Chapter 4.

Lipad Baklang Aswang, Lipad!
Please Subscribe to read the full chapter

"Lika na, mas maganda maglakad-lakad ngayon, hindi pa masiyadong tirik ang araw", sabi ni Rj na sumilip pa sa labas at tumingala para tignan ang langit.

"Onga mga teh, nagdala lang ako ng payong para in case biglang uminit. Sayang sabon ko", pag-iinarte ni Ning na winagayway pa yung payong niya.

Andito silang dalawa ngayon sa bahay, boring na daw masiyado kaya naisipan nilang maglakad-lakad daw kami.

Hindi kami nakasama ni Aeri kay nanay ngayon sa palengke, nagpaalam kasi ako na nagyayaya mamasyal si Rj at Ning. 

Dyaan lang naman sa tabi-tabi.

"Mj let's bring an umbrella too, ayaw ko rin mainitan", sabi ni pinsan.

Napabusangot ako, "ang aarte niyo talaga, parang dati lang wala tayong pake basta makapaglaro lang kahit tirik ang araw a".

"Wag ka nga bumusangot diyan, makareklamo ka e parang ikaw hindi nagpapayong kahit na walang araw!", angal ni Ryujin.

"True, tsaka it's already in the past Mj, iba na ngayon".

Hindi ako nakasagot agad sa pagrebut ni Ryujin at Aeri. 

Hindi ko naman idenedeny, eh kasi nga di ba, matagal din namin 'tong pinaghirapan para maging ganito yung mga kutis namin.

Babad sa kojic soap, ilang beses maligo sa isang araw, kuskos dito kuskos doon, lotion dito lotion doon.

Tiis ganda kumbaga.

Lalo pa nasa probinsya kami. 

Hindi ko naman sinasabi na kapag nasa probinsya nakatira ay hindi na maputi.

Yung punto ko kasi, kadalasan sa mga tao dito sa amin babad sa arawan. Mga nagbabanat ng buto.

Sa sakahan man o sa karagatan. Pareho lang na tirik na tirik ang araw.

Idagdag mo pa na lagi kami naglalaro sa labas dati buong umaga hanggang maghapon-

Yun ay kapag hindi kami sinundo ng mga magulang namin gamit ang stick na pamalo para lang sumunod kami umuwi at matulog. 

Pampatangkad daw kasi.

Isang napakalaking fake news! Tignan niyo kaming tatlo nila Ning at Rj, tumangkad ba kami?!

Idagdag mo pa 'yang tumalon daw kapag bagong taon.

Simula pa nung mga bata kami lagi na kaming tumatalon kapag bagong taon, nasa sistema na nga namin yan.

Pero tumangkad ba kami?

Hindi!

"Nyenyenye, ako na naman pinagtulungan niyo".

Ang totoo kasi niyan...

Ayoko na pabalik-balik sa loob ng bahay, nakakatamad!

"Eh sino ba 'tong reklamo nang reklamo?".

"What if itikom mo kahit wan sekond lang 'yang bibig mo Ning?".

Inirapan ko sila at mabilis na naglakad papuntang kusina.

Kinuha ko na lang agad yung payong na nakasabit sa gilid ng aparador para tumigil na silang pagtulungan ako.

---

"Bes dali na magkwento ka na kasi", pagpipilit ni Ning na nakakapit sa kaliwa kong braso at  niyuyugyog pa ako.

Napangiwi ako, ansakit sa ulo!

Muntik pa kami matumba.

"Ning bitawan mo nga ako, umiikot na paningin ko".

Nakita ko rin sa gilid ng aking mga mata sina Rj at pinsan ko na nakatingin lang sa akin.

Nag-aabang sa kung ano man yung ikukwento ko.

Niagay ko ang aking dalawang palad sa mga gilid ng aking ulo at tinignan siya ng masama.

Nginitian lang ako ng bruha.

Andito kami ngayon sa gilid ng kalsada naglalakad papunta sa kung saan man kami abutin ng aming mga paa.

Pero hula ko sa tabing-dagat rin naman ulit ang bagsak namin.

Doon kasi kami madalas tumambay kapag walang ginagawa o bagot.

Wala naman halos pumupunta roon, maliban siguro sa mga mangingisda at mga batang naglalaro.

Parang kami lang dati.

Sanay naman na kasi ang mga tao sa dagat, buong buhay mo ba naman dito ka na nakatira.

Hindi din dayuhin ng mga turista itong nayon namin, sa nabanggit ko nga kanina, liblib ito at medyo malayo-layo sa bayan.

"Ano ba kasi nangyari bes? ano itsura ng apo ni lola R?".

Binitawan ako ni Ning, thanks God Jihyo.

Lola R.

Yan ang bago niyang palayaw kay lola Rosa.

Para daw kapag mag-uusap kami ay hindi niya mabanggit ang buong pangalan nito at  hindi niya kami marinig mula sa malayo.

Shunga talaga.

"Ewan ko sa 'yo Ningning, ayan ka na naman sa kaka lola R mo".

Hindi ko alam at hindi ko maexplain pero kapag may nagsasabi ng hindi maganda kay lola Rosa, kahit pa mga kaibigan ko pa, ay pati ako naooffend.

It doesn't sit right with me.

Oh pak napaenglish tuloy ang ate niyo, nakakahawa si pinsan ha.

Pero seryoso.

Siguro kasi mas alam ko talaga ang ugali ni lola kumpara sa kanila na halos hindi niya nakakainteract.

Kaya hangga't maaari ay pinagsasabihan ko itong dalawang 'to. Kung ano-ano kasi nasasagap na chismis e pinaniniwalaan agad.

