hunghang

SHINigang: HAHAHAHAHA

Into the AHNknown: lalandi ka pang hayop ka ah

WaLIAstik: Dasurv!

TuliNING: Buti nga sayong unggoy ka!

YEJInomoto: you guys are so mean to Ryujin hahaha, pero bet ko yun teh ah @Chaeryeong HAHAHAHA

CHAER Ko Lang: @Yeji Well πŸ’β€β™€οΈπŸ’β€β™€οΈπŸ’β€β™€οΈ

YEJInomoto added Ryujin Kim to the group

RYUnggoy: Pakyu ka Chaer!! @Yeji Love naman πŸ₯Ί

YEJInomoto: @Ryujin πŸ˜›πŸ˜›πŸ˜šπŸ˜š

CHAER Ko Lang: @Ryujin πŸ€·β€β™€οΈπŸ§β€β™€οΈπŸ€·β€β™€οΈ

TuliNING: MGA PAKSHET KAYO BAKIT PALA ANG BANTOT NA NG PANGALAN KO DITO?!!!

WaLIAstik: Ngayon mo lang napansin? HAHAHAHAHAHA

SHINigang: taena HAHAHAHAHAHAHA

CHAER Ko Lang: HAHAHAHAHAHA

YEJInomoto: HAHAHAHAHAHAHA

RYUnggoy: tuli kana pala Ning eh HAHAHAHAHA

TuliNING: SASABIHAN KO YUNG MGA GWARDYA NA WAG KANG PAPAPASUKIN TANGINA KA!! @Ryujin

RYUnggoy: Blehh di naman yan hahayaang mangyari ni Love ko πŸ˜‡

TuliNING: IPAPA-BAN TALAGA KITA DITONG UNGGOY KA, BUMALIK KANA SA GUBAT!! @Ryujin

TuliNING set her nickname to Maria MakiNING

WaLIAstik: WTF? Sino rin nagpalit ng name ng gc wahahaha

CHAER Ko Lang: Tinatanong pa ba yan teh? Hahahaha hoy Ryujin!

RYUnggoy: Sakto naman ah! Ten na kasi tayo dito diba? Duh


Yaz, di nga ko nagkamali. I know my insan.


Into the AHNknown: Parang beauty parlor ng mga beki yung name erp HAHAHAHA

Maria MakiNING: Lul @Ryujin

YEJInomoto: Hahahahahaha

Aeri Uchinaga: Hello, this is the gc pala! Oh my god the nicknames, so funny as hell HAHAHAHAHAHA

Karina Yu: I cannot hahahahaha

Aeri Uchinaga set her nickname to The Last AERI Bender

The Last AERI Bender: I just set mine πŸ˜‚

WaLIAstik: Ang witty natin dyan girl!

YEJInomoto: That's a good one!

Maria MakiNING: Ayos tayo dyan, mars Gi!

Into the AHNknown: Eyy!

The Last AERI Bender: Thanks guys! Hey @Karina wag madaya, mag-set ka rin ng nickname!

Karina Yu: I can't think of anything eh. Maybe Winter can set one for me? 😊

Luh?

Pagkatapos ng ginawa mo sakin kanina, magpapaset ka sakin ngayon ng nickname?! Okay na ba yung Soon to be Mrs. Kim?!


Char!


RYUnggoy: Hoy @Minjeong mag-isip ka raw ng nickname ni mareng kars, kanina ka pa puro seen at read diyan

SHINigang: Dakilang phantom ka talaga Win, pero bawal tumanggi sa request ng new friend natin

Into the AHNknown: Oo nga!

Maria MakiNING: Oo nga! (1)

YEJInomoto: Oo nga! (2)

CHAER Ko Lang: Oo nga! (3)

WaLIAstik: Oo nga! (4)


Nagjoin forces pa talaga kayong mga taksil! Ano pa bang magagawa ko?


WINkins MINeral Water: Oo na! Nag-iisip pa kasi ako mga gung-gong!

