Chap 6

Chapter 23, Limited Edition, Issue: Forever

"Do you think Filipinos are inherently corrupt?" Irene posited. 

Napaisip si Seulgi. "Tingin ko ang corruption naman ay hindi particular lang sa atin, pero maaring may attitude and responses sa corruption na masasabing mas pronounced sa ating kultura."

"Una, personalistic ang politics natin. So we gravitate towards people na kakilala natin o may relations sa atin in one way or another. Kunwari, kapareho ko yan ng unibersidad, pareho kaming taga-ganitong probinsiya o rehiyon, so may affinity ka sa ganung tao and you tend to "trust" them compared to those who don't share any similar variables with you." 

"Pero ang competence at trustworthiness ay dapat may objective rubrics, 'di ba? Hindi dahil sa kakilala mo lang or dahil sa malalapitan mo siya kaagad dahil nga kaklase, katambay, ka-whatever mo siya e yun na kaagad basehan o matik na kaagad na matino siya," sabi ni Irene. 

"Supposedly ganun dapat. Pero because the way things are done here in the Philippines is so cumbersome, we do not see the value of those objective rubrics. We will try to do things using personal connections. Ang tagal lumabas ng lisensya mo - baka may kakilala ka sa LTO. Ang tagal ma-proseso ng registration mo ng business permit mo, baka naman may kakilala kang may konek kay mayor o kaya sa SEC."

"Procedures and processes are extraneous modalities for us. Pero hindi rin naman tayo masisisi kasi ang bagal at ang tagal bago ma-approve ang mga bagay-bagay dito. May improvements na, pero largely, hassle pa rin talaga ang lahat. So people will cut corners - bayad dun, lagay dun." 

"That's how bribery starts." 

"It starts with small things. Tumanggap ka, nagbigay o nanghingi ng "pang-kape" o "pang-meryenda" para ma-release yung documents mo o ID mo, o anuman yan, regardless of the amount, dun na nagsisimula yan, doon na-no-normalize. Tapos pataas ng pataas ang posisyon, palaki ng palaki ang pabor o bayad," pagpapaliwanag ni Seulgi.

"Kailangan mo makuha yung clearance para matayo mo na yung subdivision mo kahit wala pang geological studies? Magbabayad or maglalagay dun sa head ng agency ng gobyernong naka-assign dito para makuha mo gusto mo." 

"Or some forms of "bribery" can best be described through political patronage. May billion-peso deal ka na gusto mo makuha which will need the nod of the powers-that-be. Bigyan mo ng pera pang-kampanya sa eleksyon. 'Pag nanalo yung kandidato, may expectation na yan na he or she will return the favor by giving what you want." 

"Nambili ka o nagpabili ka." 

"Filipinos should ask who they are between the two." 

"Pero meron namang isa pang category," Seulgi said. 

"Yung hindi nagbabayad at hindi nagpapabayad." 

"Yung nakakakita ng big picture," agree ni Irene. "Yung naiisip niya na muna, na teka, makukuha ko nga yung permit ko kung naglagay ako, pero by doing so, I'm tolerating and even supporting systemic corruption." 

"Sana all nakikita ang big picture," wika ni Seulgi. 

"Even when it comes to relationships?" reluctant na pagtanong ni Irene. 

They will have to talk about what happened to them, one way or another, alam nilang dalawa. 

"Kung nakita ko lang ba yung big picture sa atin, kung hindi ako nagpadala sa personal kung takot, tingin mo - makakayanan natin ang distansya? Na hanggang sa ngayon, tayo pa ring dalawa?" 

Seulgi looked at her and smiled, but the countenance was bittersweet.

"Siguro. Kasi ang big picture Irene, ay mahal kita, at mahal mo ako. And that love can give us the strength we need." 

"Pero walang mali sa ginawa mo o sa naramdaman mo. Malalim yung hugot bakit natatakot ka. And I respect that," pag-appease niya kay Irene. 

Hindi na sila nakapagsalita pareho. Lumapit na lang si Irene kay Seulgi at humilig sa balikat nito. 

Tumunghay sila pareho sa orasan. Ilang oras na lang, aalis na si Seulgi para rin makabalik na sila ni Yeri sa Albay. 

Balik na naman sila realidad. Hindi pa rin talaga kaya ni Irene ang LDR. Ang multo ng kahapon pa rin ang nagdidikta sa mga desisyon nila ngayon. 

"I'm sorry Seulgi," sambit ni Irene. "Mag-iingat kayo ni Yeri bukas." 

Mahal kita, she silently said.

Mahal pa rin kita, gusto sabihin ni Seulgi, pero hindi niya kaya - at in the grand scheme of things, dahil wala namang magbabago, masakit niyang napagtanto - para saan pa.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ssamee
#1
Ang ganda. Juskopo ang puso ko.
aiisaka #2
Chapter 10: Hindi ko alam bakit parang kaunti lang yung comments, nagsubscribe etcetera pero ang ganda ng flow ng story. Grabe! Galit na ako sa sistema pero parang lalo akong nagalit! Ang ganda po hehehe
akosizig #3
Chapter 27: nagbabalik ito!!! tawang tawa ako sa "nanalo ang mga kamatis" HAHAHAHAHA namiss ko to!!! sana nasa maayos kayo lagi author at magtuloy tuloy ang update ng kwentong ito <333
akosizig #4
Chapter 26: im baaaaack from minsan, ayos lang magpaalam <:

GRABE TONG KWENTO NA TO!!! ngayon lang ulit ako nagkatime para mag binge read pero hindi ko mapigilan magbasa chapter after chapter! nandon yung kilabot factor on how true the situation na kinalalagyan nila seulgi at irene regarding corrupt govt officials and overall corruption ng gobyerno. their characters really showed yung pagiging strong willed nila at makikita na strict talaga sila sa kaniyang mga prinsipyo! looking forward sa next update!!!
seulsbear
#5
Chapter 26: Kapag nagbabasa ako ng mga ganitong fics, feeling ko I’m seeing another side of our country, the darker side na pilit nilang tinatago. Tama nga naman na mahirap pag ang mga tao na mismo ang nagbubulag-bulagan and as someone na galing sa isang family na naniniwala always sa sinasabi ng government, it’s hard na maipakita sa kanila na mali yung paniniwala nila kasi sarado na ang isip nila from other possibilities. For my parents, the government, esp those who are under the president and, well, also him, are always speaking the truth and doing what’s right... kahit na harap-harapan na, na mali yung ginagawa nila...
Enterusername_here
22 streak #6
Chapter 24: nakakagigil yun ah. nway, excited na ako sa susunod na mangyayare
kang_ddeul
#7
Chapter 24: yung true colors ng government natin :((
Enterusername_here
22 streak #8
Chapter 18: medyo na trauma ako nung last ff, wag naman sana ulit makidnap si yeri huhu
Enterusername_here
22 streak #9
Chapter 17: Ang intense ng chapter, kinakabahan na din agad ako sa mga susunod na mangyayare.
Enterusername_here
22 streak #10
Chapter 10: Habang binabasa ko ang mga chapters, nakaramdam ako ng 3 emosyon.

1. Lungkot at saket dahil angst na naman ang love story ng Seulrene :(
2. Galit sa ginagawang ninja moves ng gobyerno. Jusko naman!
3. Naeexcite na naman ako sa mga susunod na mangyayare.

Waiting po ulit sa susunod na chapters :) Hwaiting!