Chapter 8.

Lipad Baklang Aswang, Lipad!
Please Subscribe to read the full chapter

"Ayoko".

"Dali na kasi Mj, minsan na nga lang magka-liga dito e", nakangusong niyuyugyog ako ni Ryujin.

May pa-liga kasi ng basket ball mamaya dun sa court malapit sa plaza.

"Anong minsan e halos apat na beses sa isang buwan magpa-liga dito, ebas ka", rebut ko.

"Ehhh kasi naman Mj, napaka-kj mo talaga minsan. Promise manunood lang tayo hindi sasali".

Pinanliitan ko siya ng mata, "last time na sinabi mo 'yan, nagvolunteer ka na maglaro, dinamay mo pa ako!".

Tama ang nababasa niyo, nagvolunteer ang gaga. Pero hindi naman seryosong laro. Parang happy game lang ganun, kaya pwede yung babae.

Naglalaro kami ng basketball, kaming tatlo nina Rj at Yujin. Si Ning...alam niyo naman na yun. 

Pero hindi naman lagi. Kapag natripan lang. Naging busy na rin kasi mula nung nagsenior high.

Nagsimula kaming maglaro ng basketball nung nagyayabangan kami ng mga naglalaro sa court nun.

Ayun nagtuloy-tuloy na.

Aba kahit ganito lang yung mga height namin, hindi naman kami lampahin no.

Hindi kami lumaki sa mga laruan, lalo na sa mga pambabae tulad ng barbie o kung ano pa.

Kahit pa gadgets.

Laking kalye talaga to mga pre.

Kaya lahat ng pasikot-sikot dito at mga tao, alam at kilala namin. 

"Isa, Rj!", pagbabanta ko, "tinatamad nga kasi ako".

Naiirita na ako, sumasakit na yung ulo ko. Kanina pa kasi niya ako kinukulit.
Konti na lang bibigwasan ko na 'to!

Pag sinabi kasing ayaw, aya--

"Sinabihan ko si Ning na itext sina Karina para sumunod mamaya dun".

Ay hehe joke lang pala.

Mabilis akong napalingon sa kaniya na parang kumikislap ang mga mata.

"Talaga?! Sige anong oras ba tayo aalis?", tanong ko na di sinasadyang tumaas ang boses.

Nanliliit ang mga matang tinignan ako ni Rj na para bang kinikilatis.

"Walangya ka, kanina pa kita pinipilit tas narinig mo lang yung pangalan ni Karina pumayag ka agad", sabi niya na parang naooffend pagkatapos ay hinampas ako nang malakas sa braso.

"Aray! tanginamo".

Tinignan ko yung hinampas niya at namumula ito.

Hinawakan ko ang braso at hinagod-hagod para mawala yung hapdi. 

Ang sakit gago. 

"Dcurb mo yan, pangit mo ulol", pag-irap niya sakin.

Hindi ko na sana papansinin yung pag-iinarte niya pero sige na lang, baka ako naman yung hindi niya pansinin.

Matampuhin kasi 'tong si Rj, hindi lang halata. Bonak amp.

"Sorry na nga kasi, bes".

Humarap ako sa kaniya at hinawakan siya sa braso sabay tingin with my puppy eyes.

Parang nandidiring tinulak naman niya yung mukha ko palayo gamit ang palad niya.

"Yuck kadiri kang animal ka", sabi niya na nagakto pang parang nanginginig, "magbihis ka na at didiretso na tayo dun, mauna na daw tayo kasi may gagawin pa si Ning. Siya na lang daw susundo kina Kars".

"Dabest ka talaga bes", niyakap ko siya nang pagkahigpit-higpit at ninakawan ng halik sa pinge sabay tumakbo pataas. 

Hindi ko man siya tignan pero naiimagine ko na yung diri niya hahaha.

Balakajan mandiri gago ka.

Excited na naman akong makita siya grabe, ilang araw na rin nung last naming pagkikita.

Buti na lang sinapian si Rj ng mabuting espiritu at may nagawa siyang tama.

Pagkaakyat ko ay kumatok ako sa pinto ni Aeri.

"Yes?", tinatamad niyang tanong.

"Sama ka? Punta tayo sa plaza, nood liga".

Medyo nag-isip pa siya.

"Sure, wala rin naman akong ginagawa, what time ba?".

"Ngayon na raw, bihis ka na bibihis na rin ako".

Pumasok ako sa kwarto ko at nagsuot lang ng women's jersey shorts na hindi naman masiyadong maikili at black oversized t-shirt.

"Ano alis na tayo?", tanong ko nang makalabas si Aeri sa kwarto at sabay na kaming bumaba.

"Yun, sama ka rin pala Ging, dami na namang magkakacrush sayo dun", natatawang sabi ni Ryujin sa pinsan ko.

Nagroll eyes lang siya nakangiwing tinignan si Rj.

Crushable kasi 'tong pinsan ko, lalo na ng mga lalaking maaasim. Ems.

Daming manliligaw nito dito pero puro lahat binasted. May itsura naman yung iba pero hindi daw talaga niya type. Naks ganda yarn?

"To talaga hindi mabiro", saad ni Rj.

"Ikaw nga crush nung nambully sayo. What was his name again? Tolits?"

Mamatay-matay ako katatawa nang banggitin yun ni Aeri, ayaw na ayaw kasi yang nababanggit ni Rj kasi nakakadiring  pangyayari daw.

"Pucha, tara na nga, baka mas lalo pa akong makawawa dito".

___

Pagkarating namin ay nag-uumpisa na yung laro. 

Medyo hindi pa masiyado marami yung tao kaya marami pang space.

