Chapter 6.

Lipad Baklang Aswang, Lipad!
Please Subscribe to read the full chapter

Magdadalawang linggo na rin simula nang dumating ang mag-anak ni lola Rosa dito sa lugar namin.

And so far, wala naman na masiyadong nagkakalat pa ng chismis, nalipasan na rin. Siguro nakahanap na ng bagong target ang mga marites.

Parang kailan lang.

Mabilis namin silang nakapalagayan ng loob. Hindi naman sa minamaliit ko kami pero despite the differences ng estado namin sa buhay ay nakipagkaibigan pa rin sila sa amin.

Ang gaganda na nga tapos ang babait pa, sila mismo yung nag-aadjust para sa amin. Pero siyempre hindi namin hinahayaan na sila na lang lagi, nag-eeffort din kaming magtotropa na ibahagi ang aming mga kaalaman.

Hindi na rin naniniwala sila Ning at Rj about sa mga chismis kay lola Rosa na you know. Ika nga ni Ning, "people change, and pretty people don't listen to chismis".

Lakas amats talaga.

Nakailang punta na rin kami sa bahay nila Karina, ipinakilala niya kami kina ma'am Cathy na na nanay pala ni Karina tapos yung kapatid nito na nanay nina Yeji at Lia.

Ay hindi ko pa pala nakukwento, nalaman namin na magkapatid silang dalawa nung unang lakad namin sa Circulo.

Kagulat yon bes kasi hindi halata tsaka hindi sila magkamukha. Pero hindi na namin problema yon, pareho naman silang magaganda.

Ang babait din ng mga nanay nila, ang layo sa itsura talaga. 

Yung vibe kasi na nabibigay nila yung ano, yung tipong sasampalin ka ng 10 million tapos sasabihin 'stay away from my daughter or else you'll regret!', ganern.

Parang step back, step back, silly girl!

Ems.

Sabi pa sa amin tita na lang daw ang itawag namin sa kanila.

Ano na Karina? Ang sabi ng mama mo tita na lang daw ang tawag ko sa 'yo, o sa kanya. Tapos ngayon mama ko na siya, ang tita mo noon, ngayon. Kaya pwede na tayo magsama, kasi accept na tayo nila, ng mama mo, sa tita ko noon.

Narinig kong nagding! yung cellphone ko kaya kinuha ko ito.

Nagchat si Karina sa group chat namin kung available daw ba kami maghang out. Bored na daw kasi siya kasi wala yung magkapatid. Sumama sa nanay nila sa bayan.

Ako pa lang ang nakaread sa chat niya. Nagreply ako.

Minjeong: Ako pwede, hindi ako sumama kay nanay ngayon sa palengke.

Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin siya nagrereply.

Nagding ulit. Akala ko siya na, si Ning pala. 

Ning: Sorry bestie, hindi ako pwede ngayon. May iniutos kasi si mother.

Yujin: Ako rin po, nagkayayaan kasi gumala yung tropa. Sumama rin si Rj.

Karina: No worries guys, there's always a next time :).

Yung pinsan ko naman hindi ko mahagilap dito sa bahay. Tinext ko na lang. Ganon talaga 'yon, kung saan-saan inaabot. Hula ko nga nasa bayan at nagmall o baka sumama kay nanay sa palengke.

Nalate kasi ako ng gising.

Maya-maya pa ay may nagchat na naman. Pagtingin ko ay galing ulit kay Karina.

Nagpm sya!

*Karina Yoo is waving at you*

Karina: Hi, Mj!

*You and Karina waved at each other*

Minjeong: Hello, Karina.

Inayos ko naman yung typings ko. Kunyari hindi affected. 

Usually kasi gani2 aq magtype kpag cla Rj at Ning kauxap quoh...xD.

Karina: You're free, right?

Hala hehe oo bhie free ako anytime, kahit busy ako, free ako para sa'yo.

Minjeong: Oo free naman ako ngayon, bakit?

Karina: Would you like to stroll around with me? I'm dying of boredom here, lol.

Luh with me daw, gusto mo for life pa. Ems.

Siyempre, um-oo na agad ako no, sino ba naman ako para tumanggi?

Minjeong: Sige ba, saan mo gustong pumunta?

Karina: Anywhere you wanna go, ikaw naman yung nakakaalam ng mga places dito.

Nag-isip naman ako kung saan pwede tumambay

Minjeong: Okay, may alam akong lugar pero hindi ko sigurado kung magugustuhan mo.

Karina: No worries, Mj. The places you've shown us so far were all beautiful. 

Karina: I'm sure I'd love the place you're going to take me to.

Minjeong: Sana nga hehe

Karina: Anyway, what should I wear? Para naman angkop sa place.

Minjeong: Kahit ano lang basta yung komportable ka.

Karina: Hm, okay :)

Minjeong: sige po see you na lang siguro, daanan kita sa bahay niyo.

Karina: See you ;)

Kailangan talaga may pa wink?!?!

Kilig naman ako na kinakabahan lalo na kapag iniisip na kaming dalawa lang yung lalabas ngayon. 

First time mangyari to kasi nasanay kami na lagi kasama yung mga kaibigan namin.

Parang hindi yata ako makahinga.

Minjeong hinga! inhale, exhale. Sabi ng inner self ko. 

Bobo lang no? Hindi nga makahinga tas sasabihan na huminga haha boang k b.

Agad naman akong namili ng damit na isusuot. Yung pandagdag pogi points.
.
.
.
.
.
Shuta wala akong mapili!