Naiimagine ko na na sa pagtanda namin, nasa kalsada silang dalawa ni Ryujin habang may hawak na walis tingting na nakasukbit sa pagitan ng braso at bewang tapos nakikichismis sa mga kumare.

Syempre isa ako sa mga kumare. Ems.

"Sorry bes hindi ko maiwasan e", sabi niya habang nakanguso pa.

Napangiwi si Rj at insan.

Tinulak ko gamit ang palad ko yung mukha ni Ning. Nagdrama pa ang gaga.

"Alam mong hindi sapat na rason 'yan Ning, basta sa susunod ha, wag kasi basta magpapaniwala sa mga chismis".

Tinignan ko din yung dalawa pa at nagsitango sila. Binaling ko ang tingin kay Ning ganun din siya.

Alam din ni Aeri yung issue ng mga tao kay lola, halos lahat yata dito alam niya na.

Ito pa ang gusto ko sa pinsan kong ito, hindi basta nagpapaniwala sa mga sabi-sabi. Unless nakita niya talaga, pareho kami.

Hays mana talaga siya sa akin.

Ems, mas matanda pala siya. Ilang buwan lang naman.

Hindi na nila muna ako kinulit tungkol dun sa mga apo ni lola Rosa dahil siguro sa pagbabago ng mood ko na biglang sumeryoso, pero alam ko hindi nila ako tatantanan. 

Mga Mike Enriquez yan e.

Hintayin ko nalang tanungin nila ulit sa akin.

Nabanggit ko kasi yung encounter namin ni Gi sa dalawang apo niya sa palengke. Tapos yung pagdeliver ko ng gulay sa kanila at pagkukwentuhan namin.

Naintriga ang mga loka kung ano daw ba ugali nila, mabait daw ba o ano. 

Sabi ko naman bakit hindi nalang si Aeri yung tanungin. Alam niyo sagot nila? 

Ayaw daw nila matarayan at mastress sa kakaenglish ni pinsan. 

Pinaghahampas silang dalawa ni Aeri.

Tinatarayan ko rin naman sila pero atlis daw naiintindihan nila sinasabi ko. Mga baliw.

Hindi ko namalayan na medyo malapit na namin madaanan yung bahay nina lola Rosa. Ilang araw na rin yung nakalipas nung last kong pasok don.

Biyernes ngayon at Lunes pa ang last kong delivery sa kanila. Kada apat na araw sila nagpapadeliver ng gulay, kasi nalalanta kapag hindi naluto agad. Madami pa naman siya mag-order.

Pero kanina paggising ko nakareceive ako ng text kay lola na kung pwede daw hindi muna ako magdeliver ngayon kasi meron pa namang natira at next week nalang daw.

Iyan pa ang isa sa mga ipinagtataka ko kung bakit nila sinasabing 'a' daw si lola Rosa kung puro gulay nga yung mga binibili niya, i mean nakita ko din na kumakain sila ng karne pero yung luto, tsaka yung kinakain din ng normal na tao yung nakikita ko sa hapag nila. 

Inaaya din kasi ako ni lola kumain kapag mga tanghaling tapat ako makapunta sa kanila.

Pero lagi ko natatanggihan hindi dahil natatakot ako, lagi kasi akong tapos na magtanghalian sa bahay.

Apat na araw.

Apat na araw rin nung huli kong makita si Karina, parang naghihina ako. Ems.

"Nginunguso nguso mo diyan? pangit mo".

At ayun na nga mga tol, bumalik na ang atmosphere sa dati.

Hindi ko napansin na ganun na pala itsura ko kakaiisip kay ateng maganda.

"Ikaw nga putok na putok labi mo diyan sa lipstick mo, nagreklamo ba ako?", ganti ko kay Ning.

Aangal pa sana si Ning nung may tumawag sa akin.

Paglingon ko sa ay nasa tapat na pala kami ng gate nina lola. 

Nakangiting kumakaway sa akin si Karina, may dalawang babae pa na lumapit. Si Lia yung isa, yung isa siguro sa pagkakatanda ko ay si Yeji.

Yung mga pinsan niya.

"Hey, Mj", ang ganda ng boses...ang ganda niya...ang--

"Hoy Minjeong", napatakip ako ng tenga at naramdaman ang paghampas sa akin sa may braso.

Ang sakit!

Nilingon ko ang salarin at nakita kong nagtago si Ning sa likod ni Aeri at nagpeace sign.

Tinignan ko siya ng masama. Bakit ba ang hilig hilig nila ako sigawan!

Narinig ko namang natawa ng mahina ang tres marias.

"Glad to see you guys again", napatingin ako sa nagsalita. Si Lia.

"Hello, me too

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wnterrific
Please let me know your thoughts and comments.
Also, if you have suggestions and questions.

Here's my cc acount: https://curiouscat.me/wnterrific

Comments

You must be logged in to comment
katarinapsyche
#1
balik naaaa 😪
glanishaaa
#2
Chapter 14: Ang gandaaaaa. Parang nanonood ako ng series sa utak ko
Nananaaaa
#3
Chapter 14: Haysss na-ghost na!
osumnevercease
#4
hello author
osumnevercease
#5
ud po plsss
Psykotato #6
Chapter 14: Luh gagi kaiyak once a month lang ba to nag uupdate?😭
Psykotato #7
Chapter 11: Ang strong mo naman Minjeong Batumbakal😂
Psykotato #8
Chapter 10: Yung Liselle heart ko😭😭😭 kung wala talaga Liselle sa SNBB sana dito meron😭
Psykotato #9
Chapter 3: Medyo nastress ako sa pagkaconyo nila🥲
osumnevercease
#10
Chapter 14: excited sa kasunod lezzgooo winter the aswang slayer