Chap 7
Chapter 23, Limited Edition, Issue: ForeverMalalim ang sakit ng unang paghihiwalay, pamamaalam. Pero may iba ring kalakip na pait ang pamamaalam sa pangalawang pagkakataon.
Yung sa una, masakit kasi kahit gaano mo kamahal ang isang tao, may mga bagay at situwasyon na alam mong hindi mo kaya; yung sa pangalawa, mas masaklap kasi kahit pala ilang taon na ang nakalipas, napatunayan mong hindi mo pa rin pala kaya talaga.
Iba yung lukso ng puso ni Irene nung nalaman niyang kahit limang taon na ang nakalipas, wala pa ring ibang minahal si Seulgi ng tulad nung inilaan nitong pagmamahal sa kanya. For a moment, it made her want to rethink things, to reconsider her decision.
But only for a moment.
Kasi habang kasama niya si Seulgi nung gabing bago ito bumalik sa Albay, habang tahimik siyang nakahilig lang dito, the sound of the clock ticking mocking her, nag-flash sa isip niya yung scenes of despair that her mother had to experience when her father left them for another woman.
Whatever elation, longing, or hope that she felt when she saw Seulgi again was doused with cold water as she recalled those nights when she had to listen to her mom weep and call out her father's name, begging him to come back.
Naalala niya minsan, nanood sila ni Seulgi kasama si Wendy and Joy ng isang Lizquen film, yung My Ex and Whys.
Liza Soberano's character had this memorable line - 'yung pangit ba ako, kapalit-palit ba ako...', yung parteng yun. Iba ang sakit ng linyang yun kasi tama siya - 'pag ang babae, o ang tao, period, niloloko, hindi naman sila nasasaktan dahil sa selos lang.
Nasasaktan sila kasi being cheated on, the act of being betrayed and left for someone else leaves them feeling inadequate.
May kulang sa kanila. Hindi sila naging sapat.
Nag-breakdown si Irene pagkapanood ng movie na yun. Seulgi had to hold her in her arms and console her as she cried the whole night.
Naalala ni Irene yung unti-unting pagkaupos ng mom niya. Her mom was a well-respected professor sa applied sciences, a loving wife, a good person.
Pero umalis pa rin ang tatay niya. Iniwan pa rin para sa iba ang nanay niya.
Kaya hindi niya kayang tumaya. Ayaw niyang dumating ang araw na bigla na lang sabihin ni Seulgi na hindi siya sapat para sa kanya.
"Alam mo girl, naiintindihan ko naman bakit hindi mo kayang sumugal, bakit iba ang doubts mo sa LDR," alo sa kanya ni Joy habang umiinom sila, a week after Seulgi has left and returned to Albay.
"Pero sobrang hinayang na hinayang lang talaga ko sa inyong dalawa. Pangalawang chance niyo na sana 'to e."
"Tama si love," pag-agree ni Wendy. "Who would have thought na after five years, nasa posisyon ulit tayo na ganito, dadalhan ka ulit namin ng Red Horse at magngangawa ka na naman for the same reason."
"Pota ka Wendy," singhot ni Irene.
"Pero totoo naman kasi," depensa ni Joy. "The only difference is, mas sosyal na pulutan natin. Dati kropek lang tsaka mani, ngayon may vegan sisig and baked goodies tayo courtesy of our resto ng love ko."
Nag-apir si Wendy and Joy.
"Mag-walwal ka na lang pala Irene, we support. Nakakatulong ka na sa ekonomiya ng resto namin, pati dun sa farmers kung saan namin binibili ang ingredients namin, nagagawa mo pang mag-grieve properly sa kasawian mo sa lovelife."
"Mga pakshet kayo," bunghalit ni Irene, sabay iyak ulit.
Dumating ang Feb.14. It's been two months.
Hindi alam ni Irene kung nang-aasar lang ba sila Wendy and Joy pero dinalhan siya ulit ng mga ito ng nomi at vegan pulutan.
Habang nakikinig sa medley ng sawi discography ng Pinoy artists (from Kyla's Hanggang Ngayon to her duet with Kamikazee, Huling Sayaw), biglang tumunog Signal app niya.
"Hello? Shino po shila?" sabi niya, her words already slurred dahil lasing na siya.
"Irene, si Seulgi 'to."
Tanggal bigla amats niya.
Comments