Ika-unang First

Jumbo Hotdog, Kakayanin Ko

Winter's POV


Huh, bakit ang dilim?


Nasan ako?


"Gago, anong nangyayari? Anong lugar to?" Natatarantang tanong ko sa sarili ko dahil sa pagkakaalala ko, mabuti naman akong tao at lagi lang naman akong nakatuon sa pagiging bakla para sa Red Velvet. Lord, bata pa po ako at marami pa akong nilu-look forward na comeback ng mga asawa ko. Babawasan ko na rin po ang pagiging makulit ko.


Sa dami ng iniisip ko, di ko namalayan ang biglaang pagbabago ng madilim na senaryo.


Laking gulat ko nalang nung napagtanto ko na napapalibutan na pala ko ng maraming tao, mga hayok na hayok pa sila.


Ay, anong meron madlang pipol? Parang mga nakawala sa hawla ah.


Aray, shuta. May nakatapak pa sakin sa paa. Sino kang pashnea ka nang mahadouken kita ng wala sa or-


Cause we are queens and kings, 손을 더 높이
모일수록 아름답게, shining bling-bling


Mabilis akong napatingin sa harap ko with matching paluwa na ang mga mata sa laki dahil di makapaniwala sa nakikita.


Hala pota, Red Velvet!? Mga asawa ko!

비가 내려도, strong and beautiful
모두 다른 색깔로 완성한 rainbow


Pinunasan ko yung mga mata ko. Totoo ba talaga to? Tinignan ko pa ng mabuti yung paligid, fudge nasa malaking stadium pa ata ako, punuan lahat. Grabe ang lakas ng mga hiyawan ng mga tao.


Nagulat nanaman ako nung napansin ko na may hawak na kong dalawang lightstick ng Red Velvet at naka Red Velvet official merch na ang suot kong damit.


Tumingin ulit ako sa harap. Yung mga asawa ko... Di ko maipaliwanag ang mga dumadaloy na mga emosyon saakin ngayon dahil sa kasiyahan na nararamdaman ko.


La-di-da-doo, ba-ba-di-da, la-di-da-doo, ba-ba-di-da
다시 한번 시작해볼까? (That's our queendom, yeah)
La-di-da-doo, ba-ba-di-da, la-di-da-doo, ba-ba-di-da
너와 손을 맞잡은 순간 (that's our queendom, ooh)


"Wooooh! Mga asawa ko yan!"


Sigaw ko ng walang pakialam sa paligid habang sumasabay sa talon at hiyaw ng mga tao. Winawagayway ang dalawang lightstick na parang baliw to the highest level dahil feel na feel ko ang mga ginagawa ko.


We, we, we strong, nothing missin'
Wake up, 답은 simple
Be boss, 불어 whistle
더 큰 세상이 너를 주목해


"Let's go mga bading! Bading para sa Red Velvet for life!" Sigaw ko ulit nang bigla akong binatukan ng katabi kong babae.


"Aray, yawa naman!" Napatingin agad ako sa kanya. "Ano bang problema mo?" taka na may halong pagkairita na tanong ko sa kanya.


"Let's go na rin, may pasok ka pang bakla ka!" sabi niya sa akin na kala mo nanay ko kung magsalita.


"Huh?" Nakakunot lang ang noo at mga kilay ko habang nakatingin sa kanya.


Ano bang sinasabi nitong ni ate girl na kung makabatok eh kala mo close kami. Kita na ngang nasa concert kami at nag-eenjoy ako sa mga kaganapan ngayon tapos dinadamay niya ko sa ka-ek-e-kan niya.


Inabot na naman ang balikat ko at inalog ng paulit-ulit. "Hoy, Minjeong, sabi kong let's go na nga rin eh! Gising na, may pasok ka pa!"


Kahit anong pigil ko sa kanya patuloy pa rin siya sa ginagawa at sinasabi. Konti nalang talaga makukutusan ko na to-



"Hoy, Min bading! Sabing gising na. May pa sigaw-sigaw ka pa ng let's go na nalalaman dyaan." Natatawang sabi ng kanina pang gumigising kay Minjeong.


