Chapter 5

UNCOVER
Please Subscribe to read the full chapter

Panibagong araw na naman. Nakaupo lang si Seulgi sa kanyang opisina. Nakatingin sa tanawin habang nakahawak sa isang tasang kape. Akala mo isang linggo na ang nakalipas simula nung mameet niya ang mga tao ni Irene pero dalawang araw pa lamang ang nakakalipas. At oo, hindi pa siya umuuwi sa dalawang araw na yun naging tahanan niya ang kanyang opisina. Pressured? Oo. Kabado? Oo. Gusto niyang maperpekto ang project na to. Kung pwede nga magpaplan A-Z siya para lang mapapayag si Irene sa kissing scene. Isang kissing scene lang at yun ang ng story.

 

Paulit ulit niyang binabasa ang script. Hindi lang sampung beses niya ito binasa simula kagabi. Parang kulang pa ito para sa kanya. Parang may wala, kumbaga sa pagkain kulang ng lasa at kailangan nito ng asin. Kaso hindi niya alam kung ano yung kulang sa script. Pero ang sabi ni Lisa siguro daw ganyan si Seulgi kasi nga hindi niya mapapayag ang lead actress niya sa kissing scene kaya parang feeling niya yung script ang kulang.

 

Sa totoo lang hindi ganun katagal ang filming ng uncover. Maybe a month will do or so. Matatagalan lang siguro sa editing part kase nga perfectionist ang ating direktor. Nabalik siya sa katinuan ng may kumatok sa pinto ng kanyang opisina.

 

"Pasok", sabi niya.

 

"Hays. Seryoso ka? Di ka pa talaga umuuwi ang baho mo na", sabi ni Lisa na pumasok habang tinatakpan ang ilong.

 

"Kaya nga may silbi yung bathroom eh diba at couch", irap na sabi ni Seulgi.

 

"Ano? Stress ka parin ba jan kay Irene the great? Hanggang ngayon iniisip mo parin ba paano siya papapayagin sa kissing scene?", inis na sabi ni Lisa at naupo sa upuan na nasa harap ni Seulgi.

 

"Hindi ah. Mejo tanggap ko na na matigas yun pagdating sa kissing scene. Problemahin na lang natin yan pag anjan na", sabi ni Seulgi na nakatingin sa script.

 

"Then what bothers you, Seulgi?", seryosong tanong ni Lisa.

 

"Ready na ba ko mag come out sa mundo using uncover?", then Lisa suddenly stanned. Matagal nang gusto ni Seulgi na ipakita sa lahat kung sino siya. Kung ano siya. Pagod na siya sa mundong walang equality na ang tingin sa babae ay mahihina. Kaya nga she worked hard. Gusto niyang ipakita sa mundo na hindi lang lalake ang magaling sa larangan ng pagiging direktor kundi pati babae. Hindi lang lalake ang magaling sa ganito ganyan pero pati ang mga babae. Did Seulgi just lost some self confidence dahil sa mga pangyayari these past few days?

 

"Huy. Bat ka natulala?", tanong ulit ni Seulgi dahil hindi nakasagot agad si Lisa.

 

"Akala ko ba ready ka na nun pa? Kaya nga sinulat mo ang uncover diba?", sagot na tanong ni Lisa.

 

Si Seulgi naman ang sunod na natulala. Those were the days na ready na siya. Pero ngayon naguluhan siya.

 

"Hindi ko alam", sagot niya kay Lisa.

 

"Anong hindi mo alam. Panong hindi mo alam?", confused na tanong ni Lisa.

 

"Pagod mo lang siguro yan. Sa dami ng iniisip mo kaya ganyan", pahabol ni Lisa.

 

"Natatakot ka na ba sa sasabihin ng mga tao?", tanong ulit ni Lisa kase hindi na makapagsalita si Seulgi na parang ang lalim na ng iniisip. Napatingin naman si Seulgi sa kanya at kumunot ang noo.

 

"Kung ganun din lang naman bat kelangan pa gawin tong movie na to? Kung takot ka rin lang. Seulgi, hindi lang naman ikaw yung magcocome out", galing nang sabi ni Lisa.

 

"Normal lang naman na matakot din ako. Kase tao din lang naman ako", depensa ni Seulgi.

 

"Normal na matakot pero hindi normal na it will get into you yung mga sasabihin nila", Lisa snapped.

 

"Yeah", wala nang nagawa si Seulgi kundi mag agree sa kanya.

 

"Ngayon pa Seul? Ngayon pa na nandito na tayo? Ngayon ka pa pinanghinaan ng loob? Pagod na pagod na tayo sa industriyang to na kapag nalaman nilang iba ka sa kanila o malaman nilang katulad natin ang gusto natin iluluwa ka. Like why? Anong mali dun? Kelan ba naging mali na magmahal ka?", and Lisa burst all of it.

 

"Hindi lang tayo yung ganito Seul. Hindi lang tayo yung naaattract sa same . Alam mo yan. Marami lang talagang takot dahil sa discrimination ang let's stand for them, shall we?", dagdag ni Lisa sa sinabi niya.

 

"Your words help me a lot", sabi ni Seulgi habang hawak ang tasa ng kape gamit ang dalawang kamay niya.

 

"Kailan ba hindi nakatulong ang mga payo ko? I'm always right you know?", maangas na sabi ni Lisa habang nakasmirk.

 

"Anyways. Maayos na ba mga filming sites at mga gagamitin?", tanong ni Seulgi. Inignore ang kaangasan ng bff niya.

