Chapter 13.

Lipad Baklang Aswang, Lipad!
Please Subscribe to read the full chapter

"Hoy, Rj! akin yan e", pag-ungot ni Ning nung kuhanin ni Ryujin yung natitirang hotdog sa lamesa.

"Luh ka diyan. Kita mong nasa tinidor ko na oh? Ibig sabihin akin! Mine!", sabat naman nung isa na nagmake face pa at binebelatan si Ning.

"Ako kaya nagsabi na akin na yung last na piraso!".

"So what? kasalanan ko bang babagal-bagal ka?".

"Akala ko ba ayaw mo sa hotdog?".

"Pinagsasabi mo dyan? Ibang hotdog kasi yun!".

"Ampota na-trauma kay Tolits", natatawang saad ni Ning na dahilan para mapatawa rin kami ni Ging.

Ang asim ba naman kasi ng pagmumukha ni Rj nung marinig niya yung pangalan na yun.

"Hayp na yan, gusto ko lang naman kumain e. Yawa ka talaga ket kailan Yizhuo".

Akmang aagawin na sana ni Ning yung hotdog pero nailayo kaagad ni Rj yung kamay niyang may hawak nung tinidor.

"Op op op! kala mo ha".

"Eee. Hatian mo na lang kaya ako?".

Ano ba yan! umagang-umaga naiistress ako sa dalawang 'to. Walang ginawa kung hindi magbangayan dito, magbangayan doon.

I mean, normal naman na sa amin yun at sanay na rin kami pero jusko alam mo yung gusto mo pa rin silang pag-umpugin?

Actually nagawa ko na siya dati. Ems.

Bata pa kami nun, wag kayo judgmental!

Naglalaro kasi kami ng teks, alam niyo naman na siguro kung ano yun at paano laruin no?

Kakagaling ko lang mula sa loob ng bahay kasi uminom ako ng tubig tapos nagulat na lang ako nagbabangayan na sila. May mga punit na teks pang nagkalat.

"Madaya ka! Nakita ko yun".

"Hindi kaya, magbayad ka na lang. Talo ka na e".

"Hindi, ulitin natin, madaya ka!".

"Weh pikon ka lang kasi paubos na yung teks mo!".

Sigaw nila sa isa't - isa.

Umiiyak rin sila pareho, tulo uhog pa tapos binato ni Ning yung lagayan ni Rj ng teks kaya nagkalat rin ang mga ito. Edi yung isa naman, gumanti.

"Hoy anong nangyayari dito? Bakit kayo nag-aaway?", sigaw ko rin para marinig nila sabay dali-daling tumakbo papalapit sa kanila para awatin ang mga ito.

"Eh kasi yang si Rj, nung lumabas yung pamato niya nakita ko dinagdagan niya yung taya niya", umiiyak na sumbong ni Ning.

Tinignan ko si Rj para kumpirmahin kung totoo ba iyon.

"Hindi kaya! gawa-gawa ka Ningning. Porket paubos na yung sa 'yo e".

"E sinungaling ka pala e, susumbong kita kay nanay!".

"Wehhh talong pikon na sumbungera".

Binelatan siya ni Rj na dahilan para mas lalong mainis si Ning at sugurin ito.

Agad naman akong pumagitna sa kanila para hindi magkasakitan.

Rinig na rinig yung impit na boses na parang tili ni Ning, kita mo talaga sa mukha niya gusto niyang masapak si Rj.

"Tama na nga 'yan! Rj tumigil ka na. Ikaw rin Ning, sige sumbong ko kayo pareho para paluin kayo", pagbabanta ko sa kanila pero parang mga wala namang narinig kasi ang sama-sama pa rin ng tinginan sa isa't-isa.

Inaabot pa rin ni Ning si Rj tapos yung isa naman patuloy pa rin sa pang-iinis.

Wala talagang magpapaawat ha. Sige.

Tinulak ko si Ning palayo at pumulot ng mga kahoy na nakita ko sa gilid tsaka ibinigay sa kanila isa isa.

Inalis nila yung tinginan nila at palipat-lipat ang nagtatakang mga mata sa akin at sa kahoy.

"Ano dali! mag-away kayo, magsakitan. Diba 'yan yung gusto niyo?".

