Chapter 2.

Lipad Baklang Aswang, Lipad!
Please Subscribe to read the full chapter

Alas singko na ng hapon nang sa wakas ay napagdesisyunan kaming pauwiin na ng guro namin. 

Jusko kastress mga teh ha!

Pero mapapa TGIF ka talaga. Thank God it's FriYAY! 

"Uy mga bes ano? saan niyo gustong chumibog?", tanong ni Rj.

"Edi sa tambayan natin, saan pa ba?", sagot naman ni Ning.

"Aba malay ko diyan kay Mj, siya naman manlilibre".

"Luh anong ako? wala naman akong sinabi a!".

"Ikaw wala, si tsong meron".

Sabay pa silang napatingin sa akin na nakangising aso.

Inis, ano ba 'yan nakainom ba mga tao ngayon ng memo plus gold at hindi sila makalimot-limot.

"What if pag-untugin ko kayo", irap ko sa kanila, "dun tayo sa nakagawian, lezgo tusok-tusok!". Sabay hiyaw naming tatlo.

Habang naglalakad kami ay naramdaman kong biglang nagring ang aking cellphone na nakalagay sa loob ng bulsa.

Si nanay pala. Dali-dali ko itong sinagot.

N: Anak uwian niyo na ba?

A: Opo, nay. Naglalakad po kami ngayon, kain muna kami sa tusok-tusok.

N: Ay anak, 'wag na. Dito na kayo dumiretso sa bahay at nagluto ako ng pansit.

A: Ha? ano pong meron nay?

N: Basta dalian niyo nalang, ingat kayo.

A: Sige po. 

Agad na napakunot ang aking noo matapos kong ibaba ang telepono. 

Anong okasyon ngayon? Bihira lang 'yan magluto si nanay ng mga ganyan, lalo na 'pag may bisita. 

Naramdaman ko ang pagkalabit sa 'kin ni Ning na nagtataka nang lingunin ko.

"Anyare bes? ba't ganyan feslak mo?".

"Wala naman, sabi ni nanay dun na daw tayo dumiretso sa bahay kasi nagluto suya ng pansit".

Kitang-kita ang pagliwanag ng mukha ng dalawang mokong. Hindi man lang tinago ang pagkapatay-gutom amp. 

Char, kaming tatlo yun actually. Yung patay-gutom.

"Omg talaga?! Dabest pa naman si tiyang magluto", excited na sabi ni Ning habang pumapalakpak pa.

True, 'yan ang specialty ni nanay. Kaya 'pag may handaan dito sa amin ay siya lagi ang kinukuhang taga-luto, ang ang pansit niya ang laging unang nauubos. Hindi kasi nakakasawa.

Pansit for a longer life!

"Eh ano pang hinihintay niyo? pasko? tara na!", hila sa 'min ni Ryujin. Atat na atat teh?

Napailing nalang ako na sumunod.

Pagdating namin sa bahay ay sinalubong kami ng aking ina at pinapasok.

Napatingin ako sa babaeng nakaupo sa hapagkainan, hindi ko agad nakilala kung sino kasi nakatalikod.

"Oh umupo na kayo dito at nang makapagmiryenda kayo", aya sa amin ni nanay.

Lumingon ang babae at nagulat ako, kaming tatlo.

"Hi guys", bati nito sa amin na nakangiti at kumaway ng kaunti.

"Giging!".

Hindi ko na napigilan pa at tumakbo na ako para yakapin ito. Sumunod naman yung dalawa.

"Oh my gosh, Mj. I told you stop calling me that na", parang batang sabi nito, "well, hello to you too", dagdag pa niya na niyakap ako pabalik.

Si Aeri, pinsan ko. Kapatid ni nanay yung tatay niya.

Sa Manila sila nakatira at literal na laking rits kid itong aking pinsan kaya naman natural na talaga sa kanya na ganito magsalita at umasta.

"Namiss ka namin Ging", sabi ni Ning na nakayakap din sa kaniya.

"Correction Ning, it's Gi from now on and I missed you too", at saka kami tinignan isa-isa.

Hindi namin pinansin ang sinabi niyang 'Gi' nalang daw itawag namin sa kanya, nakasanayan na namin yung Ging e.

"Wow, you all look amazing", ngiting sabi niya sa amin, "ang laki na ng nagbago, naalala ko pa dati mga gusgusin nating mukha", dagdag niya at natawa kaming lahat.

