Chap 4

Chapter 23, Limited Edition, Issue: Forever

But then it's been five years. 

And here we are, Irene thought, habang nakatingin kay Seulgi na nakatayo ngayon sa harap niya. 

Here we are, indeed, nasabi ni Seulgi sa sarili. 

"Kumusta ka?" Sabay nilang tinanong. 

Napatawa silang dalawa, parehong nahihiya. 

"Ikaw muna," sabay ulit nilang nasambit.  

Napangiti ng malaki si Seulgi, at sumabay ang eye-smile niya. Lumakas ang kabog ng dibdib ni Irene. 

That maderpakening eye smile. After all these years, iba pa rin talaga epekto sa kanya. 

"Irene," lumapit si Seulgi. Parang hindi siya makahinga - yung monolid na mga mata ni Seulgi, nakatitig sa kanya. 

"Kumusta ka na? Hindi ko alam na dito pa tayo magkikita, sa isang symposium on best practices in monitoring government funds. Puro government employees din kasi nandito. Unless --" nanlaki mga mata ni Seulgi. 

"---oo Seulgi, government auditor na ko. Nagtratabaho ako sa Commission on Audit. After working sa private sector ng ilang taon, nakapag-invest na rin naman ako sa fundamental needs and may kaunting naipon. So naisip ko, I can give back to the society by doing this. Maraming gago sa government, pero marami ding matino...tulad mo," paliwanag ni Irene. 

"That's great to hear," nasabi ni Seulgi. "Mag-be-benefit ang publiko sa galing at dedication mo." 

Nagkatinginan ulit sila. 

Ang ganda mo pa rin, gusto sabihin ni Seulgi, pero hindi niya alam kung puwede ba. 

Meron ka na bang iba? Gustong tanungin ni Irene, pero hindi niya alam kung tama bang tanungin yun, o kung kaya ba niya matanggap ang sagot dun. 

"Kailan balik mo sa Albay?" Ito na lang tinanong niya. 

"Ah, may isa pa kong talk bukas, tapos balik na kami Albay ng anak ko the next day." 

Anak? Anak?

May mali ba sa pandinig ni Irene? O huli na lang talaga ang lahat para sa kanya? 

May anak na siya, hutaena dis. 

Saktong may lumapit na dalagita kay Seulgi. 

"Nay, galing mo kanina. May dinner ba kayo with other DRRM peeps after this?" tanong nito. 

Bago pa nakasagot si Seulgi, biglang napabulyaw yung anak niya. 

"Nay! Siya yung babae sa wallpaper mo! Hala. Mukha nga siyang diwata," sabi nito. 

Namula si Seulgi. "Yeri, ano, si Irene," pakilala niya. 

"Irene, si Yeri, anak ko." 

Bago pa nausisa ni Irene sino yung isa pang parent ni Yeri, nagpaliwanag na si Seulgi. 

"Yeri's parents passed away when typhoon Yolanda hit Tacloban. She was only 10 years old then. I decided to adopt her." 

Without realizing it, Irene heaved a sigh of relief. 

Single pa siya, single pa. 

Before she can change her mind or overthink things, napabulalas na si Irene - 

"Seulgi, puwede ba tayo mag-dinner bukas?"

Natameme si Seulgi. Naramdaman na lang niyang ninu-nudge siya ni Yeri. 

"Nay, dinner daw. Go na 'Nay. LOML mo kaya 'yan." 

"LOML?" takang tanong ni Irene. 

"Love of my life," sabi ni Seulgi, with no hint of hesitation in her voice. 

Namula ng sobra si Irene. May laban pa tayo mars, may laban pa, she told herself. 

"Oo no, kahit na maraming naging babae si Nanay--" 

"Marami kang naging babae?!" Napasinghal si Irene kay Seulgi.

"Ano, hindi, wala lang mga yun. Nagkakayayaan lang kami kumain ng sili ice cream. Sarap yun, 'pag napunta ka sa Albay, tikman mo," depensa ni Seulgi, tunog kabado bente. 