Huh? Bakit parang boses ni Ate Taeyeon yun? Nasan na yung hawak kong dalawang lightstick? Yung Official Merch? Yung mga tao? Yung Concert? Yung Red Velvet?


"Minjeong, pag di ka pa bumangon dyaan, babawasan ko ng kalahati yung allowance mo. Ano? Unang araw mo sa kolehiyo tapos malalate ka?"


Shemay, si ate Taeyeon nga yun. Wala sa loob akong napabukas ng mga mata at napabagon kahit medyo lutang pa ang isipan.


Bigla naman akong nalungkot ng slight kasi panaginip lang pala yung kanina. Hays. Mga asawa ko sa Red Velvet, di bale magkikita rin tayo huhu.


"Ayarn, gising kana rin sa wakas. Woooh! Let's go, let's go! R-r-red V-velvet for l-life!" Nauutal na pahayag ni ate Taeyeon dahil sa kakatawa.


Napatakip nalang ako ng mukha sa hiya. Kamote, mukhang uulanin nanaman ako ng asar nito ng matagal. Bakit kasi lagi niya kong natiye-tyempuhan in my most muntanga moments.


"Ate naman eh, eto na nga gising na." Nahihiya at medyo paos kong sabi sa kanya habang humihikab pa.


"Good morning nga pala sa kapatid kong manang-mana sa akin hindi lang sa katalinuhan, syempre sa ka-cutetan din!" Masayang sabi ni ate Taeyeon na may ngiting wagas habang gigil na gigil sa pagpisil ng dalawang pisngi ko.


"Aray, ate. Tigil na, masakit. Si Ryujin naman pagtripan mo." Reklamo ko habang pilit na inalis ang mga kamay niya at tuluyan nang tumayo para makapagayos na para sa unang araw ko sa kolehiyo.


Ayun syempre tinawanan niya lang ulit ako.


"Sige na, sumunod ka nalang sa baba pagkatapos mo. Hintayin ka namin ni RJ para sabay na tayong tatlo kumain. Wag mo lang masyadong tagalan kasi baka ubusan ka nanaman nun."


Wow ah, himala. Nauna pa sa akin bumangon yung kumag na yun. Kung ako mahirap gisingin, mas lalo naman yun. Paniguradong sasalubungin niya pa yung jowa niya bago magstart yung magklase. Iba rin talaga mainspire tong si RJ.


Tinapik na lang ako ni ate sa balikat at ginulo ang buhok ko bago siya lumabas ng kwarto.


Kinuha ko naman yung latest album ng Red Velvet na nakadisplay sa bedside table ko at hinalikan sa gitna.


"Soon mga asawa ko, kailangan ko munang mag-aral ng mabuti para makita kayo."


Tinignan ko yung oras, 6:26 am. 8:00 am pa naman yung pasukan at di naman kalayuan yung eskwelahan na papasukan ko so keri lang.


----------


Tadtad nanaman ako ng asar sa dalawa as usual sa hapag kasi chinismis nanaman ni ate kay Ryujin yung kahihiyan ko. Tsk. Ano bang bago. Sayang maagang umalis si mama para sa trabaho, walang magtatanggol sakin sa kalapastanganan na to. Char.


"Woooh! Si Minjeong bading for life, let's go!"

"Woooh! Min bading lang sakalam!"

Binato ko ng maliit na pirasong hotdog si Ryu. "Umagang-umaga ang ingay mong animal ka."


At yung hayop tuwang-tuwa naman na kinain yung binato kong hotdog. Si ate Taeyeon hindi na makahinga halos dahil sa kakatawa sa gedli.


"Ito namang si insan oh, ang ganda-ganda ng umaga nagsusungit kagad. Mukhang kailangan na talaga ng aruga ng isang jowa ah. Oks lang yan, Jeong. Pare-parehas tayong kampon ng sangkabaklaan dito, ikaw na lang talaga yung newborn gay dito kaya medyo shy type kapa." Pang-aasar nanaman ni Ryujin.


