SAN-Chapter 9 (Joohyun's)
Sana'y Ako Nalang(Flashback sa Lisrene bago pumasok si Seulgi)
Isang linggo ulit ang nakalipas. Wala paring reply. Wala paring paramdam. Nakaoff parin ang phone. At ganun parin sa mga nakalipas na isang linggo.
Feeling ko mababaliw na ako. Feeling ko upos na akong kandila. Mugto ang mata araw araw. Hindi narin ako kinukulit ni dad papuntang company.
Nakausap ko narin si Jisoo at Rosé sabi nila hindi rin daw nagpapakita si Lisa sa kanila at hindi rin daw nila ito macontact. Ang weird. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Ni hindi ko narin alam ang mararamdaman ko. Namamanhid na ako. Hindi ko na alam anong masakit. Saan masakit. Ni hindi ko magawang kumain kase iniisip ko paano ako kakain kung hindi ko sigurado kung nakakakain si Lisa. Oo, si Lisa. Si Lisa lang yung nasa isip at puso ko ngayon. Lisa is all that matters and will always be.
-----
"Dad, please", pakiusap ko kay dad when I went home. Ayokong umuuwi sa bahay dahil naaalala ko yung mga panahong andun pa si mom bago kami ipagpalit sa kabit niya pero yun nga para kay Lisa. Para sa kanya I am willing to break my rules.
"I am doing my best, anak. Alam mo yan. Kagabi mo lang sinabi sakin. Which is dapat sana the first week pa lang para ngayon alam na natin kung nasan siya", sabi niya habang nilalaro ang baso ng wine niya.
"But dad use your other connections now. Baka may makakita sa kanya ngayon. Sige na dad. Please", tumingin siya sa akin. Oo na, mukha akong desperada. Eh kung kayo ba ighost nung taong mahal mo. O kung anoman ang tawag sa ginagawa ni Lisa ngayon sa akin. Gagawib ko lahat mahanap lang siya. Masigurado lang ang kalagayan niya. Para mapanatag ako.
"Joohyun", mahinang sabi ni dad. Wala narin siyang gana makipagargue sakin dahil paulit ulit lang kami.
"Dad please. If you do it now. Let me work in the agri department for two years then I will agree to be the CEO after. Dad. Please", may usapan kasi kami ni dad na after ten years saka lang niya ipapasa sa akin yung posisyon dahil marami pa akong hindi nagagawa sa buhay. Gusto ko pang maranasan magsimula sa baba at kamtin yung posisyon na pinaghirapan ko.
I am really this desperate now na kahit future plans ko tinataya ko na para kay Lisa. Para mahanap siya. Kilala ko kase si dad. Mas ginaganahan siyang gawin ang mga bagay kapag may kondisyon at wala na akong ibang maisip. Wala na akong ibang alam na itaya para mas mapadali ang paghahanap sa mahal ko. Kay Lisa ko.
"Hindi na lang about jan, Joohyun. Pero i'm willing to help kahit wala kang kondisyon", bigla akong nabalik sa wisyo nung marinig ko ito galing kay dad. "Hindi mo kailangan isakripisyo ang lahat para sa kanya o para lang tulongan kita dahil obligasyon ko ito bilang ama. And trust me, anak ko. Your dad is doing his very best dahil nahihirapan narin akong nakikita kang ganyan", and for the first time after mom left us, ngayon ko lang ulit nakita ang pagluha ng aking ama.
"I'm sorry dad", at tuloyan na nga akong nagbreakdown sa harapan niya. Ang bigat bigat narin kase. Ang sakit sakit na. Yung wala kang idea kung nasaan ba yung taong mahal mo. Bigla na lang siya nawala.
-----
It takes a day or two. Hindi pa ako umuuwi sa apartment ko. Ayokong umalis dito baka biglang may balita kay Lisa. Dapat andito ako at hindi na kailangan magbiyahe pa.
Nakatingin lang ulit ako sa ceiling ng kwarto ko.
Comments