Chapter 5.

Lipad Baklang Aswang, Lipad!
Please Subscribe to read the full chapter

"Mga suki bili na kayo dito, murang-mura lang presyong divisoria, sampu-sampu bente trenta at iba pa", malakas na pagkanta ni Ning na may pakembot pa nga ang lokaret.

Kami naman ay mamatay-matay na sa kakatawa sa kaniya, pati na rin yung mga dumaraan at kapwa tindera't tindero. 

Kung hindi lang talaga maganda ang boses nito matagal na siyang pinatalsik sa lugar na 'to.

Aliw na aliw talaga ang lahat kapag andito siya e, happy pill daw. Ayos lang kasi panghakot din ng customers. Maligalig kasi.

Andito kami ngayon sa pelengke, napagpasiyahan namin na tulungan si nanay na hindi ko na naman mahagilap, andun na naman siguro sa kumare niya.

Wala rin kasi kaming magawa sa bahay.

"Hoy ano? taga tawa na lang kayo diyan? wala kayong balak tulungan ako dito?", nakapamewang na humarap sa amin si Ning at tinaasan pa kami ng kilay.

Naiiling kaming tatlo na tumayo at tinulungan siyang magbenta, medyo marami ang tao ngayon.

"Ano po ang iyo te?", tanong ko sa ale na tumitingin sa paninda namin.

"Pabili akong dalawang tali ng pechay at tigwanport na kilo ng bawang at sibuyas neng", abot niya sa akin ng mga pinili niya, "dagdagan ko na rin ng kalahating kilong patatas".

"Dami naman nito te, panigurado masarap ulam niyo ngayon", ngiti kong pakikipag-usap sa kaniya.

Ganito kami lagi dito, nakikipagkaibigan sa customers, pandagdag suki din to no!

"Oo e, uuwi kasi asawa ko ngayon, magluluto ako ng pochero, paborito nila yun ng mga anak ko".

"Grabe ang sweet niyo naman po".

Nagpatuloy lang kami ng chika ni ate hanggang matapos ko ikilo at icalculate lahat ng pinamili niya.

"Bale 133 po lahat ate, 30 po yung dalawang tali ng pechay, 25 po yung sibuyas, 28 yung bawang at 60 po yung patatas", inilapag ko ang calculator.

Binalot ang mga pinamili niya at inabot ito.

"Eto ineng, maraming salamat", ngiting iniabot ng ale yung bayad niya at tatalikod na sana.

"Ay ate wait lang sobra po, may sukli pa po kayo"

140 kasi yung iniabot niya sa akin.

"Hindi na ineng, dyaan na 'yan".

Ito ang isa sa mga maganda pagbentahan e, yung mga mababait at galanteng customers.

Nag-eenjoy naman daw kasi sila makipagchikahan sa amin. Tsaka dito na rin daw sila ulit bibili.

Pero siyempre hindi rin maiiwasan yung mga medyo bastos at masusungit na customers. 

Ang key na lang dyan ay huwag pansinin, baka lalong lumala.

---

"Boring, tara Mj pustahan", sabi ni Ryujin na nakalagay ang pisngi palad na nakatukod.

Hapon na rin kasi at paubos na yung mga tinda namin, konti na lang rin ang mga tao kaya wala na masiyadong bumibili.

Si Ning ay nakahiga doon sa mahabang bangko dito sa pwesto. Nakatulog yata sa pagod, naubos energy kakaentertain sa mga suki.

Si Aeri naman wala dito, bumili yata ng makakain.

"Ano na naman pagpupustahan?".

"Wala lang bato bato pick hanggang lima, talo siya manlilibre ng miryenda".

"Bato bato pick? ano ka bata? pero sige deal".

Nagready naman kami, pinatunog-tunog pa niya yung mga buto sa daliri niya sabay lagutok din ng leeg.

Mukhang timang amp, 'kala mo naman kung ano lalaruin. Tinignan niya pa ako na parang sure na sure siyang siya ang mananalo. 

Sige tignan nga natin.

"Bato bato...pick", shet panalo siya. Papel yung kaniya, bato yung akin.

"Oh ano ka ngayon, bunot?", pang-aasar niya.

Yabang ng tukmol!

Bunot tawag nila sakin kasi nung nagdecide akong gupitan (oo, ako yung gumupit) yung buhok ko kasi 'bored' ako, nagsisi ako bongga teh. Ang panget, buti nalang cute ako. 

