Touch the grass(roots)

Chapter 23, Limited Edition, Issue: Forever

Habang buhay na buhay ang usapin at video sa social media kung saan bull's-eye ang pagkabato ng mga kamatis sa pagmumukha ni Sen.Aguinaldo, minabuti nila Jennie, Jisoo, Wendy at Joy na bumaba sa mga communities mismo - sa grassroots level- para naman magbahagi ng kaalaman nila sa alokasyon ng public funds. 

Naisip kasi nila, kahit matapang at malakas ang diskusyon online, iba pa rin 'pag ibinababa mo ang laban sa mga tao mismo. Habang nag-eeducate ang mga disaster risk reduction management officers tulad nila Jennie at Jisoo at agripreneurs o social enterprise advocates tulad nila Wendy at Joy, sila din ay mas natututo tungkol sa karanasan, kalinangan at pulso ng mga tao. 

Habang humaharap sina Seulgi at Irene sa political arena sa Senado, sila naman ay gumagawa ng konekyson sa mga tao para mas mapayaman ang kaalaman ng isa't isa sa usaping paggamit ng tama sa pondo ng bayan, at by extension, sa pamamahala overall. 

This combination proved effective because the results of the presidential elections showed the people are still willing to learn, listen and reform institutions. 

Natalo si Sen. Aguinaldo. Nanalo ang mga kamatis. Nanalo ang mga magsasakang sinubukan nilang goyohin. 

Isa siyang himala, kung tutuusin. 

At ika nga ni Nora Aunor sa karakter niya sa seminal film na "Himala," walang himala, ang himala ay nasa puso ng mga tao. 

True naman. Dahil ang "himalang" ito - talo ang isang trapo! - ay nangyari naman talaga hindi dahil sa supernatural, magical, Papuri sa Diyos (remix) na galawan lamang, kundi dahil ginusto ng tao, ng publiko. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ssamee
#1
Ang ganda. Juskopo ang puso ko.
aiisaka #2
Chapter 10: Hindi ko alam bakit parang kaunti lang yung comments, nagsubscribe etcetera pero ang ganda ng flow ng story. Grabe! Galit na ako sa sistema pero parang lalo akong nagalit! Ang ganda po hehehe
akosizig #3
Chapter 27: nagbabalik ito!!! tawang tawa ako sa "nanalo ang mga kamatis" HAHAHAHAHA namiss ko to!!! sana nasa maayos kayo lagi author at magtuloy tuloy ang update ng kwentong ito <333
akosizig #4
Chapter 26: im baaaaack from minsan, ayos lang magpaalam <:

GRABE TONG KWENTO NA TO!!! ngayon lang ulit ako nagkatime para mag binge read pero hindi ko mapigilan magbasa chapter after chapter! nandon yung kilabot factor on how true the situation na kinalalagyan nila seulgi at irene regarding corrupt govt officials and overall corruption ng gobyerno. their characters really showed yung pagiging strong willed nila at makikita na strict talaga sila sa kaniyang mga prinsipyo! looking forward sa next update!!!
seulsbear
#5
Chapter 26: Kapag nagbabasa ako ng mga ganitong fics, feeling ko I’m seeing another side of our country, the darker side na pilit nilang tinatago. Tama nga naman na mahirap pag ang mga tao na mismo ang nagbubulag-bulagan and as someone na galing sa isang family na naniniwala always sa sinasabi ng government, it’s hard na maipakita sa kanila na mali yung paniniwala nila kasi sarado na ang isip nila from other possibilities. For my parents, the government, esp those who are under the president and, well, also him, are always speaking the truth and doing what’s right... kahit na harap-harapan na, na mali yung ginagawa nila...
Enterusername_here
21 streak #6
Chapter 24: nakakagigil yun ah. nway, excited na ako sa susunod na mangyayare
kang_ddeul
#7
Chapter 24: yung true colors ng government natin :((
Enterusername_here
21 streak #8
Chapter 18: medyo na trauma ako nung last ff, wag naman sana ulit makidnap si yeri huhu
Enterusername_here
21 streak #9
Chapter 17: Ang intense ng chapter, kinakabahan na din agad ako sa mga susunod na mangyayare.
Enterusername_here
21 streak #10
Chapter 10: Habang binabasa ko ang mga chapters, nakaramdam ako ng 3 emosyon.

1. Lungkot at saket dahil angst na naman ang love story ng Seulrene :(
2. Galit sa ginagawang ninja moves ng gobyerno. Jusko naman!
3. Naeexcite na naman ako sa mga susunod na mangyayare.

Waiting po ulit sa susunod na chapters :) Hwaiting!