SAN-Chapter 11 (Joohyun's)

Sana'y Ako Nalang
Please Subscribe to read the full chapter

Matapos nung nangyari. Hindi ko magawang pansinin kaumagahan si Seulgi. Nahihiya ako sa nangyari and saw it in her eyes na parang nadismaya siya.

 

But then her mood changed when someone invited her for lunch. Biglang nagliwanag yung mukha niya. Muntikang tumaas ang tenga ko nung marinig kong girlfriend niya pero bumaba ulit nung sinabi niyang wala.

 

Sobrang pure ng taong to. Sasabihin niya lahat ng gusto niyang sabihin. I somehow see her sa kanya.

 

Anyways, balik tayo to this certain girl that she calls gummy bear. Hindi maganda ang kutob ko sa babaeng to. Scratch the fact na close sila ni Seulgi pero ewan ko. May iba akong nararamdaman sa kanya.

 

But she seems very important kay Seulgi para paglaanan siya ng ganung oras. To take the responsibility na maglunch ng maaga kahit magOT.

 

Magsisinungaling ako if sasabihin kong ayaw kong magOT siya but I see it as an opportunity para makasama ulit siya. I don't know bakit biglang gusto ko siyang kasama pero may part sakin na napapagaan niya yung loob ko. Lalo na kapag ngumiti lang siya.

 

-----

 

"M...miss B...bae. A...anjan ka pa pala", sabi niya na nauutal. Cute.

 

"Ah yes. May tinapos lang ako", sabi ko at iniabot ang paper bag na laman ng towel niya.

 

"Yung towel mo yan. Nakalimutan ko ibigay sayo kagabi. Tsaka nahihiya rin ako na ibigay sayo na basa kaya nilabhan ko muna", nilagyan ko ng downy fabcon yung color purple. Para alam niya rin ano amoy ko. Hindi ko alam bat ginagawa ko to. Bahala na.

 

"Ah. Ganun ba. Thank you", tipid na sabi niya.

 

"Oh. Six na", sabi ko para naman mapatay yung katahimikan namin.

 

"Ay oo nga. OT ka rin miss Bae?", di ko alam bat ganito tanong niya kahit obvious na pero nacucute'an parin ako sa kanya. Bakit ganito.

 

"Oo. May tinapos lang ako na financial report sa rice", sabi ko at nagtime out na. Paano ko ba sasabihin yung sasabihin ko dapat. Sinadya kong magOT talaga para makasama ko siya. Hindi ko alam bat ganito ang ginagawa ko.

 

"Okay ka lang miss Bae?", biglang tanong niya nung mapansin niya sigurong nakatulala ako.

 

"May sasakyan ka ba pauwi?", tanong ko na nakayuko. Nahihiya ako bat ganito.

 

"Ay. Sasabay ka ulit saken? A---"

 

"No. No. No. I... Uh... Kase. Kase nakita ko kanina sa labas wala yung sasakyan mo. Napaisip ako baka pinalinis mo kase basang basa tayo kagabi", pagpuputol ko sa kanya. Mejo defensive ako sa part na to ha.

 

"Ay. Oo. Hindi kase leather yun eh", napatawa siya pero I feel sorry talaga. Kasalanan ko bat nabasa kami kagabi.

 

"Sorry", sabi ko ulit at napakagat na lang sa labi ko para ilihim yung hiya ko.

 

"De. Ano ka ba. Okay lang yun miss Bae. Para namang masisira na sasakyan ko pag nabasa na yung upuan. Syempre may mga ganyang scenarios na mangyayari talaga", sabi niya at napakamot sa batok niya. Same trait as her. Kainis nakikita ko na naman siya sa kanya.

 

"Scenarios na nangyari narin na kasama mo yung kasama mong naglunch kanina?", hindi napigilan ng bunganga ko na ganito yung itanong ko.

 

"Huh?", ang ikli ng sagot niya at biglang tumunog yung phone niya. Nakita ko yung caller "Gummy Bear" hindi ko naman sinasadyang makita eh. Sadyang malakas lang brightness nung phone niya.