Buti nalang talaga hindi naloka si mama nung nalaman niyang bakla kaming tatlo. Basta raw mabubuti kaming tao at walang tinatapakang kapwa. Pero pag di pa talaga tumigil tong gung-gong na to, tatamaan talaga to saki-


"Wag ka nga, RJ. Baby pa yang si Minjeong. Pero di naman ako tututol kung magkakaroon kung sakali. It's your time to shine naman Jeong, beke nemen." 


Nag-apir naman habang tumatawa yung dalawa. Galing talaga.


Isa pa tong si ate Taeyeon. Kala mo silang dalawa ni Ryujin yung magkapatid eh. Sabagay, lahat kami blonde yung buhok. Mahaba lang yung kay ate Taeyeon at maikli yung saamin ni Ryu. Pero kahit na, ang lalakas lang talaga ng loob mang-asar porket may mga jowa na. Hmmph! Basta ang mahalaga cute ako! Marami namang oras para dyaan sa susunod. Kahit naman magbalak pa ko ngayon, di ko rin naman alam kung ano gagawin o sasabihin. Baka mas mapagkamalan pa nila akong tuod kaysa tao kaya lowkey lang muna tayo mga kuys. Ang sabi nga nila, patience is always rewarded. Lord, looking forward po ko sa reward na yan, hehe.


Yes, pinsan namin si Ryujin. Kasama ko na siyang lumaki simula pa nung baby palang kami. Naikwento ni mama dati na hindi kinaya ng katawan ni tita yung bigat ng panganganak kaya bago ito tuluyang malagutan ng hininga, binilinan niya na si mama na younger sister niya tungkol kay Ryujin. Wala rin naman daw siyang aasahan doon sa tatay kasi tinakbuhan lang yung mag-ina nung nalamang nabuntis niya si tita. Buti nga raw may naipon kahit papano si tita. Yung karamihan ay tinabi niya pangkolehiyo ni RJ at yung natira pangtulong sa mga gastusin sa bahay. Di rin daw kasi tatagal yung na-ipon niya saaming apat dahil nagpapart-time lang siya noon. Wala na rin kasi si papa, namatay sa asphyxiation dahil sa isang malaking sunog na tumama sa isang lugar na pinuntahan nila ng mga kapwa niya bumbero. Almost twelve years old lang si ate Taeyeon nung mangyari yun at pinagbubuntis palang kami ni Ryujin ng mga nanay namin.

 

Highschool palang si ate, sumasideline na siya ng pag-bebenta ng kung ano-ano sa eskwelahan nila para makatulong lang kay mama na nagdodoble ng trabaho dahil habang lumalaki kami, mas lumalaki rin ang gastusin. Dalawa silang naghirap para itaguyod kaming dalawa ni RJ, kahit pagod sila sa trabaho, ni-isang beses hindi namin sila narinig na umangal. Pag nag-so-sorry kami dati kasi nahihirapan sila dahil saamin, ngumingiti lang sila, niyayakap kami at sinasabihan kaming wala naman daw sa kanila yun kasi mahal nila kami. Basta maging maayos lang daw yung buhay namin. Kaya sobra-sobra ang pasasalamat namin ni Ryu sa kanilang dalawa, at nangako kami sa isa't isa na mag-aaral kami ng mabuti para balang araw kami naman mag-aalaga kay mama at ate.

 

Kahit nakakaluwag na kami ngayon dahil apat na taon nang senior accountant si ate Taeyeon sa isang malaking kompanya at lumago na rin yung sinimulang business ni mama dati (Oh, diba mga bigatin na), iniipon parin namin ni Ryujin yung mga sobra sa baon namin at di rin kami careless sa pera. Kami yung tipong hindi kuripot, pero hindi rin gastusera, pwera nalang sa pagkain hihi. Don't judge guys, mas matakaw ni Ryujin sakin. Dahil nakwento ko na ata ang buong talambuhay namin, back to the present na tayo, sorry naman hehe.