Maria MakiNING: Galit yarn?

CHAER Ko Lang: Paano nga galit dyan, Win?

RYUnggoy: Hala Giselle at Karina, gung-gong daw oh

Into the AHNknown: Oh no wahahahaha

The Last AERI Bender: HAHAHAHAHAHAHA

Karina Yu: Lol πŸ˜‚

WINkins MINeral Water: Namo unggoy, kayo lang mas lalo ka na! 😑 @Ryujin

WaLIAstik: mas nagalit na ang baby HAHAHAHAHA

YEJInomoto: Let's give some sweets nalang to baby Minjeong later HAHAHAHAHA

WINkins MINeral Water: Wag nga kayo! Tsk πŸ–•πŸ–•πŸ–•


Tangina nila talaga, ang sasarap sakalin! Ano bang magandang nickname para matapos na 'to? Bahala na nga!

WINkins MINeral Water set Karina Yu's nickname into YUca haRINA

WINkins MINeral Water: Colombian flour yan

YUca haRINA: Wow, you're fast ah. Thank you, Winter πŸ˜‡πŸ₯°

Ikaw nga 'tong mas speed diyan eh! Nagsasabi lang ako ah, hindi umaangal! Char!

WINkins MINeral Water: Welcome

WINkins MINeral Water: Nasa AEU na ko, mamaya na lang


Kung di siguro ako nag-offline, puro panggagago naman sa Miss Universe 2015 yung mababasa ko, hmph!


Sinuot ko muna yung hood ng dark grey hoodie ko at naglagay ng itim na face mask bago bumaba ng jeep. Tatangalin ko rin naman 'to kayla Yeji. Nakakahiya naman kung may makakakilala sakin na classmate or kahit schoolmate na nandyan lang sa malapit. Yung bouquet kasi. Mahirap nang maissue.


Naikalma ko na rin yung sarili ko kanina after ten-thousand years. Aware naman kayo sa nangyari kanina kaya alam niyo na yung gusto kong sabihin. First time 'kong magkanosebleed na yung mga bagay na ganun yung dahilan, huhu. Medyo matagal nga bago tumigil yung pagdugo eh.


Chineck ko yung oras sa phone ko, 5:50pm, may ten minutes pa bago dumating yung van. Ako palang andito ngayon, magsisidatingan na rin naman yung iba maya-maya.


----------


Nasa biyahe na kami ngayon. Inaasar nanaman nila ko! Kanina pa sila Winter Oppa nang Winter Oppa simula nung pagkakita nila sakin hanggang ngayon!


"Winter Oppa, sorry na kasi, isang smile naman diyan, yiee."


"Winter Oppa, sorry na, wag na pong magtampo."


"Winter Oppa, ang intense naman masyado ng glare mo. Baka matunaw kami!"


"Winter Oppa..."


Tinatarayan ko lang sila ng malala, kausapin niyo mga lolo niyo! Nung nasundo na sina Lia at Ning, mas lalo naman umingay sa van. Puro sorry at Winter Oppa naririnig ko, my ghad!


Malapit na kami makarating kayla Karina nang marinig kong magsalita si Yujin.


"Dahil di gumagana kay Winter Oppa ang mga sorry natin, kailangan nang gamitin ang pinagbabawal na teknik. Chaer, ilabas mo na ang ultimate weapon!"


May kinuha si Chaer sa bandang likod, Oh my, puno ng mga favorite kong sweets yung hawak niyang plastik ng Puregold! Kaya naman pala ang lalakas mang-asar kanina, may mga nakaready nang pang-suhol!


"Pansinin mo lang kami Winter Oppa, sayo na lahat 'to." Nakangising sabi ni Lia.


Actually, nakangisi silang lahat sakin kasi alam nilang nakuha na nila ko. Tinignan ko sila ng masama. "Oo na!" Nag-cheer ang mga ungas at binigay na sakin yung plastik.


