Chap 5
Chapter 23, Limited Edition, Issue: ForeverTiningnan ng mabuti ni Irene ang sarili niya sa salamin.
How do you tell your heart to stop beating so fast? Pero is there even a point to trying to quell its excitement, to assuage its anxiety? Limang taon na ang lumipas pero nung nakita niya ulit si Seulgi, parang gustong sumigaw ng puso niya - siya pa rin, ikaw pa rin talaga.
Napabuntong-hininga na lang siya ng biglang tumunog ang doorbell.
"Hi," nahihiyang bati ni Seulgi, sabay abot ng choco milk.
"Paanong?---" nagtatakang tanong ni Irene.
"I have my ways," nakangiting sabi ni Seugi.
"Daming alam," nasabi na lang ni Irene, habang pigil ang kilig. "Pasok ka na."
The dinner was scrumptious - and because it's the two of them, the conversation was divine.
"Buti hindi ka nag-alinlangan mag-COA, Irene, delikado din trabaho ninyo a," simula ni Seulgi habang umiinom ng kapeng tinimpla ni Irene.
Seulgi couldn't be more right. No less than the president said that government auditors should be "kidnapped" and "tortured." Nung January 2020, isang auditor na assigned mag-check ng pondo ng Maguindanao ang binaril sa Cotabato City.
Sila ang nasa frontline ng paghahahanap ng kung saan napunta ang budget ng iba't-ibang sangay ng gobyerno - mula sa barangay hanggang sa pinakamataas na posisyon sa bansa.
"Hindi kami immune sa pag-question ng usage ng funds, obviously, kasi most likely nabalitaan mo na may 181 paintings sa COA mismo ang nawawala," sambit ni Irene habang umiiling.
"May mga anay naman talaga sa government, 'yung sumisira ng integrity ng public office from the inside. 'Yan ang ating disheartening reality," komentaryo ni Seulgi.
"Kaya dapat malinaw sa 'yo ang konsepto mo ng tama at mali. Kasi kung hindi - magigising ka na lang na ikaw mismo nakain na ng sistema."
"How do you not give up, Seulgi, how do you not lose your soul?" tanong ni Irene.
"'Every single time I see Yeri, sinasabi ko na lang, she deserves a better government. And that better government, that decent governance, starts with me."
Comments