Chapter 14

UNCOVER
Please Subscribe to read the full chapter

"Kahit hindi mo na ako maalala, basta bumalik ka lamang sakin"-author.

 

"What the hell is that, Irene! Omaghad", hindi makapaniwalang sabi ni Jennie habang lumalakad pakanan at pakaliwa sa kwarto ni Irene.

 

Matapos ang meeting hindi muna nagsalita si Jennie. At kung alam niyo lang gaano niya pinigilan ang magwala sa mismong meeting pero nasa wisyo pa siya kaya nagtimpi muna. Ngayon nasa bahay na sila ni Irene tinatadtad niya ito ng mga tanong pero walang imik dito.

 

"Ano ba kase nangyari. Dahan dahanin mo kase. Pagsabat ni Joy na kumakain na naman ng chips.

 

"Imagine Joy. Imagine. Hinamon niya si Seulgi na siya ang makakakissing scene niya? Imagine? Kung hindi pagiging desperada yun hindi ko na alam anong tawag", napahawak na ang dalawang kamay ni Jennie sa ulo nito.

 

"Ano naman sayo", sabi ni Joy. Hindi ito patanong pero sinasabi niya talaga.

 

"What? Gusto mo ba magmukhang desperada ang kaibigan natin? Gusto mo ba siya na siya yung naghahabol sa taong hindi siya maalala na hindi naman gumagawa ng paraan para makaalala", inis na sabi ni Jennie.

 

Pero nakatulala parin si Irene. Naririnig niya yung mga pinag-uusapan nung dalawa pero mas malakas yung boses na naririnig niya ngayon sa isipan niya. Boses ni Seulgi. Kung paano niya siya tawagin sa pangalan nito. Kung paanong ang mga corny na jokes na binibitawan niya ay nagdudulot ng saya sa kanyang mukha. Kung paanong gaano kalambot ang puso niya na huwag makasakit ng iba. Seulgi. Taong kahit nakaupo lang. O kahit anoman ang ginagawa niya, napapasaya siya nito. Basta nasa tabi lamang siya ni Irene.

 

Maaari ngang pagiging desperada ang ginawa niya kanina. Ngunit wala na siyang choice. Gustong gusto na niyang bumalik si Seulgi sa kanya. Kung yun na lamang ang paraan para maalala niya siya. Gagawin na niya lahat. Kumbaga parang nauubosan na siya ng oras. Bawat araw na lumilipas nasasayang. Sapat na. Sapat na sapat na yung ilang taong hinayaan niyang si Seulgi mismo ang bumalik sa kanya. Sapat na yung ilang taon na hinintay niyang baka isang araw maalala siya ulit nito. Na kahit nasa gilid lang siya walang gawin ay kusang babalik siya sa kanya.

 

Binigyan lamang ni Irene si Seulgi ng isang araw na palugit. Its either tanggapin niya yung offer or she will dump the movie. Kinakabahan siya. She want to continue pero kung hindi siya susugal sa mas mabigat na paraan baka tuloyan nang mawala sa kanya si Seulgi. Na minsan naiisip niyang kahit hindi na niya maalala yung nakaraan nila. Basta bumalik lang si Seulgi sa kanya. Hindi na siya naniniwala na tadhana ang magdidikta kung kayo talaga kundi ikaw ang magdedesisyon. Ikaw ang lalaban para sa taong mahal mo. Ikaw ang gagawa ng paraan maging kayo lamang hanggang dulo.

 

This is what she's doing right now. Itinigil na niya ang umasa sa tadhana at siya na mismo ang gumagawa at nagdedesisyon sa sarili niyang tadhana, sa tadhana nila ni Seulgi. Naisip narin niya ang mga pwedeng mangyari at mangyayari pero alam niya sa sarili niya. Alam niyang mas worth it yung kumapit pa kaysa bitawan ulit si Seulgi. Dahil alam niya sa sarili niya. Muntik na siyang mabaliw nung nawala si Seulgi sa kanya and that's the least thing she would do or rather that's the thing she will never let to happen. Again.

 

"Rene. Are you even listening?", at nabalik na siya sa wisyo ng hawakan siya ni Jennie sa balikat.

 

"Uh. Huh?", tugon lamang nito.

 

"Madam. Focus. May Seulgi pa tayong babawiin", pabirong sabi ni Joy.

 

"My. Seulgi", pagdidiin ni Irene sa "my".

 

"Relax madam. Di ko naman sinabing akin siya", natawa si Joy. "Sayong sayo lang siya ano", at uminom na si Joy ng soda dahil naubos na niya ang chips na kinakain niya kanina.

 

"Yun nga. Sakin lang siya. Dapat. Pero paano ko aangkinin yung taong hindi naman naaalalang akin siya. Na sa kanya ako. Ni gusto nga niyang makipag kissing scene ako sa iba", sabi ni Irene at napabuntong hininga.

 

"Yan. Yan. Yan sinasabi ko. Nasobrahan mo nang kakakain ng siopao kaya naging asado ka. Subukan mo kaya lumaklak ng kape para din magising ka sa katotohanan", irap ni Jennie.

 

"Katotohanan na ano? Na wala na? Na kailanman hindi na niya ko maaalala?", mejo natagalan si Irene sa pagbigkas ng huling salita dahil naluluha na siya habang sinasabi ang bawat salitang binibitawan niya.

