SAN-Chapter 19 (Jennie's POV)
Sana'y Ako NalangMatapos ang encounter namin ni ate Joohyun dumiretso agad ako sa apartment ko and file my leave sa office. I don't think I can handle this kasi. I know magmumukmok ako for what happened and i'm right. I find myself stuck in my room hindi pa kumakain. Wala akong gana.
Noon tinatawanan ko ang mga broken na hindi makakain dahil sa break up at sinasabi ko pa na hindi naman hawak ng ex nila yung rice cooker para hindi sila makakain. Now, I know what it feels. Hindi sa hindi ka gutom pero wala kang gana. You feel so weak pero you prefer to sulk in one corner. Ang mga broken hindi ibig sabihin na kapag di na sila kumain ay hindi na sila gutom, they are, I am, pero yung feeling na mas matimbang yung pain kaya wala kang lakas para bumangon at kumain. Hindi naman nakakalakas yung pagkain mo. Hindi naman nakakaheal yung pagkain mo. That's how I understand the feeling of broken.
Ang pinagkaiba ko lang ay kailanman walang naging kami ni Wise. Wala nga kaming simula pero may katapusan na kung anong mayroon kami and that's what hurt the most. Wala man lang kaming nasimulan bago matapos lahat ng mayroon kami.
Hindi ko alam ilang beses na ako umiyak o umiiyak simula nung araw na yun. Alam ko lang paggising ko umiiyak ako. Bago pumikit ang mga mata ko basa dahil sa mga luha ko.
"Hey, Jen", sabi ni Lisa na nasa harap ko ngayon.
Wala naman talaga akong balak na pagbuksan siya ng pinto kaso twelve hours na siyang nasa harap ng pinto ko. Hindi ko alam kung kumain na ba siya o ano. Pero dahil hindi naman ako ganon katigas I let her in and she's trying to talk to me kaso walang nalabas na boses. Napipi na ata ako dahil sa sakit.
"Talk to me, please? Let the pain out", sabi ulit niya and I bit my lower lip.
If only talking will ease the pain. If only saying what I feel will let me forget her. If only. Kaso hindi eh. Kahit ilabas ko ito at pag-usapan ngayon mananatili parin ito. Iniyak ko na nga eh, ilang beses na kaso hindi parin naibsan. Masakit parin. Ang sakit sakit parin.
"Can we not and just stay like this for a while?", my voice almost cracked kase gustong gusto na naman lumabas yung luha ko pero pigil na pigil naman ako.
Lisa closed the gap at niyakap niya ako. Gusto kong magmura. Please. Bakit hindi na lang kase si Lisa. Bakit kase sa taong hindi pa kayang ibalik yung pagmamahal. Bakit hindi na lang sa taong kaya naman ialay yung pagmamahal sakin. Minsan ang unfair ng mundo. Ang unfair ng tadhana. Ginagawang laruan ang feelings na dapat sineseryoso naman.
"Naandito lang ako, Ni. Kapag ready ka na. Kapag kaya mo na. Kapag willing ka na", sabi ni Lisa na kahit hindi ko makita yung mukha niya alam kong ang lungkot lungkot niya. Nakikihati siya sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
Yung mga salitang binitawan niya alam kong double me
Comments