"Bahala kayong dalawa diyan. Ate Taeyeon, isusumbong kita kay ate Fany na nag-laro ka nanaman ng COD sa Playstation buong gabi nung isang araw kaya di mo nasagot yung tawag niya. Ikaw naman Ryujin, sasabihin ko kay Yeji na sinuhulan mo ko ng Moshi Manju nung Sabado para ako muna kumausap sa kanya sa chat niyo kasi naka-rank game ka sa Valorant sa PC." Pagbabanta ko sa kanila.


Natahimik naman at lumaki ang mga mata ng dalawang alaskador. Oh, kala niyo ah. Ano kayo ngayon, mga under naman sa jowa.


"Ito namang si Minjeong oh, di mabiro. Bibilhan ka mamaya ni ate ng egg pie hehe, si Ryujin talaga yung special child dito. Hoy Ryujin, tumigil kana dyan ah."


"Wow ate Taeng, ganyanan na pala ah. Jeong naman, kala mo di pamilya eh, libre kita ng milktea mamayang uwian hehe."


Inakbayan pa nga ko ng tukmol na nagmala-anghel bigla yung ngiti. Ibang-iba sa kademonyohan niya kanina.


"Bilisan niyo nang dalawa diyaan, nag-text na si boo, malapit na raw siya. Hatid na namin kayo sa first day niyo." Sabi ni ate Taeyeon na nakingiti habang pumipindot sa cellphone niya.


Taray talaga ni ate, may sunduan paring nagaganap kahit almost six years na sila ni ate Fany. Samantalang yung iba wala pang 1 month, hiwalay na agad. Oops, sorry po.


Sakto namang pagdating ni ate Fany, nakapagayos na kaming tatlo. Sinalubong niya kami pagkalabas namin ng bahay.


"Hello, MJ and RJ. Come here, pa-hug and kiss si ate Fany dali!"


"Ate Fany!"


Dali-dali naman kaming pumunta sa kanya at niyakap siya. "Kamusta naman yung dalawang baby ko na mas matangkad na saakin?" Niyakap niya kami ng mahigpit at hinalikan ang mga pisngi namin.


"Bakit sila yung una mong binati? Tsaka ako lang dapat yung baby mo, boo." Pag-papacute naman ni ate Taeyeon kay ate Fany na naka- nakanguso pa. Jusko naman, ate!


Tinawanan lang siya ni ate Fany habang naglalakad papunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.


"Hello, boo. How are you, love ko?"


Mabilis namang napangiting aso agad si ate Taeyeon at niyakap pabalik ang jowa niya. Rupok talaga.


"Syempre mas umokay na, nandito kana eh."


"Yuck naman ate Taeng, ang corny mo. Baka bangungutin kami ni Minjeong sa gabi dahil sayo." Natawa naman ako ng malakas sa sinabi ni Ryu. Lakas talaga nito manggago kahit kelan.


Binelatan lang kami ni ate at hinalikan ng mabilis sa labi si Ate Fany.


Napasinghap naman si Ryujin sa tabi ko, "The Opacity!"


"Tangina mo, RJ. Tumigil kana dyan." Tae, ang sakit na ng tiyan ko kakatawa. Wala talagang araw na di ka mabwi-bwiset at tatawa pag kasama mo tong si Ryu eh.


Binatukan kaming dalawa ni ate Taeyeon pagkalapit niya saamin.


"Halina nga kayong dalawa nang maihatid na kayo."


----------


"MJ at RJ ah, protektahan niyo yung isa't-isa. Iba ang highschool sa college, tandaan niyo yan. Mag-iingat kayong dalawa." Bilin saamin ni ate Taeyeon.


"Syempre naman ate Taeng, kami pa ba ni Minjeong."