"Kakain nga ng sili ice cream e bakit niyayaya ka pa nung mga babae na dun sa bahay nila magkainan?" buwelta ni Yeri. 

Tinakpan ni Seulgi bibig ni Yeri. "Magkainan ng sili ice cream, Irene. Sili ice cream." 

Grabe na yung glare ni Irene. But suddenly, her eyes softened. This is taking her back to their college days,'pag may magyayaya kay Seulgi na babaeng ka-org o kasama niya sa grupo nila ng artists. 

Seulgi will keep on reassuring her na wala siyang iba. Na hindi siya magkakaroon ng iba. 

"Time-out ka na muna sa sili ice cream. Pumunta ka sa condo bukas. Magluluto ako ng dinner," yaya niya, kabado bente rin kasi baka humindi si Seulgi. 

"Nay, sige na at mag-date na kayo. 'Wag ka mag-alala, hindi ako magagala dito sa Manila. Netflix and chill lang ako sa kuwarto natin," pangako ni Yeri. 

"Si-sige. Dinner then," sabi ni Seulgi. 

Dinner...date, sabi ni Irene sa sarili niya. 

Date na dinner, tahimik na pagmutawi ni Seulgi.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ssamee
#1
Ang ganda. Juskopo ang puso ko.
aiisaka #2
Chapter 10: Hindi ko alam bakit parang kaunti lang yung comments, nagsubscribe etcetera pero ang ganda ng flow ng story. Grabe! Galit na ako sa sistema pero parang lalo akong nagalit! Ang ganda po hehehe
akosizig #3
Chapter 27: nagbabalik ito!!! tawang tawa ako sa "nanalo ang mga kamatis" HAHAHAHAHA namiss ko to!!! sana nasa maayos kayo lagi author at magtuloy tuloy ang update ng kwentong ito <333
akosizig #4
Chapter 26: im baaaaack from minsan, ayos lang magpaalam <:

GRABE TONG KWENTO NA TO!!! ngayon lang ulit ako nagkatime para mag binge read pero hindi ko mapigilan magbasa chapter after chapter! nandon yung kilabot factor on how true the situation na kinalalagyan nila seulgi at irene regarding corrupt govt officials and overall corruption ng gobyerno. their characters really showed yung pagiging strong willed nila at makikita na strict talaga sila sa kaniyang mga prinsipyo! looking forward sa next update!!!
seulsbear
#5
Chapter 26: Kapag nagbabasa ako ng mga ganitong fics, feeling ko I’m seeing another side of our country, the darker side na pilit nilang tinatago. Tama nga naman na mahirap pag ang mga tao na mismo ang nagbubulag-bulagan and as someone na galing sa isang family na naniniwala always sa sinasabi ng government, it’s hard na maipakita sa kanila na mali yung paniniwala nila kasi sarado na ang isip nila from other possibilities. For my parents, the government, esp those who are under the president and, well, also him, are always speaking the truth and doing what’s right... kahit na harap-harapan na, na mali yung ginagawa nila...
Enterusername_here
#6
Chapter 24: nakakagigil yun ah. nway, excited na ako sa susunod na mangyayare
kang_ddeul
#7
Chapter 24: yung true colors ng government natin :((
Enterusername_here
#8
Chapter 18: medyo na trauma ako nung last ff, wag naman sana ulit makidnap si yeri huhu
Enterusername_here
#9
Chapter 17: Ang intense ng chapter, kinakabahan na din agad ako sa mga susunod na mangyayare.
Enterusername_here
#10
Chapter 10: Habang binabasa ko ang mga chapters, nakaramdam ako ng 3 emosyon.

1. Lungkot at saket dahil angst na naman ang love story ng Seulrene :(
2. Galit sa ginagawang ninja moves ng gobyerno. Jusko naman!
3. Naeexcite na naman ako sa mga susunod na mangyayare.

Waiting po ulit sa susunod na chapters :) Hwaiting!