Chapter 7.

Lipad Baklang Aswang, Lipad!
Please Subscribe to read the full chapter

Kakauwi lang naming lahat mula sa palengke. Sinundo kami ni tatay.

Nakakapagod grabe, parang gusto ko na lang tumalon sa kama ko at matulog muna pero kailangan ko pang tulungan muna si nanay maghanda ng hapunan.

Si tatay nandoon sa sala nanonood ng balita. Si Aeri andito kasama namin sa kusina, nakaupo sa may hapag. Gusto niya sanang tumulong pero kaagad kaming tumanggi ni nanay.

Last time kasi na nadatnan namin siya sa kusina nung pagkauwi namin, halos maubusan ng hangin kakaihip sa may abuhan para hindi mamatay ang apoy.

Muntik pa nga magkasunog kasi ang lakas-lakas na ng apoy niya. Gawa pa naman to sa kahoy at kawayan ang buong bahay. 

Dirty kitchen yung amin. Wala kaming gasul. Mahal masiyado, tsaka sanay na rin kami sa manu-manong pagluluto. 

Hindi kasi siya sumama sa amin sa palengke nun at napagpasiyahan niya daw na ipaghain kami ng hapunan since wala naman siyang ginagawa at gusto niya makatulong kahit papaano.

Oh di ba, napakathoughtful no? Pero pasensiya ka na insan, ayaw namin mawalan ng matitirhan.

Buti na lang at naagapan at hindi rin nasunog yung sinaing niya. Kung hindi maghahapunan talaga kami ng tutong na may konting kanin, or worse, tutong lahat.

"Tita, sure na ba na you don't need help? Look at Mj oh", tinuro niya ako, "looks like she would fall asleep anytime", di ko nga siya pinansin. 

Sabi niya na ngayon ay nakatingin lang sa amin, naghihintay yata kung may maiuutos ba sa kaniya. 

Hindi rin naman siya masiyado makapagcellphone kasi mahina yung internet connection at nakadata lang siya since wala kaming wifi.

"Hindi na Ging, kaya na namin 'to, upo ka lang muna diyan at malapit na ring maluto 'to".

Naawa naman ako sa pagmumukha niya kaya sinabihan ko na lang na magready na ng mga pinggan at kutsara kasi paluto na yung niluluto na ulam.

"Parang ang sarap uminom ng coke ngayon, bili kaya tayo sa tindahan, Ging?", aya ko sa kaniya. Parang nauhaw ako bigla e, tsaka minsan lang naman kami magsoftdrinks.

"Is the store still open at this hour?".

"Oo naman, maaga pa kaya. Nay, penge po pera bili kami coke".

"Andun sa bag yung wallet ko, dalawang litro na bilhin mo".

"Okay po. Ging, tara na".

Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad nang maalala kong wala pala kaming dalawang flashlight. 

Medyo madilim pa naman sa part na 'to. Di ko alintana kanina kasi may ilaw pa na nanggagaling mula sa mga street lights.

Hindi naman kami matatakutin pareho ni Aeri kaya ayos lang naman.

Nagpatuloy lang kami hanggang nakarating kami sa tindahan.

"Ate, pabili two liters of coke po", bungad ni pinsan.

Nagtaka siguro yung nagtitinda kung bakit nag-eenglish yung bumibili sa kaniya kaya sinilip niya ito ng maayos.

"Ay neng pa malamig, kakalagay lang kasi sa ref", sabi ni ate Belen, yung tindera.

"Ayos lang po, padagdag na lang kami ng ice", ako na yung nagsalita.

Napatingin sa akin si ate, ngayon niya lang siguro ako napansin. "Ay oh Minjeong, ikaw lang pala iyan, akala ko kung sino".

"Opo te, naalala niyo po yung pinsan ko? Si Giging", sabay turo ko kay Aeri.

Ngumiti siya kay ate Belen. "Hello po".

"Ay ikaw na iyan? Grabe ang laki-laki mo na, pagkaganda-gandang dalaga ire".

Pagkatapos magpasalamat ni pinsan ay iniabot na sa amin ni ate yung softdrinks at ice. 

"Salamat te, una na po kami".

Tinahak ulit naming dalawa yung pagkadilim-dilim na daan. Tig-isa-isa kami ng hawak ng coke pero ako rin yung may hawak ng ice.