 

"Oh. I need to go miss Bae. Thank you sa offer mo na pang carpool pero sinundo kasi ako ng friend ko eh to catch up", sabi niya at nagmamadali nang lumabas. Maybe I really can't compete with someone na matagal na niyang kilala. At saka bakit compete na agad yung nasa isip ko eh wala namang kami. At bakit ganito ang iniisip ko in the first place. Nakakainis.

 

-----

 

Weekend pero kelangan kong pumasok dahil may mga financial report na kailangan kong tapusin at ipapasa na kase sa Monday morning so wala akong choice kundi tapusin sa araw na to.

 

Bago ako pumasok sa office nakita ko si Seulgi sa station niya. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako.

 

"Morning", sabi ko nung mabuksan ko yung pinto.

 

"Bat andito ka miss Bae? May tatapusin ka rin?", hindi ko gets bat kelangan niya itanong yung mga obvious at the same time ang cute cute niya.

 

"Oo. Papasa daw sa Monday sabi ni dad. Kainis", sinagot ko na lang siya ng maayos kahit plano ko siyang iprank.

 

"Ay talaga ba. Ako rin. Kaya pumasok ako today para tapusin kung ano kaya ko tapusin", sabi niya at nangisi parang may iba pa siya iniisip.

 

"Kaya mo naman tapusin yan ng half day ata ah?", sabi ko kase nagpahumble pa siya alam ko naman kaya niya tapusin yun ng mas maaga.

 

"Siguro. Pero dahil andito ka willing naman ako bagalan to para may kasama ka. Kahit OT pa ko", biglang napaiwas ako ng tingin. Natatakot akong makita niya pamumula ng pisngi ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

 

"Gutom mo lang siguro yan. Di ka ba nagbreakfast?", sinabi ko makalipas ang ilang minuto na nakatalikod na ko sa kanya.

 

"Ay. Eh. Hehe", maikling sagot niya. Akala niya maiisahan niya ko. Bigla akong napalingon kung asan siya. Napakamot na naman siya sa batok niya at hindi ko na naman mapigilan na maalala siya. Minsan nakikita ko talaga siya kay Seulgi.

 

-----

 

"Miss Bae, mauna na ko", tawag ni Seulgibsa atensyon ko at napatingin ako sa relo. Lapit na pala maglunch. Sabi ko nga madali lang niya matatapos to.

 

"Akala ko sabay tayo uuwi?", may mga pagkakataon talaga na wala akong kontrol sa aking bunganga.

 

"Huh?", yan na naman siya sa mejo dambi niyang sagot. (Dambi as in dumb) sorry pero she's so innocently dumb but

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
incorrecthyun
Thank you sa lahat ng support sa fic na to T_T

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
Chapter 21: ❤
Astraea21 #2
Chapter 21: 👍
turtlenaut_ #3
Chapter 21: BETTER THINGS FOR JENNIE!!!! 😭
its_aaarrriii
39 streak #4
Chapter 21: WAAAAHHHHH ENDGAME!! LABYU ATE K!!! SANA DI KA NA GUMAWA NG ANGST EMZ
Hindi mo po ko inupdate sa twit na finale na🥺🥺
kang_ddeul
#5
Chapter 21: wahhh seulrene!! 💗 thank you po for writing this story, otor-nim! 🥰✨
000014
#6
Chapter 21: My seulrene heart 💗💛
iamriou_
1159 streak #7
Chapter 21: Grabe. Ending na agad. Huhu. Salamat sa storya mo otor! 🥺 solid ito! ✊
iamriou_
1159 streak #8
Chapter 20: Nalayag na muli ang Seulrene. 🥺🥺
jaangwaang
893 streak #9
Chapter 20: Awwww, seulrene ❤
Goeynceilove
42 streak #10
Chapter 20: This chapter is brought to you by SeulRene's FLUFFINESS OVERLOAD 🐻🐰🧡💗
Short but Pure Love😍