Chapter 11.

Lipad Baklang Aswang, Lipad!
Please Subscribe to read the full chapter

"Akyat na po ako sa taas", paalam ko sa kanila nang matapos akong kumain ng hapunan.

Nakita kong worried na sinusundan lang ako ng tingin ni Aeri. 

"Nak ayos ka lang ba? Bakit mukhang nangangayayat ka yata?", nag-aalalang tanong ni nanay sa akin.

"Ayos lang po ako nay pagod lang siguro, naglinis po ako ng bongga e hehe", pekeng tawa ko. Sorry po sa pagsisinungaling huhu nakakaguilty tuloy.

"Oh siya sige, magpahinga ka na muna, ako na ang bahala sa hugasin".

"Tita, I'll help po".

"Wag na Ging, kaunti lang naman ito".

"No po, wala naman akong ginawa ngayon araw e, tsaka kayo po yung kakagaling pa ng palengke".

"Asus, 'tong batang 'to talaga oo, siya sige na nga. Tapusin mo muna iyang kinakain mo".

Nagsmile lang si Aeri at nagpatuloy nang kumain.

Umakyat na ako pagkatapos nun.

Walang alam sina nanay at tatay sa mga nangyayari sa akin maliban doon sa nangyari sa amin ni Aeri nung gabing hinabol kami. Pinakiusapan ko kasi siya na huwag sasabihin kahit kanino.

Lalong-lalo na sa mga magulang ko.

Una umayaw pa siya pero kalauna'y nakumbinsi ko rin. Ayaw ko na silang madamay pa at mag-alala sa akin. 

Pagkapasok ko ng kwarto ay agad ko nang ginawa ang aking night routine para diretso na tulog. Ems ansabe ng night routine, half bath lang naman tsaka konting eskinol eskinol ganon.

Nahiga na ako sa kama at pinilit ang sariling makatulog. 

Kanina pa ako rito pero heto pa at pabalikwas-balikwas lang, harap sa kanan, harap sa kaliwa, tingin sa kisame--ay wala pala kami nun. Sige tingin sa bubong. 

Shemay hindi ako makatulog!

Ang dami kong iniisip, ang dami kong tanong pero hindi ko alam kung saan kukuha ng sagot. 

Hindi rin maalis sa isip ko kanina yung nangyari. Kung tama ba ang hinala ko na siya ang dahilan kung bakit kumulo yung lana.

Ayaw ko naman magbintang kasi hindi iyon maganda. Pero paano maipapaliwanag na tumagas yung lana kanina e wala namang sira yung bote at hindi naman maluwag ang pagkakatakip.

Tugmang-tugma sa sinabi ni mang Kiko.

Inabot ko yung cellphone ko para tignan yung oras. Lampas na alas-onse. Jusko ilang oras na akong nakahiga lang.

Nagdecide na lang ako magcellphone para magpaantok.

Pumunta ako sa facebook at nistalk na lang si Karina. Shet sinong mag-aakalang nandito sa aming probinsya ang napakafamous na babaeng 'to?

Ang dami niyang followers tsaka umaabot ng thousands ang likes at comments sa mga pictures niya.

Sikat rin yata 'to sa school nila e. Athlete kasi siya simula junior hanggang senior high school. Ngayong college daw siguro hindi na niya itutuloy ang pangiging athlete since magfofocus na siya sa pag-aaral niya.

Grabe naman, ang perfect. Ano kayang feeling ng peborit ni Lord. Ako kasi kacutean lang ambag ko hays.

Hindi ko namalayan na nakaabot na pala ako sa medyo old photos niya. Yawa naman, hindi ba 'to nakaranas maging pangit at jejemon? Puro matitino at ang gaganda ng mga captions at pictures niya.

Nadako ako dun sa nakaone piece siya na rash guard. Nakapose na parang model. One hand on hip habang nakatingin siya medyo sa side tas yung buhok niya nakamessy bun.

Gagi ang ganda at...y.

Feeling ko tuloy nagkakasala ako.

Wew myghad Minjeong, kalaliman ng gabi!

Isswipe ko na sana nang dumaplis sa kamay ko yung cellphone, nalaglag sa mukha ko pucha.

Pagtingin ko ay kulay blue na yung like button!

PUTANGINA!!!

Napabalikwas ako nang wala sa oras. Yung antok ko biglang nawala. Gising na gising yung diwa men.

Dali-dali kong binawi yung like. Hindi naman na siguro magnonotif yun ano?

Hindi ako mapanatag. 

Minjeong: Ning, my bff gising ka pa ba?

Minjeong: Rj, my other half, gising ka pa ba?

Aba ang mga kupal ilang minuto na ang nakalipas hindi pa rin nagrereply. Parang ang aaga naman yata nito magsitulog.

Oo, maaga pa sa akin ang 11:00 pm, so what.

Minjeong: Ging, my bootyful cousin, gising ka pa ba?

Wala pang isang minuto ay nagreply na siya.

Aeri: No.

Minjeong: Omaygas, Ging tulonggg

Aeri: Why, Mj? did something happen?