Maya-maya pa ay parang may nararamdaman akong sumusunod sa amin kaya nang akmang hahawakan ko si Aeri ay nalapat sa braso niya yung ice kaya napatili siya nang kaunti.

"Oh god, Mj!".

"Shh wag kang maingay, Ging", bulong ko sa kaniya.

"Why?", nagtatakang tanong naman niya.

"Naririnig mo ba 'yon?".

"The what?".

"Hinaan mo nga boses mo. Parang may sumusunod sa atin".

Luminga-linga naman kami pero wala kaming nakita. Bakit kasi nakalimutan ko pang magdala ng ilaw! 

Liwanag lang tuloy na nagmumula sa buwan ang gabay namin.

Ayan na naman. May nararamdaman talaga ako sa likod namin.

Lumingon ako nang kaunti at ayun, may naaninag akong hugis tao na nakatayo. Binalik ko agad yung tingin ko sa harap.

Ang lakas-lakas ng kalabog ng dibdib ko.

Lumunok ako at huminga ng malalim at tinignan ulit yung likod. 

Wala na. 

"Ging, bilisan na natin maglakad", hinila ko siya. Hindi ko alam kung paano ko napagkasiya yung isang litro ng coke at ice sa iisang kamay.

Ganun yata talaga siguro kapag naunahan ka na ng kaba. Hindi mo na namamalayan.

Hindi naman na siya nagtanong at sumunod na lang. Nadala na rin siguro sa kaba ko.

Naaninag ko na malapit na kami sa may mga streetlights. 

Pero bago kami makarating roon ay parang biglang lumakas yung hangin.

Ang ipinagtataka ko lang ay bakit parang papunta sa amin yung direksyon ng hangin?

Tapos may malakas na tunog na para bang pagaspas ng mga pakpak. Samahan pa ng napakahinang huni na hindi namin maintindihan. 

Parang sa tenga ko mismo binubulong.

'Di ba kapag ganun daw, malapit lang siya sayo?

Para na akong hihimatayin.

Naramdaman kong mahigpit na humawak si Aeri sa akin. As in yung kapit na kapit.

"Mj", takot niyang tawag sa pangalan ko, base sa tono niya, "Mj, what is that?".

"Hindi ko rin alam, Ging. Basta bilisan na lang natin".

Hindi ako mapaniwalain sa mga kwento-kwentong aswangan dito sa amin. Pero base sa mga ikinikwento nila, sobrang tugma sa sitwasyon namin ni Aeri ngayon.

Nakarating kami sa wakas ni Aeri sa may ilaw. Ligtas na kami.

Yun ang akala namin.

Not until narinig namin yung malalakas na yabag sa likuran namin.

Nagkatinginan kaming dalawa at tumakbo nang napakabilis. Wala na kaming pake kung magkahulog-hulog man ang bitbit namin.

Naiiyak na ako, tangina.

Nag-uutal na ako ng mga dasal na alam ko, tinawag ko na lahat ng santong kilala ko.

Tapos naalala kong mas malakas yung dasal kapag galing mismo sa iyo. Kaya taimtim akong humingi ng tulong sa Panginoon na iligtas kaming dalawa ni Aeri.

Sa awa ng Diyos ay nakarating kami sa bahay. 

Halos wasakin ko na nga yung pinto makapasok lang kami.

Hingal na hingal at pawisan kaming dalawa na naglumpasay sa sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wnterrific
Please let me know your thoughts and comments.
Also, if you have suggestions and questions.

Here's my cc acount: https://curiouscat.me/wnterrific

Comments

You must be logged in to comment
katarinapsyche
#1
balik naaaa 😪
glanishaaa
#2
Chapter 14: Ang gandaaaaa. Parang nanonood ako ng series sa utak ko
Nananaaaa
#3
Chapter 14: Haysss na-ghost na!
osumnevercease
#4
hello author
osumnevercease
#5
ud po plsss
Psykotato #6
Chapter 14: Luh gagi kaiyak once a month lang ba to nag uupdate?😭
Psykotato #7
Chapter 11: Ang strong mo naman Minjeong Batumbakal😂
Psykotato #8
Chapter 10: Yung Liselle heart ko😭😭😭 kung wala talaga Liselle sa SNBB sana dito meron😭
Psykotato #9
Chapter 3: Medyo nastress ako sa pagkaconyo nila🥲
osumnevercease
#10
Chapter 14: excited sa kasunod lezzgooo winter the aswang slayer