 

"Hindi naman sa hindi na kailanman, Rene. Pero sana naman ilugar mo rin. Hindi yung harap harapan nang nagpapakatanga ka. Na desperada ka. Hindi ako galit na gusto mong maalala ka niya. Galit ako dahil sa harapan ng ibang tao pinapakita mo kung gaano ka katanga. At ayokong isipin nila na dahil lang kay Seulgi nagkakaganyan ka", hinawakan ni Jennie si Irene para icomfort siya dahil umiiyak na ito.

 

"Hindi "lang" kase si Seulgi, Jen. Hindi lang siya "lang". She's more than that. Half of me is lost simula nung she's out of my reach", sabi ni Irene na napahagulhol na. Hindi niya alam ilang luha na ang nailuha niya simula nung mawala si Seulgi. Ang alam lang niya hindi titigil ang pagluha niya hangga't hindi si Seulgi ang kapiling niya.

 

"Madam, pano kung umayaw siya?", tanong ni Joy sa ilang minutong katahimikan.

 

"Hindi ko alam Joy", napakagat ng labi si Irene.

 

"Ipupullout mo ba ang contract?", tanong ni Jennie.

 

"Yun na lang yung alam kong last card ko. Kung hindi pa siya papayag sa kissing scene. Wala na ko magagawa. Kase nakikita ko rin na sawa na siya sa pagbabanta ko about sa pag-urong ng kontrata. I know one time papayag na siya kase puni na siya ganun", sagot ni Irene.

 

"So ano nga madam? Uurong ba? O itutuloy mo kahit hindi na siya makakissing scene mo?", tanong ulit ni Joy.

 

"Mas pipiliin ko nang umurong. Kaysa halikan ang taong hindi naman siya. Mas pipiliin ko nang kamuhian niya ako magpakailanman. Kaysa sirain yung pangako kong siya lang ang una at huli", sabi ni Irene at hindi na nakapagsalitang muli ang dalawa. Namangha na lamang sila kung paano magmahal si Irene kay Seulgi. Na kahit hindi niya ito naaalala kapakanan parin niya ang iniisip niya. Yung kung anong nakakabuti parin sa kanya ang iniisip at iisipin niya. Kung hindi totoong pagmamahal ito wala nang ibang mahahanap na ibig sabihin ukol dito.

 

-----

 

"I'm up for it if you're the one I will kiss"

 

"I'm up for it if you're the one I will kiss"

 

"I'm up for it if you're the one I will kiss"

 

"I'm up for it if you're the one I will kiss"

 

"I'm up for it if you're the one I will kiss"

 

"Damn it! Actres Bae! I hate you!", sigaw ni Seulgi at hinawakan ang dalawang tenga niya.

 

Matapos kasing sabihin ni Irene ang mga salitang ito hindi na mawala wala sa isip niya. Paulit ulit niyang naririnig ang boses ni Irene sa utak niya. Kung paano niya ito sabihin at kung paanong nakikita niya yung maliit na smirk nito na parang naghahamon.

 

"Hoy. Seulgi! Ano yung kumalabog?", tanong ni Lisa na dali daling pumasok sa opisina ni Seulgi.

 

"Taena ni actress Bae", sa sinabing to ni Seulgi ay biglang natawa si Lisa.

 

"Anong nakakatawa?", sabi ulit ni Seulgi.

 

"Kung nakikita mo lang ang itsura mo ngayon direk. Pati ikaw matatawa rin", pangaasar parin ni Lisa na natatawa.

 

"Nakakainis", bulong ni Seulgi.

 

"Binabalik lang sayo ni actress Bae yung ginagawa mo sa kanya, Seul", tumigil na sa pagtawa si Lisa at naupo na sa harap ni Seulgi.

 

"Anong ibig mong sabihin?", tanong ni Seulgi.

 

"Gusto mo siyang makipag kissing scene sa isang random na tao---"

 

"Hindi nga siya random lang na tao. Sinabi ko naman na---"

 

"Nagsasalita ako wag kang epal jan", sabi ni Lisa. "Pwede na ba ko magpatuloy?", tumango lang si Seulgi at nagpout.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
incorrecthyun
Meron ako ginawang playlist para sa ff na to skskskksk pakicheck na lang foreword po hehez
Poll

Pumili kayo ng mabuti hahaha

Results

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
30 streak #1
Reread
foneall #2
Is there the english version of this story?
i really wanna read this story😭😭😭
its_aaarrriii
30 streak #3
Chapter 16: Reread before magslep, bading bading bading
reveluv316 769 streak #4
Chapter 26: loved this story
serenedipitea
#5
Chapter 26: mindblown sa plot twist <333
snowtaems
#6
I was so happy to check the plot until no english 😭
Oct_13_wen_03 63 streak #7
Can u translate in English, I really want to read 😭
zjkdlin0121 #8
Chapter 26: nung nabasa ko yung ending gets kona agad na nag acting lang pala sila haha
Jensoo4everlove #9
Why is this not in English 😭😭
beartokkin
#10
Chapter 1: nooooooooo i am so sad i was so excited to read it and then i saw that it is in another language :((((((