Di naman ako madaling maasar ng ganito pero pag involve kasi si Karina sa dahilan, trigger na trigger kagad ako. Ano bayern, Minjeong! Buti nalang mahal ako ng tropa at mahal ko rin sila, hmph!


"Salamat." Medyo nahihiya at mahinang sabi ko sa kanila. Natouch naman ako sa effort nila kahit papano no!


"Yieee, ang cute talaga mag-blush ng Winter Oppa namin."


"Blush blush ka diyan, Yuna! Hindi kaya!" Paano nila nalaman eh nakaface mask ako?


"Anong hindi? Ang pula kaya ng tenga mong baklush ka!" Turo ni Ning sa tenga ko.


, binaba ko pala yung hood ng hoodie ko kanina. Di nalang ako nagsalita at tumingin nalang sa bintana.


"Aww, ang cute-cute talaga ng Winter Oppa namin. Hiya yarn?"


Napangiti nalang ako ng sikreto sa pangbe-baby nila. Hay, pasalamat talaga kayo mahal ko kayong mga kumag kayo.


----------


Nandito na kami kayla Karina at ang masasabi ko lang ay wala. Speechless ako mga baks sa lawak at ganda ng bahay nila pati na ng surroundings dito! Ang linis ng paligid! Yung sinasabi ni Giselle na sa bandang end part sila, sila yung pinakadulong bahay sa end part ng Golden Gates, shems! Hindi na ata 'to bahay eh, mansion na 'to. Mangha rin yung tropa na nakatingin sa bintana, parang kaming mga bata na first time sa Storyland. Sayang kasi di namin kasama sina Ryu at Yeji.


Pagkababa namin ng van, todo picture ang mga gaga sa paligid, sobrang ganda kasi talaga, exag na kung exag. Bumukas na yung dambuhalang gate after a short while. Nakangiting sinalubong naman kami ni Giselle, taray ng outfit niya oh, Givenchy! Pak, ganern! Chinika niya muna kami saglit at sinamahan na kami papunta sa loob. Tangina, may pa hagdan pa sila papunta sa main entrance parang sa Yamato Nadeshiko! Ipang red carpet na yan! Char. Yung main entrance door pa nila, double door! Yung mga maiingay na bunganga ng tropa, walang masabi kanina pa dahil sa pagkamangha.


Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad nang biglang magsalita si Giselle.


"Nga pala, Winter, bakit ka pala may dalang bouquet? Is it for Rina's sisters para mas effective yung pagpapaalam?"


Hala, di ko man lang napansin na nadala ko pala 'to, ano bayan ang laki na pa naman nito! Hays. Di ko pa mapapansin kung di niya sinabi.


"Ay, hindi! Actually, ngayon ko lang napansin na dala ko 'to kung di mo pa sinabi. Part 'to ng regalo ni Ryu mamaya para kay Yeji. Pinasuyo sakin." Nahihiyang sabi ko sa kanya. Kamote naman!


Natawa ang tropa sakin. Pati si Giselle pinipigilang matawa kaso natawa pa rin siya.


"Oo nga, Win. Ngayon lang din namin napansin na dala mo pala yan. Sino ba pagbibigyan mo niyan, Winter Oppa? Pwede bang ako nalang?" Pang-aasar ni Yuna.


Hay, nako ayan nanaman sila. Natigil din yung pang-aasar pagkadating namin sa main entrance. Magdo-doorbell na sana si Giselle nang biglang bumukas yung isang pinto ng double door.


"Boo-yah!"


Napatili kaming lahat sa gulat. Gago, muntikan ko nang mabitawan yung bouquet! Gago ulit kasi ang sakit sa tenga ng tili ng Ning!


"Ate Yeri naman eh! Sasabihan ko talaga sila tita na dagdagan ulit yung working hours mo!" Angal ni Giselle dun sa babaeng nang-gulat.


"Luh?! Grabe ka naman sakin Gi, way ko kaya 'to ng warm welcome sa inyo ng mga bisita niyo ni Rina."


