Chapter 3.

Lipad Baklang Aswang, Lipad!
Please Subscribe to read the full chapter

"Nak, may ginagawa ka ba?", rinig kong tanong ni nanay na nakasilip ang ulo sa pinto ng aking kwarto.

"Wala naman po 'nay, bakit?".

Andito lang ako ngayon nakahilata at nakatingin sa kisame, kanina pa ako gising pero tinatamad akong bumangon.

Wala naman kasi nang pasok. 

Eto talaga yung paborito kong Lunes e, yung start ng bakasyon.

"Pwede mo ba akong tulungan sa palengke? ang dami kasing aning gulay ngayon, baka hindi ko kayanin".

Oo, sa amin mismo nanggagaling ang mga gulay na ibinebenta namin, meron kasing sakahan si tatay, namana niya mula kay lolo. 

Imbes na palay ay iba't-ibang gulay ang napagpasiyahan nilang itanim. Mabenta raw kasi lalo na sa palengke. 

'Yan rin ang dinadala kong order ni lola Rosa sa bahay nila. Malayo kasi ang palengke, nasa bayan pa 'yon kaya naki-usap siya kung pwede daw ba sa bahay ko nalang nila ideretso. 

"Opo naman nay, 'to naman parang others", sabi kong pabiro, "si Aeri po ba gising na?".

"Ay oo, andun na sa baba nag-uumagahan, bumangon ka na nga riyan at sabayan mo na kami", pag-aya ni nanay sabay sarado jg pinto.

Bumangon ako at pumunta muna sa banyo para gawin ang aking morning routine. 

Maghilamos, check.

Magtoothbrush, check.

Bumama ako at naabutan ko silang tatlo na naghahalakhakan. 

"Good morning, saya natin today a?", bati ko sa kanila.

"Oh anak, andiyan ka na pala, upo na't kumain, may ikwinento kasi itong si Ging", si tatay sabay higop ng mainit niyang kape.

Nakataas ang mga kilay na napalingon ako kay insan.

"Share mo naman yan dai".

"Ni hindi ka nga muna nag-good morning sa akin, tapos makikichika ka na agad?", tinaasan niya rin ako ng kilay na konti nalang ay lilipad na.

Umagang-umaga nagmamaltida!

"Ay sorry naman, high blood ka agad ih", sabi ko nalang natatawa, "so ano nga?".

"It's nothing important, Mj. About lang dun sa suitor ko dati".

"Oh anmeron sa manliligaw mo? binasted mo?", tanong ko habang nagsasandok ng kanin.

"Yes, he is so mayabang kasi", sabay pagroll ng mata niya, "one time sindundo ako ni dad sa school, lumapit siya and asked kung sino daw ba yun then he bragged and bragged that he's better and all. Then dad got out of the car and told him to stay away from HIS daughter daw. Imagine the secondhand embarassment that i caught", pagkwento niya na parang nagccringe.

Hindi ko napigilang magtunog baboy, muntik pa lumabas sa ilong ko yung kanin na nginunguya ko jusko.

"Ayoko ko na imaginin, pati ako nahihiya sa ginawa niya", uminom ako ng tubig, "hay mga kalalakihan talaga ngayon puro feeling pogi, chachaka naman".

"Kaya ikaw Mj ha, naku mag-ingat ka lang talaga. Kung maaari 'wag ka munang magboypren boypren na 'yan", sabi ni nanay sa akin. 

Luh. Pano ako magkakaboyfriend e ni hindi nga ako attracted sa mga hatdog. Ew over my dead se- hindi pala ako y.

Over my dead body!

"Eh gerlpren po 'nay pwede?", pabirong tanong ko kay nanay habang tumataas baba ang kilay.

Binatukan ako ni insan. Katabi ko lang kasi siya.

"Be serious", sabi niya.

"Ikaw talagang bata ka oo, hindi ko na alam gagawin ko sa 'yo, bahala ka nga basta tutukan mo lang pag-aaral mo yun lang hinihiling ko", ay wow biglang nagdrama si mader.

"Oo nga anak, mag girlfriend ka man o boyfriend o kahit ano pa riyan, tanggap ka namin, basta maging responsable ka lang. Malaki ka na naman", si tatay na nakatingin lang sa akin at seryoso.

Natouch naman ako dito sa mga 'to.

Umamin na kasi ako sa kanila dati pa na bading talaga ako. Na hindi ako naattract sa mga lalaki, sa babae lang.