Ahem ahem. Hindi naman sa pagmamayabang ano, pero nagglow-up naman kami kahit papano. I mean, cute naman na ako simula bata pa, ewan ko lang dito sa Dalawa. Ems.

Sige nalang nga, cute naman kaming tatlo simula pa dati, nag improve lang ngayong nagdalaga na kami, naging pretty na.

Yung mga balat namin dating singkulay ng mga punong kahoy, ngayon medyo pumuti-puti na. 

Kojic soap ang sagot! chos.

Hindi na kasi kami masiyado naggagagala, minsan nalang. Dito naman sila lagi sa bahay nakatambay e.

Natuto na rin kasing magbitbit ng payong kapag naglalakad sa daan, lalo na 'pag maaraw. 

Nagiging conscious na kami sa pangangatawan at mga itsura namin no.

Wala kasi kaming pakialam sa mga itsura namin dati, basta makapaglaro lang kahit sa initan pa 'yan, ayos na.

Madapa, madungisan, maputikan, maulanan. Wapakels.

"Grabe Ging, di ka namin nakilala a, ang seksi seksi at gumanda ka lalo", manghang sabi ni Rj.

Umismid nalang si Aeri sa 'Ging' ni Rj at hinampas ito nang pabiro sa braso.

"Matagal na kaya akong pretty, anyway, thanks Rj, ikaw nga hanggang ngayon bolera pa din".

Napanguso nalang si Ryu.

"Ikaw, 'di ka man lang nagsabi na pupunta ka ngayon dito", parang nagtatampo kong sabi.

"Surprise, I guess?".

"Hmp. Dalawang summer na kaya yung lumipas na hindi ka nagpakita sa amin!".

Nakacross arms pa 'yan ha.

Every summer kasi dito na siya nagbabakasyon, ever since nagkakilala kami. Pinilit niya nang bongga daddy niya kaya walang nagawa at pinayagan nalang siya. Niassure din kasi nila nanay na okay lang daw, tsaka safe naman daw si Aeri dito.

Pero 2 years ago ay hindi na siya nakabalik dito kaya gulat ako ngayon kasi nandito na ulit siya.

"Sorry na kasi, super busy lang talaga. Lagi naman tayo nag-uusap sa chats, and  I'm here na, ano pang inaarte-arte mo?", taas kilay niyang sabi.

Luh napaka talaga kahit kailan, napakataray! wala talaga makakatalo dito.

Dapat ako yung nagtataray ngayon e. Agaw eksena 'tong si insan.

Kung ito siguro kasabay namin ng mga batang nakalaro namin dati, panigurado iiyak lahat ng mga 'yon pauwi at walang magtatangkang mang-away sa amin.

Una kong nakilala si Aeri noong 10 years old kami, bumisita kasi silang magpamilya dito sa amin. 

First time niya makapunta sa probinsya nun. Ang tahimik niya, kaya ako bilang isang maligalig na bata ay dinaldal siya nang dinaldal.

Natahimik lang ako nang magsalita siya. Hindi ko kasi alam ang isasagot kasi unang-una hindi ko siya naintindihan!

Ikaw ba naman englishin? 

Pagbaba ko ng hagdan ay nakita kong sobrang busy nila nanay at tatay sa mga ginagawa nila.

Nagluluto sila ng mga pagkain, maraming pagkain. May pansit, may menudo, may papaita

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wnterrific
Please let me know your thoughts and comments.
Also, if you have suggestions and questions.

Here's my cc acount: https://curiouscat.me/wnterrific

Comments

You must be logged in to comment
katarinapsyche
#1
balik naaaa 😪
glanishaaa
#2
Chapter 14: Ang gandaaaaa. Parang nanonood ako ng series sa utak ko
Nananaaaa
#3
Chapter 14: Haysss na-ghost na!
osumnevercease
#4
hello author
osumnevercease
#5
ud po plsss
Psykotato #6
Chapter 14: Luh gagi kaiyak once a month lang ba to nag uupdate?😭
Psykotato #7
Chapter 11: Ang strong mo naman Minjeong Batumbakal😂
Psykotato #8
Chapter 10: Yung Liselle heart ko😭😭😭 kung wala talaga Liselle sa SNBB sana dito meron😭
Psykotato #9
Chapter 3: Medyo nastress ako sa pagkaconyo nila🥲
osumnevercease
#10
Chapter 14: excited sa kasunod lezzgooo winter the aswang slayer