Pumwesto kami sa may unahan para makita namin yung laro. Nilagyan na rin namin ng mga gamit yung upuang katabi para kina Karina mamaya.

Lamang na yung team ng baranggay namin.

Yung magkakalaban kasi is yung baranggay namin at sa kabila is yung katabi lang ng amin.

Sina kuya Jaehyun yung naglalaro, anak ng kapitan dito at senior namin sa school. Kasama niya sa team yung mga tropa niya rin na sila Jeno at Yeonjun. 

Mga varsity players yang mga 'yan.

"Papunta na raw sila Ning, tinatanong kung saan daw tayo banda", sabi ni Yujin na ngayon ay kasama namin.

Dinaanan kasi namin siya bago kami dumiretso dito.

Nakataas ang kilay na tinignan namin siya.

"Hoy bat ganyan kayo makatingin? Sa gc kaya siya nagchat!".

"Oh kalma kalma, wala naman kaming sinasabi. Apakadefensive", sabi ni Rj na nakakalokong tinignan ang pinsan niya.

Binuksan namin ang cellphones namin at bumungad ang sunod-sunod na tanong ni Ning at ng tres marias.

Ning: Hoy mga pangit, otw na kami saan kayo banda?

Minjeong: Pasok lang kayo tas tingin sa may kaliwa. Nasa unahan naman kami kaya makikita niyo agad.

Ryujin: Nireserve na rin namin kayo ng upuan.

Yeji: Really? Thank you, Rj.

Umangat ang tingin ko kay Ryujin na halos mapunit ang labi kakangiti.

"Luh oh, mukhang asong ulol", sabi ko sa kaniya at mahina tinulak ang balikat.

Aeri: You know, Yej. Hindi lang si Rj yung nagreserve ng chairs.

Yujin: Ay parang may hinihintay siyang magthank you para sa kaniya.

Ryujin: @JuliaHwang

Julia: Thank you, Aeri <3.

"Wow sana all may paheart".

Kinurot ni Aeri si Rj sa tagiliran dahilan naman para mamilipit yung isa sa sakit.

Dcurb.

Karina: We're almost there na daw.

Minjeong: Sige, ingat kayo.

Ramdam ko yung nakakalokong tingin ng mga katabi ko sa akin sabay sundot ni Rj sa tagiliran ko.

Nahampas ko tuloy kamay niya.

"Napakasadista niyo talagang magpinsan!", reklamo niya.

"And whose fault is that?", nakacross arms na tanong ni Aeri.

"Sabi ko nga magshushut-up na lang ako".

Maya-maya pa ay may kumalabit sa akin. 

Si Karina. 

Kakarating lang nila.

"Hi", bati niya sa akin.

"Hi, upo ka na".

Kinuha ko yung mga gamit sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Ahem, sana all pinapaupo. Pwede po bang pakuha na rin mga gamit niyo sa upuan opo hehe thanks", sarcastic na sabi ni Ning. 

Tinignan ko lang siya ng masama. Nagmakeface lang siya.

Epal talaga.

Si Yujin na yung tumayo at kinuha yung mga gamit sa iba pang bakanteng upuan.

Nakita kong sumulyap ito kay Ning at nginitian siya nito.

Yie mga bading.

"Thank you, Yuj", sabi ni Lia.

"Ay walang anuman, sige balik na ako dun".

Umupo na silang apat. Si Karina sa tabi ko pumwesto. Nakakaramdam na ako ng pang-aasar sa mga kasama ko pero hindi lang sila umiimik.

Balakayojan basta katabi ko crush ko.

"Wooo let's go kwangyans!", pakikisabay naming tatlo nina Yujin at Rj sa sigaw ng mga nanonood.

Kwangyans yung pangalan ng team ng brgy. namin.

Sobrang engrossed na kami sa game.

Yung mga kasama naman namin tahimik lang. Papalakpak kapag pumalakpak din kami.

Hindi naman daw kasi sila marunong maglaro o kung paano yung scorings. Basta magshoot lang daw yun na yung sign na papalakpak sila. 

Sobrang intense ng laban.

Lamang na yung kalaban ng dalawang puntos tapos yung time 30 seconds na lang.

Si kuya Jaehyun yung may hawak ng bola, maingat siyang binabantayan ng mga kalaban.

Yung center ng kalaban nakaabang nang iblock yung tira niya at magrebound.

Pinasa niya kay Yeonjun yung bola na siyang point guard at nidribble ito para malito ang kalaban.

15 seconds na lang.

Grabe na yung dasal naming tatlo. Last year kasi ka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wnterrific
Please let me know your thoughts and comments.
Also, if you have suggestions and questions.

Here's my cc acount: https://curiouscat.me/wnterrific

Comments

You must be logged in to comment
naevisthepurplegae
#1
balik naaaa 😪
glanishaaa
#2
Chapter 14: Ang gandaaaaa. Parang nanonood ako ng series sa utak ko
Nananaaaa
#3
Chapter 14: Haysss na-ghost na!
osumnevercease
#4
hello author
osumnevercease
#5
ud po plsss
Psykotato 24 streak #6
Chapter 14: Luh gagi kaiyak once a month lang ba to nag uupdate?😭
Psykotato 24 streak #7
Chapter 11: Ang strong mo naman Minjeong Batumbakal😂
Psykotato 24 streak #8
Chapter 10: Yung Liselle heart ko😭😭😭 kung wala talaga Liselle sa SNBB sana dito meron😭
Psykotato 24 streak #9
Chapter 3: Medyo nastress ako sa pagkaconyo nila🥲
osumnevercease
#10
Chapter 14: excited sa kasunod lezzgooo winter the aswang slayer