Minjeong: Oo, huhu. Kapag nalike mo ba accidentally yung picture sa fb tapos binawi mo rin agad magnonotif pa rin ba yun?

Aeri: Wth. Goodnight, Minjeong. 

Minjeong: Uy, Ging namannn

Aeri: I thought something not nice happened. 

Aeri: You made me worry.

Minjeong: Sorry na huhu. Pero ano nga?

Hindi siya nakapagreply agad kaya binaba ko muna yung cellphone ko, nakakasilaw.

Maya-maya ay nagding kaya naman tinignan ko agad kasi akala ko nagreply na si Aeri.

Pagkakita ko ay napapikit na lang ako sa hiya.

Karina: Looks like someone's enjoying my photos ><

Minjeong: Ha? Hello na rin sayo ha

Karina: So...you liked my picture?

Eto na nga ba yung sinasabi ko eh. Hello darkness my old friend.

Minjeong: Luh sinasabi mo diyan?

Karina: *sends screenshot*

Minjeong: Nadaplis lang kamay ko kanina uy. Hindi yan sadya

Karina: Ah that's why nakaabot ka sa 2017 phase ng uploads ko?

Gusto ko na lang magpalamon sa lupa o kahit ano maalis lang ako sa sitwasyong 'to. Jusko anong mukhang ihaharap ko nito sa kaniya.

Minjeong: Nyenyenye, bakit gising ka pa?

Karina: Can't sleep, hby?

Minjeong: Ako rin ༎ຶ‿༎ຶ

Karina: I see, kaya you decided to stalk my account na lang?

Wow, ang lakas naman ng hangin mo teh. Pero true naman. 

Minjeong: Ang kapal mo sa part na 'yan pero what if sabihin kong oo?

Oh ano ha, laban ka ngayon dali. Kala mo magbaback out ako? Baka Minjeong Batumbakal to.

Karina: Oh, getting brave, I see. Mga ganon pala yung type mong pictures. I have a lot here, mostly recent. I can send them to you if you'd just ask.

Nanlaki yung mga mata ko sa reply niya. Santisima itong babaeng to talaga magiging sanhi ng kamatayan ko e. 

Sabi ko nga mas magaling ka na Karina!

Feeling ko tuloy lahat ng dugo at init sa katawan ko umakyat sa mukha ko. Hindi ko na talaga siya kinakaya.

Maangas ka Mj, maangas. 

P-pero kasi ano maraming recent pics daw yung nasa kaniya at ano parang gusto ko magpasend hihi.

Karina: Hey, was just kidding. You still awake?

Ay hala ayan tuloy nakalimutan ko na magreply.

Hmpf just kidding lang naman pala. I got excited for what?!?!

Minjeong: Alam ko baliw. Papatulog na rin ako, medyo nakakaramdam na rin ng antok.

Karina: Same here, I think we should sleep na. Goodnight, Mj. Stop stalking na ha. Just send me a dm, the deal's still open ;) See you!

Lord tulungan niyo po ako, ilayo niyo ako sa lahat ng temptasyon. Amen.

Pagkareply ko sa kaniya ay tumunog ulit yung phone ko.

Aeri: Yes, it will notif. Why'd you ask?

Wow salamat sa immediate reply mo insan ha? nakatulong ka talaga ng super laki grabe.

Hindi na nga ako dinapuan ulit ng antok matapos yun. Kaya heto ako pagulong-gulong lang sa higaan. Naghahanap ng tamang pwesto.

Parang naiihi ako.

Sa higaan ko na lang nilabas.

Joke lang gago kadiri.

Syempre bumangon ako at nagpunta ng banyo. Nasa ilalim pa iyon sa may kusina. 

Syempre alangan naman maglagay kami ng cr sa pangalawang palapag e hindi naman gawa sa semento yung sahig.

Yawa ala una na pala ng umaga.

Matapos ko ay parang may narinig ako tunog sa bubungan na para bang may kung anong nahulog. 

Hindi siya gaano kalakas pero dahil tahimik ang paligid ay maririnig mo talaga.

Hindi sakop ng ikalawang palapag itong banyo namin kaya bubong agad pagkat

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wnterrific
Please let me know your thoughts and comments.
Also, if you have suggestions and questions.

Here's my cc acount: https://curiouscat.me/wnterrific

Comments

You must be logged in to comment
katarinapsyche
#1
balik naaaa 😪
glanishaaa
#2
Chapter 14: Ang gandaaaaa. Parang nanonood ako ng series sa utak ko
Nananaaaa
#3
Chapter 14: Haysss na-ghost na!
osumnevercease
#4
hello author
osumnevercease
#5
ud po plsss
Psykotato #6
Chapter 14: Luh gagi kaiyak once a month lang ba to nag uupdate?😭
Psykotato #7
Chapter 11: Ang strong mo naman Minjeong Batumbakal😂
Psykotato #8
Chapter 10: Yung Liselle heart ko😭😭😭 kung wala talaga Liselle sa SNBB sana dito meron😭
Psykotato #9
Chapter 3: Medyo nastress ako sa pagkaconyo nila🥲
osumnevercease
#10
Chapter 14: excited sa kasunod lezzgooo winter the aswang slayer