Walang gumagalaw sa kanila at nanatiling nakatayo sa pwesto.

"Oh, ano pang hinihintay niyo?".

Nainis ako lalo nang parang hangin lang na lumabas sa mga tenga nila yung mga sinasabi ko.

Nilapitan ko sila at marahas na pinagbinagbunggo sa isa't-isa.

"Aray ko!".

"Masakit!".

Sabay nilang sabi habang hinihimas yung kani-kanilang noo at ulo.

"Mj naman e!", reklamo ni Ning sabay tapon ng kahoy.

Si Ryujin naman nakasalubong ang mga kilay na nakatingin sa 'kin.

"Ano? May angal ka?", tanong ko sa kaniya.

Ngumuso lang siya at umiling sabay yuko.

Ilang sandali ng katahimikan at nagsalita si Ning.

"Sorry".

Tinignan ko siya.

"Kanino ka nagsosorry?".

"Sa 'yo tsaka kay ano...uhm, Rj", sabi niya na nakatungo habang finifidget yung mga daliri niya.

Tinignan ko rin si Rj na parang nagsasabing magsorry na rin siya.

"Sorry din, dapat hindi na kita inasar", parang maamong tuta na saad niya, "sorry din, Mj".

Huminga ako ng malalim para mas lalong pakalmahin yung sarili ko.

"Oh siya sige na. Bati na tayong lahat ha?", tumango sila pareho, "hug nga kayo kung totoo".

Naghug naman sila tas medyo nag-aasaran at nagtatawanan na. Yung asaran na walang pikunan.

Nainggit naman ako. "Saliii".

"Yey! Group hug", sabay naming sigaw.

"---ayoko nga!", nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Rj na patuloy nakikipag-agawan kay Ning.

Hindi ko alam na medyo napapangiti na ako sa mga ala-ala ng nakaraan. Ewan ang cute lang ng mga ganap noon.

Sana pwede bumalik sa pagkabata na laro at tulog sa tanghali lang pinoproblema.

"Rj--".

Pero bigla na namang nabaling ang atensyon ko sa kanilang dalawa.

"Ano ba yan. Rj bigyan mo na nga lang yang si Ning, para kayong mga bata. Aga-aga sumasakit ang ulo ko sa inyo", putol ko sa sasabihin pa sana ni Ning.

"Oh ayan, narinig mo si Mj ha, akin na".

"Mama mo, Ning. Bumili ka dun ng iyo".

"Hay nako! Gusto niyo ba pag-umpugin ko ulit kayo?!".

Natahimik naman silang dalawa. Alam kasi nilang gagawin ko talaga yun kapag hindi pa sila tumigil. Naalala siguro nila yung dati hahaha.

"Here, take this na lang Ning oh. I'm full naman na", abot niya kay Ning ng hotdog niya na hindi pa nabawasan.

"Buti pa 'tong si Ging", sabi niya na inabot mula kay Aeri tapos nilagay sa plato niya, "ang bait na tapos pretty pa, like me".

Nagsnort si Ryujin.

Narinig ko ang marahang pagtawa ni Aeri habang umiiling kaya napailing na lang rin ako.

"Okay na sana e, bakit sinali mo pa sarili mo".

"Alam mo ikaw, napakaepal mo, damot damot na nga panget pa".

"Op op op. Sabi ko di ba tama na?" nasa harap tayo ng pagkain oh mahiya naman kayo, pigil ko ulit sa kanila, "teka nga bakit ba kayo nandito?".

"Wow naman, Mj parang hindi ka pa nasanay sa amin a?", pamimilosopo ni Ning.

Blangko ko lang siyang tinignan.

"Chill lang lods, ipapaaalam lang sana namin kayo kay tiyang at tiyong para sumama sa fiesta bukas".

Ah oo nga, fiesta pala sa kabilang baranggay, hindi naman sa taon-taon kaming pumupunta roon pero 'madalas' oo.

"Luh, sinabi ko na bang pumapayag akong sumama?".

"Eh kung hampasin kaya kita nito?", turo niya sa kutsarang hawak niya.

"Eh kung pauwiin kita sa inyo?", ganti ko.

"Shhh stop, Mj. Let Ning continue. Matagal na rin akong hindi nakakasama sa inyo".

