Chapter 1.

Lipad Baklang Aswang, Lipad!
Please Subscribe to read the full chapter

"Mj anak, bumaba ka na nga riyan at tayo'y kakain na", rinig kong tawag ng aking butihing ina mula sa baba. 

 

Two-storey house kasi ang aming bahay, oh diba taray pangyayamanin ang tunog pero made of kawayan at kahoy lang naman talaga, in short bahay kubo!

 

Sa probinsya ng Antique sa isang liblib na lugar kami nakatira, yung mga bahay dito napapagitnaan ng kakahuyan at karagatan.

Ang saya saya talaga mamuhay sa probinsya, tahimik tapos dagdagan mo pa ng napakasariwang simoy ng hangin. 

Hindi naman kasi masiyado marami yung mga dumadaang sasakyan dito at ni halos walang malalaking buildings at factories ang nakatayo. 

Yung internet connection ay hindi rin kalakasan pero keri naman. Updated pa rin kami sa mga kaganapan sa paligid kahit papano dahil sa mga social medias. 

 

"Opo nay, sandali lang po, madali na lang 'to", mabilis kong sagot kasi alam kong tatawagin na naman ako niyan ulit. 

 

Last week na kasi ng klase ngayon at tinatapos ko lahat ng kailangang ipasa, ang pangit kasi kabonding ni sir Dalisay, ayaw kaming pagbakasyunin ng matiwasay. 

 

Ay pak rhyme yon ha.

 

Speaking of, owemji bakasyon na next week. Excited na ako, yes! wala akong plano pero excited ako, pake niyo ba? Hula ko nga bubulabugin lang ng dalawang tukmol bakasyon ko e. 

 

Oo, sina Ning at Ryujin tinutukoy ko. 

 

Well, di naman na bago yun, sila lang naman lagi kong kasama mula pagkabata at sawang sawa na kami sa mga pagmumukha namin. Ems.

 

Nagkakilala kaming tatlo simula pa yata nung bago kami mabuo, charot. 

Pero yun nga, magkumare at magkumpare kasi ang mga magulang namin kaya simula noon ay kami na lagi yung magkakasama at magkakasangga sa hirap man o ginhawa. 

Wow deep. 

'Pag may nang-away sa isa sa amin, todo rescue agad. 

Naalala ko nga dati nung mga bata pa kami. Sinabunutan ako ni Badong, ang batang bading na kalaro namin. 

Ang sakit-sakit ng anit ko nun mga dai! akala ko talaga makakalbo ako e.

Natalo ko kasi siya sa chinese garter, ang yabang yabang pa naman ng baklitang 'yon, kala mo naman maganda, hmp kahit maliit lang ako, cute at mataas naman ako tumalon no. 

Nakita 'yon nina Ning at Rj, grabe yung iyak ko that time, ikaw ba naman hilahin yung anit mo, kaya ayun umuwing ngumangawa at may black eye si Badong.

Si Rj naman, nakita nalang namin ni Ning na nakikipagsapakan kay Tolits, kaklase namin noong elementary. 

Pilit daw kasi inaagaw ni Tolits yung baong pagkain niya.  Nakisali na kami ni Ning para hindi maagrabyado kaibigan namin, sinunggaban niya agad yung kaklase namin sa buhok, pak kawawa talaga siya non teh, 3 vs 1.

Tas ayun naguidance kaming apat, pero kay Tolits naman mostly napunta yung pangaral. 

Nalaman namin na palagi daw ginaganon ni Tolits si Rj at napuno yung kaibigan ko kaya pinatulan niya na. Buti nga.

Makaraan lang ang ilang linggo bago mag-valentine's day ay binigyan siya ni Tolits ng flowers at chocolates. 

Akala pa ni Ryujin noon pasorry niya pero nagulat kami nung umamin si Tolits sa kanya na gusto siya nito at kung puwede daw ba siyang makadate sa Feb. 14th.

Yung mukha ni Rj nung time na 'yon parang natatae na nasusuka kaya naman yung tawang-tawang kami ni Ning ay mas lalo pang dumoble.

Naalala namin na sinabihan din kami nung guidance counselor, 'pag daw may nakita kaming nag-aaway, awatin, huwag makisali. At dahil mababait na bata kami, hindi namin siya nasunod.

Eh kasi ilang araw lang after namin maguidance ay nakita namin ni Rj si Ning na pinalilibutan ng mga kaklase naming babae, puro chaka naman. 

Sinasabihan nila si Ning na masiyado raw siyang bida-bida at nagmamanda. Inagaw raw ni Ning 'yung mga crush nila na akala mo e kaggwapo, mga mukha namang unggoy. 

