SAN-Chapter 17 (Narration)
Sana'y Ako NalangIts already morning nung magising si Seulgi at bumungad sa kanya ang isang Joohyun na nakasandal ang ulo sa bedside habang hawak hawak ang kanyang kamay.
Naguguluhan siya sa ganap dahil nung matulog siya si Jennie ang nasa apartment niya tapos paggising niya isang Joohyun ang nasa harap niya.
"Hey", nabalik siya sa wisyo nung marinig niya si Joohyun. Hindi niya namalayan na nakatitig siya sa kanya kaya tumingin siya sa ibang direksyon.
"Gising ka na. Gutom ka?", sabi ulit ni Joohyun kase hindi siya naimik.
"Asan si Jennie?", at parang sinaksak si Joohyun ng isang libong kutsilyo dahil siya ang hanap niya nung tulog siya pero kapatid niya ang hanap kapag gising siya.
"I. Hm. I", nauutal si Joohyun dahil hindi niya alam ang isasagot niya. Alangan naman sabihin niyang nag-away silang magkapatid sa mismong apartment niya.
"Bakit ka andito?", akala niya wala nang mas sasakit pa pero para na siyang sinasaksak pero hindi nawawalan ng hininga. Pinipigilan niya yung luha niyang pumatak kase ayaw niyang ipakita kay Seulgi na nanghihina siya ngayon. Na nasasaktan siya.
"Ayaw mo ba?", iyan lang ang lumabas sa mga bibig ni Joohyun na ngayon ay nakayuko na.
"Nagpaalam ka ba?", tanong ni Seulgi.
"Hindi naman na ko nakatira sa bahay para magpaalam kay dad tsaka---"
"Sa girlfriend mo. Nagpaalam ka bang andito ka?", ramdam ni Joohyun ang selos sa pananalita ni Seulgi na hindi niya napigilang mapangisi.
Nagtaka naman si Seulgi sa biglang pag-iiba ng facial expression ni Joohyun kaya napataas siya ng kilay. At ang mas lalo niyang kinagulat ay ang biglang paglapit ng mukha ni Joohyun sa mukha niya bago halikan ang noo niya.
Matagal at ramdam nilang dalawa ang connection na namumuo sa pagitan nila.
Dahan dahang kumalas si Joohyun sa kanyang noo at tinitigan si Seulgi habang nakangiti ng malawak.
"I miss you", sabi niya at ibinagsak ang katawan niya kay Seulgi sabay sa pagsiksik ng mukha niya sa leeg nito.
"Seulgi, I miss you", at doon na nga nagregister ang lahat kay Seulgi lalo na nung maramdaman niya ang luha ni Joohyun sa leeg niya. At parang magnet na binalot ni Seulgi ang mga kamay niya kay Joohyun. Namumuo narin ang luha sa kanyang mata.
"Hindi kayo nagkabalikan", hindi yun tanong pero pinapahayag niya. Joohyun shake her head as a sign of a no. Napatawa ng mahina si Seulgi dahil sa inakala niya.
"Funny how I thought na bumalik ka sa kanya", hinahaplos na nito ang buhok ni Joohyun.
"Because you never let me talk to you. Lagi kang umiiwas lagi kang absent. Lagi kang wala. Alam mo bang natakot ako ha. Natakot akong makuha ka ng iba. Seulgi, you're mine and mine only", hayag ni Joohyun na umiiyak na ngayon na parang batang nagtatantrum.
Si Seulgi naman ngayon ang sumunod na humalik sa ulo niya. At pinapatahan siya.
"I guess naduwag din ako. Kase akala ko bumalik ka na sa kanya. Kase sino ba naman ako? Wala akong laban sa pinagsamahan niyo", at hinalikan ulit niya ang ulo ni Joohyun.
"Wala kan
Comments