"Oh eto, extra. Baka may gusto pa kayong bilhin mamaya." Inabutan niya kami ni Ryu ng tig-one thousand five hundred pesos. "Galing sa amin ni boo."


Ayun oh, may pandagdag na nga sa ipon, may pandagdag pa sa separate savings ko pambili ng mga merch ng Red Velvet!


"Salamat ng marami ate Taeyeon at ate Fany sa extra allowance pati sa paghatid! Ingat kayong dalawa, ate Taeyeon!"


"Naks naman mga ate, kaya malakas kayo saamin ni Jeong eh. Thank you rin po ng marami! Pa-kiss nga ko ng isa dyaan ate Taeng, sabi na nga ba love na love mo ko eh."


Akmang hahalikan sana ni Ryujin si ate sa pisngi nang tampalin naman siya ni ate sa noo. "Umalis ka na nga sa harap ko RJ, nangdidilim yung paningin ko sayo. Lumayas na kayo ni Minjeong dito, alis na dali."


Natatawa lang kami ni ate Fany sa pinaggagagawa nila. Pagkatapos ulit in magb-bye, bumaba na kaming dalawa ni Ryujin palabas ng kotse at naglakad na sa entrance ng Univ. Tinignan ko yung oras sa cellphone ko, 8:40 am, may twenty minutes pa kami before magstart yung klase. Pinapasok naman agad kami ng gwardya kasi di naman required uniform dito bukod sa PE uniform every Friday.


AEU pala yung school namin ni Ryu ngayong college. Wala siyang special meaning kung nacucurious kayo, literal na Ey(A)-I(E) University lang talaga yung basa sa kanya. Pero wag kayo guys, mataas ang standards at reviews nito kaya wag ismolin kahit halatang di pinag-isipan yung pangalan.


Civil Engineering ang kurso ko habang Mechanical Engineering naman si Ryu. Yes ulit guys, kahit abnormal tong pinsan ko, mataas ang pangarap niya. Di lang talaga halata sa itsura.


"Tara raw dun sa lobby sabi ni Yeji my labs. Naghihintay daw siya doon kasama ng tropa."


Pagkadating namin ng lobby ay agad naman kaming sinalubong ng mga sakunang nagsisilakasan ang mga bunganga.


"Hoy Winter bruha ka, di mo pinapansin yung mga chat ko sayo! Di na ba ko mahalaga sa buhay mo ah?"

"Kamusta na mga erp? No see long time!"

"Hoy Ryujin! Ang panget parin ng pagmumukha mo."


Tuloy lang kami sa kamustahan na kala mo walang tao sa paligid namin. Ganito na kasi talaga kami simula pa nung elem. Walo kami sa tropa: Ako, si Ryu, Ning, Yujin, Yeji, Lia, Yuna, at Chaer. Una naming nakilala ni sina Ning at Yujin nung grade 3. Sinapak kasi ni RJ yung nambubully na lalaki kay Ning kasi di pa siya marunong gaano magtagalog nun. Kakagaling lang kasi nila ng pamilya niya ng China nung time na yun at first time nilang manirahan dito. Syempre pag may ginawa si Ryu, damay din ako kaya nakisapak na rin ako, deserve niya naman kaya worth it yung misconduct sa handbook at sermon samin ni mama at ate Taeyeon noon. Nagulat naman kaming dalawa nung may isang maliit na babae na sinipa naman ng malakas sa biyas yung bully. Si Yujin yun na higante na ngayon na nakisali lang kasi ang panget daw nung lalaki. Sus, kala mo walang gusto kay Ning that time hanggang ngayon eh. Sunod na sila Chaer, Lia, Yeji, at Yuna nung grade 6 kasi narinig pala ni Yuna yung usapan namin nila Ryu sa canteen na crush niya si Yeji. Ang chikadora sinabi naman kayla Chaer at Lia. Nilapitan nila kaming tatlo nun para makapagplano kami kung paano mapalapit yung dalawa. Ayun, mission accomplish ang mga bading. Naging sila nung grade 9 at going strong pa rin until now. Magfo-four years na sila this year.