Kaunti lang naman yung laman ng cabinet ko, yung lucky star, katulad nung kay mimi-yuUuUh Ah yeaHhH. 

Di rin ako mahilig magpabili ng mga damit o kung ano man. Wala naman kaso sa akin kahit paulit-ulit yung mga damit ko.

Marunong ako maglaba!

Hindi date to, hindi date to, hindi date to. Pagreremind ko sa sarili ko.

Nagpakawala ako ng napakalalim na buntong hininga at dinampot na lang yung skinny jeans na naitapon ko sa kama ko kanina kakakalkal ng masusuot.

Pinaresan ko na rin ng aking signature na black and red striped flannel at double strapped black slippers.

Yung buhok ko, hindi ko na tinali, hindi naman kahabaan.

Halos ipaligo ko na rin 'tong perfume na binili namin ni nay sa bench. Yung blue. 

Amoy panlalake pero pake niyo ba, ang bango e.

Tumingin ako sa salamin. Ayan, pwede na.

Pwede nang itapon sa dagat.

___

Sinalubong ako ni Karina na naghihintay na pala sa labas ng gate nila.

"Hi", bati niya sa akin.

Ngumiti ako ng kaunti at nagwave.

Tinignan niya muna ako saglit, mula ulo hanggang paa. Naconscious tuloy ang ate niyo.

Bumaling yung tingin niya sa akin then ngumiti. "You look good, Mj".

Nag-init yung mukha ko! 

Mare naman bakit ka bigla-biglang nagbibitaw ng compliment. 

Oo, madalas kong sinasabi na maganda ako, cute ako, ganire ganiyan pero kasi siyempre sarili ko naman 'to. 

Hindi ko alam paano magrerespond sa mga compliments galing sa iba. Kaya minsan awkward na lang akong ngingiti sa kanila.

"Ah t-thank you, ikaw din ang ganda mo ngayon- I mean, ano, lagi ka namang maganda...", itinikom ko na agad ang bibig ko nang marealize ang mga pinagsasabi ko.

Nakasuot siya ng black shorts at oversized white shirt, may maliit pa siyang sling bag.

Exposed tuloy ang kaniyang mahaba at napakaputing biyas. Grabe endorser ba 'to ng lotion o glutathione?

Hiyang-hiya naman ang kutis kong alagang kojic.

Ang simple lang kung tutuusin ng porma niya pero pag siya yung nagsuot aba ang ganda ganda.

Meron talagang mga taong sobrang galing magdala ng kahit anong sinusuot nila no? Yung kahit siguro trash bag yung ipasuot sa kanila, magmumukha pa rin silang model.

Okay tama na nga baka magmukha pa akong creep dito.

Tumungo ako at napakamot na lang sa aking batok.

Mas lalo akong nahiya, hindi naman sa feelingera pero feeling ko lahat ng dugo ko umakyat na sa mukha.

Pag-angat ko ng tingin ay amused na nakatingin din si Karina with her brows up at parang nagpipigil ng ngiti.

"You think I'm...pretty?".

Tumango ako at iginesture yung daan. Nagsimula na siyang maglakad na sinabayan ko naman.

"Hindi naman ako bulag, Rina".

"You just called me by my nickname", lumingon siya sa akin saglit at binalik ang tingin sa daan.

"Ay sorry, ayaw mo ba?".

Maingat kong tanong. Malay ko ba kung hindi siya kumportable na tinatawag siyang Rina ng ibang tao.

Family pa lang niya ang narinig kong tumatawag sa kaniya ng ganun. 

'Kars' kasi yung tawag nila Rj sa kaniya.

"No, I mean, that's a first. You always call me Karina, and it sounded so formal sometimes", tumawa siya nang bahagya.

Napaisip ako. Oo nga no? Napansin pa niya yun...

Tahimik lang kaming naglalakad sa anino ng mga puno sa gilid ng kalsada. 

Medyo tirik ang araw ngayon kasi magtatanghali na, buti na lang may dala akong payong.

Nang medyo ramdam ko na ang init ay binuksan ko ang payong na aking dala at itinapat sa taas ng ulo namin ni Karina.

Well, mostly sa kaniya lang.

Mas nanghihinayang ako sa kutis niya e.

She smiled as a thank you gesture.

"Have you had lunch?", tanong niya sa akin.

"Hindi pa e, ikaw ba

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wnterrific
Please let me know your thoughts and comments.
Also, if you have suggestions and questions.

Here's my cc acount: https://curiouscat.me/wnterrific

Comments

You must be logged in to comment
katarinapsyche
#1
balik naaaa 😪
glanishaaa
#2
Chapter 14: Ang gandaaaaa. Parang nanonood ako ng series sa utak ko
Nananaaaa
#3
Chapter 14: Haysss na-ghost na!
osumnevercease
#4
hello author
osumnevercease
#5
ud po plsss
Psykotato #6
Chapter 14: Luh gagi kaiyak once a month lang ba to nag uupdate?😭
Psykotato #7
Chapter 11: Ang strong mo naman Minjeong Batumbakal😂
Psykotato #8
Chapter 10: Yung Liselle heart ko😭😭😭 kung wala talaga Liselle sa SNBB sana dito meron😭
Psykotato #9
Chapter 3: Medyo nastress ako sa pagkaconyo nila🥲
osumnevercease
#10
Chapter 14: excited sa kasunod lezzgooo winter the aswang slayer