Sa ngayon short-haired pa rin naman ako, may bangs pa yarn, pero hindi na gaya ng dati na super short. 

Apat na yung score niya tas tatlo yung akin. Isa nalang mananalo na siya.

Siyempre bilang competitive ako, hindi ko hahayaan yun no! nagconcentrate ako ng todo.

Tie na...

"Bato bato...pick!".

Napahiyaw ako sa saya. Panalo ako sa deal namin ni Rj.

Siya manlilibre!

"Oh ano pang hinihintay mo diyan? tayo na bibili pa tayo miryenda", hila ko sa kaniya.

Nakita ko naman na medyo nag-aalangan siyang tumawa at napakamot sa ulo niya.

Mukhang nararamdaman ko na na hindi maganda kalalabasan nito.

"Joke lang yung talo libre, wala akong dalang pera hehe iniwan ko sa bahay", sinasabi ko na nga ba!

Huminga akong malalim at tinignan siya ng masama. Pagtapos kong ipanalo ang laban?! naghirap pa ako magstrategize! 

Libre na yun hoy!

"Tumakbo ka na kung gusto mo pang mabuhay", pagbabanta ko sa kaniya.

Dali-dali siyang tumayo at lumabas ng pwesto namin. Hinabol ko naman ito.

Mabilis siyang tumakbo pero siyempre papatalo ba ako?

Ayos lang naman maghabulan dito, medyo maluwag na yung daan kasi nga wala na masiyadong tao.

Nang malapit ko nang maabutan si Ryujin ay bigla akong may nabangga na tao.

Nilingon ko ito at nakita ang isang matandang babae na pinupulot yung mga prutas na nakakalat sa sahig. Butas rin ang plastic na pinagsidlan nito.

Dali-dali ko itong binalikan tinulungan.

"Hala sorry po, lola. Hindi ko po sinasadya, hindi po kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko.", hingi ko ng pasensiya sa kaniya habang iniipon yung mga prutas.

Grabe hoy nakakakonsensya kaya! matanda pa talaga nabangga ko

Inangat ko ang aking tingin at nakita ko rin na nakatitig na pala sa akin ang matanda na hindi ko mabasa.

Hinawakan niya ako sa braso.

"Ayos lang ineng, basta sa susunod mag-iingat ka ha, baka anong mangyari sa iyo kung iba nakabunggo mo.", sabi ni lola na ngayon nakangiti na sa akin pero yung mga mata niya...

Bigla naman nagsitayuan ang mga balahibo ko sa hindi ko malamang dahilan.

Tumayo ito at nagpagpag. Agad kong iniwaksi ang kung ano-anong naiisip ko.

"La, halika po bigyan kita ng bagong plastic, nabutas pa tuloy yung iyo.", offer ko sa kaniya, kasalanan ko rin naman kasi. Yun na lang matutulong ko.

"Ay hindi na neng, nagmamadali na kasi akong makauwi, malapit na mag gabi."

Ni hindi ko namalayang naisilid niya na pala yung mga dala niyang natapon kanina sa isa pang bayong na bitbit niya.

Tinignan ko lang siyang nakatalikod na at naglakad papalayo.

Napatalon ako nang may kumalabit sa akin. Paglingon ko ay si Ryujin lang pala.

"Anyare sayo? mukha kang natatae."

"Ah wala naman, may nabangga lang kasi ako kakahabol sa 'yo."

Humagalpak ng tawa ang gaga.

"Yan kasi, may pahabol-habol ka pang nalalaman, dcurb."

Binatukan ko nga hmp.

Nakalimutan ko na ngang may hinahabol pala ako. Binalikan niya siguro ako kasi nagtaka ba't wala nang sumusunod sa kaniya.

Bumalik na lang kami ulit sa pwesto namin at nagpahinga, kapagod yun ha.

Gising na din si Ning at nakabalik na si Aeri. Nagkukwentuhan silang dalawa pagdating namin.

---

Hay napakaganda ng buhay. 

Ganadong-ganado ako ngayong nag-aayos ng sarili sa harap ng salamin. Kakatapos ko lang maligo.

Nagsettle na lang rin ako sa loose crop top shirt, yung hindi masiyado kita yung tiyan tsaka sweat pants. 

Ang init kaya sa labas, mas okay na mainitan ako sa sweat pants kesa naman umitim.

