Chapter 9.

Lipad Baklang Aswang, Lipad!
Please Subscribe to read the full chapter

"Totoo ka ba talaga?", hindi ko pa ring makapaniwalang tanong.

Patuloy ko lang siyang pinagmamasdan. Inikutan ko pa siya para kilatising mabuti.

Ang ganda naman talaga ng buhok nito. Mas mahaba pa sa akin tapos ang silky pa. 

Pagkabalik ko sa harap niya ay blangko niya lang akong tinignan bago nagsalita.

"Ilang beses ko bang dapat sagutin yan? Gusto mo ba gamitan pa kita ng kapangyarihan?", inis niyang tugon.

"Luh nagtatanong lang e", busangot akong lumayo sa kaniya.

"Isa ka bang sirang plaka sa past life mo?".

"Ha?".

"Kasi pajuliet-juliet ka!", saad niya nang nakataas ang kilay.

Hindi ko 'yon pinansin at patuloy siyang sinuri.

"Ang ganda ng mata mo, para kang porenjer", mangha kong sabi, "pati yung buhok mo. Gumagamit ka ba ng conditioner?".

Nakita kong medyo napapikit siya at huminga ng malalim.

"Hindi! Normal na sa amin ang ganitong anyo. Pwede bang manahimik ka muna?".

Aba napakamaldito naman nito, sabi ni mang Kiko mabait?!

"Masisisi mo ba ako kung nagkakaganito ako? Ikaw ba naman makipag-usap sa isang engkanto", kunot-kilay kong rebut. Hindi pwedeng siya lang pwedeng magmaltido no.

Itinaas niya yung dalawang palad niya sa gilid ng kaniyang ulo.

"Woah, woah. Mj, Chill ka lang, high blood ka masiyado e".

"Ikaw kaya diyan nauna!", depensa ko.

"Oo na nga lang".

Napagisip-isip ko yung mga salitang ginagamit niya. Parang normal lang siyang tao kapag kinakausap.

"Paano mo pala nalaman yung mga salitang yun? Ganun rin ba kayo makipag-usap sa mundo niyo?".

"Anong salita?"

"Yung mga juliet eme tsaka mga chill at high blood".

Medyo natawa naman siya na binigyan pa ako ng nakakalokong tingin.

"Baka nakakalimutan mong nakikisalamuha rin kami sa mga tao. Kaya naming magpalit ng anyo na hindi niyo nahahalata", sabi niya habang itinataas baba ang mga kilay.

"Filipino rin ba ang pangunahi niyong wika?", ayan kung ano-ano na yung mga naitatanong ko.

"Yan ang madalas naming gamit. Marunong rin kaming magsalita sa iba't-ibang wika, depende sa mga kasalamuha. At isa pa, mayroon kaming sariling lenggwahe, ngunit ginagamit lamang sa mga pormal na seremonya".

Tumango-tango ako.

"Paano mo ako nakilala? Wag mo sabihing minamatyagan mo na ako noon pa?", tanong ko sa kaniya.

Para kasing andami niyang nalalaman tungkol sa akin.

"Kung hindi rin naman makapal ang mukha mo e no? Fyi, sa mga kwento lang ni Kiko kita nakikala".

Ok mukhang nagsasabi naman siya ng totoo.

"Ako lang ba ang nakakakita sa 'yo?".

"Oo, maliban na lamang kapag ginusto kong magpakita sa kanila".

"Kapareho niyo ba yung mga tikbalang?".

"Mukha ba akong kabayo sa paningin mo?".

"Eh yung mga kapre?".

"May bitbit pa akong sigarilyo?".

"Eh yung mga duwende?".

"Mukha ba akong mas maliit kesa sa 'yo?".

Awts.

Masiyadong matabil ang dila nito a. What if putulin ko?

"Bakit ka ba nandito? Kay aga-aga nambubulabog ka", sabi ko na pumunta sa kusina para mag-agahan.

Mabuti na lang walang nakakarinig sa amin ngayon kung hindi baka mapagkamalan pa akong nababaliw.