Hindi kami nakapagpigil ni Rj, hinatak namin si Ning bago hinarap ang mga chaka at pinagsasabihan ng mga masasakit na salita which is yung mga facts lang naman about sa kanila. 

Truth hurts, ika nga.

Aba'y hindi na kasalanan 'yon ni Ning, di hamak naman kasi na mas lamang siya ng ilang paligo at ganda sa mga chuserang frogs na 'yon. 

Shh lang kayo ha, baka lalong lumaki ulo nun.

We've been with each other through ups and downs, kami-kami lang din yung nagdadamayan, nakita na namin mga kapintasan ng isa't-isa. 

We've witnessed each others' kapangitan stage, kadugyutan stage, and lahat na ng stages. 

Even kabobohan stage. Well, 'til now pa rin naman.

We've also witnessed each others' first crushes and even first heartbreaks. 

Wala kaming matatagong sikreto kasi alam namin kung meron o wala. Kung nagsasabi ba kami ng totoo o hindi.

In short, kilalang kilala na namin mga ugali ng kada isa sa amin. Kaya naman hindi siguro namin kakayanin kung maghihiwalay man kaming tatlo in the future.

Para kaming kambal tuko na tatlo, pero kasi 'pag kambal 'di ba dalawa lang 'yon? so, triple tuko ganern? triplets tuko? ay nako ewan ko basta, powerpuff girls na nga lang.

Natatawa pa rin ako t'wing naaalala ko mga pinaggagawa namin noong mga bata pa kami, nakakamiss din sa totoo lang. 

Maya-maya pa ay napabalik nalang ako bigla sa aking katinuan, wow napasarap yata ang aking pagmumuni-muni.

Napabalikwas ako sa ingay galing sa pinto ng aking kwarto, aba'y katukin ba naman nang pagkalakas-lakas?

"Hoy Minjeong, buksan mo nga to", speaking of mga animal, andito na sila. Mabuti nalang at natapos ko yung huling activity. 

Tuwing umaga ay sinusundo nila ako kasi madadaanan lang din naman yung bahay namin papuntang school, tsaka sabay kami lagi pumapasok ever since.

Hindi naman malayo yung mga bahay namin sa isa't-isa, mga dalawa hanggang tatlong bahay siguro pagitan pero since probinsya nga ito, ewan ko sa inyo basta sa amin ay hindi magkakadikit yung mga pamamahay. Alam mo yung may malalaking space talaga sa pagitan, basta hirap naman mag explain, gold kayo?

Tumayo ako na napahilot nalang sa sentido at pinagbuksan sila.

"Ningning yung bunganga mo nga, makasigaw to, konti na lang bubusalan ko na 'yan", pagbungad ko.

"Ah talaga ba, panget?", sabay belat niya sakin. At talaga naman.

"Bilisan mo na Mj, kupad kupad mo malelate na tayo", si Ryujin 'yan, yamot na yamot ang mukha ng gaga.

"Ano bang nirereklamo niyo e may isang oras pa bago first subject natin?".

"E basta dali na kasi, baka maunahan na naman tayo ng grupo nung bruhildang Maricel sa mga upuan doon sa room".

"Hindi pa nga ako nakakapag-umagahan".

"Ano ba yan", kunot-noo niyang sabi at napakamot nalang sa ulo.

"Hay nako kahit kailan talaga bes, tara na nga sa baba at inaya rin kami ni tiya

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wnterrific
Please let me know your thoughts and comments.
Also, if you have suggestions and questions.

Here's my cc acount: https://curiouscat.me/wnterrific

Comments

You must be logged in to comment
katarinapsyche
#1
balik naaaa 😪
glanishaaa
#2
Chapter 14: Ang gandaaaaa. Parang nanonood ako ng series sa utak ko
Nananaaaa
#3
Chapter 14: Haysss na-ghost na!
osumnevercease
#4
hello author
osumnevercease
#5
ud po plsss
Psykotato #6
Chapter 14: Luh gagi kaiyak once a month lang ba to nag uupdate?😭
Psykotato #7
Chapter 11: Ang strong mo naman Minjeong Batumbakal😂
Psykotato #8
Chapter 10: Yung Liselle heart ko😭😭😭 kung wala talaga Liselle sa SNBB sana dito meron😭
Psykotato #9
Chapter 3: Medyo nastress ako sa pagkaconyo nila🥲
osumnevercease
#10
Chapter 14: excited sa kasunod lezzgooo winter the aswang slayer