Chap 11

Chapter 23, Limited Edition, Issue: Forever

Gaano kalaki ang donations na natanggap ng government under different administrations na hindi nagamit at napunta sa intended beneficiaries even after years have passed? 

Ayun sa reports ng COA, hindi nagamit ng Office of Civil Defense ang P40.98 million worth ng donation for victims of Yolanda. This was in 2018. Yolanda happened in 2013. 

In the same year, in what have been one of the most troubling things it has ever discovered, COA also found out that out of the P36.92 million the OCD got for donations for the victims of the Marawi siege, it only utilized P10,000.

Ten pakening thousand pesos. Mas malaki pa yung perang ginastos ng iba sa Shopee. 

"Kaya hindi mo masasabing walang pera ang bansa," Seulgi said. 

"Kasi meron, akala mo lang wala, wala, wala." 

Napangiti at napangiwi si Irene. "Ginaya mo pa talaga si Carlo Aquino," sabi nito while they're talking on Zoom. 

"Lodi ko yun e. Pogi kaya, galing pa," kindat ni Seulgi.

Napatawa ulit si Irene. "Naks naman, after 10 years marunong ka na rin kumindat." 

"Pero it really is disheartening, Irene," ika ni Seulgi in a serious tone. 

"Alam mo bakit ko pinili mag-track ng DRRM funds, more than anything?" 

"Bakit?" tanong ni Irene. 

"Kasi sa panahong nasalanta na ang mga tao, nawalan ng pamilya at kabuhayan, may mga tao pa rin talaga na nagagawang i-delay at i-misuse pa nga ang pera at tulong na para sa kanila."

"Walang-wala na nga yung tao, aagrabyaduhin mo pa, nanakawan mo pa?"

"It's like killing them twice." 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ssamee
#1
Ang ganda. Juskopo ang puso ko.
aiisaka #2
Chapter 10: Hindi ko alam bakit parang kaunti lang yung comments, nagsubscribe etcetera pero ang ganda ng flow ng story. Grabe! Galit na ako sa sistema pero parang lalo akong nagalit! Ang ganda po hehehe
akosizig #3
Chapter 27: nagbabalik ito!!! tawang tawa ako sa "nanalo ang mga kamatis" HAHAHAHAHA namiss ko to!!! sana nasa maayos kayo lagi author at magtuloy tuloy ang update ng kwentong ito <333
akosizig #4
Chapter 26: im baaaaack from minsan, ayos lang magpaalam <:

GRABE TONG KWENTO NA TO!!! ngayon lang ulit ako nagkatime para mag binge read pero hindi ko mapigilan magbasa chapter after chapter! nandon yung kilabot factor on how true the situation na kinalalagyan nila seulgi at irene regarding corrupt govt officials and overall corruption ng gobyerno. their characters really showed yung pagiging strong willed nila at makikita na strict talaga sila sa kaniyang mga prinsipyo! looking forward sa next update!!!
seulsbear
#5
Chapter 26: Kapag nagbabasa ako ng mga ganitong fics, feeling ko I’m seeing another side of our country, the darker side na pilit nilang tinatago. Tama nga naman na mahirap pag ang mga tao na mismo ang nagbubulag-bulagan and as someone na galing sa isang family na naniniwala always sa sinasabi ng government, it’s hard na maipakita sa kanila na mali yung paniniwala nila kasi sarado na ang isip nila from other possibilities. For my parents, the government, esp those who are under the president and, well, also him, are always speaking the truth and doing what’s right... kahit na harap-harapan na, na mali yung ginagawa nila...
Enterusername_here
#6
Chapter 24: nakakagigil yun ah. nway, excited na ako sa susunod na mangyayare
kang_ddeul
#7
Chapter 24: yung true colors ng government natin :((
Enterusername_here
#8
Chapter 18: medyo na trauma ako nung last ff, wag naman sana ulit makidnap si yeri huhu
Enterusername_here
#9
Chapter 17: Ang intense ng chapter, kinakabahan na din agad ako sa mga susunod na mangyayare.
Enterusername_here
#10
Chapter 10: Habang binabasa ko ang mga chapters, nakaramdam ako ng 3 emosyon.

1. Lungkot at saket dahil angst na naman ang love story ng Seulrene :(
2. Galit sa ginagawang ninja moves ng gobyerno. Jusko naman!
3. Naeexcite na naman ako sa mga susunod na mangyayare.

Waiting po ulit sa susunod na chapters :) Hwaiting!