Tamang lotion here, pulbo at liptint there. Yan lang naman ang secret kung bakit ako extra cute sa pang-araw-araw.

Tsaka hindi rin naman ako marunong magmake-up. Si Ning lang nga naggaganon sa amin ni Rj tuwing may okasyon o matripan niya lang.

Hellaur, dalaga na kaya ako no. Di pwedeng tamang larga lang na walang ayos-ayos.

Bumukas ang pinto ng aking kwarto at pumasok si pinsan.

"Wow, Mj. You look extra today ha? hindi halatang excited.", sabi nito na nakasmirk at nakataas ang kilay na nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.

Alam ni Aeri ang lahat, mahilig kasi kaming magchikahan niyan, siyempre naikwento ko rin yung about kay Karina no. 

Tulad nga ni Rj at Ning, si Aeri din ay aking bff slash pinsan. Mahal na mahal ko yang tatlong yan, sobrang grateful ako sa kanila.

"Siyempre 'no, makikita ko na naman siya.", sabi ko na medyo nangpipigil pa ng ngiti para naman hindi ako masabihang simp, "bakit ikaw ba, hindi ka excited?".

Nagshrugged lang siya.

"Slight lang, and please, wag mo na pigilan yang smile mo, you look like timang. Simp".

Napafacepalm na lang ako, ayan na nga ba sinasabi ko e.

Tinignan ko na lang din yung ayos niya. Naks bihis na bihis din si shunga. Saan lakad nito? 

Isa pa tong pinsan ko e, bukod kay Ning, siya lang din ang magaling mag ayos at magmake up sa amin. Napakafashionista.

Lunes.

Ang araw na aking pinakainaabangan.

Ngayon kasi kami ulit magkikita nina Karina at mga pinsan nito.

Kaya hindi na siguro nakapagtataka na aligaga ako ngayon. Siyempre kailangan magpaimpress. Ems.

Maya-maya pa ay dumating na rin sina Rj at Ning. Sinamanna rin pala nila si Yujin.
Inaya kasi namin last time.

Tinignan din namin sila ni Ging. Aba, hindi nagpakabog sa pormahan ha, mga mukhang tao na, bagong ligo pa.

"Ay taray naman Ging, saan lakad natin?", salubong ni Yujin nang makababa kami sa hagdan.

Sinamaan lang siya ng tingin ng pinsan ko kaya napazip mouth sign nalang siya.

"Kabogera talaga ang paskirt mo Ning, nagph care ka ba."

Inirapan niya ako.

"Siyempre init init kaya, ikaw nga may pasweat pants pa, san ka punta ghorl?".

"Hay nako ewan ko sa inyo, halika na nga baka naghihintay na sila doon".

Aya ni Ryujin na pinagtutulak na kami palabas ng bahay.

Napagdesisyunan kasi namin last time na daanan nalang namin sila Karina sa bahay nila, kasi hindi pa naman sila pamilyar dito para magset kami ng lugar kung saan magkikita-kita di ba.

"Alam mo bes, hindi naman namin first time makapasok sa bahay nina lola R pero kinakabahan pa rin ako.", sino pa ba? edi si Ning.

Bago ko pa mapaikot mga mata ko ay bumawi sa agad.

"Op op, walang masamang agenda yung

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wnterrific
Please let me know your thoughts and comments.
Also, if you have suggestions and questions.

Here's my cc acount: https://curiouscat.me/wnterrific

Comments

You must be logged in to comment
katarinapsyche
#1
balik naaaa 😪
glanishaaa
#2
Chapter 14: Ang gandaaaaa. Parang nanonood ako ng series sa utak ko
Nananaaaa
#3
Chapter 14: Haysss na-ghost na!
osumnevercease
#4
hello author
osumnevercease
#5
ud po plsss
Psykotato #6
Chapter 14: Luh gagi kaiyak once a month lang ba to nag uupdate?😭
Psykotato #7
Chapter 11: Ang strong mo naman Minjeong Batumbakal😂
Psykotato #8
Chapter 10: Yung Liselle heart ko😭😭😭 kung wala talaga Liselle sa SNBB sana dito meron😭
Psykotato #9
Chapter 3: Medyo nastress ako sa pagkaconyo nila🥲
osumnevercease
#10
Chapter 14: excited sa kasunod lezzgooo winter the aswang slayer