"Onga, Ging. Bakit ngayon ka lang kasi nagbakasyon ulit e", sabi ni Rj na masayang ngumunguya ng pagkain niya.

"First, you all know naman the reason na. Second, can you lunok the food you're chewing muna? It's disgusting".

"Arte naman nito kala mo tinalsikan ng kani--".

Bago pa man niya matapos ang sinasabi niya ay nabulunan siya bigla na dahilan para tumalsik yung mga kanin sa bunganga niya.

"Ew".

"Yuck!".

"Yan, kasi sinasabihan ng tama magdadahilan pa", sabi ko saka siya inabutan ng tubig at himimas sabay sampal yung likod niya para mahimasmasan.

"Yan deserve, ang takaw mo kasing kumag ka".

"Mam-*ubo*mamatay na *ubo* yung tao dito *ubo* oh tas ganyan *ubo* pa kayo!".

"Kaya nga. Mamamatay ka na nagawa mo pang sumabat animal ka".

"Rj, just shut your mouth na lang nga".

Sunod-sunod naming sabi namin na ininguso ng isa at nagbulong-bulong na lang ng mga salita na siya lang ang nakakarinig.

"Oh mga anak hindi pa pala kayo tapos", biglang sulpot ni nanay.

Hindi na kami nakasabay sa kanila ni tatay mag-umagahan dahil maaga pa silang aalis.

"Ay tiyang, gandang umaga po ulit. Paalis ka na po?", mabilis na bati at tanong ni Ning.

Ning... obvious ba? kita namang may sukbit nang bayong at bag si nanay amp.

"Oo nak, pasensya na hindi ako nakasabay sa inyo ha".

"Tiyang, fiesta po bukas sa kabilang baranggay, ipapaalam sana namin sina Mj at Ging", sabi ni Rj na mukhang maayos na yung kalagayan.

"Sige na po nay".

"Please po, tita?".

Paawa namin ni pinsan kay nanay. Alam ko hindi kami matitiis nito e hehe ano ba kami lang 'to.

"Hay nako mga batang ito talaga, oo. Siya sige na nga, basta 'wag kayong gagawa ng kalokohan ha?".

"Luh si nanay naman, kala mo sa 'min".

"Tigil-tigilan mo ako, Mj ha. Nung nakaraan kamuntikan ka nang mapaaway sa peryahan, sa kumare ko pa talaga nabalitaan", nanliliit ang mga matang tinignan ako ni nanay habang dinuduro.

"Ay oo bes naalala ko 'yun, yung mga babaeng kamukha ni Fiona na pinapatahimik mo kasi kokak nang kokak", natatawang kwento ni Ning habang ni Ryujin naman ay humagalpak na ng tawa.

Si Aeri naman nagsmile lang, hindi siya relate e hahaha.

"Tapos badtrip pa siya nun kasi mauubos na yung pera niya kakataya dun sa color game, yung may wooden blocks".

Aba at nilaglag na naman nila ako mga hayop talaga. Gusto pa ba ng mga 'to na makasama ako o hindi na?

"Ako na naman napagdiskitahan niyo!".

"Nagkkwento lang e".

"Edi sana sa pagong mo na lang kinwento".

"Kayo talaga. Sige na at ako'y hinihintay na ni tatay mo sa labas. Ako na ang bahalang magsabi doon", sabi ni nanay tsaka lumabas na.

"Bye po tita, ingat".

Nagsibalik kami sa kaniya-kaniya naming pwesto at patuloy na kumain.

"Sina Yeji kaya? ayain natin?".

"Baka busy?".

"Hindi naman siguro, bakasyon naman e".

"Chat mo kaya sa gc, Ning".

"Luh ikaw na, kumakain pa ako e", sabi niya sabay irap na akin at nagpatuloy sa pagsubo.

Yawa na yan.

Kinuha ko na lang ang aking cellphone at nag-open ng group chat.

Minjeong: Hello! busy ba kayo bukas?

Naghintay ako na may magreply sa kanilang tatlo pero si Yujin pa lang yung nakaread.

Yujin: Hindi naman, Mj my friend. Bakit?

Minjeong: Hindi naman para sa 'yo yang tanong, Yuj. Given na na sasama ka.

Yujin: Ay, oo nga pala hehe.