Pagkababang-pagkababa ko kasi ng hagdan ay nakita ko siyang nakatayo sa may sala. 

Muntik pa akong mapasigaw, mabuti na lang at napigilan ko. Baka magising si Aeri.

"Dito muna ako mananatili malapit sa iyo, upang mabantayan ka na rin", sabi niya na nakangiwing tinignan ang pagkain sa lamesa.

Baka gutom na 'to.

"Kumakain ka ba nito?".

Umiling siya, "hindi, napakapangit ng lasa ng pagkain ninyong mga mortal".

Naghum lang ako.

"May god-complex personality ka ba?".

"Bakit?".

"Taas ng tingin mo sa sarili mo e".

Tinaasan niya ako ng isang kilay.

"Totoo naman yung sinabi ko a?".

Inirapan ko nga.

"Ano bang mga pagkain niyo sa inyo?".

"Mahirap ipaliwanag. Bilisan mo na lamang riyan at samahan mo ako sa likod ng bahay niyo", nayayamot niyang utos.

"Wow lods sandali lang ha? Nagugutom kasi ang MORTAL, kailangan kasi ng pagkain ng katawan kong MORTAL", sabi ko na inemphasized talaga yung word.

Nagmake face lang siyang umupo sa harap ko at parang kumumpas-kumpas yung nga daliri sa tinitignan niya.

Narinig kong nagsitunugan yung mga kubyertos malapit sa lababo. 

Napanganga ako nang paglingon ko ay nakalutang na ang mga ito.

"Hoy ibaba mo nga! pag 'yan talaga nabasag ikaw malilintikan sa nanay ko".

Mas mahal pa nga siguro ni nanay kesa sakin 'yang nga gamit niya. Naalala ko dati yung kutsara't tinidor na naiwala kong pinabaon niya sakin sa school. Puro talak inabot ko pagkasabi ko sa kaniya.

"Kill joy".

Ibinaba niya yung mga pinaglalaruan niya at nagpangalumbaba.

Hindi ko na pinansin yung sinabi niya.

"Ilang taon ka na ba?", tanong ko. Base kasi sa hitsura niya mukhang magkasing-edad lang kami.

"Kung inaakala mong magkasing-edad lang tayo, nagkakamali ka.  Matagal na akong nabubuhay sa mundong ito, mas matagal pa sa iniisip mo".

Luh nabasa niya iniisip ko?!

"May kakayahan ka bang magbasa ng isip?".

"Wala", tumuwid siya ng upo, "bibihira lang ang mga engkantong nagtataglay makapagbasa ng isip at makapagsabi ng hinaharap".

Napa 'oh' na lang ako.

"Eh anong kapangyarihan mo?", naeexcite kong tanong, "tsaka pano mo nakilala si mang Kiko?".

"Ako ay isa sa mga engkantadong nakabase sa pagpoprotekta ng lahat ng mga nabubuhay dito sa lupa. Si Kiko ay isa sa mga taong may mabubuting puso at kakayahan upang matulungan ang mga mortal kaya't hindi ako nag-atubiling turuan siya ng kaalaman sa panggagamot", napatigil siya saglit, "ngunit ang aking kakayahan ay limitado lamang sa lupa, may ibang tagapangalaga ang tubig, apoy at hangin".

Maang lang akong nakatingin habang nagkukwento siya. Nakakamangha sobra.

"Mas natanda ka kay mang Kiko?".

"Sa lahat ng sinabi ko 'yan talaga napansin mo?", kunot-noo niyang tanong sa akin.

"Ganiyan rin ba mga kalahi mo?".

"Ano?".

"Masusungit".

"Hindi. Sadyang nakakagigil ka lang talaga".

Ngumit siya nang pagkatamis-tamis pero alam mo yung may motibo. Anytime parang gusto niya na akong tirisin. 

Ampocheks.

Natapos akong kumain pero itong si engkanto, mukhang hindi maiguhit ang mukha. Nainis siguro ng bongga sa akin. 