Di ko nga inaasahan na kami pa rin magkakasama ngayong college kasi naihanda ko na yung sarili ko na minsan nalang sila makikita at makakausap. Kaso ang gagaling nung mga yun, mga tamad na may konting tao. Naghintay ba naman ng kahit isa saamin magannounce na nakagpagenroll na para doon nalang rin sila mag e-enroll. Eh nasaktuhan kaming dalawa ni Ryu yung unang nagentrance exam at nagenroll. Dahil matagal na rin naman daw kaming magkakaibigan, sagarin na raw namin, wag nang mahiya. Kaya ayun, sinundan kami ng mga gaga at nagenroll din dito. Di naman nakakagulat na nakapasok sila kasi kahit kadalasan mga mukha silang kulang sa aruga, matatalino sila.


Journalism ang kurso ni Ning, balang araw magiging successor daw siya ni Jessica Soho. Si Yeji at Chaeryong naman Performing Arts, magtatayo raw sila ng sarili nilang dance studio at magtuturo. Si Lia naman Business Administration, balak niyang magtayo ng sariling restaurant at di raw kami welcome doon kasi baka wala pang isang buwan malugi na agad siya. Si Yujin at Yuna naman kaparehas namin na Engineering, Mechanical si Yujin tapos Civil naman si Yuna. Kaparehas ko ng schedule si Yuna at ganun din si Yujin kay Ryu kaya masaya kami ni insan na hindi kami mag-isang sasabak sa classroom namin.


Tumunog na ang bell, sign yun na malapit nang magstart yung klase. Tumingin ako sa orasan sa may pader, ten minutes nalang natitira. Gustuhin man naming magkwentuhan pa, kailangan na naming pumasok. Sabay naman kaming lahat ng oras ng lunch pati break time sa hapon kaya gora lang.


"Pasok na tayo, mamaya nalang ulit mga erp."

Nagpaalam na kami sa isa't-isa at dumiretso na sa kanya-kanyang klase.


Buti nalang sa 3rd floor lang yung classroom namin. Pagpasok namin ni Yuna, medyo puno na yung classroom pero may mga bakante pa rin naman. Sa middle section na kami umupo sa bandang gilid sa may kanan. Saktong 8:00 am naman sa orasan, kumpleto na kami at dumating na yung first prof at magiging adviser rin namin five minutes after. Kahit na kasama ko si Yuna ngayon, kabado pa rin ako. Hays, kaya mo to Minjeong, masasanay ka rin. Let's go, bading!


----------


Eto na ang first chapter guys. Sorry kung may mga typos or errors na nakalusot sa mata ko. Let me know your thoughts sa comments HAHAHAHAHA










 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
EZWin0805
Random times nalang yung UD para surprise HAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
hiver_pogi
#1
miss u
jamesaidenliu29 #2
Chapter 13: Authornim your story was so cute I love reading it I hope to see some updates when you can update will wait po ☺️
maxiclaine #3
Chapter 4: kayanin ang hamon ng buhay! HAHAHAHAHAHA
wenrene22
#4
author-nim, where na you? miss ko na itong story mo. pa-ramdam ka naman at umi-iyak na yung bading dito. 😭
TakuyaKen
#5
Chapter 11: Hanep yan hahaha sharky save you Winter
TakuyaKen
#6
Chapter 6: ahaha si Ryu pang proposal ang bday gift ah
TakuyaKen
#7
Chapter 3: speedy lng ni Rina haha
TakuyaKen
#8
Chapter 2: gago ka Ryu hahaha your cousin was embarassed 🤣🤣
ryujinie__
684 streak #9
Chapter 13: Ryeji 😍 Welcome back author, hope all is well! 💛
EzraSeige
#10
Chapter 12: Welcome back otornim sana ok kana po💚💚💚... stay safe and healthy po otornim. Salamat sa lapag lodi appreciate much 🙇🙆‍♂️🥰🥰🥰💙❄