Chap 12

Chapter 23, Limited Edition, Issue: Forever

"Sa pananaw niyo po ba, ang partisipasyon po ninyo sa demokrasya ay nagsisimula at natatapos sa tanging pagboto?" 

Tinanong ito ni Seulgi sa kaharap ninyang kooperatiba ng mga magsasaka at mangingisda aa Leyte. 

"Ito naman po talaga ang karaniwang paniniwala. Pero mayaman po ang mga batas ng bansa, at binigyan tayo ng kakayahan nito na magkaroon ng direktang impluwensya sa mga proseso na humuhugis  sa pinaka-importanteng aspeto ng pamamahala."

"Halimbawa po, puwede kayo mag-intervene sa paggawa ng mga batas at polisiya, simula sa konseho hanggang sa Senado, hanggang sa pangulo."

"Puwede po kayo lumahok sa pagpaplano kung saan ba dapat mapunta ang pondo ng bawat LGU." 

"Paano po?" pagklaro ni Aling Regina, ang presidente ng mga magsasaka sa isang barangay doon. 

"May pagtitipon for civil society organizations or CSOs na ginagawa sa paghahanda ng budget. Ang mga CSOs na ito ay maaring magbigay ng suhestiyon at komento sa development council o konseho tungkol sa programa at proyekto na popondohan." 

"So may boses po kami?" takang tanong ni Mang Leroy, isang mangingisda. 

Napabalisa ng bahagya si Seulgi ng narinig niya ang pagkagulat sa boses ni Mang Leroy. Napatingin sa kanya si Jennie, ang DRRM officer sa Leyte na kaibigan niya, as if sensing Seulgi's deep-seated melancholia. 

Malungkot at masakit pa rin para kay Seulgi kapag nakikita niya yung disbelief ng mga mamamayan sa katotohanang may boses sila sa lipunan. 

"Opo, may boses po kayo," sagot ni Seulgi. 

But she knows where that disbelief is coming from. 

"Hindi nga lang napapakinggan." 

"Hindi nga lang pinapakinggan" - biglang sabi ni Yeri, na dumalo din sa training na ito on participatory budgeting.  

It's personal for her - dahil mangingisda ang mga pumanaw na magulang ni Yeri. Namatay sila sa kasagsagan ng bagyong Yolanda. 

"At ngayong alam po ninyo na may boses po kayo, na puwede po kayo makialam at puwede ninyo klaruhin kung saan inilalagay ang budget ng barangay, siyudad at probinsiya ninyo, may gusto lang po akong itanong," pagpapatuloy ni Seulgi.

Tumingin siya kay Jennie. The latter nodded, prodding her to go on.

"May kumausap po ba sa inyo kamakailan na nagsaad ng ukol sa pagbibigay sa inyo ng abono, seedlings, o pera?"

"Ay meron po. Pero tungkol po diyan, itatanong ko rin po pabalik - bakit po hanggang ngayon wala pa rin yung pinangako sa aming abono at seedlings ng isang kaibigang NGO ng ahensya ng agrikultra?" pag-uusisa ni Aling Regina. 

Napatigil si Seulgi at Jennie. 

"Ano pong NGO? Sino po nakausap ninyo?"

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ssamee
#1
Ang ganda. Juskopo ang puso ko.
aiisaka #2
Chapter 10: Hindi ko alam bakit parang kaunti lang yung comments, nagsubscribe etcetera pero ang ganda ng flow ng story. Grabe! Galit na ako sa sistema pero parang lalo akong nagalit! Ang ganda po hehehe
akosizig #3
Chapter 27: nagbabalik ito!!! tawang tawa ako sa "nanalo ang mga kamatis" HAHAHAHAHA namiss ko to!!! sana nasa maayos kayo lagi author at magtuloy tuloy ang update ng kwentong ito <333
akosizig #4
Chapter 26: im baaaaack from minsan, ayos lang magpaalam <:

GRABE TONG KWENTO NA TO!!! ngayon lang ulit ako nagkatime para mag binge read pero hindi ko mapigilan magbasa chapter after chapter! nandon yung kilabot factor on how true the situation na kinalalagyan nila seulgi at irene regarding corrupt govt officials and overall corruption ng gobyerno. their characters really showed yung pagiging strong willed nila at makikita na strict talaga sila sa kaniyang mga prinsipyo! looking forward sa next update!!!
seulsbear
#5
Chapter 26: Kapag nagbabasa ako ng mga ganitong fics, feeling ko I’m seeing another side of our country, the darker side na pilit nilang tinatago. Tama nga naman na mahirap pag ang mga tao na mismo ang nagbubulag-bulagan and as someone na galing sa isang family na naniniwala always sa sinasabi ng government, it’s hard na maipakita sa kanila na mali yung paniniwala nila kasi sarado na ang isip nila from other possibilities. For my parents, the government, esp those who are under the president and, well, also him, are always speaking the truth and doing what’s right... kahit na harap-harapan na, na mali yung ginagawa nila...
Enterusername_here
#6
Chapter 24: nakakagigil yun ah. nway, excited na ako sa susunod na mangyayare
kang_ddeul
#7
Chapter 24: yung true colors ng government natin :((
Enterusername_here
#8
Chapter 18: medyo na trauma ako nung last ff, wag naman sana ulit makidnap si yeri huhu
Enterusername_here
#9
Chapter 17: Ang intense ng chapter, kinakabahan na din agad ako sa mga susunod na mangyayare.
Enterusername_here
#10
Chapter 10: Habang binabasa ko ang mga chapters, nakaramdam ako ng 3 emosyon.

1. Lungkot at saket dahil angst na naman ang love story ng Seulrene :(
2. Galit sa ginagawang ninja moves ng gobyerno. Jusko naman!
3. Naeexcite na naman ako sa mga susunod na mangyayare.

Waiting po ulit sa susunod na chapters :) Hwaiting!