SAN-Chapter 5 (Seulgi's)

Sana'y Ako Nalang
Please Subscribe to read the full chapter

(Huling POV ni Seulgi)

 

 

Mababaw na paglalarawan ang salitang saya sa nararamdaman ko ngayon. Yung tipong sasabog na ako dahil hindi ko na alam saan ilalagay yung saya na nararamdaman ko. Akala ko noon sabi sabi lang ng iba na parang sasabog sila dahil sa lubos na kasiyahan pero totoo pala. Ganun yung pakiramdam sa bawat presence ni Joohyun sa buhay ko. Sa bawat oras na alam kong nasa piling ko siya at nasa piling niya ako.

 

Pero alam niyo rin ba na sa bawat lubos na saya doble yung sakit na iyong madarama?

 

Tatlong araw simula nung kausapin ako nina Yeri. Sa tatlong araw na kasiyahan na yun, wala pang isang minuto dinurog ako.

 

-----

 

"Miss Bae may naghahanap sayo sa labas", sabi ni Wendy at agad naman kaming nagtinginan ni Hyun at nagkibit balikat siya para ipahiwatig sa akin na wala siyang inaasahan na bisita.

 

"Papasukin mo na lang, Wendy", sabi niya at tumango naman si Wendy. Pero nakapagtataka si Wendy. Hindi mo mabasa anong ibig sabihin nung itsura niya pagkagaling sa labas.

 

"Andito na siya, miss Bae", rason ulit para mapatingin ako kay Hyun na mukhang nagulat at sunod akong napatingin kung saan siya nakatingin.

 

"Baechu", hayag nung babaeng nakahawak ng purple tulips at carrot cake base sa brand na nakalagay sa box.

 

"A...anong gi...gi...nagawa mo di...to?", nauutal na sabi ni Joohyun. The pet name. Kahit wala nang magsabi sakin kung sino yung tao na nandito. Alam ko na. Napayuko ako. Napakagat na ako ng labi. Alam ko na. Talo na ako. Sabi nga ni Yeri at Joy. Wala akong laban sa past lalo na kung siya ang dahilan bat wala kaming label.

 

Nasabi ko pa sa sarili ko na kung kasalanan ang magmahal sa taong hindi pa nakakamove on sa past niya, handa akong magkasala kahit hindi pa ako ang piliin niya. Ang lakas ng loob kong sabihin yun. Pero ganito pala kahirap harapin yun.

 

"Baechu. Hindi mo ba namiss si Yorisa?", hindi niya sinagot yung tanong ni Hyun or should I say miss Bae? Pero nagpapabebe siya ngayon dahil sa way ng pananalita niya. Nagbebaby voice siya sa harap ni Hyun. Anak ba siya? Panget ng tawagan nila. Share ko lang pero mas maganda tawagan namin. Napatawa ako ng mahina dahilan para mapatingin silang lahat. Nagkunwari akong nagtatype para kunware may katext ako. Sakto nagtext si Jennie. Save by the bell.

 

"Sorry. Natawa ako sa sinabi ng nagtext sakin eh", sabi ko habang shineshake yung phone ko sa tabi ng mukha ko. Para may proof.

 

"Lisa, can we talk? Pero wag dito. Hintayin mo ko sa labas", pagtutuloy tuloy ni Hyun bago pa makapagreklamo yung isa. So, Lisa pala ang pangalan niya. Tumango na lang ito at lumabas.

 

"Seulgi", tawag ni Hyun pero buti na lang nasagot ko agad agad yung tawag ni Jennie. Save by the bell ulet. Thanks my gummy bear.

 

Nilagay ko agad yung phone ko sa may tenga ko at tinuro ko na may kakausapin ako. Napatikom naman ng bibig si Hyun at agad na lumabas na lang.

 

Sa oras na paglabas niya sa opisina ay kasabay ng luha kong pumatak na.

 

"Talo na ako", sabi ko at nakatingin lahat sa akin ng may pag-aalala at awa.

 

Talo na ako sa laban na hindi pa nagsisimula.

 

-----

 

"Seulgi", pagpapout ni Hyun sa harap ko na nakahawak ng sund

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
incorrecthyun
Thank you sa lahat ng support sa fic na to T_T

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
Chapter 21: ❤
Astraea21 #2
Chapter 21: 👍
turtlenaut_ #3
Chapter 21: BETTER THINGS FOR JENNIE!!!! 😭
its_aaarrriii
25 streak #4
Chapter 21: WAAAAHHHHH ENDGAME!! LABYU ATE K!!! SANA DI KA NA GUMAWA NG ANGST EMZ
Hindi mo po ko inupdate sa twit na finale na🥺🥺
kang_ddeul
#5
Chapter 21: wahhh seulrene!! 💗 thank you po for writing this story, otor-nim! 🥰✨
000014
#6
Chapter 21: My seulrene heart 💗💛
iamriou_
1143 streak #7
Chapter 21: Grabe. Ending na agad. Huhu. Salamat sa storya mo otor! 🥺 solid ito! ✊
iamriou_
1143 streak #8
Chapter 20: Nalayag na muli ang Seulrene. 🥺🥺
jaangwaang
882 streak #9
Chapter 20: Awwww, seulrene ❤
Goeynceilove
27 streak #10
Chapter 20: This chapter is brought to you by SeulRene's FLUFFINESS OVERLOAD 🐻🐰🧡💗
Short but Pure Love😍