Chap 3
Chapter 23, Limited Edition, Issue: ForeverPara sa diwatang nagparamdam sa akin ng mahika ng pag-ibig ng walang kuwestiyon, na hindi dapat kinukuwestiyon.
Ito ang nilalagay ni Seulgi sa bawat comic book na ginagawa niya noon. Kahit madalas may toyo si Irene nung naging sila nung kolehiyo, hindi siya nagsasawang suyuin ito, armed with that unique choco-milk from Elbi. She loves Irene inspite and because of her toyo moments.
Ganun din naman si Irene. Kapag nagtatampo ang oso, dadalhan niya ito ng scone at ipagluluto ng paborito niyang soup.
Aminado silang malandi at marupok para sa isa't isa.
So Seulgi thought they will have it easy. Sa isip niya, ito ang trajectory ng magiging buhay niya - magiging isa siyang vigilant vanguard ng public funds at tapat at mapagmahal na partner kay Irene. Walang masyadong sacrifices na kailangan, maliban na lang sa pag-iwan ng mga pusa niyang si Lulu at Lala sa parents niya kasi takot ang awoj niya sa hayop.
Other than that, kaya na nila lahat. Hanggang sa dulo. Ganun ang magic ng love 'di ba - it can supposedly transcend anything.
But then life happened.
After graduation, nagtrabaho for six months or so sa NGO si Seulgi kung saan siya nag-intern. Dito natutunan niya ang laws which give flesh to the rights of the citizenry to access information on public funds, including the wealth of elected officials - nandiyan ang RA 6713, na nag-re-require ng disclosure and release ng Statement of Assets, Liabilities and Networth, ang piecemeal freedom of information ordinances, etc.
Alam din niya ang flaws ng mga batas na ito at ang mga gaps sa implementation nila. Pero naisip niya, ilan kaya sa 100 million Filipinos, or kahit dun na lang sa registered voters, ang may alam ng kanilang kakayahan na makakuha ng mga ganitong information, related requests of which should be responded to by the concerned government agencies within 15 days, as mandated under the law?
Ito ang mga bagay na inaalam ni Seulgi bilang parte ng kanyang trabaho noon when she got an offer to work for a climate change academy in Albay. Sobrang saya niya - puwede niyo dito ma-apply yung budget-tracking tools na natutunan niya na nag-ta-target particularly sa DRRM funds.
Pero hindi kaya ni Irene ang LDR. During that time, nagtratrabaho si Irene for a private auditing company. Pareho lang silang nasa Maynila. Siguro, at a cursory glance, it shouldn't be that big of a deal - sa Pilipinas pa rin naman magtratabaho si Seulgi and there's a plethora of online tools they can use to communicate - pili ka sa Skype, Facebook, viber, whatsapp.
Pero lahat ng sugat ay may istorya.
"I'm sorry," sabi ni Irene sa kanya habang umiiyak. "Hindi ko kaya Seulgi. I don't want to be like my mom."
Separated ang parents ni Irene. Her father worked as a plantation manager in Mindanao, habang nasa Laguna sila ng mom niya. Noong una, umuuwi pa father niya sa kanila.
Tapos dumating na lang ang panahon na hindi na.
"We're not our parents, Irene," sumamo ni Seulgi, a week before she left. Gusto pa rin niya sumubok kahit na sinabi ni Irene na ayaw na niya.
"Alam ko - pero my father also promised my mom that he will be faithful. Look what happened to them," Irene cried out.
Napatahimik na lang si Seulgi. Talo na siya. Natalo siya ng takot ni Irene. Pero hindi naman niya ito masisisi.
"I love you. I love you. I love you," paulit-ulit na sambit ni Seulgi. "Kahit nandito na tayo sa dulo at ito na ang huli."
Niyakap siya ng mahigpit ni Irene. "Ipagpatuloy mo yung pangarap mo doon.Pati na - pati na yung pagsulat mo at pagdibuho ng comic books mo."
"Pero ano pang isusulat ko?" tanong ni Seulgi, her voice breaking.
"Kung paano tayo natapos?" sabi niya, habang umaagos ang luha sa kanyang mga mata.
Yun na ang huling pagkikita nila ni Irene. A week after, on her way to the airport, ang lakas lang ng trip ng mundo at yung tumugtog sa taxi na nasakyan niya ay "Before I Let You Go" ng Freestyle.
Bago pa nagkaroon ng sawi songs ang December Avenue, Ben & Ben at kung sino pa, ito ang OG wasak song.
"I can still remember yesterday, we were so in love in a special way.."
Humahagulgol na si Seulgi nung dumating ang parteng bridge, yung may pamatay na falsetto ni Top Suzara.
"Before I let you go, I want to say I love you."
Nung dumating siya sa Albay, ito na lang nasabi niya habang nakatitig sa Mayon - ang perfect ng cone. And this pain she's feeling - in its rarity and depth - is also heartbreakingly perfect.
Comments