"Anong gagawin natin dito?".

Andito kami ngayon sa likod ng bahay namin sa tapat ng malaking puno ng kaimito na hindi naman namumunga.

"Dito ako maninirahan saglit", sabi niya habang iniikutan ang puno.

"Pano kayo naninirahan sa loob ng puno? Totoo ba ang mga sabi sa kwento?".

Matagal na akong nacucurious kung ano ang itsura ng lugar sa loob ng puno natinitirhan nila. 

Base sa mga kwento parang kaharian daw.

"Bakit? Ano bang sabi sa mga kwento?".

"Na marami raw ginto sa lugar niyo tapos puro magagarbo ang mga nanduon at mukhang kaharian".

Bumaling siya ng tingin sa akin at sa puno.

"Gusto mo bang makita ang loob ng punong ito?", tanong niya.

"Baka naman hindi mo na ako ibalik?".

Tinignan niya ako ng walang kainte-interes habang umiiling-iling at biglang nawalang parang bula.

"Luh hoy engkantado, nagbibiro lang ako. Lumabas ka na riyan".

Kinatok-katok ko yung puno. Gagi, walang lumalabas.

Umupo muna ako at naghintay ng ilang minuto bago kumatok ulit.

"Wuy Beomgyu. To talaga hindi mabiro, labas ka na diyan oh marami pa akong tanong".

Wala talaga beh.

"Mj? What are you doing there? Why are you knocking on a tree?".

Napatalon ako palayo sa puno nang marinig ko ang boses ni Aeri.

Nakita ko siyang nakasilip sa pinto ng kusina.

Nagtatakang nakatingin sa akin.

"Ah w-wala, wala. Ano, nanaginip kasi ako ng hindi maganda tas alam mo yung pamahiin na ibulong mo daw sa puno para hindi mangyari? Yun hehe", ninenerbyos kong utal. Sana naman hindi niya narinig yung mga pinagsasabi ko.

Mukha siguro akong tanga nang makita niya ako sa ganung posisyon.

"O...kay? Pagkababa ko kasi I heard your voice, akala ko you were talking to someone. Have you eaten na ba?", nakahinga ako ng maluwag nang ibahin niya yung topic.

"Oo", mabilis kong sagot, "ikaw na lang yung hindi pa, kain ka muna, sunod ako sa loob".

Tinignan niya lang ako na parang kahina-hinala bago pumasok.

Humarap ako muli sa puno.

Muntik na akong matumba nang makita ko si Beomgyu na nakasandal sa gilid nito.

"Papatayin mo ba ako sa gulat?!", matigas na bulong ko sa kaniya, baka kasi marinig ulit ni Aeri.

Napascoff siya, "kung pwede lang".

"Bahala ka nga muna dyan, gising na yung pinsan ko".

Iniwan ko na siya at pumasok sa loob.

Pero sino nga ba yung nilo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wnterrific
Please let me know your thoughts and comments.
Also, if you have suggestions and questions.

Here's my cc acount: https://curiouscat.me/wnterrific

Comments

You must be logged in to comment
katarinapsyche
#1
balik naaaa 😪
glanishaaa
#2
Chapter 14: Ang gandaaaaa. Parang nanonood ako ng series sa utak ko
Nananaaaa
#3
Chapter 14: Haysss na-ghost na!
osumnevercease
#4
hello author
osumnevercease
#5
ud po plsss
Psykotato #6
Chapter 14: Luh gagi kaiyak once a month lang ba to nag uupdate?😭
Psykotato #7
Chapter 11: Ang strong mo naman Minjeong Batumbakal😂
Psykotato #8
Chapter 10: Yung Liselle heart ko😭😭😭 kung wala talaga Liselle sa SNBB sana dito meron😭
Psykotato #9
Chapter 3: Medyo nastress ako sa pagkaconyo nila🥲
osumnevercease
#10
Chapter 14: excited sa kasunod lezzgooo winter the aswang slayer