Grabe yung kaba ko nun, may paiyak-iyak pang nalalaman ang ate niyo. Pero hindi naman nagalit sina nanay at tatay, niyakap pa nga ako nang mahigpit.

Tinawanan pa nga ako ni tatay, may junior na daw siya. 

Junior?! sa ganda at cute kong 'to, junior?!

Tanggap nila ako nang buong-buo, kahit naman daw kasi pagbali-baliktarin pa ang mundo ay ako pa rin daw si Minjeong nila na napakaganda, napakabait at napakamapagmahal na anak.

Che! mga bashers, wag niyo akong pakialaman!

Ang super thankful ko lang na meron akong mga magulang na napakasupportive at napakabait.

"Nuebayarn, pinapaiyak niyo naman ako e, lika nga group hug, group hug!", pagcheer ko, at lumapit sa kanilang dalawa.

Nakatingin lang sa amin si Aeri na nakangiti, parang nanonood ng isang wholesome na drama.

"Insan, ginagawa mo diyan? lika rito sali ka", lumapit ko sa kaniya at hinila siya, "ang swerte-swerte ko talaga. Meron akong tatay na pogi, nanay na y, at napakagandang pinsan na aking paborito".

Tumawa silang lahat. 

"Hmp, you're so bolera", tinulak pa ni Aeri yung mukha ko.

"Walang duda, manang-mana ka talaga sa tatay mo", sabi naman ni nanay.

Nagkatinginan kami ni tatay at nag-apir.

Hay ang saya mabuhay na sila ang kasama, dagdag mo na sina Ryujin at Ning, kahit mga mokong lang mga 'yon mahal ko rin naman. Kung papipiliin man ako sa susunod na buhay ay sila at sila pa rin ang pipiliin ko.

---

Napakadami ngang tao ngayon sa palengke, puro kasi bago yung mga paninda.

Maliit lang 'tong lugar kumpara sa ibang palengke na nakikita sa tv kaya siksikan talaga.

"Wow, it's so tiring. Andaming bumibili", reklamo ni Aeri na napaupo sa upuan.

"Anong it's so tiring ka diyan e mas mahaba pa upo mo kesa magbenta, baklang to", sabi ko naman sa kanya at nagmake face lang siya.

Marunong si insan magbenta, dati pa kasi ay sumasama na siya sa amin ni nanay dito sa pwesto at nagpumilit na turuan siya kasi 'it looks fun' daw.

"Kayong dalawa talaga, oh siya magpahinga muna kayo dyaan at ako muna dito", si nanay at akmang papalitan ako sa harap.

"Naku nay, relax ka lang diyan yakang yaka na namin 'to, 'di ba insan?", tinignan ko siya with my malaanghel na ngiti.

Ngumiwi siya at nilingon si nanay.

"Opo tita, we can handle this na po, don't worry".

In fairness, malakas ang benta ng aming pwesto. Madaming suki itong si mader, magaling kasi mangsales talk. Taray!

Pagtapos namin kaninang magdrama ay nagpahatid na kami kay tatay, sumama si insan kasi wala siyang kasama sa bahay. 

Sabay niya na daw kami, kasi magbbyahe din naman siya. Tricycle driver ang aking fader earth. 

Yun ang pampalipas trabaho niya kapag wala pang ganap sa sakahan. Sayang naman daw kasi ang kikitain.

Tuwing bakasyon din kasi ay tumutulong ako kay nanay sa tinda, w

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wnterrific
Please let me know your thoughts and comments.
Also, if you have suggestions and questions.

Here's my cc acount: https://curiouscat.me/wnterrific

Comments

You must be logged in to comment
katarinapsyche
#1
balik naaaa 😪
glanishaaa
#2
Chapter 14: Ang gandaaaaa. Parang nanonood ako ng series sa utak ko
Nananaaaa
#3
Chapter 14: Haysss na-ghost na!
osumnevercease
#4
hello author
osumnevercease
#5
ud po plsss
Psykotato #6
Chapter 14: Luh gagi kaiyak once a month lang ba to nag uupdate?😭
Psykotato #7
Chapter 11: Ang strong mo naman Minjeong Batumbakal😂
Psykotato #8
Chapter 10: Yung Liselle heart ko😭😭😭 kung wala talaga Liselle sa SNBB sana dito meron😭
Psykotato #9
Chapter 3: Medyo nastress ako sa pagkaconyo nila🥲
osumnevercease
#10
Chapter 14: excited sa kasunod lezzgooo winter the aswang slayer