 

"Oo okay na sabi sakin ni Rosé. Pati mga tents okay na. Okay narin mga gagamiting camera at sasakyan. Pati closet okay narin pagcoconfirm ni Chu. Tsaka hindi naman na kailangan ng make up artist para sa lead actress kase anjan na si Joy. Tas sa music inaayos ko na. Sabi rin ni Wan ready na siya at si Yeri tamang kayod sa pagiging assistant", sagot ni Lisa na napatawa lang ng konti si Seulgi. Inutusan kase niya si Yeri na aralin mga basic na ayos ng camera and such kaya nagpapakabusy. Kumbaga pagiging cinematographer na ang nakatoka sa kanya. Hindi naman mahirap para kay Yeri yan kasi nga may background naman siya sa profession na yan.

 

"So Monday next week. Let's start", sabi ni Seul bago humigop sa kape niya.

 

"Sure do, direk! Alis narin ako. Babush!", sabi ni Lisa at tumayo na.

 

"Lili", tawag ni Seulgi at alam ni Lisa na seryoso siya pag ganyan ang tawag niya sa kanya.

 

"Yes?", respond ni Lisa na hawak hawak ang doorknob.

 

"Thank you", sabi ni Seul nang nakangiti.

 

"Always, we're not friends for nothing you know", sabi ni Lisa at tuloyan nang lumabas sa opisina ni Seulgi.

 

Naiwan naman siyang malawak ang ngiti. Kahit kailan talaga hindi nagmintis sa pagpapayo si Lisa sa kanya eversince. Through her ups and downs lalo nung mga panahong pasuko na siya. Laging nanjan si Lisa. Ofcourse anjan din ang iba pero si Lisa binabantayan talaga niya si Seulgi nun hanggang makatulog and if that's not true friends are alam din nilang hindi yan true love kase duh meron din talagang relasyon na hanggang pagkakaibigan lang at alam nilang pareho yun, hindi sila talo.

 

---

 

"Rene", tawag ni Jennie.

 

"Yeah?", respond ni Irene na hindi tumitingin kay Jen.

 

"Alam mo bang tawag na sayo eh Irene the great? Nawala na yung Madame of industry", tawang sabi ni Jennie habang nagiscroll sa phone niya.

 

"Ano ngayon?", sagot ni Irene.

 

"Eh yun kase tawag kay director Kang nun. Kang the great tas ngayon napunta na sayo", biglang nagkainterest si Irene at napatingin kay Jennie.

 

"Talaga? Bakit daw Kang the great?", interesadong tanong ni Irene.

 

"Di ko lang sure. Pero di mo ba kita? Siya lang yung babaeng direktor na sobrang galing. Natapatan pa niya yung ibang lalakeng direktor sa larangan na to kaya natawag siyang Kang the great", sagot ni Jennie na nakatingin parin sa phone niya. Bigka naman napasmirk si Irene na parang proud sa nalaman niya. Napansin ni Jennie to kaya napatingin siya kay Irene. 

 

"Ano nginingiti mo jan?", pagtataray ni Jennie.

 

"Wala lang bawal ba mapangiti? Ano ba ginagawa mo ha?", pasulyap ni Irene sa phone ni Jennie.

 

"Ah. Seriously Jen? Stop lurking on twitter at sa mga nangyayari jan", inis na sabi ni Irene.

 

"Bakit ba. Gusto ko malamang opinyon nila sayo. Tsaka about sa movie. Pero mukhang wala pa. Mukhang di pa alam ng mga stalker mo", sabi ni Jennie at nagpatuloy sa pagscroll.

 

"Pinapahamak mo lang sarili mo. Alam mong bawal satin yan eh. Anong acc gamit mo? Yung sa agency ba?", tanong ni Irene.

 

"Hindi ah. May stan acc ako. Gagawa sana ako ng fan acc na may hate sayo kaso wag na nakakaawa na masyado daming may ayaw sayo", pangiinis ni Jennie..

 

"Ayaw da huh", smirk ni Irene.

 

"Pero sa totoo lang dameng may crush sayo. Kumbaga ikaw talaga type ng mga kalalakihan at mga babae", sabi ni Jennie.

 

"Maliit na bagay", maangas sabi ni Irene.

 

"Pero si director Kang crush ng buong sangkabaklaang Pilipino eh. Mapalalaki man, babae, bakla o tomboy, baliw sa kanya eh. Dame ko nakikita sa twt", si Jen naman ang sumunod n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
incorrecthyun
Meron ako ginawang playlist para sa ff na to skskskksk pakicheck na lang foreword po hehez

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
30 streak #1
Reread
foneall #2
Is there the english version of this story?
i really wanna read this story😭😭😭
its_aaarrriii
30 streak #3
Chapter 16: Reread before magslep, bading bading bading
reveluv316 769 streak #4
Chapter 26: loved this story
serenedipitea
#5
Chapter 26: mindblown sa plot twist <333
snowtaems
#6
I was so happy to check the plot until no english 😭
Oct_13_wen_03 64 streak #7
Can u translate in English, I really want to read 😭
zjkdlin0121 #8
Chapter 26: nung nabasa ko yung ending gets kona agad na nag acting lang pala sila haha
Jensoo4everlove #9
Why is this not in English 😭😭
beartokkin
#10
Chapter 1: nooooooooo i am so sad i was so excited to read it and then i saw that it is in another language :((((((