"Gago ka, Yerms. Ano nanamang ginawa mo?" Natatawang sabi nung babaeng sumulpot din sa medyo nakaawang na pinto.


"Sinong may ginawa?"


"Ay, puta. Andyan na si Madam. Takbo na Ligaya." Rinig naming bulong nung 'Yeri'. "Wala yun, Madam!"


Mas lalong bumukas yung pinto sa pagtakbo na ginawa ng dalawa. Bumukas 'to ng tuluyan at napasinghap ako nang malakas nang makita yung babae sa harap.


"Leader-nim Baechu?!" Gulat na gulat kong sabi. What the.. totoo ba talaga 'to?!


Natawa ng malakas si Giselle. "No, Winter. That's Rina's older sister, ate Irene." Sabi niya agad sakin. "You guys talk na, puntahan ko lang saglit si Rina."


No, JPN Gi! Wag mo kaming iwan dito!


Nafocus tuloy sakin ng tingin ng ate ni Karina. Ang talim ng tingin, jusko po! Tangina ka, Minjeong! Sorry po ate, huhu. Nabulag lang po saglit ng pagiging ReVeluv ko.


"Gago, mission abort na. Bahala kana diyan, Win. Pagdadasal ka na lang namin." Bulong sakin ni Yuna at tumakbo na pabalik kasama sila Ning.


"Sorry po, ate Irene! Si Winter lang po may kasalanan, bahala na po kayo sa kanya!" Sigaw ni Ning habang tumatakbo.


Aba't?! Mga pakshet talaga kayo! Bakit niyo ko iniwan dito?! Di niyo man lang ako sinama! Sorry po talaga, ate Irene. Magkapangalan pa kayo ni Leader-nim namin, huhu.


"S-sorry po ate- uhm.. ano, Ms. Irene. M-magkamukha po k-kasi talaga kayo ng-ng leader sa R-red Velvet. S-sorry po t-talaga." Nauutal kong sabi.


Wala siyang sinabi at tinignan lang ako. Mas lalo tuloy akong natakot! Lord, send help naman po ulit diyan!


"So, you're Winter?" Huh, kilala niya ba ko?


"O-opo!"


Tumaas ang kaliwang kilay niya nang napatingin sa hawak kong bouquet bago ulit tumingin sa sakin ng mas matalim. "Are you courting my sister?"



Ha?



Ha?!


----------

Β 

Sorry ulit, nahuli ng update. Pinahinga ko kasi talaga ng bongga ung katawan ko dahil bugbog is me sa finals namin. Naway makapag-update na ko ng mas maaga.

Β 

Sorry for the typos and errors as usual. Kung may hanash ka, comment ka lang! Kung wala, okay lang din!

Β 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
EZWin0805
Random times nalang yung UD para surprise HAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
hiver_pogi
#1
miss u
jamesaidenliu29 #2
Chapter 13: Authornim your story was so cute I love reading it I hope to see some updates when you can update will wait po ☺️
maxiclaine #3
Chapter 4: kayanin ang hamon ng buhay! HAHAHAHAHAHA
wenrene22
#4
author-nim, where na you? miss ko na itong story mo. pa-ramdam ka naman at umi-iyak na yung bading dito. 😭
TakuyaKen
#5
Chapter 11: Hanep yan hahaha sharky save you Winter
TakuyaKen
#6
Chapter 6: ahaha si Ryu pang proposal ang bday gift ah
TakuyaKen
#7
Chapter 3: speedy lng ni Rina haha
TakuyaKen
#8
Chapter 2: gago ka Ryu hahaha your cousin was embarassed 🀣🀣
ryujinie__
677 streak #9
Chapter 13: Ryeji 😍 Welcome back author, hope all is well! πŸ’›
EzraSeige
#10
Chapter 12: Welcome back otornim sana ok kana poπŸ’šπŸ’šπŸ’š... stay safe and healthy po otornim. Salamat sa lapag lodi appreciate much πŸ™‡πŸ™†‍♂️πŸ₯°πŸ₯°πŸ₯°πŸ’™β„