Lia: Hey, Mj. Let me just ask them.
Lia: Nope, we don't have anything to do naman tomorrow, why?

Minjeong: Ayain sana namin kayo sa kabilang baranggay, makikifiesta.

Yeji: Fiesta? Party?

Minjeong: Ah oo parang ganun na...hindi?

Yeji: Haha you're so gulo, Mj.

Minjeong: I mean, parang party na rin kasi may sayawan naman tapos makikikain tayo roon.
Minjeong: Parang amusement park ba ganun. Pangmahirap version.

Naghaha react silang tatlo sa chat ko. Pano ba 'yan? Funny na ba ako nito?

Lia: Grabe ka naman, Mj. Mahirap version talaga?

Karina: Hi! we just told our moms, and they have no problem about it naman daw.

Minjeong: Ayun, all goods. G na ha? Daanan na lang namin kayo bukas.

Karina: Yeah, sure!
Karina: So excited to see you ^.^
Karina: Guys*

Medyo nashookt pa ang ante niyo nang mabasa yung chat niya pero agad rin namang nabawi. Typo lang pala amp.

Lia: My god Kars, not those emoticons again.
Lia: Ang obvious mo ha, you're so jeje talaga.

Yeji: Stop teasing her na and the emoticons are cute naman kaya.

Lia: Not when she only uses them when texting Mj.

Luh gagi kayo, ano na naman ito! Makapag-usap 'tong mga to akala mo wala ako sa gc ha.

Yeji: Omg Li, you know, Mj's reading right?

Lia: Obviously, she has eyes.

Yeji: Haha Li, stop na, let Kars do her business.

Karina: Right, Yej? that's why you're my favorite cousin.

Lia: Wow? the audacity? right in front of my chop suey?

Ayun na nga, sila na yung nag-occupy ng gc, hindi ako makasabay sa kaconyohan nila mga beh kaya tamang react na lang ako ng 'haha' sa mga sagutan nila at maya-maya ay niclose ko na yung gc, pumayag naman na sila na sumama.

Pag-angat ko ng tingin ay nakita kong nakatingin na rin silang tatlo sa akin. Nag-aabang yata kung ano napag-usapan.

"Oo daw, sasama sila bukas".

"Yown!".

"Nice".

"Saya mo, Rj a? hinay-hinay lang sa paghaharot bes".

"Sus wag ka nga pakunwari diyan, Minjeong. Alam ko naman nagwawala na sa loob-loob mo kasi makikita mo na naman si Kars", walang preno niyang saad.

"Mabulunan ka sana ulit animal ka".

"Hoy napakasama mo, halos hindi ako makahinga kanina!", nanlalaking ang mga matang sabi niya saka kumatok sa lamesa naming gawa sa kahoy.

Hindi ko na lang siya pinansin at subtle na tumingin sa pinsan ko. Nakita kong nangingit siya ow em ji mga baccla!

"Saan tayo mamaya?", tanong ni Ning na nagliligpit na ng pinagkainan.

"Anong saan. Magsiuwi na nga kayo, tinatamad akong maglakwatsa ngayon".

"Kj mo talaga, Mj. Ano namang gagawin mo dito sa bahay niyo? humilata maghapon?

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wnterrific
Please let me know your thoughts and comments.
Also, if you have suggestions and questions.

Here's my cc acount: https://curiouscat.me/wnterrific

Comments

You must be logged in to comment
katarinapsyche
#1
balik naaaa 😪
glanishaaa
#2
Chapter 14: Ang gandaaaaa. Parang nanonood ako ng series sa utak ko
Nananaaaa
#3
Chapter 14: Haysss na-ghost na!
osumnevercease
#4
hello author
osumnevercease
#5
ud po plsss
Psykotato #6
Chapter 14: Luh gagi kaiyak once a month lang ba to nag uupdate?😭
Psykotato #7
Chapter 11: Ang strong mo naman Minjeong Batumbakal😂
Psykotato #8
Chapter 10: Yung Liselle heart ko😭😭😭 kung wala talaga Liselle sa SNBB sana dito meron😭
Psykotato #9
Chapter 3: Medyo nastress ako sa pagkaconyo nila🥲
osumnevercease
#10
Chapter 14: excited sa kasunod lezzgooo winter the aswang slayer